• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 5th, 2021

NBA players na nabakunahan, nasa 95 % na

Posted on: October 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dumami pa ang bilang ng mga NBA players na naturukan na ng COVID-19 vaccines.

 

 

Ayon kay NBA executive director Michele Roberts na nasa halos 95 percent ng mga manlalaro na ang nakatanggap na ng kanilang first dose.

 

 

Ang nasabing pagtaas ng bilang ng mga nagpapabakuna ay bunsod ng kautusan na limitado lamang silang maglaro sa kanilang sarilng home court at bawal silang dumayo.

 

 

Bukod pa sa ihihiwalay sila sa mga kasamahan nilang bakunado na.

 

 

Dagdag pa nito na posibleng magkakaroon pagkairita ang mga bakunadong manlalaro laban sa hindi bakuna kapag sila ay maglalaro na dahil sa pangambang mahawaan sila ng COVID-19.

 

 

Magugunitang ilang mga manlalaro na kumokontra sa pagpapabakuna ay sina Kyrie Irving, Andrew Wiggins at Bradley Beal habang ibinunyag ni Los Angeles Lakers star LeBron James na ito ay nabakunahan na.

4 miyembo ng gabinete, sasabak sa Senate race sa ilalim ng PDP-Laban Cusi faction’

Posted on: October 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAY apat na miyembro ng gabinete ang sasabak sa senatorial bids sa 2022 national elections sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) faction sa pangunguna ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

 

Araw ng Lunes nang kumpirmahin ni Cusi ang mga tatakbo bilang senador sa katauhan nina presidential spokesperson Harry Roque, presidential legal counsel Salvador Panelo, Public Works Secretary Mark Villar at anti-corruption commission chairperson Greco Belgica.

 

“Si Secretary Panelo po, tuloy po ang pagtakbo nya, Secretary Villar, then si Greco po, Greco will run, Secretary Roque will also run,” ayon kay Cusi.

 

Ang iba pang Cabinet members sa Cusi-led PDP-Laban faction’s initial senatorial slate ay sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Transportation Secretary Arthur Tugade.

 

Magkagayon man, sinabi ni Cusi na sina Bello at Tugade ay magdedesisyon ngayong araw kung tatakbo sila o hindi sa pagka-senador matapos na ianunsyo ni Pangulon Rodrigo Roa Duterte ang kanyang pagreretiro sa politika noong nakaraang linggo.

 

“We had a long meeting with the President when the President decided not to run. Of course, emotions were running. Talagang ginusto na ng pangulo na umayaw na,” ayon kay Cusi.

 

“Nalaman din ni Secretary Tugade and Secretary Bello ito and they’re now assessing whether they are also going to withdraw, not file their candidacy dahil gusto nila kung tatakbo sila, kasama nila si Pangulo. Paguusapan po namin ngayon,” dagdag na pahayag nito.

 

Ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) ay hanggang Oktubre 8.

 

Wala naman sa mga nasabing Cabinet members ang nakapaghain na ng kanilang COCs.

 

Samantala, tiniyak naman ng Malakanyang na walang “leadership vacuum” sa oras na bakantehin na ng mga Cabinet members ang kanilang posisyon bilang paghahanda sa pagtakbo sa Eleksyon 2022. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Maraming lugar sa bansa nasa signal No. 1 dahil bagong bagyo – Pagasa

Posted on: October 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakakaapekto ngayon sa malaking bahagi ng bansa ang nabuong tropical depression Lannie.

 

 

Huli itong namataan sa layong 100 km sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

 

 

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

 

 

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

 

 

Nakataas ngayon ang signal number one sa mga sumusunod na lugar: Southern portion ng Masbate, southern portion ng Romblon, southern portion ng Oriental Mindoro, southern portion ng Occidental Mindoro, northern portion ng Palawan, kasama ang Calamian at Cuyo Islands, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Capiz, Aklan, Antique, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, northern at central portions ng Negros Oriental, Cebu, Bohol, Surigao del Norte, Dinagat Islands, northern portion ng Agusan del Norte, northern portion ng Agusan del Sur at northern portion ng Surigao del Sur.

New ‘Army of Thieves’ Trailer Shows More Heists in the World of ‘Army of the Dead’

Posted on: October 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NETFLIX released the trailer for their Army of the Dead prequel Army of Thieves.

 

 

Produced by Zack Snyder and written, directed, and starring Matthias Schweighöfer, the film follows small-town bank teller Dieter who gets invited to join a crew of criminals to heist a sequence of impossible-to-crack safes across Europe.

 

 

Check out the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=Ith2WetKXlg

 

 

No disrespect to Army of the Dead, but this sounds more my speed. While zombie hordes are all well and good, I’d rather just see heisting adventures minus the undead, so if that’s what Schweighöfer is offering, then I am very much here for it, especially since I found Dieter to be a delightful character.

 

 

Hopefully, this is a fun-filled heist movie that translates Dieter’s charm to the rest of the cast. Judging by the trailer, Schweighöfer and Snyder have definitely delivered, and I’ll be eager to see this one as soon as possible.

 

 

Here’s the official synopsis for Army of Thieves.

 

 

In this prequel to Zack Snyder’s Army of the Dead, small-town bank teller Dieter gets drawn into the adventure of a lifetime when a mysterious woman recruits him to join a crew of Interpol’s most wanted criminals, attempting to heist a sequence of legendary, impossible-to-crack safes across Europe.

 

 

In this prequel, Dieter’s new crew is comprised of Nathalie EmmanuelRuby O. FeeGuz Khan, and Jonathan Cohen. Snyder developed the original story with Shay Hatten, who also wrote the script, while Schweighöfer himself directs. Snyder and Schweighöfer also produce the film, along with Deborah SnyderWesley Coller, and Dan Maag.

 

 

Army of Thieves arrives on Netflix on October 29.

 

(ROHN ROMULO)

LeBron at Lakers lumakas ang loob na babandera muli sa NBA dahil sa 11 bagong teammates

Posted on: October 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Lumakas daw ang loob ngayon ng Los Angeles Lakers na makabangon mula sa pagkabigong maidepensa ang kanilang korona noong nakalipas na NBA season.

 

 

Ito ay makaraang makuha ng team ang umaabot sa 11 mga bagong players kasama na ang dating MVP na si Russell Westbrook mula sa Wizards.

 

 

Ang ilan sa naturang players ay nagbabalik sa team na hangad na masungkit ang ika-18 titulo ng prangkisa.

 

 

Inamin naman ng head coach na si Frank Vogel at veteran player na si Rajon Rondo, na magandang pangitain na mismong ang kanilang superstar na si LeBron James ang nangunguna sa training camp ng koponan.

 

 

Hindi naman inalintana ni LeBron na halos mawalan na ng boses sa kakasigaw sa kanilang training session upang makabisado lamang ng kanyang mga kasamahan ang inihanda nilang diskarte o mga set plays.

 

 

Nakatakdang magbukas na ang bagong season ng NBA sa Oktubre 19.

Tambalang Sara-Go sa Eleksyon 2022, binuking ni PDu30

Posted on: October 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBINUKING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang napipintong pagtatambal nina Davao City Mayor Sara Duterte at Senator Christopher “Bong” Go para sa dalawang “top government posts” sa May 9, 2022 elections.

 

Kinumpirma mismo ni Pangulong Duterte sa isang ambush interview sa labas ng Sofitel Hotel sa Pasay City, araw ng Sabado ang bagay na ito matapos na maghain ng kanyang Certificate of Candidacy for Vice President si Go.

 

“Sara-Go na ‘yan ..in the 2022 national elections,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Umatras ang Pangulo sa nominasyon bilang Vice-Presidential candidate ng ruling party, Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), at nagpahayag nang kahandaan na magretiro mula sa public service kapag nagtapos na ang kanyang termino sa Hunyo 2022.

 

Matatandaang, unang pinroklama ng PDP-Laban si Go bilang top candidate ng partido subalit tinanggihan nito.

 

Ang pinakabagong pahayag naman ng Pangulo ay sa kabila nang makailang ulit na pahayag naman ni Mayor Sara na hindi siya tatakbo sa pagka-pangulo at ang paghahain ni Mayor Sara ng kanyang COC, araw ng Sabado para sa pangatlo at huling termino bilang Alkalde ng Davo.

 

At nang tanungin ang Pangulo kung pinal na ang presidential bid ng kanyang anak , ang sagot ng Chief Executive ay “yes”.

 

“Ah, actually, hindi kami nag-uusap ng politika  ever since. Ever since, we never talked about politics. I would say that I did that ..withdrawal of my vice-presidential bid.. for the better,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

Sa kabilang dako, wala namang ideya si Pangulong Duterte kung kailan mag-aanunsyo ang kanyang anak ukol sa kanyang presidential bid.

 

Magugunitang, si Pangulong Duterte ay substitute bet noong 2016 polls, kapalit ni Martin Diño.

 

Si Diño, chair ng Volunteers Against Crime and Corruption noong panahon na iyon ay iniatras ang kanyang COC matapos mainsulto sa  Commission on Elections na ideklara siyang nuisance bet.

 

Ang paghahain ng COC ay magtatapos sa Oktubre 8 habang ang political parties ay mayroon lamang ng hanggang Nobyembre 15 para palitan ang kanilang kandidato. (Daris Jose)

NAVOTAS NAGBIGAY NG CASH ALLOWANCE SA PWD STUDENTS

Posted on: October 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco ng cash allowance sa special education (SPED) students.

 

 

Nasa 376 benepisyaro ng Persons with Disabilities (PWD) Students Educational Assistance/Scholarship ang nakatanggap ng kanilang cash allowance.

 

 

Sa number na ito, 341 ang elementary pupils, 13 ang high school students, at 22 naman ang college students.

 

 

Sa ilalim ng scholarship, magbibigay ang Navotas sa PWD students ng P500 monthly educational assistance o P5,000 kada academic year.

 

 

Ayon kay Mayor Tiangco, layon nito na kahit sa munting paraan, matutulungan sila ng pamahalaang lungsod sa kanilang pag-aaral.

 

 

Ang mga aplikante sa programa ay kailangan Navoteños o kahit isa sa kanilang mga magulang /guardians ay bonifide residents at rehistradong botante sa Navotas. (Richard Mesa)

Tambalang Isko Moreno-Willie Ong naghain ng 2022 candidacy sa Comelec

Posted on: October 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pormal nang nag-file ng kanilang certificates of candidacy (COC) si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at running mate na si Dr. Willie Ong para sa pambansang halalang sa Mayo 2022.

 

 

Lunes nang ihain nina Domagoso at Ong ang kanilang COC sa pagkapangulo at pagkabise presidente sa ikaapat na araw ng filing ng candidacy sa Commission on Elections (Comelec).

 

 

Nitong Setyembre lang nang opisyal na ianunsyo ng dalawa ang planong tumakbo sa susunod na taon sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko, habang idinidiing kaya nilang makipagtrabaho sa parehong taga-administrasyon at oposisyon basta’t makatutulong sa karaniwang tao ang pinag-uusapang programa.

 

 

Magiging parte ng senatorial slate nina Domagoso at Ong ang opposition at dating Otso Diretso candidate na si Samira Gutoc, kasama na rin ng education entrepreneur na si Carl Balita.

 

 

Una nang sinabi ni Domagoso na ipagpapatuloy niya ang relasyon ng Pilipinas sa mga international organizations gaya ng International Criminal Court (ICC), na layong imbestigahan ang “crimes against humanities” ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng madugong war on drugs. Aniya, kailangan daw obserbahan ang rule of law.

 

 

 

Gayunpaman, hindi klaro kung makikipagtulungan siya para mapanagot si Digong.

 

 

Kahit na kumalas na ang Pilipinas sa ICC nitong Marso 2019, ilang observers na ang nagsasabing pwedeng imbestigahan at litisin pa rin ang mga krimeng nangyari bago ang petsang ‘yan kung kailan miyembro pa ang Pilipinas.

 

 

 

Una nang usap-usapang tatakbo si Domagoso sa pagkabise matapos niyang paringgan si Digong, na nagsabi na noong tatakbo sa vice presidential post, pagdating sa kanilang “paghaharap” ngayong Oktubre.

 

 

Sa kabila nito, pinagsususpetyahan ng ilan na “secret Duterte candidate” si Isko, bagay na kanya namang itinanggi na. (Gene Adsuara)

40-day prayer to save Earth, pangungunahan ng Living Laudato Si Philippines

Posted on: October 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hinihikayat ng Living Laudato Si’ Philippines ang mga mananampalataya at mga kapanalig na makibahagi sa ilulunsad na 40-day prayer campaign bilang paghahanda sa paglalakbay tungo sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan. Magsisimula ang prayer campaign sa Oktubre 04, kasabay ng kapistahan ng patron ng kalikasan na si San Francisco ng Assisi at magtatagal hanggang sa Nobyembre 14, kasabay naman ng paggunita sa World Day of Prayer for the Poor.

 

 

“We encourage our Kapanaligs to join us in daily prayer to prepare this journey for our Common Home,” paanyaya ni LLS Philippines Executive Director Rodne Galicha sa panayam ng Radio Veritas. Layunin ng apatnapung araw na pananalangin na suportahan ang pitong sektor ng Laudato Si’ Action Platform (LSAP) na kinabibilangan ng sektor ng mga pamilya, mga parokya at mga diyosesis, paaralan, healthcare communities, ekonomiya, iba’t ibang organisasyon at grupo at ang mga nasa religious orders.

 

 

Ito ang sama-samang pagtutulungan ng mga komunidad na kabilang sa LSAP para sa pagiging mga mabuting katiwala ng ating inang kalikasan upang matagumpay namang maisakatuparan ang Seven Laudato Si’ Goals: – Response to the cry of the earth; – Response to the cry of the poor; – Ecological economics; – Adoption of simple lifestyles; – Ecological education; – Ecological spirituality; and – Community engagement and participatory action “From our families, parishes and dioceses, schools, healthcare community, economic sector, organizations and groups, and religious orders and missions, as stewards we shall act together to achieve the goals of Laudato Si’.

 

 

Let us thank God for the gift of creation we ought to care, restore and regenerate,” ayon kay Galicha. Dito’y mayroon ding nakalaang mga araw ng panalangin sa bawat sektor ng LSAP na nag-uugnay sa Laudato Si’ Goals. *insert photo* Ang 40-day prayer campaign ay pangungunahan ng Vatican Dicastery for Promoting Integral Human Development katuwang naman ang LLS Philippines.

 

 

Magugunita sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco na hinikayat nito ang bawat mamamayan na simulan sa pagbabago ng lifestyle ang ecological conversion na kinakailangan ng mundo, at dito naman magmumula ang community conversion o pagkakaisa ng bawat komunidad para sa iisang adhikaing pangalagaan ang sangnilikha

Dagdag na mahigit 1.8-M doses na Pfizer vaccines dumating sa bansa

Posted on: October 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakatanggap ang bansa ng karagdagang 1,813,500 doses COVID-19 vaccine mula sa Pfizer.

 

 

Ang nasabing bakuna ay bahagi ng binili ng gobyerno mula sa COVAX facility nitong Linggo ng umaga.

 

 

Sa kabuuan ay mayroon ng 16.63 million doses na Pfizer ang natanggap ng bansa.

 

 

Sa nasabing bilang ay 10.63 million ay sa pamamagitan ng COVAX habang 5.99 million naman ay binili ng gobyerno.

 

 

Mayroon pang 10 million doses ng Pfizer ang inaasahang darating sa bansa sa mga susunod na linggo.