• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 15th, 2021

Ads May 15, 2021

Posted on: May 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Thirdy tumugon sa PBA

Posted on: May 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sumulat na si Thirdy Ravena sa pamunuan ng PBA upang ipaliwanag ang desisyon nitong muling maglaro para sa San-En NeoPhoenix sa Japan B.League.

 

 

Sariwa pa si Ravena sa pagpirma ng multi-year contract kasama ang NeoPhoenix na magiging dahilan upang hindi ito makalahok sa PBA Rookie Draft sa ikalawang sunod na taon.

 

 

Kinumpirma ni PBA commissioner Willie Marcial ang naging aksyon ni Ravena.

 

 

Nagawa rin nitong makausap ang dating UAAP Finals MVP na nananatili sa Japan.

 

 

Sa kuwento ni Marcial, nais patunayan ni Ra­vena ang sarili nito sa liga matapos makailang ulit na magkaaberya ang kanyang pag­lalaro sa Japan B.League.

 

 

Sumulat na si Thirdy Ravena sa pamunuan ng PBA upang ipaliwanag ang desisyon nitong muling maglaro para sa San-En NeoPhoenix sa Japan B.League.

 

 

Sariwa pa si Ravena sa pagpirma ng multi-year contract kasama ang NeoPhoenix na magiging dahilan upang hindi ito makalahok sa PBA Rookie Draft sa ikalawang sunod na taon.

 

 

Kinumpirma ni PBA commissioner Willie Marcial ang naging aksyon ni Ravena.

 

 

Nagawa rin nitong makausap ang dating UAAP Finals MVP na nananatili sa Japan.

 

 

Sa kuwento ni Marcial, nais patunayan ni Ra­vena ang sarili nito sa liga matapos makailang ulit na magkaaberya ang kanyang pag­lalaro sa Japan B.League.

 

 

Tanging 18 laro lamang nasilayan si Ravena.

 

 

Kaya naman, nais ni Ravena na bumalik sa susunod na season na ma­lakas at walang anumang aberya para patunayan ang kanyang husay.

 

 

Masaya naman si Marcial sa career ni Ravena dahil bitbit pa rin nito ang bandila ng Pilipinas sa pag­lalaro nito sa Japan.

 

 

Mananatiling bukas ang pintuan ng PBA sa oras na magdesisyon si Ravena na pumasok na sa liga.

Inaabangang national costume ni RABIYA nairampa na, #AribaRabiya agad na nag-trending

Posted on: May 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAIRAMPA na ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang inaabangan na national costume niya para sa 2020 Miss Universe National Costume Show.

 

 

Parang mala-Victoria’s Secret Angel si Rabiya na effortless na nirampa ang mabigat na costume na inspired ng Philippine flag: blue color representing royalty, red for the courage and strength of an independent woman, and yellow for the color of the sun and stars.

 

 

Inamin ni Rabiya na mabigat ang costume niya pero ang nagbigay lakas sa kanya ay ang suporta ng maraming kababayan sa buong mundo.

 

 

Nag-trend sa Twitter ang #AribaRabiya ilang oras bago lumabas sa entablado si Rabiya para maipagmalaki ang national costume na gawa ng yumaong Filipino international designer na si Rocky Gathercole.

 

 

Umabot ang hashtag sa higit na 50,000 tweets umaga ng May 14.

 

 

Mapapanood ang national costume round sa official Miss Universe YouTube channel.

 

 

Fans can vote for their favorite costume at https://missuniverse.com/vote. Voting closes at 11:59 p.m. on May 15.

 

 

***

 

 

NILABAS na ng Miss Universe ang eight all-women members of the selection committee para sa taong ito.

 

 

Kasama rito ang dalawang past title holders na sina Miss Universe 1997 Brooke Lee of the United States at Miss Universe 2006 Zuleyka Rivera of Puerto Rico ang mga pipili sa magiging successor ni Zozibini Tunzi of South Africa.

 

 

Kasama sa panel of judges sina Canadian television host Keltie Knight, American actress Arden Cho of the series Teen Wolf and entrepreneurs Christine Duffy and Deepica Mutyala.

 

 

Colombian economist Tatyana Orozco and Sheryl Adkins-Green, an American marketing executive, completed the list of the selection committee.

 

 

Sa May 16 (May 17 in Manila) ang coronation night ng Miss Universe in Hollywood, Florida.

 

 

***

 

 

PARTE ng ‘Ballad International’ playlist ng Spotify ang ilang mga kanta nina Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose at Kapuso actor Ruru Madrid, bagay na ipinagmamalaki ng kanilang avid fans at listeners.

 

 

Ayon sa Spotify, ang collection na ito ay naglalaman ng “world’s best emotional songs.” Pasok dito ang cover ni Julie Anne ng ‘Your Song’ ng Parokya ni Edgar pati ang single ni Ruru na ‘Maghihintay’ under GMA Music.

 

 

Kilala talaga ang talento ng dalawa kaya naman lagi silang inaabangan tuwing Linggo sa weekend variety show ng GMA na All-Out Sundays. 

 

 

Samantala, kasalukuyan din napapanood si Julie bilang si Heart sa primetime series na Heartful Cafe. 

 

 

***

 

 

MAY maagang regalong natanggap ang The Clash Season 3 champion na si Jessica Villarubin para sa paparating niyang ika-25 na kaarawan.

 

 

Simula noong Sabado, May 8, ay maaari nang ipre-order ang kaniyang upcoming single under GMA Music na ‘Beautiful’ sa iTunes!

 

 

Nakatakda itong i-release sa mismong birthday niya sa May 14 at swak na swak ang mensahe ng awitin para sa mga kababaihan.

 

 

Matatandaan na kamakailan ay nagkaroon ng transformation si Jessica at gusto niyang paalalahanan ang mga katulad niya na dati ay mahiyain at minsan nang na-bully na oras na para pahalagahan at unahin nila ang kanilang mga sarili.

 

 

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng Kapuso performer ang excitement para mapakinggan ng fans ang kaniyang bagong single, “Are you ready, Beautiful? You’re in for a birthday treat this May 14, 2021!”

 

 

Abangan ang musical treat na ito ngayong Biyernes sa YouTube channel ng GMA Music at sa iba pang digital streaming platforms worldwide!  (RUEL J. MENDOZA)

Sey ni SHAMCEY kay RABIYA: “You are already a winner no matter what”

Posted on: May 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LAST Tuesday, May 11, nakarating na rin si Shamcey Supsup-Lee (3rd Runner-Up sa Miss Universe 2011), ang director ng Miss Universe Philippines organization para suportahan ang ating pambato sa 69th Miss Universe na si Rabiya Mateo.

 

 

Post ni Shamcey, After 28 hours of travelling, 4 airports, countless security and health checkpoints, we are finally here in Miami! Thank you for all your prayers and well wishes. Can’t wait to explore this beautiful city, but for now, some much needed sleep!

 

 

Samantala, one week before the coronation, nag-post naman si Shamcey ng series of glam pix nila ni Rabiya na may maganda mensahe at pagsuporta.

 

 

Sabi ni Shamcey,The journey to the Universe continues.


     “Grateful to the whole Miss Universe Team led by our directors: @albert_andrada @supermariogarcia @liandrearamos @sigulanon, who tirelessly worked day and night to make sure we bring Rabiya safely to Miami, most especially to our creative director, @jonasempire.ph, for making things happen despite all the setbacks and challenges.


     “To @rabiyamateo, you continually surprise us with your tenacity and drive to be better everyday. All your hardwork and sacrifices have led you to the Miss Universe Competition and I am confident that you will continue to make us proud. Just remember that you are already a winner no matter what.


     “And to all the Filipino Fans, thank you for the overwhelming support. Para sa inyo ang laban na to!
     “The journey to the Universe wasn’t easy, but it’s definitely worth it! See you in Miami!

 

Napansin naman ng netizens na para raw silang magkapatid at may nagsabi ring puwede raw maging mag-ina.

 

“Twinning sa ganda.”

 

“labas ngipin pafierce pose na ba uso ngayon pang beauty queen levels???”

 

“agree, not Shamcey’s best angle on this pic. parang nalaglagan ng pagkain sa bibig habang ngumunguya.”

 

“Iba din ang tingin ni Rabiya, parang parating may problema. Plus her outfits are hit and miss.”

 

“Magkamukha pala sila.”

 

“Miss U is a big public affair sa mga involve dito. Magiging issue talaga na hindi nagpublic support si Cat. Pano niya mahikayat ang ibang fans niya na suportahan si Rabiya? Hindi ko maintindihan baket privately lang siya nag reach out.”

 

“Si Shamcey talaga yung masasabi mong pinaka-classy na naging representative natin sa MU.”

 

“”Para sa akin ay si Venus Raj.”

 

“Ako lang ba? I do not find the pictures fierce. Walang natural na factor ung pagka fierce very calculated at aral na aral ung pose. I can see shamcey ke rabiya na aral na aral bawat pose at lakad. Ung di na natural tignan unlike ung ke venus at ara. Ako lang to ah.”

 

“Kaya pala sya nanalo…carbon copy ni mamang.”

 

“God bless Rabiya Umaariba! Hayaan mo na mga bashers dito! Panahon pa ni Hesukristo marami na Bashers…”

 

“They look like sisters. Kilala ko mga tyahin ni Shamcey sa mom’s side niya medyo may pagka tisay sila.”

 

“Dapat talaga kasali sya sa pic! Char.”

 

“Si ate naki share pa talaga ng spotlight sana solo na Lang ni inday. Oh well.”

 

“Daming bashers ni Rabiya pero kapag ms. U na super check sa soc med at tili sa tv ng pinoy pride, mga ipokrita.”

 

“No choice but to support kasi pinoy e.”

 

“In fairness kay Rabiya ha, bigla syang angat sa Miss U laki improvement. She could win I guess.”

(ROHN ROMULO)

Malakanyang, nangako sa LGUs na agad na ipamamahagi ang milyong doses ng bakuna kontra Covid-19

Posted on: May 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na agad na ipamamahagi sa local government units ang milyong doses ng COVID-19 vaccines.

 

Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay sa gitna ng naging panawagan ni vaccines czar Secretary Carlito Galvez ng mataas na demand para sa bakuna sa hanay ng LGUs at sa limitadong ‘shelf life’ ng bakuna.

 

“Sabi nila it came in trickles. Ngayon, medyo volume-volume na, so maghintay lang kayo kasi these things must be distributed immediately the fastest way we can do it,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Huwebes ng gabi.

 

Sa kanyang naging report, sinabi ni Galvez na milyong bakuna ang dumating sa bansa at inaasahang darating sa bansa subalit malakas ang naging panawagan mula sa LGUs na kinakapos na sila ng suplay.

 

“Public acceptance ng vaccine is growing. Maraming LGUs, tawag nang tawag. Ibig sabihin kinakapos na sila ng vaccine,” ayon kay Galvez.

 

Ang pakiusap naman ni Pangulong Duterte sa local executives ay tiyakin na ang bakuna ay maipamamahagi ng maayos sa kanilang mga constituents.

 

“Vaccines may expiration. Kailangan pagdating sa inyo, mapatakbo na agad ang administrative pati local hospital so you will not waste the vaccine because we didn’t deliver it on time,” ani Pangulong Duterte.

 

“I am saying this because I do not want to lose the battle here thru negligence The problem is if you are not able to administer the vaccines on time because there is a limited to their effectiveness,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

PDu30, nangakong patuloy na lalabanan ang korapsyon hanggang matapos ang termino

Posted on: May 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA KABILA ng pag-amin na mahirap na gawain ang paglaban sa korapsyon ay nangako pa rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na patuloy niyang lalabanan ang korapsyon hanggang matapos ang kanyang termino.

 

“We are not proclaiming that we have gotten rid of corruption. There is still corruption in this government and any other government that will come after me and in the past,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Huwebes ng gabi.

 

Aniya, hindi maaalis ang korapsyon hangga’t mayroong burukrasya na talamak ang “money involved” at maraming lamesa na pagdadaanan ng mga papeles.

 

Ang tanging paraan aniya para matanggal ang korapsyon ay isara ang pamahalaan.

 

“There is still corruption in this government and any other government that will come after me, and in the past, mayroon talaga ‘yan. If there is a running bureaucracy and there is money involved and there are a lot of tables where the papers would go through, there will always be corruption,” ayon sa Pangulo.

 

“Kung walang . . Ayaw ninyo wala, eh di sarahan mo ang gobyerno. But then again, you choose which way to go. The most that we can do is to fight it.” dagdag na pahayag nito.

 

Kaugnay nito, isa-isa namang binasa ng Pangulo ang mga government officials na sinibak sa puwesto dahil sa iregularidad.

 

‘So ang mga napaalis sa gobyerno: Preciosa Polonia, OIC-Land Management Officer III, City Environment and Natural Resources Office, Albuera, Leyte – for issuance of free patent in favor of disqualified applicant;

 

Regional Executive Director ng DENR-Region [XII], Sacaruddin Magarang – grave misconduct, involvement in serious irregularities in the issuance of free patent titles; ayon sa Pangulo.

 

“Amante Burbano, Special Investigator pa naman DENR – conduct prejudicial to the best interest of the service and falsification of public documents — I hope those guys will — I hope they will be prosecuted on time — involvement in the residential free patent applications; then Ma. Babyruth Nicolas, Staff, CENRO-Guiguinto, Bulacan, DENR-Region III – grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service for undertaking illegal fixing transactions,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)