• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 24th, 2021

Pinas may ‘local transmission’ na ng Delta variant

Posted on: July 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sinang-ayunan na ng Department of Health (DOH) ang opinyon ng ekspertong si Dr. Rontgene Solante na posibleng mayroon nang ‘local transmission’ ng mas mapanganib na Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

 

 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagama’t kalat-kalat ang mga natuklasang Delta variant cases, nagpatupad na agad sila ng reaksyon para sa ‘local transmission’.

 

 

Sa kabila ng mga pa-ngamba na hindi makakayanan ng ‘health system’ ng Pilipinas ang panibagong surge kagaya ng nangyayari sa Indonesia, tiniyak ng DOH na ginagawa nila ang lahat ng paraan para maiwasan ito at inihahanda ang lahat ng pagamutan sa posibilidad na pagkalat ng variant.

 

 

Kailangan umanong magtulungan ang nasyunal at lokal na pamahalaan para mapalakas ang healthcare system. Ito ay sa pamamagitan ng pagtiyak na sapat ang COVID-19 beds, ICU at TTMF bed capacity, gamot at oxygen tanks at mga healthcare workers.

 

Kailangan rin ng pagtulong ngpubliko sa simpleng paraan ng pag-praktis sa ‘minimum public health standard’ at boluntaryong pagpapabakuna. (Daris Jose)

‘Kontrabida’ ni NORA, mukhang hinahanapan pa ng magandang playdate

Posted on: July 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

GUSTO namin batiin si Roderick Paulate or Kuya Dick sa kanyang nominasyon sa 34th Star Awards for TV as Best Supporting Actor para sa GMA 7 series na One of the Baes.

 

 

We don’t know kung ilang beses na nagwagi sa PMPC Star Awards for TV si Kuya Dick pero we are sure na masaya siya sa kanyang bagong nominasyon.

 

 

In a recent talk, we asked him ano ba ang kanyang pakiramdam whenever he gets an award nomination?

 

 

“Siyempre lagi naman tayong nagpapasalamat for the recognition. Nakatutuwa at muli tayong napansin. A nomination serves as validation good work. Nakatutuwa na marami pa rin ang naniniwala sa ating munting kakayahan bilang actor,” wika ni Kuya Dick.

 

 

Nakatapos na si Kuya Dick ng isang movie para sa TREX Entertainment titled Mudrasta pero wala pa kaming balita kung kailan ang showing ng pelikula.

 

 

Marahil ay naghihintay si Mr. Rex Tiri, ang amiable owner ng TREX Entertainment, sa pagbubukas ng mga sinehan at saka niya ipalalabas ang Mudrasta.

 

 

Hindi naman kami sure kung may balak siyang isali ang Mudrasta sa MMFF sa December, lalo na kung streaming ang screening at hindi pa rin bukas ang sinehan.

 

 

Mahirap magtiwala sa streaming kasi baka ma-pirate ang movie tulad ng nangyari sa Anak ng Macho Dancer.

 

 

Anyway, marami sa mga fans ni Kuya Dick ang nasasabik na muling mapanood ang award-winning actor sa pelikula at telebisyon. Kaya nakaabang sila kung kailan ipalalabas ang Mudrasta na dinirek ni Julius Alfonso.

 

 

***

 

 

KAILAN kaya ipalalabas ang Kontrabida, ang bagong movie ni Superstar Nora Aunor para sa Godfather Films ni Joed Serrano?

 

 

Malakas ang dating ng Kontrabida, na dinirek ni Adolf Alix, Jr. lalo nang lumabas ang larawan ni Ate Guy na kuha sa pelikula na ibang-iba ang kanyang dating.

 

 

Maging ang publicity pictorial ni Ate Guy ay kakaiba rin ang arrive! Halatang pinag-isipan para bigyan ang aktres ng aura of a great actress.

 

 

Siguro nag-aabang din si Joed ng magandang playdate para sa showing ng Kontrabida. Pwedeng naghihintay rin siya sa pagbubukas ng mga sinehan.

 

 

Kung sakaling magbukas na ang cinemas, pwede pa rin naman mag-impose ng protocol. Kailangan ka rin magsuot face mask at face shield. At yung mga bakunado lamang ang pwedeng manood just to ensure everybody’s safety.

 

 

Tapos one seat or two seats apart pagpasok sa sinehan, na well-disinfected.

 

 

Hay, sana nga magbukas na ang mga sinehan.

 

 

***

 

 

NAKITA naman ang mga pangalan nina Robin Padilla, Willie Revillame at Raffy Tulfo sa listahan ng senatorial candidates ng administration party.

 

 

Alam kaya nina Robin, Willie at Raffy na nandoon ang pangalan nila?

 

 

Next question, bukal ba sa puso nila ang pagtakbo sa senado or hindi lang sila makahindi sa administrasyon?

 

 

Walang experience sa politics sina Robin, Willie at Raffy. Alam kaya nila kung gaano kahirap ang trabaho ng isang senador?

 

 

Hindi lang basta papogi ang paggawa ng batas. Hindi madali makipag-debate. Siguro naman aware sila kung paano pinakain ng alikabok ni Sen. Franklin Drilon si Sen. Bong Go sa debate.

 

 

Kung kami sina Robin, Willie at Raffy, pag-iisipan namin nang maraming beses kung dapat bang tumakbo bilang senador.

 

 

It requires expertise and knowledge of parliamentary procedures.

 

 

Maaari naman silang makatulong sa mga taong bayan kahit na hindi sila tumakbong senador.

(RICKY CALDERON)

‘Rastro’ fans nina RHIAN at GLAIZA, nabubuhay na naman dahil sa mga post nina KYLIE at ANDREA

Posted on: July 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUNG dati ay talagang may pag-iwas sina Dominic Roque at Bea Alonzo na magpost na magkasama sila, ngayon, open na ang mga ito. 

 

 

Nagpo-post na sila ng mga ganap nila habang magkasamang nagbabakasyon sa U.S. at tina-tag na rin nila ang isa’t-isa. Tulad nga ng recent camping nila.

 

 

In fairness sa dalawa ha, physically bagay ang mga ito. Ang ganda nilang tingnan together. Siguro nga kung ang pagbabasehan ng tulad ng ginagawa ng iba na sa status ng career ay hindi magka-level, bilang isang Queen na ang status ni Bea,  e, ano naman, wala naman talagang level o status kapag love na ang pinag-usapan.

 

 

Iba naman ang level o status ha sa may nasasagasaan halimbawa may iba na palang karelasyon. Both single naman sila.

 

 

Marami rin netizens na kinikilig sa dalawa at nagko-comment na “kilig na kilig ako!” “rooting for them.”

 

 

Pero may netizen din na nakapansin na tila parang paligsahan daw ng mga ganap ang BeaDom at JuRalds naman na sina Julia Barretto at Gerald Anderson, huh!

 

 

***

 

 

HANGGANG ngayon, buhay na buhay pa rin ang mga naging fan nina Glaiza de Castro at Rhian Ramos dahil sa naging serye nilang The Rich Man’s Daughter.

 

 

Napakaraming naging fan ng dalawa at umasang totohanan ang mga roles nila.

 

 

Nabubuhay na naman ang mga fan nila na karamihan ay lesbian dahil sa mga post nina Kylie Padilla at Andrea Torres. Obviously, tulad nina Glaiza at Rhian, mga lesbian din ang characters na gagampanan nina Kylie at Andrea.

 

 

Nag-comment si Glaiza nang, “awooo” sa post ni Kylie. Ang dami na agad nag-comment kay Glaiza at halos iisa ang sinasabi, lahat ay nagtatanong dito kung kailan daw babalik ang Rastro.

 

 

“Glai, ‘wag mong sabihin na wala ng rastro?”

“Anong awoo te glai??? Di pa kami tapos sa rastro.” 

“Waiting pa rin sa rastro comeback.” 

“Sana di mo pa rin kami nakakalimutan, ‘yung mga rebels mo.”

Ang rastro ay ang nabuong pangalan ng mga fan ng “loveteam” nina Rhian at Glaiza.

(ROSE GARCIA)

Ads July 24, 2021

Posted on: July 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PDu30, walang babanggitin na kahit na anumang political plans para sa 2022 sa kanyang final SONA

Posted on: July 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Malakanyang na walang babanggitin na kahit na anumang political plans para sa 2022 si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA).

 

“Siguro po hindi mapapasama ang kanyang mga planong politikal,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque said.

 

“Ang importante is the roadmap for his last year in office,” dagdag na pahayag nito.

 

Matatandaaang sinabi ng Pangulo na seryoso niyang pinag-iisipan ang pagtakbo bilang bise-presidente sa 2022 elections.

 

Tumatayong chairman ng PDP-Laban si Duterte na una nang hinimok ng kanyang mga kapartido na tumakbong bise-presidente sa eleksiyon sa susunod na taon.

 

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na nakatuon ang pansin ng Pangulo para sa kanyang final SONA sa Hulyo 26 sa mga hakbang na kailangan para umunlad ang bansa.

 

“He will focus on social programs, infrastructure, peace and security, foreign policy…he will address what and where we are now and looking forward to his final year,” ayon kay Sec.Roque. (Daris Jose)

Ridley Scott, Back In A New Historical Epic Film ‘The Last Duel’

Posted on: July 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DIRECTOR Ridley Scott is back with a new historical epic film titled The Last Duel, starring Matt Damon, Adam Driver, Jodie Comer, and Ben Affleck, based on a real-life trial by combat.

 

 

The director of the films The MartianBlack Hawk Down, and Gladiator will now tell a story set in the midst of the Hundred Years War.

 

 

Watch the trailer for The Last Duel below: https://www.youtube.com/watch?v=_neyKOWX9z0

 

 

The film is based on the actual events written in Eric Jager’s book The Last Duel: A True Story of Crime, Scandal, and Trial by Combat in Medieval France. It tells the story of the respected knight Jean de Carrouges, his wife Marguerite, and the well-revered Norman squire Jacques Le Gris.

 

 

When Le Gris assaults Marguerite, the woman refuses to stay silent and steps forward to accuse him of the crime. This results to a trial by combat which pits Le Gris against Jean de Carrouges in a grueling fight to the death.

 

 

“When etiquette, social aspirations and justice were driven by the codes of chivalry, the consequences for defying the institutions of the time – the Church, the nobility at court, a teenage king – could be severe. For a woman navigating these violent times, one who had no legal standing without the support of her husband, the stakes were even higher,” the press release for the film teased.

 

 

The movie is Damon and Affleck’s first writing collaboration since their breakthrough movie Good Will Hunting back in 1995, and it’s Scott’s first film since All the Money in the World and Alien: Covenant, both of which were released in 2017.

 

 

This is one of two new Scott movies that will be showing this year — the biographical drama House of Gucci, starring Driver and Lady Gaga, arrives in November.

 

 

 

The Last Duel is produced by 20th Century Studios and set to release on October 15.

(ROHN ROMULO)

Malaysia at Thailand, kasama na sa mga bansang inaprubahan ni PDu30 na may travel ban

Posted on: July 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang travel restrictions para sa lahat ng mga byahero na manggagaling sa Malaysia at Thailand o may history of travel sa mga nasabing bansa sa nakalipas na 14 na araw.

 

Ang mga ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay hindi pupuwedeng papasukin ng Pilipinas.

 

“Nagdesisyon na po ang ating Presidente, isinama na  ang Malaysia at Thailand sa mga bansa na kasama sa travel ban. Ulitin ko, kasama na  sa mga bansang may travel ban .. ang bansang Malaysia at ang Thailand,” ayon kay Sec. Roque.

 

Ito aniya ay magsisimula ng 12:01AM ng July 25, 2021 hanggang 11:59PM ng July 31, 2021.

 

“Hindi pupuwedeng pumasok ngayon bukod pa doon sa mga bansang may travel ban na ang manggagaling sa Malaysia at Thailand. Lahat ng naka-transit na  o papunta na ng Pilipinas at lahat ng darating “14 days immediately preceding arrival to the Philippines, pero bago po ng 12:01AM ng July 25, 2021, ay pupuwede pa rin pong makapasok sa bansa pero “subject to full 14 day facility quarantine, notwithstanding” kung negatibo ang Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) result,” paliwanag ni Sec. Roque.

 

Sinabi pa niya na ang travel restrictions, ay “subject sa usual exceptions na iyong mga filipino na kabahagi ng repatriation at special commercial flights ay pupuwede pong pumasok ng Pilipinas subalit kailangan na sundin ang “prescribed testing at quarantine protocols.”

 

“This action is undertaken to prevent the further spread and community transmission of COVID-19 variants in the Philippines,” ang pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

NCR, 4 pang lalawigan, inilagay sa GCQ with heightened restrictions – IATF

Posted on: July 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim ang National Capital Region (NCR) sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions mula ngayong araw, July 23, 2021 hanggang July 31, 2021.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, maliban sa NCR, isinailalim din sa GCQ with heightened restrictions ang mga lalawigan ng Ilocos Norte at Ilocos Sur na dati ng nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

 

 

Mula naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), ang Davao de Oro at Davao del Norte ay inilagay na sa GCQ with heightened restrictions simula July 23, 2021 hanggang July 31, 2021.

 

 

“As these areas will be placed under GCQ with heightened restrictions, children five years old and above will not be allowed to go to outdoor areas, as provided for under IATF Resolution No. 125 (s.2021),” ani Sec. Roque.

 

 

Samantala, muling ipinagbawal  na lumabas  ang mga batang 5-taong gulang pataas dahil sa umiiral na “GCQ  with heightened restrictions sa Metro Manila at 4 pang probinsya. (Daris Jose)

OCTA group nanawagan sa gobyerno na agapan paghigpit vs sa Delta variant

Posted on: July 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nanawagan ang OCTA Research Group na magpatupad na ang gobyerno ng paghihigpit dahil sa posibilidad na pagtaas ng kaso muli ng COVID-19 lalo na sa Metro Manila.

 

 

Hindi rin dapat balewalahin ang pagtaas ng coronavirus infections sa Metro Manila dahil sa posibleng dulot na ito ng mas nakakahawang Delta variant.

 

 

Ayon sa naturang independent group hindi aniya sapat ang kasalukuyang general community quarantine status without restriction at kailangan na ipatupad ay ang mas mahigpit na quarantine status o restrictions sa NCR.

 

 

Ang tama at sapat na intervention kabilang ang lockdown na samahan pa ng pinalawig na testing at contact tracing ang dapat ipatupad ng gobyerno.

 

 

Nauna nang inamin ng Department of Health na nagtala na sila ng local transmission ng Delta variant.

 

 

Sa pinakabagong pagtukoy ng DOH meron na namang 12 bagong kaso na nahawa ng Delta variant sa bansa. (Gene Adsuara)

Construction worker timbog sa 328 grams marijuana

Posted on: July 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Swak sa kulungan ang isang construction worker matapos makuhanan ng tinatayang nasa 328 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa buy bust operation ng pulisya sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Paolo Reyes alyas Amping, 21, ng Ignacio St., Brgy. Daanghari.

 

 

Ayon kay Col. Ollaging, dakong 2:15 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ng buy-bust operation sa Bacog, Block 3, Brgy. Daanghari.

 

 

Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P500 halaga ng marijuana.

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang pastic ice bag ng pinatuyong dahon ng marijuana ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Narekober sa suspek ang tinatayang nasa 328 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may corresponding standard drug price (SDP) P39,360.00, buy-bust money, at isang eco bag.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)