• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 13th, 2021

SHARON, mag-isang umalis ng bansa at humihiling na ipagdasal siya; emosyonal na nagpaalam sa pamilya

Posted on: May 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NOONG May 11, mag-isa ngang umalis si Megastar Sharon Cuneta papunta sa isang bansa na hindi niya binanggit pero maraming humuhula na ito ay sa Amerika.

 

 

Sa Instagram post ni Mega, pinakita niya ang mga photos ng malungkot na nagpapaalam sa kanyang asawang si Sen. Kiko Pangilinan at sa tatlong anak na sina Frankie, Miel at Miguel na kung saan pinabaunan pa siya ng dasal.

 

 

Caption ni Mega, “Praying and saying bye to my family.

 

 

Reply naman ni Frankie, “i love you mama please facetime me every minute of every day :(((“

 

 

Comment naman ni Gary Valenciano, “God bless you Shawie!!!! Safe and fulfilling journey.”

 

 

May isa pang post si Ate Shawie sa kanyang IG account na kung saan pinakita niya ang pagdating sa airport, kasama ang passport niya, mga signages sa pagsunod health protocols at ang kanyang suot protective gear.

 

 

Caption ni Mega, “I’m going home. Of course my real home, where my heart is, is where my husband and children are.

 

 

“But tonight I am flying home to my Mommy’s Gramps’ country, where only my eldest and I are legal residents.”

 

 

Paliwanag pa niya sa kanyang pag-alis ng bansa, “I need to breathe, collect myself, gain strength. Love you all and will miss you guys.

 

 

Please pray for me, @mariano.peachy and @annadasig . God bless you always!

 

 

Bumuhos na naman ng mga positive messages sa post na ito ni Mega, kasama na ang mga celebrity friends niya at mga Sharonians na nagsabing ipagdarasal siya kung ano man ang kanyang pinagdaraanan ngayon.

 

 

Katulad ng dati, kabi-kabila na naman ang naging reaction ng netizens:

 

“Sana all kaya mag travel.”

 

“As usual, she just wants to show off like she can surely afford everything like to travel and buy designers’ goods.”

 

“Recharge o may appointment?”

 

“Yep may appointment sa doctor. Think about it. Pandemic pero mag ttravel? Magpapacheckup yan.”

 

“most people that have money can still travel for leisure. You think the pandemic stopped them from traveling?”

 

“rewatch the video with kc. This is the appointment.”

 

“Akala ko din nuon si kiko ang swerte sa kanya.”

“After socmed, nakita ko pag tyatyaga ni kiko sa ugali nya! Grabeeee! Martyrrr si kiko!”

 

“Magpapa vaccine yan.”

 

“Kainggit! Kung may means lang ako, sa Australia ko gusto pumunta. 1 lang magpositive, sarado agad ang borders.”

 

“Hindi ba pure pinoy si Sharon?”

 

“she is pero may permanent residency sila ni kc sa US.”

 

“humble brag na legal residentials ng ibang bansa, mga gen x boomers nga naman.”

 

“Ayan, magre-recharge. Binash nyo kasi sa cleavage nya.”

 

“Guys lets be kind. I think she is really going through something to do this and leave her family behind in the middle of pandemic.”

 

“Grabe ano? Hindi talaga insurance ang beauty, fame, wealth, happy family (?) para magkaroon ng happiness ang isang tao. I wonder kung ano pa ang kulang… solid relationship with God perhaps…”

 

“I’m seeing a lot of celebrities and personalities who are able, have the means and are legal residents or have dual citizenships from another countries are flying out of the Philippines to get their COVID vaccine shots somewhere else. You can’t really blame them.”

 

“Money really can’t buy happiness and contentment. Kahit anong pa showoff ng yaman nila, kitang kita ang lungkot sa mata.”

 

“May properties sila sa US so malamang allowed nagpa vaccine duon.”

 

“I hope makabuti ito for Sharon. She is stressed and depressed sa mga vlogs.”

 

“I think kagaya ni Zsa Zsa magpapatingin yan sa ibang bansa ang pagkakaiba lang si Zsa2 inamin nya sabay bakasyon na din pero si Shawie di kayang umamin na me dinadamdam.”

 

 (ROHN ROMULO)

Mayor Joy, pabor luwagan ang quarantine restrictions sa NCR Plus

Posted on: May 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pabor si Quezon City Mayor Joy Belmonte na ibaba na sa General Community Quarantine ang NCR Plus pagtapos nang pinaiiral na MECQ hanggang Mayo 14.

 

 

Sinabi ni Belmonte na  kailangang maibaba na ang quarantine restrictions para mabuksan na ang ilang negos­yo sa Metro Manila at mapasigla ang ekonomiya.

 

 

Gayunman, sinabi nito na kailangan pa ring  higpitan ang pagpapatupad ng safety and health protocols sa lahat ng mga pampublikong lugar, establisimyento at workplaces.

 

 

Ikinatwiran ni  Belmonte na bumababa na  ang COVID-19 cases sa buong NCR Plus sa nakalipas na dalawang linggo mula nang ipatupad ang ECQ noong Abril.

 

 

Sa QC, nasa 57% ang naibabang kaso ng COVID-19 habang tumaas na rin ang Occupancy Rate ng mga ospital.

 

 

Sa Mayo 14 matatapos ang kasalukuyang Modified Enhanced Community Qua­rantine sa buong NCR Plus o sa Metro Manila at karatig lalawigan na Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

FDA, pinagpapaliwanag sa kakulangan ng aksyon sa 600 applications

Posted on: May 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinagpapaliwanag na ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Food and Drug Administration (FDA) dahil sa kawalan ng sapat na aksyon sa 600 applications ng pharmaceutical companies.

 

 

Sa dalawang pahinang show cause order na may lagda ni Atty. Jedrek Ng, director ng Investigation Enforcement and Litigation Office, binibigyan ng direktiba ang FDA na agad sagutin ang mga alegasyon laban sa kanilang tanggapan.

 

 

Kung mabibigo umano ang kawanihan na makapagbigay ng katanggap-tanggap na rason, maaaring maharap ang mga opisyal nito sa administrative at criminal liabilities.

 

 

Ayon sa batas, lahat ng proseso at transaksiyon ay dapat pumasok sa prescribed processing time na 3-7-20.

 

 

Tatlong araw para sa simpleng proseso, pitong araw para sa mga kumplikado at 20 araw para sa mga proseso na kailangan ng teknikal na pagsusuri.

PDu30, inaprubahan ng fourfold increase” ang importasyon ng baboy para idagdag sa kakulangan ng local supply dahil sa ASF outbreaks

Posted on: May 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng “fourfold increase” ang importasyon ng baboy para idagdag sa kakulangan ng local supply dahil sa African swine fever outbreaks.

 

Ito’y base sa dokumento na ipinalabas ng Malakanyang.

 

“Fatal to hogs but not to humans, the ASF has spread to 437 municipalities and reduced the country’s swine inventory by 3 million heads or 24.1 percent from last year to 2021,” ang naging pahayag ni Duterte sa ipinalabas nitong Executive Order 133.

 

Ang kakulangan ng baboy ngayong taon ay umaabot sa 388,790 metric tons (MT).

 

Sinabi ng Pangulo na hindi man lamang kumilos ang Kongreso sa kanyang naging kahilingan na taasan ang minimum access volume (MAV) ng karne ng baboy na tumutukoy sa dami ng agricultural product na maaaring angkatin sa mababang taripa.

 

“It is imperative to immediately address the current supply gap in pork meat, to provide consumers with adequate and affordable food, and to lower inflation,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tinaasan ang Minimum Access Volume o MAV ng karne ng baboy. (Daris Jose)

MAHIGIT 430 NA OPISYAL NG BI SA NAIA, BINALASA

Posted on: May 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT 430 na mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport  (NAIA) ay binalasa  at binigyan ng bagong terminal assignment  bilang bahagi ng ahensya na maiwasan ang korapsiyon  ng kanilang tauhan.

 

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na sa kabuuang 356 na kanilang frontline immigration offices na kasalukuyang naka-assign sa NAIA ay apektado sa ginawang pagbalasa na ipatutupad sa May 12.

 

 

 

Nabatid pa na bukod sa mga BI Officers na nababantay sa  Immigration booth, 79 na Immigration officers na nagmamando sa terminal ay binago rin bilang bahagi ng balasa.

 

 

 

“The objective of this rotation scheme is to avoid fraternization in the workplace, which studies have pinpointed as a possible source of corruption in government,” ayon kay Morente

 

 

 

Sinabi ni Atty. Carlos Capulong, BI Port Operations Division (POD) Chief na layon ng nasabing balasa ay upang masiguro na supisyente ang kanilang tauhan  upang magsilbi  sa kanilang mga biyahero .

 

 

 

“We also want to create a positive work environment by seeing to it that the workload of our immigration officers and their duty supervisors are evenly distributed,” ayon kay  Capulong.

 

 

 

Sinabi pa ni Capulong na aprubado ni Morente ang rekomendasyon niyang balasahan ng terminal assignment sa BI-NAIA personnel kada 3 hanggang 4 na buwan.

 

 

 

“With more than half of our personnel already inoculated with the first dose, we have more confidence in performing our daily duties,” ayon kay Capulong. (GENE ADSUARA)

‘Kailangan natin pagtrabahuan’ – DOH sa posibilidad na luwagan ang quarantine restrictions sa NCR

Posted on: May 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi pa agad dapat luwagan ang mahigpit na quarantine restriction kahit bumaba na ang “reproduction number” ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) sa National Capital Region (NCR).

 

 

Ang reproduction number ay ang bilang ng nahahawaan ng isang kumpirmadong kaso ng COVID-19.

 

 

Hindi lang naman transmission rate ang ating batayan para makapagsabi tayo if we’re going to de-escalate already dito sa mga community quarantine restrictions na mayroon tayo,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

 

“Kailangan natin tingnan lahat ng parameters na ginagawa natin.”

 

 

Ipinaalala ng opisyal na pinagbabatayan din ng mga opisyal ang “average daily attack rate,” at “2-week growth rate.”

 

 

Pati na ang “gatekeeping indicators” ng mga local government units tulad ng contact tracing, isolation, testing, at quarantine.

 

 

“Gusto natin kapag nag-lift tayo ng restriction, alam natin kakayanin ng local government sakaling tumaas ang kaso… para tayo may assurance from the national level that local governments can adequately respond.”

 

 

Tinitingnan din daw ng DOH ang sitwasyon ng health system para matiyak na hindi umaapaw ang mga pasilidad para sa mga pasyente.

 

 

“Kailangan natin pagtrabahuan pa talaga at makita natin na nagwo-work yung patient navigation system in order for us to have continuous decline in the number of being hospitalized.”

 

 

Batay sa pinakahuling report ng independent group na OCTA Research, bumaba pa sa 0.66 ang reproduction number ng coronavirus sa Metro Manila.

2 kaso ng COVID-19 ‘Indian variant,’ naitala na sa Pilipinas: DOH

Posted on: May 13th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon nang dalawang Pilipino na nag-positibo sa B.1.617, ang variant ng COVID-19 virus na unang natuklasan sa India.

 

 

“Kasunod ng isinasagawa nating purposive genomic sequencing ng UP-Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health sa mga inbound travelers na dumating sa bansa noong Abril na may history travel sa India… tayo ay may natukoy na dalawang kaso na may (B.1.6.17) variant,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

 

Batay sa datos ng ahensya, parehong seaman mula sa Middle East ang dalawang nag-positibo sa tinaguriang “Indian variant.”

 

 

Ang isa ay 37-anyos na lalaking dumating noong April 10 mula Oman. Nakuhaan siya ng samples matapos ang limang araw, April 15.

 

 

Isinailalim daw siya sa quarantine sa isang hotel sa National Capital Region, at idineklarang recovered sa COVID-19 noong April 26.

 

 

Matapos nito ay nakauwi siya sa Soccsksargen, at nag-home quarantine hanggang May 10. Nag-negatibo naman siya nang umulit sa RT-PCR test noong May 3.

 

 

Sa ngayon “asymptomatic” o walang nararamdamang sintomas ng coronavirus ang lalaki.

 

 

Galing naman ng United Arab Emirates ang 58-anyos na lalaki at ikalawang kaso ng B.1.617.

 

 

Dumating siya ng Pilipinas noong April 19, at nakuhaan ng sample nang April 24. Na-isolate naman siya sa isang temporary treatment and monitoring facility sa Clark, Pampanga.

 

 

Gumaling daw siya sa COVID-19 noong May 6, at kasalukuyang nasa Bicol.

 

 

“Dahil ang ating mga kaso pagdating ay nilagay sa quarantine at nalipat sa isolation facility mula nang mag-test positive, wala tayong na-detect na close contact. When released they are asymptomatic and tagged sa recovered,” ani Dr. Alethea De Guzman, officer in charge ng Epidemiology Bureau.

 

 

Nitong Lunes nang ideklara ng World Health Organization (WHO) na “variant of concern” na rin ang B.1.617 variant.

 

 

“There is some available information to suggest increased transmissibility,” ani Dr. Maria Van Kerkhove, WHO technical lead on COVID-19.

 

 

Sa ngayon 34% ang katumbas ng mga kaso ng COVID-19 “variants of concern” na nasa Pilipinas, mula sa 5,952 samples na isinailalim sa genome sequencing.

 

 

May 12 rehiyon na mayroong “local cases” ng B.1.1.7 variant, na unang natuklasan sa United Kingdom. Habang 15 rehiyon ay may local cases din ng B.1.351 variant, na unang nadiskubre sa South Africa.

 

 

Dalawa naman ang kaso ng P.1 variant, na unang natuklasan sa Brazil, at na-detect mula sa mga dumating ng dayuhang pasahero.

 

 

“Currently these incoming international travelers comprise 299 or 18% of all the cases positive to at least a variant of concern,” ani Dr. De Guzman. (Daris Jose)