• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 9th, 2021

MAX, nagdala ng mga gamit ni SKYE para mabawasan ang pagka-miss sa anak habang naka-lock-in taping

Posted on: June 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NILANTAD na ni Max Collins ang balik-alindog ng katawan niya.

 

 

Mag-iisang taon na kasi noong sinilang niya ang baby boy nila ni Pancho Magno na si Skye.

 

 

Ngayon ay panay ang post ng aktres ng post baby bod niya sa social media.

 

 

“If you have no love for yourself or you don’t give to yourself, then you won’t have love to give to other people including your baby. Two things that I used to do before having a child para lang I can be my happy self for Skye,” diin ni Max.

 

 

Idinaraan ni Max ang kanyang self-love sa pamamagitan ng workout at pagiging healthy.

 

 

“Recently I have been doing a lot of weight training, and then yoga, the boxing. I just love doing workout with friends kasi my friends get tested regularly. So sabay kaming nagwo-workout. I think nakakatulong din yon for me to push myself.”

 

 

Kaya balik-trabaho si Max sa lock-in taping ng GMA teleserye na To Have And To Hold with Carla Abellana and Rocco Nacino.

 

 

Para hindi raw siya nangungulila kay Skye habang nasa taping siya, nagdala si Max ng ilang gamit ng baby niya na inaamoy-amoy at nayayakap-yakap niya.

 

 

“Mas lalo ko tuloy nami-miss si Skye. Pero I’m doing this for his future. Tsaka malapit na rin kaming magkita. Bilang ina, you have to do these sacrifices.”

 

 

***

 

 

EXCITED na ang pop-folk group na Ben&Ben sa posibleng collaboration nila with acclaimed Filipino-American R&B artist H.E.R. 

 

 

Si H.E.R. mismo ang nag-propose ng collab ng music nila dahil nagagalingan siya sa Ben&Ben.

 

 

“We were simply over the moon about it. Seeing someone so successful being so open and proud about his or her roots really inspires all of us. And for H.E.R. to express interest in working with us, inspires us even more to work harder and keep creating music. We admire her for how she stays true to herself and her message, and, of course, for the sheer excellence and skills she puts into all of her songs,” sey ng Ben&Ben.

 

 

Hindi raw malayong mangyari ang collab dahil ang recording labels ni H.E.R. (RCA Records) at Ben&Ben (Sony Music Philippines) ay kapwa nasa iisang kumpanya ng Sony Music Entertainment.

 

 

Sey pa ng Ben&Ben: “We would definitely want to work on a song that’s closer to having an R&B and soul vibe. It’s a genre that all of us in the group really love. And we feel we can pull that off with the help of H.E.R.’s immaculately cool vocals.”

 

 

***

 

 

SINILANG na ni Meghan Markle and second baby nila ni

 

 

Prince Harry na si Lilibet Diana Mountbatten-Windsor.

 

 

Nickname niya ay Lili. June 4 at 11:40 AM nang isilang si Baby Lili sa Santa Barbara Cottage Hospital in California.

 

 

Ayon sa statement ng Buckingham Palace: “The Queen, the Prince of Wales and the Duchess of Cornwall, and the Duke and Duchess of Cambridge have been informed and are delighted with the news of the birth of a daughter for the Duke and Duchess of Sussex.”

 

 

Sa Instagram account nina Prince William at Kate Middleton, binati nila ang Duke and Duchess of Sussex sa new member ng pamilya nila: “We are all delighted by the happy news of the arrival of baby Lili. Congratulations to Harry, Meghan and Archie.”

(RUEL J. MENDOZA)

Trillanes, muli na namang sinopla ng Malakanyang

Posted on: June 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINOPLA ng Malakanyang si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV nang sabihin nito na ire-reject ng mga botanteng Filipino ang “Duterte brand” sa eleksyon sakali’t magdesisyon si Davao City Mayor Sara Duterte na sumali at tumakbo sa presidential race.

 

Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque , ang resulta ng 2022 presidential at vice presidential elections ang makapagsasabi sa posibilidad na kapalaran ng Duterte-Duterte tandem.

 

“Doon sa sinabi naman ni Senator Trillanes, well, I’m afraid he cannot claim to be the spokesperson of the people of this country. Malalaman lang po natin ang desisyon ng taumbayan pagkatapos po ng eleksiyon. Kaya nga po magkaroon tayo dapat ng eleksiyon,” ayon kay Sec. Roque.

 

Ipinagkibit- balikat naman ni Sec. Roque ang pahayag ni 1Sambayan coalition convenor Howard Calleja na naniniwala siyang ibabasura lang ng mamamayang Filipino ang Duterte-Duterte tandem, dahil nakikita na ng mga ito ngayon pa lang ang “selfish move” ng mag-amang Duterte.

 

“Well, sabi nga po ni [Health] Secretary Duque, see you on election day. Taongbayan po ang magdedesiyon diyan. At saka nakapagtataka naman, bakit kaya ang akala ng opposition, sila ang tagapagsalita ng taongbayan,” aniya pa rin.

 

Tinukoy ang Pulse Asia’s September 2020 survey results, sinabi nito na “less than 5 percent disapproved of Duterte’s performance as president.”

 

“E kung titignan mo mga surveys, wala pa pong limang porsiyento ang hindi sumusuporta sa ating Presidente. So mag-ingat po tayo, bagamat sinasabing kayo ang boses ng taongbayan, baka boses lang kayo ng isang barangay ,” ani Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, sinabi pa ni Sec.Roque na pinapayagan sa ilalim ng 1987 Constitution ang posibleng pagtakbo ni Pangulong Duterte sa pagka-pangalawang pangulo ng bansa.

 

“There is absolutely no ban for a president to run for vice president. If you can show me a provision which bars the president to run for the position of vice president, then, of course, the president will honor that prohibition. But as it is, there is no literal provision in the Constitution that states that principle,” aniya pa rin.

 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagdedesisyon ang Pangulo ukol sa nabuong resolusyon ng PDP-Laban na kinukumbinsi ang Punong Ehekutibo na tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo ng bansa.

 

Noong nakaraang linggo, siniguro ni Sec. Roque na ang paggupo sa covid-19 at ang pagpapalakas sa vaccination drive ay nananatiling “top priority” ni Pangulong Duterte.

 

Inamin ni Sec. Roque na may opsyon ang Pangulo sa kung sino ang maaar niyang magin runniing mate kung saan kabilang dito sina Sara Duterte, Senator Christopher “Bong” Go, Senator Manny Pacquiao, dating Senator Bongbong Marcos, at Manila Mayor Isko Moreno. (Daris Jose)

Duterte, nagbabala na maghihigpit kung patuloy ang pagbalewala sa health protocols

Posted on: June 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatupad ng paghihigpit sakaling patuloy na binabalewala ng mga tao ang mga ipinapatupad na health protocols.

 

 

Sa kanyang address to the nation nitong Lunes ng gabi, sinabi ng pangulo na mangyayari ang nasabing hakbang sakaling dumami ang bilang ng mga lumalabag sa itinakdang panuntunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease.

 

 

Hindi naman nito tinukoy kung anong paghihigpit ang kaniyang ipapatupad subalit ikinabahala nito ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Bacolod at Cagayan de Oro dahil may mga ibang tao sa nabanggit na lugar na tila wala na raw sa kanila ang nararanasang pandemiya.

 

 

Iginiit nito na may kapangyarihan ang pangulo na magpatupad na paghihigpit kung malalagay sa panganib ang kalusugan ng ibang tao. (Gene Adsuara)

CATRIONA, may 12M followers na sa Instagram; makakasama si NICOLE na magho-host ng ‘Binibining Pilipinas’

Posted on: June 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PASOK pa rin sa Top 5 si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa most followed Pinay celebrities on Instagram na ngayon ay umabot na sa 12 million.

 

 

Nangunguna pa rin si Anne Curtis na may 16.8M, kasunod sina Liza Soberano – 15.8M, Kathryn Bernardo – 15M at Pia Wurtzbach – 12.3M.

 

 

Kaya naman ganun na lang ang pasasalamat ni Queen Cat sa lahat ng nagpa-follow sa kanyang IG account.

 

 

Sa IG post, “12 Million? That’s crazyyyy thanks for following along with this adventure called life. Grateful for all of you!

 

 

“Glow @fentyskin #HYDRAVIZOR @fentybeauty #EAZEDROP @jellyeugenio @paulnebreshair @justine.aliman19 captured by @altaniameen video @paulnebreshair.”

 

 

Samantala, for the first time sa beauty pageant history, parehong babae ang magiging hosts sa Binibining Pilipinas 2021 Coronation Night ngayong July 11 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Makakasama nga ni Catriona si Miss Grand International 2016 1st Runner-up Nicole Cordoves, na kung saan pinost niya ang kanilang photo sa IG at caption ito ng, “Pageantry Redefined. @binibiningnicolecordoves and I are your first all-female hosting tandem in herstory for #BinibiningPilipinas2021 @bbpilipinasofficial.

 

 

“Witness history this July 11, 2021, 9:45PM at the Smart Araneta Coliseum. Watch on A2Z or the @bbpilipinasofficial YouTube channel.

 

 

“Photography @bjpascual | beauty @jellyeugenio @paulnebreshair | styling (cat) @perrytabora (nicole) @bonitapenaranda.”

 

 

Sa naturang beauty pageant magmumula ang mananalong Miss International, Miss Grand International, Miss Intercontinental at Miss Globe na ipadadala ng Pilipinas para mag-compete sa sa iba’t-ibang bansa.

 

 

Nag-react nga ang celebrity friends ni Cat at isa nga rito si Megan Young at nag-comment ng, “Love!!!!”

 

 

Sabi naman ng netizens, kailan naman kaya magkakasamang mag-host sina Catriona at Megan, na marami pala ang nag-aabang, pati na rin ang photoshoot collab nila.

 

 

Comment nila, “who knows one di ba? They’re both MWP after all. Pero very very slim chance lang cause Cat loyalty is always with Madam Stella unless I take over ulit ni Madam Cory ang MWP Org at I-invite si Cat.”

 

 

“Who knows one day. They are two of the most well-loved beauty queens in the Philippines kaya… My top two faves!”

(ROHN ROMULO)

Yuka Saso, binati ng Malakanyang

Posted on: June 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“Today is a great day in Philippine sports.”

 

Binati ng Malakanyang si Yuka Saso na nag-uwi ng karangalan sa Pilipinas nang manalo sa 2021 US Women’s Open.

 

Matatandaang nauna nang nakita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Saso sa Malakanyang nang pagkalooban ito ng Presidential citation matapos na manalo ng gold medal sa 18th Asian Games in Indonesia.

 

“She is indeed the pride and glory of our country. We are all proud of you. Congratulations,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Naghatid ng pag-asa at inspirasyon ang tinamong tagumpay ng Pinay na si Yuka Saso sa US Womens’ Open.

 

Ayon kay Senate President Protempore Ralph Recto, sa panahong ito na mataas pa din ang naitatalang kaso ng covid kada araw  hatid anya ng pag-asa ang pagkapanalo ni Saso.

 

Nagbigay din anya ito sa atin ng inspirasyon  na sa kabila  ng handicap at ng peligro na ating kinakaharap, nakaya ni saso  na lumaban at manalo.

 

Kasama  na anya si saso sa  mga  Filipina frontliners pang poster girl ng ating battle cry na laban Pinas.

 

Nag-paabot  naman ng pagbati si Sen. Joel Villanueva kay saso na  kapwa nya  bulakenyo.

 

Kahanga hanga anya ang  tinamong tagumpay ni Saso bilang unang Pinoy  na sa batang edad ay nanalo sa isa sa pinakamahirap na tournament sa mundo.

 

Ang tagumpay anya ni Saso  ay isang good news na kailangan natin sa panahong ito.

 

Dapat anyang makapagbigay  inspirasyon  na malalampasan natin ang mga hamong  kinakaharap sa ngayon ang pinakitang katatagang mental at  physical stamina ni Saso. (Daris Jose)

P19B pondo ng NTF-ELCAC, hindi ginamit sa campaign propaganda-Badoy

Posted on: June 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IGINIT ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na hindi ginamit sa campaign propaganda ang P19-bilyong kabuuang budget nito.

 

Binigyang diin ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Marie Badoy, isa ring tagapagsalita ng NTF-ELCAC na ginamit ang nasabing pondo sa pagpapa-unlad ng mahigit sa 800 barangays na “cleared of insurgency.”

 

May alegasyon kasi si Bayan Muna Representative at House Deputy Minority Leader Carlos Zarate na ginagamit ng task force ang pondo nito sa pagtatayo ng mga tarpaulins at iba pang campaign propaganda para sa pinapaboran nilang mga kandidato.

 

“It’s a very clear no. None of that is going to campaign. Who’s campaigning? There’s no campaigning going on. It all goes to the Filipino people who need it the most,” diing pahayag ni Badoy.

 

Sa P19 bilyong kabuuang budget ng NTF-ELCAC, P16.5 bilyon ay inilaan para sa pagpapa-unlad ng 800 barangays na “cleared of insurgency.”

 

Sa katunayan, ang Barangay Development Program’s (BDP) core programs at mga proyekto para sa bawat recipient barangay, ay makatatanggap ng P20 million, kabilang na ang 1-kilometer farm-to-market road na nagkakahalaga ng P12 milyong piso, classrooms (P3 milyong piso), water at sanitation systems (P2 milyong piso), health station (P1.5 milyong piso), at livelihood projects (P1.5 milyong piso).

 

Ang P16.5-billion BDP budget ay direktang napunta sa local government units mula sa Department of Budget and Management (DBM).

 

Sinabi pa ni Badoy na hindi na siya nagulat sa naging alegasyon ni Zarate, inilarawan niya ito bilang “the mouthpiece” ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chair Jose Maria “Joma” Sison.

 

“Yung mga kasinungalingan ni Carlos Zarate that’s expected,” ani Badoy.

 

At dahil ang layunin ng BDP ay pigilan ang “generational poverty” at “ignorance” na pinagana ng CPP-NPA-NDF, sinabi nito na natural lamang para kay Zarate na hindi suportahan ang naturang programa.

 

“This will really eradicate this communist insurgency, which, of course Carlos Zarate does not want because he’s a member of the CPP-NPA-NDF [Communist-Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front]. It’s like, yung mga ipis gusto ba nila ng Baygon? Siyempre ayaw nila ‘yan ,” dagdag na pahayag nito.

 

Itinanggi rin niya ang paratang ni Zarate na sinira niya ang kahulugan ng “good governance” sa iresponsableng alegasyon nito hinggil sa red-tagging.

 

“I don’t understand why. I’m the public official that goes down on the ground and talks to our people. I’m the appointee of a President that believes that the way to end this insurgency is good governance,” ani Badoy.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Badoy na kailangan nang maalis sa Kongreso ang Makabayan bloc, dahil pinahintulutan nito di umano ang mga krimen na ginawa ng CPP-NPA-NDF.

 

Ang CPP-NPA ay kasama sa listahan bilang isang terrorist organization ng United States, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand, at Pilipinas.

 

“The Duterte administration stands for good governance. Sila, ang  Makabayan bloc, they enable the most heinous and most atrocious talaga crimes against the indigenous peoples so it’s him, they should be taken out of Congress,” dagdag na pahayag nito.

 

Gayunman, kumpiyansa naman si Badoy na batid ng mga mamamayang filipino kung dapat nga bang paniwalaan ang mga alegasyon ni Zarate.

 

“We expected no less from Carlos Zarate. But you know, the Filipino people are awake so Carlos Zarate sounds like a clown right now,” aniya pa rin.

 

Nauna rito, sinabi ni Zarate na ang budget ng NTF-ELCAC ay marapat lamang na gamitin bilang tulong sa mga labis na naapektuhan ng Covid-19 pandemic.

 

“That PHP19-billion allocated to them, mas mabuti pang gagamitin ‘yan  to give our people the much-needed ayuda  and not on red-tagging, not on fake surrenderers, not on tarpaulins announcing the possible run for election by these personalities associated with the NTF-ELCAC,” ayon kay Zarate. (Daris Jose)

Ads June 9, 2021

Posted on: June 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HEART, part ng #SilkYourStyle sa social media campaign ng Italian luxury brand

Posted on: June 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

QUEEN of Collaborations talaga si Kapuso actress Heart Evangelista! 

Ang latest ay nang isa siya sa mga personalities tapped by Italian luxury brand Salvatore Ferragamo para sa latest collaboration.

Noong Saturday, June 5, featured na sa brand’s Instagram page si Heart as part of its #SilkYourStyle social media campaign.

May caption ito na: “Heart Evangelista is unwaveringly stylish with a classic Ferragamo foulard woven through her braid hair for a feminine flourish. How do you style your scarf?” 

Mabilis na nagpasalamat si Heart na isinama siya ng Ferragamo sa kanilang campaign: “That you @ferragamo for making me a part of your campaign. #SilkYourStyle.

   Samantala ay naghahanda na sina Heart at new Kapuso actor Richard Yap sa nalalapit nilang pagpasok sa lock-in taping nila ng I Left My Heart In Sorsogon sa Bicol.

***

CONGRATULATIONS to Vianna Ricafranca the  first Ultimate Winner ng Bida Kids singing sensation ng GMA Network, ang Centerstage. 

Ang Grand Finale Showdown ay ginanap sa virtual stage, hosted by Asia’s Multimedia Star Alden Richards with sidestage co-host Betong Sumaya, last Sunday, June 6, sa GMA-7.

Sina Vianna at Oxy Dolorito ang tinanghal na top 2 sa four finalists kasama sina Rain Barquin at Colline Salazar.

   Nahirapan ang mga judges na sina Pops Fernandez, Aicelle Santos at Mel Villena na pumili sa mahusay na performances nina Vianna at Oxy pero mas matindi ang performance ni Vianna.

Tumanggap si Vianna ng cash prize na five hundred thousand pesos plus a brand new house from Bria. Si Oxy ay tumanggap naman ng cash prize na two hundred thousand pesos at sina Rain at Colline, one hundred thousand pesos each. Lahat sila ay may gift din para sa kanilang online education.

Bago natapos ang grand finale showdown, nag-announce si Alden na abangan ang susunod na Centerstage competition.

Kaya ngayon pa lamang maghanda na ang mga susunod na maging contestants at maging Bida Kids ng Centerstage.

***

    NAHIRAPAN si Max Collins na iwanan ang anak nila ni Pancho Magno na si Skye Anakin nang pumasok siya sa lock-in taping ng upcoming GMA drama series na To Have and To Hold, sa Bataan.

Tamang-tama naman na bago ang lock-in taping nila, ay natapos na rin ang husband niyang si Pancho ng lock-in taping nito ng romantic-comedy series na First Yaya, kaya palagay ang loob ni Max na maiwanan ang baby boy nila na malapit nang mag-one year old sa July 6.

    Sa isang interview sinabi ni Max na miss na miss na niya si baby Skye, pero napapawi ito kapag naaamoy at nayayakap niya ang ilang gamit ng anak na binaon niya sa work.

    Sa To Have and To Hold, gagampanan ni Max at ni Rocco Nacino ang role na mag-asawang Dominique at Gavin Ramirez ngunit magkakaroon ng iskandalo sa kanilang pagsasama.

Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan? Kasama rin nila sa serye si Carla Abellana na based sa released photo niya ay ibang-iba ang aura niya na mukhang blooming siya, malayung-malayo sa ginampanan niyang role sa katatapos na family drama na Love of My Life.

Ayon kay Carla, inaral daw niya ang character niya bilang the very young, flirty, Erica Gatchalian.

(NORA V. CALDERON)

Mga bakuna na inilaan sa NCR, walang napanis- Abalos

Posted on: June 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALANG nasayang o napanis na coronavirus disease (COVID-19) vaccines na inilaan sa National Capital Region (NCR) dahil napaso’ o expired na.

 

“On record I would like to state this, dito po sa atin, of course sa ating mga alkalde…Ni isang bakuna ay walang nag-expire sa kalakhang Maynila,” ang pagtiyak ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.

 

Ang COVID-19 vaccines ani Abalos ay kilala bilang sensitibong bakuna kaya’t kailangan na itago “at certain low temperatures. ”

 

Ang mga bakuna sa portfolio ng Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang brands na may iba’t ibang expiration dates.

 

Sa mga nakalipas na linggo, nakita na ang Luzon grid– kung saan matatagpuan ang NCR ay nakipagpambuno sa lumiit na power reserves dahilan para magkaroon ng rotational brownouts sa rehiyon noong nakaraang Martes at Miyerkules.

 

Subalit, hindi naman direktang makumpirma ni Abalos kung ang pansamantalang power interruptions ay hindi nakasama sa mga bakuna lalo na sa metropolis.

 

Ang Pilipinas ay hindi vaccine-producing country; at ang lahat ng bakuna ay galing sa ibang bansa, ang iba ay dinonate, habang ang iba naman ay binili.

 

“Globally talagang nag-uunahan sa pagkuha ng bakuna,” ani Abalos, pinuri rin nito ang pamahalaan sa pagsisikap ito na dagdagan o pataasin ang suplay ng bakuna.

 

Samantala, nagsimula naman ang mass inoculation program ng gobyerno laban sa nakamamatay na COVID-19 noong Marso 1.

 

“Dalawa ang talagang importanteng prinsipyo dito sa vaccination program. Number one, dapat mabilis at efficient ang pagbabakuna; at number two, walang mapapanis ,” anito. (Daris Jose)