• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 10th, 2021

JUSTIN BIEBER, nakatanggap nang matitinding bashing dahil sa short dreadlocks at pinag-a-apologize

Posted on: May 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP ng matitinding bashing sa social media si Justin Bieber dahil sa kanyang bagong hairstyle.

 

 

Nagpa-short dreadlocks si Bieber para sa release ng kanyang bagong album. Pero imbes na maraming matuwa, binash ang pop singer dahil sa inasal niyang

 

 

“cultural appropriation and racial insensitivity.”

 

 

Ayon sa isang concerned netizen: “Dreadlocks are traditionally connected to the culture and identities of Black people, and wearing them is viewed by some as cultural appropriation.”

 

 

Marami ring mga black women ang na-offend sa dreadlocks ni Bieber dahil disrespectful daw ito sa kanilang kultura at kailangan niyang mag-apologize.

 

 

Noon pa man ay laging pinupuna si Bieber for racial insensitivity.

 

 

Back in 2014, inatake si Bieber ng Black community dahil sa pagbigkas nito ng N-word at gawin pa itong racist joke sa isang nag-viral na video.

 

 

***

 

 

BAGAY na bagay ngayong summer ang newest single ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose na pinamagatang “Free”!

 

 

Tila mapapasayaw ang mga fans at listeners sa good vibes na dala ng awitin. Ipinamalas din ng Kapuso star ang kanyang rapping skills dito! Balita namin, exciting at bongga ang official music video nito na malapit na ring i-release.

 

 

Hindi talaga maikakaila ang galing ni Julie hindi lang sa pagsayaw at pagkanta, pati na rin sa pag-arte bilang si Heart sa pinakabagong GMA primetime series na Heartful Cafe. 

 

 

Samantala, napapanood din as a mainstay performer si Julie sa weekend variety show na All-Out Sundays.

 

 

***

 

 

SI The Clash Season 2 1st Runner Up Thea Astley ang boses sa likod ng dalawa sa official soundtracks ng top-rating GMA primetime series na First Yaya ang  “Isang Tulad Mo” at “Ang Puso Kong Ito’y Sa’yo.”

 

 

Ayon sa kaniya, thankful at overwhelmed daw siya sa tiwalang ibinigay ng GMA sa kaniyang talento, “Hindi ko ma-explain kung gaano kasaya and kung gaano ka-overwhelming ‘yung feeling of gratefulness and being blessed.

 

 

Hindi ko talaga ini-expect that there would come an opportunity like this, to sing a theme song for a very big show kaya sobrang thankful ko and saya when I recorded it. Both of the songs are really nice and wonderful to listen to.”

 

 

Puwede nang mapakinggan ang “Isang Tulad Mo” at “Ang Puso Kong Ito’y Sa’yo” sa GMA Playlist sa YouTube!

 

 

Napapanood din si Thea bilang isa sa mainstay performers ng weekend variety show na All-Out Sundays sa segment na ‘Queendom’ kasama sina Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, at Lani Misalucha.

(RUEL J. MENDOZA)

DOH: Pagtuturok ng AstraZeneca COVID-19 vaccines, itutuloy na

Posted on: May 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Itutuloy na ng Pilipinas ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines na gawa ng Oxford University at British pharmaceutical company na AstraZeneca.

 

 

Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) matapos na pansamantalang ipatigil ang pagbabakuna gamit ang naturang vaccine brand.

 

 

“Based on current evidence, Vaccine-Induced Thrombosis and Thrombocytopenia (VITT) is a very rare condition of blood clots associated with low platelet counts that can occur 4 to 28 days after receiving a viral vector vaccine such as AstraZeneca,” nakasaad sa statement.

 

 

“It was concluded that there are currently no known risk factors for VITT and that the benefits of receiving the vaccine against COVID-19 still outweighs the risk.”

 

 

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, bunga ng pagpupulong ng ahensya, Food and Drug Administration, at Philippine Society of Hematology and Transfusion Medicine Inc. ang desisyon na ituloy ang pagbabakuna ng AstraZeneca vaccine.

 

 

Kung maaalala, sinuspinde ng DOH at Food and Drug Administration noong nakaraang buwan ang pagtuturok ng AstraZeneca vaccines sa mga edad 59-anyos pababa.

 

 

Hindi naman naapektuhan ang pagbabakuna ng nasabing vaccine brand sa mga senior citizen.

 

 

Kasunod ito ng mga naitalang insidente ng “blood clotting” at mababang platelet count sa ilang nabakunahan sa Europa at Estados Unidos. (Daris Jose)

Covid 19 positive Filipino crew members mula India tinutulungan ng DOTr

Posted on: May 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mula sa maritime sector ng Department of Transportation (DOTr) kasama ang Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Ports Authority (PPA), Philippine Coast Guard, kasama ang mga ahensiya ng One-Stop Shop (OSS) ng Port of Manila ang nagsama sama upang bigyan ng assistance ang Filipino crew members sakay ng MV Athens Bridge mula India na may COVID 19.

 

 

Ayon sa shipping agent ng MV Athens Bridge, ang nasabing vessel ay umalis ng India noong April 22 at dumating ng Haiphong, Vietnam noong May 1 upang kunan sila ng RT-PCR Test. Noon nalaman na may 12 Filipino ang nag positibo sa COVID 19 mula sa 21 na crew members na Filipino na sakay nito.

 

 

Noong May 6 naman nakakuha ng mensahe ang PCG mula sa captain ng barko upang magsagawa ng medical evaluation ng 2 crew members na may kritikal na condtion na nangangailangan ng medical care.

 

 

Nang panahon yoon, ang MV Athens Bridge ay malapit na sa Corregidor Island na may 12 nautical miles ng island.

 

 

“Upon securing clearance from Bureau of Quarantine (BOQ) and the Department of Health (DOH), MV Athens Bridge was directed to the quarantine anchorage designated by OSS Port of Manila. Security is also provided by the PCG to ensure that no unauthorized vessel or banca will approach the vessel,” ayon sa DOTr.

 

 

Dumating naman ang mga doctors ng BOQ at tiningnan ang kalagayan ng 2 crew members na kritikal at inirekomdiya ang madaliang evacuation ng nasabing crew.

 

 

Sa ngayon, ang 2 crew members ay ligtas ng nadala sa dedicated medical facility kung saan sila sasailalim sa quarantine at paggagamot. Habang ang iba pang crew members ay binigyan ng mga kanilang pangangailangan tulad ng mga medical supplies at oxygen tanks, na galing sa PCG at BOQ.

 

 

“The national government, through the maritime sector of the DOTr, assures that the situation and the condition of the crew members will be consistently monitored. Health protocols will also be prioritized throughout the entire process,” dagdag ng DOTr.

 

 

Samantala, binuksan naman ang Eva Macapagal Super Terminal Quarantine Facility in Manila South Harbor bilang isang isolation dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng nagkakasakit ng COVID at sa kakulangan ng mga isolation facilities sa Metro Manila.

 

 

“Initially, the facility was set up to merely accommodate repatriated seafarers and OFWs who are required to undergo a mandatory 14-day quarantine. With the conversion and retrofitting asymptomatic patients and patients with mild symptoms can now be accommodated and treated in the facility,” saad ng PPA.

 

 

Ang nasabing facility ay may 211-bed capacity na may apat na sections para sa patients, health staffers, at iba pang essential workers. Ang Sections A&B ay para sa mga health staff at iba pang essential workers habang ang Sections C&D ay par naman sa mga personnel ng PCG at PPA na mayron virus subalit asymptomatic o hindi kinakakitaan ng symptoms. LASACMAR

RABIYA, inaming nanonood ng BL series at ‘huge fan’ ng Thai Superstar na si MARIO MAURER

Posted on: May 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na ‘huge fan’ siya ng Thai Superstar at latest brand ambassador ng TNT na si Mario Maurer.

 

 

Sa short interview ng Thai Sashes na kilalang fashion blog sa kanilang bansa, sinabi ni Rabiya nang dumating siya sa Seminole Hard Rock Hotel sa Florida, USA, “I’m so excited to go visit Thailand. I’m a huge fan of Mario Maurer.

 

 

     “To be honest, I’ve been watching your boy love series yeah maybe soon I will be able to go to the country of smiles.”

 

 

Labis ngang hinangaan ng Thai Sashes si Rabiya sa pagiging mababa ang loob at nag-sorry pa sa pagiging late.  Siya kasi ang huling dumating sa official residence ng 69th Miss Universe candidates, siyam na oras daw nilang hinintay si Rabiya para ma-interview at makunan ng photos at masaya naman sila na makita nag Pinay beauty queen.

 

 

Agad naman siyang nagpa-sample ng kanyan signature na ‘Hala Bira’ walk at pinagkaguluhan ng ilang beauty pageant fans.

 

 

Kinunan din si Rabiya ng mensahe sa nag-aabang na Pinoy fans.

 

 

“I’m so sorry, I got here late, I know a lot of my Filipino fans are waiting for me there in the Philippines, maraming salamat po.

 

 

     “And yes, we’re gonna fight and we’re gonna do our best to perform really well on May 16. Thank you guys!”

 

 

Samantala, youtube channel ng The Jack’s Corner nilabas ang final predictions para sa Miss Universe 2020, pasok nga si Rabiya sa mga nanungunguna at malakas din sa fan votes.

 

 

Ang Top 20 ay kinabibilangan ng mga candidates mula sa Thailand, Peru, Brazil, Mexico, South Africa, Philippines, Canada, Romania, India, Indonesia, Australia, Puerto Rico, Chile, Vietnam, USA, Argentina, Venezuela, Russia, Czech Republic at Spain.

 

 

Goodluck Rabiya, bring back the crown!

 

 

***

 

 

PINOST ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang pasasalamat sa pinadalang cake noong nakaraang linggo ng kanyang anak-anakan na si Sarah Geronimo.

 

 

Caption ni Mega, Thank you dear bunso @justsarahgph for the yummy Cereal Milk Tres Leches Cake that you made for me!

 

 

Uuyyy nagbebake na si misis! Hahaha! Miss you and love you always! Ate.

 

 

Puring-puri naman ng netizens ang pagiging sweet ni Sarah kay Sharon, pero mas marami ang nakapansin sa maganda niyang penmanship, na isa raw sa pinag-aralan ng Popstar Royalty.

 

 

May nag-comment pa na parang nahahawig ito sa penmanship ni Sharon.  May nagwi-wish na raw ay magkasama rin ang dalawa sa isang project.

 

 

Well, attention Viva Films, baka naman! (ROHN ROMULO)

Ads May 10, 2021

Posted on: May 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments