• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 8th, 2021

Red alert mananatili hanggang sa susunod na linggo – DOE

Posted on: June 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mananatiling nasa red alert ang Luzon grid sa susunod na linggo pero inaasahan ng Department of Energy (DOE) na walang magaganap na rotational brownouts sa Luzon hanggang sa katapusan ng Hunyo.

 

 

Sinabi ni Electric Power Industry Management Bureau director Mario Marasigan na kapag walang makakapasok na planta ngayong linggo hanggang sa susunod na linggo ay mananatiling nasa below red line pa rin ang suplay ng kuryente sa Luzon dahil kukulangin ng power reserves.

 

 

Gayunman, kung may papapasok  na planta sa mga susunod na linggo hanggang July 1, bababa ang konsumo at hindi na magkakaroon ng rotational brownout pero nasa yellow alert pa rin ang Luzon.

 

 

Naisailalim sa Red at Yellow alerts ang MM at ibang lalawigan sa nagdaang tatlong araw dahil sa pagbaba ng reserve ng Luzon grid dahil sa pagtigil ng operasyon ng ibang power plants kaya’t nakaranas ng rotating power interruptions sa naturang mga lugar. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)