• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 20th, 2021

Ads October 20, 2021

Posted on: October 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TUGADE: AYUDA SA MGA TSUPER, ISINUSULONG NG DOTR, LTFRB

Posted on: October 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Imbes na direktang pagtataas ng pamasahe na makaka-apekto sa higit na nakararaming pasahero, isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng ayuda sa mga driver ng mga pampublikong sasakyan sa gitna ng pandemya.

 

Ayon kay Transportation Secretary Art Tugade, itinutulak ng DOTr at LTFRB ang mga programa na magbibigay tulong, suporta, at ayuda sa mga driver at operator na hindi nangangailangang magpatupad ng pagtaas ng pamasahe.

 

Kinakailangang balansehin ang pangangailangan ng mga drayber sa kakayanan ng mga pasahero ngayong pandemya. Kaya imbes na direktang pagtataas ng pamasahe, ayuda sa drayber at ayuda sa pasahero ang itinutulak ng DOTr.

 

“We understand the situation that the drivers and operators are undergoing now, however, we also feel the situation of the commuters. We know that a lot of our fellowmen have lost their jobs and others have just returned to their work.  They are just now making a living so we think that it is not yet the proper time to implement a fare increase,” wika ni Tugade.

 

 

Ayon naman kay DOTr Assistant Secretary Mark Steven Pastor, masusing pinag-aaralan ng LTFRB ang petition sa fare hike na inihain ng mga transport group noong nakaraang linggo.  Daraan aniya ang petisyon sa mga pagdinig bago ang pagtukoy kung kailangang magtaas ng pamasahe.

 

Inihayag din ni Pastor na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DOTr at LTFRB sa Department of Energy (DOE) upang magkaroon ng uniform discount ang mga pampublikong sasakyan, partikular na ang mga jeepneys, sa lahat ng mga gas stations sa buong bansa.

 

Sumulat na rin ang DOTr at LTFRB sa DOE upang humingi ng suhestyon kung paano maiibsan ang epekto ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis na ginagamit sa operasyon ng mga PUV, kasama na dito ang pagbibigay ng fuel subsidy.

 

 

“The DOTr and LTFRB have already written to the Department of Energy (DOE) to give us recommendations and ask for their cooperation for a program that would give a mandatory discounts in gas stations nationwide for the public utility vehicles,” saad ni Pastor.

 

 

Sinabi naman ni LTFRB chairman Martin Degra na kailangan na balansehin ang interes ng mamayan at mga drivers at operators.  Kinikilala ng LTFRB ang nararamdaman ng mga tsuper at operator, subalit kasabay nito ay kailangan din na maghanap ng solusyon na hindi rin matatamaan ang mas nakararami tulad ng mga mananakay.

 

Samantala, muling inaanyayahan ng DOTr at LTFRB ang mga drayber at operator na lumahok sa Service Contracting Program, kung saan sila ay babayaran ng gobyerno sa kada nakumpletong biyahe o trips, habang sinisiguro na mananatiling tuluy-tuloy ang kanilang pamamasada. Bilang konsiderasyon sa pagtaas ng presyo ng krudo, pinag-aaralan na rin na taasan ang insentibong ibinibigay sa ilalim ng programa.

 

Dagdag pa dito, hinihikayat din ang mga transport stakeholder na samantalahin ang libreng pagpapabakuna. Noong Hulyo, inilunsad ang vaccination drive para sa PUV drivers at ibang empleyado ng transport sector. Magagamit nila ang kanilang vaccination cards para makatanggap ng mga karagdagang diskuwento sa gas stations at mga kainan. LASACMAR

MGA DATING MIYEMBRO NG NPA, PINASALAMATAN NI LABOR SECRETARY BELLO SA PAGTITIWALA SA PAMAHALAAN

Posted on: October 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAGKALOOBAN  ng ayuda ng Department of Labor and Employment ang dating mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa liblib na bayan sa Currimao, Ilocos Norte.

 

Personal na dumalaw si Labor Secretary Silvestre Bello III upang ipakita ang katapatan ng pamahalaan sa paghahatid ng kapayapaan sa bansa lalo na sa hanay ng mga dating rebeldeng nagbalik-loob sa gobyerno kung saan ay mainit na tinanggap ang kalihim.

 

Bitbit  ang iba’t ibang ayuda ng kalihim para sa mga manggagawa ruon na pinangasiwaan ng Integrated Livelihood Program o DILP.

 

Ang isa sa Infantry Division ng Philippine Army sa pamumuno ni Gen. Krish-Namurti Mortela, na kapartner ng DOLE sa pagpapatupad End Local Communist Armed Conflict o ELCAC program ay nasa Currimao.

 

Nagkakahalaga ng 1.4 milyong pisong DILP projects ang naipagkaloob sa 35 beneficiaries mula sa Pinili at 35 recipients mula sa Marcos ang tumanggap ng mahigit na isa punto dalawang milyong piso.

 

May 500 benipisyaryo rin mula sa Laoag National High School ang tumanggap ng dalawang milyong pisong financial assistance. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Disney Delays 6 MCU Release Dates, Removes 2 Marvel Movies From Slate

Posted on: October 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DISNEY has delayed 6 different Marvel movies and removed the release dates for 2 others.

 

 

The Marvel Cinematic Universe is known for its carefully plotted schedules, as oftentimes each project relies on another for either set up or continuation. 2020 proved to be a major obstacle for the franchise when the coronavirus pandemic forced Marvel Studios to delay every film and television show it had planned for the year. After multiple adjustments, though, the MCU appeared to finally settle into a definite schedule.

 

 

Disney+ shows like WandaVision and The Falcon and the Winter Soldier kicked off the year, but they were never as tricky to plan as the movies.

 

 

Black Widow, which had been the first film delayed in 2020, finally arrived in July, with Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings following in September. The MCU has two more movies planned for the rest of the year, Eternals and Spider-Man: No Way Home (a Sony release), and both are committed to their respective November and December release dates.

 

 

However, the MCU’s 2022 and 2023 calendars just got a major shakeup. Disney has officially delayed 6 upcoming Marvel movies, starting with Doctor Strange in the Multiverse of Madness. Once planned for March 2022, it has now moved to May 6, 2022.

 

 

That was the date for Thor: Love and Thunder, which will now be released on July 8, 2022, thus taking the spot of Black Panther: Wakanda Forever. That sequel is now scheduled for November 11, 2022The Marvels, meanwhile, vacated 2022 entirely and will be released on February 17, 2023. Ant-Man and the Wasp: Quantumania was also delayed and is now planned for July 28, 2023.

 

 

Additionally, two untitled Marvel movies in 2023 have been pulled from the calendar, while one has been rescheduled to November 3, 2023. It was previously slated for one week after, on November 10. The two untitled MCU movies that were pulled were scheduled for July 28 and October 6.

 

 

These massive delays are reportedly due to production concerns and not box office, which makes sense when considering Shang-Chi has become the highest-grossing movie of 2021 at this point in the year. Disney also adjusted the release dates for Indiana Jones 5, an untitled live-action movie, and a 20th Century picture, but Marvel got the biggest changes due to the MCU’s interconnected nature.

 

 

The only MCU movie to come out of this unscathed beyond the two remaining for this year is Guardians of the Galaxy Vol. 3, which remains poised to debut in May 2023. This could perhaps indicate that film isn’t nearly as connected to the other projects, so it doesn’t matter as much where it falls on the overall calendar.

 

 

Those like Doctor Strange 2 and Ant-Man 3 are expected to feed into each other because of the MCU’s ongoing multiverse storyline, and in order for it all to make sense, they must move together. This is no doubt a blow to Marvel fans who were eagerly anticipating all these movies, but it also sadly isn’t much of a surprise at this point.

(ROHN ROMULO)

SYLVIA, wagi na naman ng Best Actress sa ‘Star Awards for TV’ dahil sa mahusay na pagganap sa ‘Pamilya Ko’

Posted on: October 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WAGI na naman si Sylvia Sanchez dahil sila ni JM de Guzman ang top winners sa katatapos lang na PMPC’s Star Awards for TV.

 

 

Tinanghal na Best Drama Actor si JM at Best Drama Actress si Sylvia dahil sa napakahusay nilang pagganap sa Pamilya Ko na nag-uwi naman ng Best Primetime TV Series.

 

 

Last month, nanalo rin si Sylvia ng Best Actress sa Star Awards for Movies para sa pelikulang Jesusa at siya rin ang napiling National Winner for Best Actress in a Supporting para sa primetime series ng ABS-CBN na Huwag Kang Mangamba na nalalapit na rin ang pagwawakas at sa December 2 and 3, 2021 naman malalaman ang grand winner na gaganapin sa Singapore.

 

 

Wagi rin Sunshine Dizon bilang Best Single Performance By An Actress (“Magkano Ang Forever”/Tadhana) at si Seth Fedelin ang nakakuha ng Best Single Performance by An Actor (“Ilog”/Maalaala Mo Kaya)

 

 

Sa Best Supporting Actor at Actress sina Roderick Paulate (One of the Baes) at Aiko Melendez (Prima Donnas) ang nagwagi habang sina Vic Sotto at Manilyn Reynes bilang Best Comedy Actor at Comedy Actress ang nag-uwi ng tropeo.

 

 

Big winner sa Star Awards for TV si Kuya Boy Abunda na pinarangalan ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award, wagi rin ang shows niya na The Bottomline at Tonight with Boy Abunda na kung saan siya rin ang tinanghal na Best Public Affairs Program Host at Best Celebrity Talk Show Host.

 

 

Si Ms. Korina Sanchez naman ang ginawaran ng Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award.

 

 

***

 

 

KAABANG-ABANG na naman ang bagong obra ni Roman Perez Jr., ang direktor ng acclaimed at blockbuster Philippine adaptation ng The Housemaid at patuloy na tinatangkilik sa Vivamax ang Taya.

 

 

Ito ay ang sexy and heist movie na House Tour na streaming na sa October 22 sa Vivamax na pinagbibidahan nina Cindy Miranda, Sunshine Guimary, Mark Anthony Fernandez, Diego Loyzaga, Rafael Siguion-Reyna, at ang Viva’s next in line hunk na si Marco Gomez.

 

 

Siya nga ang pangatlong M.G. sa contract star ng Viva Artists Agency, after Marco Gumabao at Marco Gallo.

 

 

Sa cast nga ng House Tour, ang newbie actor ang masasabing isa sa mga pinakamasuwerte dahil sa kanyang role na siguradong magmamarka sa viewers sa maraming bansa.

 

 

Balitang una pala itong inialok ang kanyang role sa isang popular singer-actor pero pinakawalan nga ang project dahil sa takot sa COVID-19 at mag-lock-in shooting.

 

 

Kaya para talaga ito kay Marco na wala ring takot sa paghuhubad na una niyang pinamalas sa sexy movie na Silab, kaya tiyak na meron din maiinit na eksena sa House Tour.

 

 

Natanong nga si Marco, kung willing uli siyang mag-frontal sa movie, at agad naman niyang sinagot na ‘oo’, basta kailangan sa eksena.  Pag-amin pa niya, tinanong daw niya si Direk Roman kung kailangan niyang mag-all out sa paghuhubad sa movie, gagawin niya.     Ganun nga talaga katapang ang baguhang hunk actor na gumaganap na Buddy sa House Tour, na for sure, hindi mawawalan ng project sa Viva Films.

(ROHN ROMULO)

CASSY, ultimate dream na makatrabaho si ALDEN dahil ‘di naman malayo ang age gap nila

Posted on: October 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

GINULAT na naman ang mga fans ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera nang mag-post siya sa kanyang Instagram na suot niya ang Flora Vida white waffle robe.

 

 

Naka-cover ang kanyang ulo, at nakasilip lamang ang kanyang beautiful face, kaya ang comment ng mga netizens para siyang si Mama Mary.

 

 

      Caption ni Marian: “Did anyone say bed weather? Feeling comfy in my floravida waffle robe.” 

 

 

Ilan nga sa mga comments sa post ni Marian: “Mama Mary?” “Mama Mary, – saktong-sakto ang name ni Marian sa mukha niya,” “Angelic beauty,” “The living Mama Mary.  So beautiful!” “Are you human?” “Grabe, parang birhen na sumilip!”

 

 

After this, tiyak na ilalabas na ni Marian ang bagong line ng Flora Vida by Marian, abang-abang na lamang tayo!

 

 

***

 

 

MAY sari-sarili nang career path ang kambal nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, sina Mavy at Cassy. 

 

 

Nakatapos na ng first teleserye niya si Cassy sa First Yaya with Gabby Concepcion at Sanya Lopez, very soon ay mapapanood na si Mavy sa first teleserye niya, ang I Left My Heart in Sorsogon, with Heart Evangelista, new Kapuso actor Richard Yap, Paolo Contis and his love team, Kyline Alcantara.

 

 

Decided na si Cassy na ituloy ang pag-arte at dream niyang magkaroon ng marami pang acting projects.  Isa sa ultimate dream niya ay ang makatrabaho si Alden Richards.

 

 

  “Of course, I’m happy to work with anyone and I think that would be a challenge for me, to build chemistry with someone who, let’s say is an acquaintance or I never met. Or maybe it would be nice kung friend ko siya. 

 

 

But yung dream partner ko is siyempre si Kuya Alden.  Di po naman malayo ang age gap namin, kung may chemistry kami ni Kuya Alden, go na natin.”

 

 

As a TV host-actress at celebrity inlfuencer, siya na ang pinakabagong Brand Ambassador ng Beautederm ni Ms. Rhea Tan, para sa Facial Care Line nila.

 

 

***

 

 

THANKFUL si Ms. Jaclyn Jose sa GMA Network na sa kabila ng pandemic, nakagawa pa rin siya ng dalawang malalaking projects, ang dalawang top-rating series na The World Between Us sa GMA Telebabad at ang Nagbabagang Luha sa Afternoon Prime.

 

 

Kahit guest role lamang ang character niyang si Mercy, ang tunay na ina ng magkapatid na Maita (Glaiza de Castro) at Cielo (Claire Castro).

 

 

Sa simula lamang ng story siya napanood, dahil materyoso at gusto ng magandang buhay, umalis siya at iniwan ang mga anak sa asawang si Paeng (Alan Paule).  Sa finale week ngayon muling magbabalik ang character ni Mercy.

 

 

Magkaiba ang characters nina Maita at Cielo, dahil kaya iyon sa pagpapabaya ni Mercy sa mga anak? Matanggap kaya at mapatawad siya ng magkapatid sa mga kasalanang ginawa niya sa kanila?

 

 

Mapapanood ang finale week ng serye until Saturday, October 23, 2:30 PM after ng Eat Bulaga.

 

 

Meanwhile, tapos na ang season break ng The World Between Us at muling magbabalik si Jaclyn, with her co-stars Dina Bonnevie, Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, Sid Lucero, simula sa November 15, after ng 24 Oras sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Biglaang paglabas ng mga tao, ikinabahala

Posted on: October 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ikinabahala ng mga awtoridad ang biglaang paglabas ng mga tao habang halos umabot sa ‘pre-pandemic level’ ang bilang ng mga sasakyan sa mga kalsada makaraang ibaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila.

 

 

Mismong si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang nakapansin sa pagdami ng tao sa mga kalsada, sa mga malls, pasyalan at mga restoran mula pa nitong nakaraang Biyernes.

 

 

Ang mga sasakyan sa EDSA, nasa 400,000 na ang bilang na halos kapareho na ng ‘pre-pandemic level’.

 

 

Dahil dito, nagbabala ang mga otoridad sa publiko na maghinay-hinay muna dahil sa hindi pa 100 porsyento na nagbabalik na sa normal ang sitwasyon.

 

 

May ilang mga barangay chairman na rin ang nagrereklamo sa pagluluwag sa res­triksyon dahil sa hindi nila maawat ang mga tao na lumabas ng kanilang mga bahay.  Nangangamba sila na baka magkahawaan muli ng virus at magkaroon muli ng surge.

 

 

Bukod sa mga da­ting pasyalan, dinagsa rin ng tao ang kontrobersyal na Dolomite Beach sa Maynila na kinakitaan ng pagdidikit ng mga tao.

 

 

Pinaalala ni Abalos na bawal pa ring lumabas ang mga bata at matatanda na 65-taon pataas habang nakatakdang maglabas pa ng panuntunan sa pagbiyahe papasok at palabas ng Metro Manila.

 

 

Sa kabila ng pagsisikip sa mga kalsada, wala pa rin namang plano ang MMDA na ipa­tupad muli ang ‘number coding scheme’. (Daris Jose)

PRC, vindicated vs kuwestyon sa kanilang COVID test results

Posted on: October 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ikinagagalak ng Philippine Red Cross (PRC) ang findings ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na nagsasabing accurate ang COVID-19 RT-PCR swab tests.

 

 

Matatandaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang naglabas ng isyu, matapos lumutang na may mga false positive cases na nasuri ang PRC laboratory sa Subic, Zambales.

 

Ayon sa pangulo, tila hindi makatwiran ang paniningil ng mahal para sa hindi naman tiyak na pagsusuri.

 

 

Pero base sa paliwanag ni Philippine Red Cross chairman Sen. Richard Gordon, hindi lang para sa mga gamit ang sinisingil, kundi pambayad rin sa mga medical technologist at iba pang tauhan na buwis buhay din sa pag-aasikaso ng mga sample.

 

 

Ayon kay Gordon, hindi matatawaran ang papel ng mga gumagawa ng test, dahil tuwing nagtatrabaho ay nalalantad sila sa posibleng impeksyon.

 

 

Kaya naman, sa isang pahayag, sinabi ng PRC na nagpapasalamat sila sa patas na imbestigasyon ng RITM-DOH sa nasabing usapin.

 

 

Patunay lamang umano ito na naging biktima sila ng walang basehang alegasyon, para sirain ang kridibilidad sa harap ng publiko.

 

 

“The PRC has found itself a victim of unsubstantiated allegations in recent months. This is due to damning evidence against involved parties in the awarding of more than Php8.7 billion in contracts for overpriced medical supplies to an undercapitalized company under the Bayanihan to Heal Act. Senator Richard Gordon has been leading the investigation of the Senate Blue Ribbon Committee as its Chairman. Senator Gordon is also the Chairman and CEO of the PRC, under whose watch the humanitarian organization has undergone an intensive modernization program,” saad ng pahayag mula sa PRC. (Daris Jose)

Mahigit 144,000 minors na edad 15-17-yrs. old target na mabakunahan sa MM

Posted on: October 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mayroong 144,131 na mga minors na may edad 15-17-anyos ang target sa pilot pediatric COVID vaccination sa Metro Manila.

 

 

Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na ang nasabing bilang ay pawang mga mayroong comorbidities.

 

 

rograma mula Oktubre 22-31 sa mga LGU based hospital na mayroong 13 karagdagang pagamutan.

 

 

Ilan sa mga nadagdag na pagamutan ay ang Caloocan Medical Center, Ospital ng Paranaque, Pasay General Hospitals at iba pa. (Daris Jose)

IATF, pinalawig ang alert level system sa labas ng NCR

Posted on: October 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINALAWIG ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang alert level system na ipatutupad na rin sa iba pang mga lugar labas ng National Capital Region (NCR) simula ngayon, Oktubre 20 hanggang katapusan ng buwan.

 

Ang Alert level 4 ay ipatutupad sa:

Region 7: Negros Oriental
Region 11- Davao Occidental

 

Habang ang Alert level 3 naman ay sa:

Region 4-A: Cavite, Laguna, Rizal

Region 7: Siquijor

Region 11:  Davao city at Davao del Norte

 

Samantalang ang Alert level 2 ay ipatutupad sa:

Region 4- A: Batangas,  Quezon Province, Lucena city

Region 7:  Cebu city,  Lapu- lapu City, Mandaue Cebu province

 

(Daris Jose)