• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 27th, 2021

Kiefer nag-sorry sa NLEX, PBA

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Masaya si NLEX Road Warriors ace Kiefer Ra­vena na mabibigyan ito ng tsansang makapaglaro sa Japan B.League kasama ang Shiga Lakestars.

 

 

Subalit bago tumulak sa Japan, humingi ng tawad si Ravena sa pamunuan ng NLEX at ng liga sa a­ber­yang naidulot ng biglaang announcement ng pagla­laro nito sa Shiga.

 

 

“I apologize for any hurt feelings and stress this has caused the PBA and to my team, the NLEX Road Warriors,” ani Ravena.

 

 

Partikular na tinukoy ni Ravena ang PBA Board of Governors at si  PBA commissioner Willie Marcial na nabigla rin sa anunsiyo ng Shiga noong Mayo.

 

 

“I specifically want to apologize to the PBA Board of Governors and Commissioner Willie Marcial who I know are doing their best to lead the PBA and mee­ting the changes and challenges brought about by the pandemic,” ani Ravena.

 

 

Humingi rin ng paumanhin ang dating Ateneo Blue Eagles standout sa mga fans na nakaabang sa bawat kaganapan sa kanyang Japan stint.

 

 

“Most especially I want to apologize to the PBA fans for the controversy and the distraction. It was not my intention,” dagdag ni Ravena.

 

 

Gayunpaman, malaki ang pasasalamat nito sa NLEX at PBA dahil napayagan na itong makapaglaro sa international league na isa sa kanyang pangarap noon pa man.

 

 

Wala pang petsa kung kailan magtutungo si Ra­vena sa Japan para simulan ang training camp nito kasama ang Lakestars.

 

 

Makakaharap ng Shiga sa opening day ng Japan B.League ang San-En NeoPhoenix na koponan ng kanyang nakababatang kapatid na si Thirdy Ra­vena.

Delta variant, 8 tao kayang hawaan sa loob ng 1-2 minuto

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Higit na nakakatakot ang Delta variant kumpara sa iba pang variants dahil kaya nitong manghawa ng hanggang walo katao na nasa kaniyang paligid, at ang walo naman na nahawaan ay kaya ring makahawa ng walo pa bawat isa.

 

 

Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, ng Inter-Agency Task Force Technical Advisory Group, higit 60 por­syentong mas nakahahawa ang Delta subalit maiiwasan ito kung susunod lamang sa health protocols tulad ng social distancing, pagsusuot ng face masks at face shields at dapat na magpabakuna.

 

 

“..it is three times more contagious than the original SARS COV-2 virus,” ani Salvaña sa IATF mee­ting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Sabado ng gabi.

 

 

Kung dati aniya na may tatlong araw pa bago makahawa ng tao ang COVID-19 variants, ang Delta ay mas maikling oras lang o 30 oras ay puwede nang makahawa ng iba. habang ang mga sinasabi aniyang close contacts na may 15 minuto, sa Delta ay 1-2 minuto lang ay pwede nang makahawa.

 

 

Gayunman, ani Salvaña, umaasa siya na ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan laban sa pagkalat ng nasabing variant ay tama.

 

 

“Face shield, face mask, physical distancing and of course we have to vaccinate everyone. We need to make sure na maglevel up ang ating compliance because the variant has levelled up,” ani Salvaña.

 

 

Dapat din aniya na tuluy-tuloy lang ang pagbabakuna laban sa CO­VID-19 at kung magagawang mas paspasan pa ay mas mabuti, at kasabay ng pagsunod sa health protocols ay maa­ring hindi matulad ang Pilipinas sa mga kalapit na ASEAN nations. (Daris Jose)

Ads July 27, 2021

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Yulo pasok sa finals ng men’s vault sa Tokyo Olympics

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi pa tapos ang laban para sa lone world champion gymnast ng Pilipinas na si Carlos Yulo kahit pa bigo siyang makakuha ng final spot sa floor exercise event.

 

 

Pasok pa rin kasi si Yulo sa finals sa men’s vault event ng men’s artistic gymnastics.

 

 

Ito ay kasunod na rin ng kanyang performance ngayong araw, Hulyo 24, sa Ariake Gymnastics Centre.

 

 

Sa naturang event, nakakuha si Yulo ng 14.712 record sa vault, dahilan para makuha niya ang puwesto sa top 6 spot sa finals na gaganapins a Agosto 2 ng alas-5:30 ng hapon, oras sa Pilipinas.

 

 

Kanina, sa floor exercise event, nakakuha lamang ng 13.566 points si Yulo, pang-44 sa lahat ng mga atleta.

 

 

Pang-47 naman siya sa individual all-around final berth matapos makakuha ng total na 79.931 points.

 

 

Pagdating naman sa rings, nakuha ni Yulo ang 24th place sa score na 14.0000.

 

 

Nakakuha naman siya ng 13.466 sa parallel bars para sa 55th place, at pang-63 sa horizontal bars matapos makuha ang 12.300 score.

 

 

Sa pommel horse, mayroon namang 11.833 score si Yulo.

Kahit wagi sa prelim bout, Nesthy Petecio, ‘di papakampante sa face off nila ng Chinese-Taipei boxer bukas – coach

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakahanda na ang “Davao pride” na si Nesthy Petecio na makaharap ang world’s number 1 na si Ling Yu Ting mula-Chinese Taipei para sa Women’s Featherweight Category.

 

 

Ito’y matapos niyang talunin kahapon si Marcelat Sakobi Matshu ng Democratic Republic of the Congo sa pamamagitan ng unanimous decision o 5-0 na score mula sa judges.

 

 

Sa panayam kay Nolito Velasco, head coach ng Philippine Women’s Boxing team, sinabi nito na nagsilbing “warm-up” para kay Petecio ang face off nila ni Matshu.

 

 

Nag-review rin daw si Velasco sa mga nakaraang laban nina Lin at ni Petecio para mas maihanda ang Pinay boxer pagdating sa Round of 16 bout nito bukas, Hulyo 26, ganap na alas-12:39 ng tanghali.

 

 

Kailangan din aniyang manalo si Petecio sa laban kay Lin para makapasok ito sa quarter finals at magarantiya ang kahit bronze medal para sa Pilipinas.

 

 

Ayon pa sa head coach, nagpapasalamat si Petecio sa mga kababayang Pilipino lalo na sa mga Dabawenyo na nagpapakita sa kanya ng suporta.

55 Delta variant ng COVID-19 naitala sa bansa

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

May panibagong 55 Delta variant ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health.

 

 

Sa ngayon ay pumalo na sa 119 na mga Delta variant cases ang kumpirmadong local transmission ng nasabing virus.

 

 

Sa 55 na panibagong bilang ay isa na ang nasawi at 54 ang gumaling na.

 

 

Nasa 37 sa mga dito ay local cases habang 17 naman ay mga returning overseas Filipinos (ROF) na ang isang kaso ay kanilang mahigpit na biniberipika.

 

 

Sa 37 na local cases ay mayroong 14 kaso ay mula Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), walo dito ay mul asa Northern Mindanao, anim na kaso ay sa Metro Manila, anim sa Central Luzon, dalawa sa Davao Region at isa sa Ilocos Region.

 

 

Dahil dito ay sinabi ng DOH na kailangan ngayon ng gobyerno ng mas mabilis na implementasyon ng response strategies. (Daris Jose)

5 nalambat sa buy-bust sa Caloocan at Malabon

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LIMANG hinihinalang drug personalities ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan at Malabon cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant hinggil sa umano’y illegal drug activities ni Christian Mendioro, 44, watch-listed, kaya isinailalim ito sa isang linggong validation.

 

 

Nang makumpirma ang ulat, agad ikinisa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO ang buy bust operation sa No. 83 Baltazar St., Brgy. 69 dakong alas-2:30 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaaresto kay Medioro matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

 

 

Nasamsam sa suspek ang humigit kumulang sa 15 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P102,000 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Sa Malabon, natimbog din ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa ilalim ng pamumuno ni Col. Albert Barot sina Hermie Fabilane, 34, Marvin Fabilane, 36, Jhon Rick Berania, 19 at Reggie Tumanday, 24, sa buy bust operation sa Dela Pena St. corner M H Del Pilar, Brgy. Maysilo dakong alas-8:20 ng gabi.

 

 

Ayon kay PSSg Jerry Basungit, nakumpiska sa mga suspek ang humigit kumulang sa 9.0 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P61,800 at P500 buy bust money. (Richard Mesa)

Bulacan nagbigay ng oryentasyon sa RA 10821 at basic sign language sa mga kawani at child development workers

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng obserbasyon ng National Disaster Resilience Month (NDRM) at National Disability Prevent and Rehabilitation (NDPR) Week, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare Development Office ng “Orientation on RA 10821 at Basic Sign Language” para sa mga empleyado, mga social worker at child development workers (CDW) sa lalawigan sa pamamagitan ng online conference na isinagawa sa Zoom application kahapon.

 

 

 

Ito ay kaugnay ng programang Evacuation Center Coordination and Management (ECCM) ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office para sa kahandaan ng lalawigan sa oras ng sakuna.

 

 

 

Kilala rin bilang Children’s Emergency Relief and Protection Act, nilagdaan at naaprubahan ang RA10821 noong Mayo 18, 2016, na nagtatakda ng pamantayan ng pananagutan sa mga bata tungkol sa pangangalaga at pagkakaloob ng kanilang mga pangangailangan bago, habang at pagkatapos ng isang sakuna.

 

 

 

Ayon kay Clarita Libiran ng PDRRMO, bukod sa mga bata, ang mga buntis /nagpapasuso na kababaihan at mga batang may kapansanan ay protektado rin sa batas na ito at nararapat makatanggap ng mabilisang paghahatid ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo.

 

 

 

Bukod dito, pinangunahan din nina Ana Maria Santos at Efrida Christina Jo Zapanta mula AKAPIN, Inc., isang organisasyon ng mga magulang ng mga kabataang may kapansanan, ang basic sign language training upang turuan ang mga CDW at mga social worker na makipag-usap sa mga batang may espesyal na pangangailangan lalo na sa oras na nangangailangan sila ng tulong sa isang hindi inaasahang pangyayari, kalamidad o sa kanilang pananatili sa evacuation center.

 

 

 

Binigyang diin naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang kahalagahan ng gampanin ng mga social worker at mga child development worker sa paggabay at pag-unawa sa mga kabataan lalo na sa panahong sila ay pinaka kailangan.

 

 

 

“Kayo ang katuwang ng ating pamahalaan sa pag-aalaga sa ating mga kabataan lalo na sa panahon ng sakuna. Tayo, bilang ginamit ng Panginoon upang tumulong at maglingkod, ito ay panawagan ng sakripisyo at pag-unawa para maiangat ang dangal ng ating mga kabataan at ating mga kalalawigan. Sinusuportahan po natin ang mga ganitong layunin para sa ating mga kabataan lalu na ‘yong mga batang may special needs,” anang gobernador. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Sec. Roque, handa nang magpaalam bilang tagapagsalita ng Pangulo

Posted on: July 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HANDA na si Presidential Spokesperson Harry Roque na magpaalam bilang tagapagsalita ng Pangulo.

 

Kung si Pangulong Rodrigo Roa Duterte aniya ay ito na ang huling State Of the Nation Address (SONA) ay siya naman ay huling SONA niya rin ito bilang tagapagsalita ng Pangulo.

 

“At bagama’t ito pong SONA na ito ay …..ito na rin ang kahuli-hulihang SONA ko bilang tagapagsalita, so hindi lang po si Presidente ang magpapaalam,” anito.

 

Sa ngayon ay patuloy ang gagawin niyang pakikipagtulungan sa mga miyembro ng media at pagdadala ng mga balita at mga impormasyon na nakakaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan.

 

Sinabi pa niya na nagagalak siya sa pagkakataon na naibigay sa kanya para maging instrumento na isulong ang freedom of information ng taumbayan.

 

Sa kabilang dako, magpapa-schedule naman si Sec. Roque ng “thorough physical check-up” bago po dumating ang buwan ng Setyembre para malaman kung ano talaga ang estado ng kanyang kalusugan.

 

Ayaw namang umasa ni Sec. Roque sa kung ano ang magiging resulta ng kanyang medical conddition sa naka-iskedyul na pagpapa-check up niya.

 

“Well, titingnan po muna natin iyan. Ayaw ko na po munang umasa ‘no dahil noong minsan, tayo po ay umaasa eh hindi naman pupuwede dahil sa ating medical condition ‘no. So pinagdadasal po natin iyan at titingnan po natin kung ano ang sasabihin ng mga doktor,” ayon kay Sec. Roque.

 

Samantala, isa si Sec.Roque sa sinasabing kasama sa inisyal na listahan ng inaayos ng Pangulo na magiging manok nito sa pagka-senador sa 2022 elections. (Daris Jose)