• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 4th, 2021

KINUPKOP ng Kalanguya tribe ng Nueva Vizcaya si Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso

Posted on: November 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINUPKOP ng Kalanguya tribe ng Nueva Vizcaya si Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pamamagitan nang pag-alay ng isang native ritual sa kanya sa munisipyo ng Santa Fe noong nakaraang Sabado.

 

Ang ritwal ay pinangunahan ng council of leaders and ni Santa Fe Mayor Tidong Benito.

 

Kasabay nito, ang tribu ng Kalanguya at mga kasapi nito ay nagpahayag nang lubos na pagsuporta sa kandidatura ni Domagoso sa pagka-Pangulo sa darating na 2022 national elections. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Ads November 4, 2021

Posted on: November 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SHARON, tuloy na tuloy pa rin ang pagpasok sa action-drama series ni COCO; inaabangan kung ano ang magiging role

Posted on: November 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI na ang nag-aabang sa pagpasok ni Megastar Sharon Cuneta sa FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

Isa ito sa pasabog na handog ng action-drama series na pinagbibidahan ni Coco Martin, which is celebrating its sixth anniversary.

 

 

Maraming mga fan groups ni Sharon sa Facebook ang nagtatanong kung kailan daw kaya ang formal announcement sa pagpasok ng megastar sa show.

 

 

Curious din sila kung ano kaya ang magiging role ni Sharon sa serye ni Coco.

 

 

***

 

 

HABANG nalalapit ang pagtatapos ng Inspirational serye na Huwag Kang Mangamba ay lalong mas matitindi at magaganda ang mga eksena every night.

 

 

Napansin lang namin na mas lalong sumasama si Deborah (being played superbly by Eula Valdes) sa bawat episode. Mas marami siyang pinapapatay at ginagawan ng masama.

 

 

Hindi kaya worried si Eula na may mang-away sa kanya in public dahil sa sobrang galit sa kanya bilang Deborah?

 

 

Pero ibig sabihin ganoon ka-effective si Eula sa kanyang role as the fake faith healer sa show.

 

 

For sure ang role ni Deborah will be added to Eula’s list of unforgettable roles.

 

 

Hindi rin kami magtataka if Eula wins an award for it. Talagang evil personified si Deborah sa portrayal ni Eula.

 

 

***

 

 

AMINADO si Froilan Santos na maski siya ang nagtaka kung bakit siya napiling i-manage ng MAK Entertainment Services.

 

 

Kapipirma lang niya ng kontrata sa MAK last Saturday together with Keifer Sanchez of the TNT Boys.

 

 

“Siguro po, ipinadala lang talaga sila ni God para tulungan ako talaga sa mga panahon na sobrang ang hirap ng buhay. Sa totoo lang, parang wala na po ang passion ko sa singing since 2019. Nag-focus na lang po ako sa pagtuturo. Ayoko na kumanta tapos nagpapataba na ako,” kwento ni Froilan sa contract signing presscon ng MAK para sa kanila ni Keifer.

 

 

Hindi raw alam ni Froilan kung bakit parang nawala ang drive niya to sing. This was probably due to depression kasi kasi nagkasakit ang mother niya noong latter part ng 2019 at halos maubos ang savings niya.

 

 

Siya raw ang breadwinner sa family dahil single pa siya and since siya ang nasa showbiz, people were thinking na malaki ang kita niya.

 

 

Third placer si Froilan sa TNT. Lagi siyang pinupuri ni Vice Ganda. Pag may concert si Vice, siya ang kinukuha na vocal coach.

 

 

With the help of MAK, umaasa si Froilan na matutupad niya ang dream niya magkaroon ng first hit single na siya ang nagsulat.

 

 

Singer-composer kasi ang packaging niya. Sa online concert ni Sheryn Regis na prinodyus ng MAK, inilunsad ni Froilan ang bago niyang single titled ‘Stalker’ which he composed.

 

 

Kasabay ng launching ng kanta ay ang world premiere ng music video ng ‘Stalker’ featuring Ronnie Alonte and Loisa Andalio.

 

 

Ang dream collaboration niya ay makasama sa isang concert sina work with Regine Velasquez, Gary Valenciano, Martin Nievera and Ogie Alcasid, mga icons ng OPM, na talaga namang tinitingala niya mula pa noon.

(RICKY CALDERON)

COVID-19 cases sa Pinas posibleng bumaba pa sa 2,000 daily– OCTA

Posted on: November 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinatayang bababa pa sa 2,000 ang bilang ng COVID-19 cases kada araw sa Pilipinas sa katapusan ng buwan ng Nobyembre.

 

 

Ayon kay OCTA Research group fellow Dr. Guido David, ito ay kung magpapatuloy ang downward trend ng mga kaso ng COVID-19 infections sa buong bansa.

 

 

Umaasa si Dr. David na kung mangyayari ito ay magiging maganda ang pagdiriwang ng holiday sa darating na Disyembre.

 

 

Ayon pa kay David, ang positivity rate ng bansa ay nasa 8% kung saan bahagya itong mas mataas ng limang porsyento sa naitalang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region.

 

 

Paliwanag pa ni David na bagamat gumaganda ang COVID-19 situation sa mga probinsiya bahagya namang mataas ang positivity rate dahil sa medyo kulang aniya ang testing sa ibang mga probinsiya.

 

 

Samantala, suportado naman ng independent research group ang panawagan na ilagay ang NCR sa mas pinaluwag na alert level 2 upang makabawi ang mga negosyo naapektuhan ng mga umiiral na restriksyon.

 

 

Wala naman aniyang nakikita na banta ng mas mapanganib na variant ng COVID-19 sapagkat wala naman aniyang naiuulat na presensiya ng sinasabing Delta plus sa lineage ng Delta variant.

 

 

Kaugnay nito, mas marami na rin aniya ang bakunado laban sa COVID-19 sa Metro Manila kung kaya’t mas mababa ang tiyansa ng muling magkaroon ng outbreaks o surge ng virus.

 

 

Nauna nang inihayag ni Health spokesperson at Usec. Maria Rosario Vergeire na kailangan na ang avergae daily attack rate (ADAR) ay nasa 7 o mas mababa pa upang maibaba sa alert level 2 ang NCR. (Daris Jose)

CHRISTIAN LAGAHIT, inalala na naging biktima rin ng racial discrimination na ‘di na-experience sa ‘Squid Game’

Posted on: November 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MINSAN na raw naging biktima ng racial discrimination ang Pinoy actor sa hit Korean series na Squid Game na si Christian Lagahit.

 

 

Kahit na raw lumalabas siya sa ilang Korean movies at TV series, hindi raw maiiwasan na meron pa ring mag-discriminate sa kanya dahil sa pagiging Filipino niya.

 

 

Sa naging interview ni Lagahit sa Asian Boss, binalikan ni Lagahit ang naging experience niya nang may isang babae na bigla na lang siyang binato ng repolyo sa mukha.

 

 

Kuwento ni Lagahit, sumakay daw siya ng isang village bus na medyo puno na kaya tumayo na lang siya sa likuran ng bus. Bigla na lang daw may nambato sa kanya ng repolyo at nasapol siya sa mukha.

 

 

Nakita raw niya na isang Korean woman na may edad na 50 ang nambato sa kanya. Agad daw niyang tinanong ang babae kung bakit siya binato nito?

 

 

“The hardest part was no one is paying attention to me. Everyone was there. There’s a lot of people inside,” sey ni Lagahit na walang nakuhang sagot mula sa babae.

 

 

Wala raw nagawa si Lagahit kundi ang bumaba na lamang ng bus at maghintay ng susunod na bus.

 

 

Iba naman daw ang experience niya sa mga Koreans na katrabaho niya sa Squid Game. Mababait daw ang mga ito at wala siyang naranasan na diskriminasyon habang nagsu-shoot sila ng naturang series.

 

 

***

 

 

HANDA na ang Kapuso teen stars na sina Bryce Eusebio at Dayara Shane na um-attend ng face-to-face classes dahil miss na raw nilang makipag-interact sa kapwa nila estudyante.

 

 

Sa Zoom medicon ng I Left My Heart in Sorsogon, sinabi nina Bryce at Danaya na mas gusto raw nila na nasa regular school sila dahil wala raw challenge ang online classes sa maraming kaedad nila.

 

 

Sey ni Bryce: “Nakakatamad po kapag online classes. You lose focus kasi minsan po may nakaka-distract sa iyo. Mas gusto ko pa rin po yung nasa classroom. I miss being with my friends at miss ko na rin yung mga activities sa school. Since vaccinated na po ako ng first dose, magiging protektado na ako.”

 

 

Sey naman ni Danaya: “Marami pong students na nahihirapan sa online classes. Yung iba po walang signal kaya wala po silang access to attend online classes. I prefer face-to-face classes kasi iba pa rin po yung may teachers at may interaction tayo with other students.”

 

 

Parehong nasa Grade 10 sina Bryce at Danaya na gumaganap bilang young Richard Yap at young Heart Evangelista sa I Left My Heart in Sorsogon.

 

 

***

 

 

HINDI lang pala singing contests ang sinalihan ng The Clash season 2 finalist at Whistle Diva na si Jennifer Maravilla, kundi pati beauty pageant ay sinalihan niya.

 

 

Naging representative si Jennifer ng Malabon sa Face of Tourism Philippines noong 2019. Naranasan daw niyang rumampa sa entablado na naka-swimwear at evening gown.

 

 

Pero wala na raw balak si Jennifer na subukan pa ulit ang beauty pageants dahil ang singing at acting na raw ang focus niya. Kasama nga siya sa cast ng I Left My Heart In Sorsogon sa GMA.

 

 

“Sinubukan ko lang yung pagsali ng pageants. And nagawa ko naman kaya I am putting it all behind me. 

 

 

“Kahit na sabihin nating gusto ko pang sumali, hindi rin siguro puwede na because of my age (26 years old). Tsaka ang daming preparations kapag sumali ka ng pageant. Parang mahihirapan na rin ako,” diin pa niya.

 

 

Kaya dinadaan na lang daw ni Jennifer sa pag-post ng bikini pics sa social media.

 

 

May kakaibang alindog si Jennifer kaya meron pa ring nanghihikayat sa kanya na sumali ng pageant, kabilang na ang co-star niya at former Miss Maja Pilipinas 1992 na si Marina Benipayo.

 

 

“Nakakuwentuhan ko po si Ms. Marina at hanga ako sa kanya kasi kilos beauty queen pa rin siya. She’s giving me tips and words of encouragement if ever maisipan kong sumali ulit ng pageant. 

 

 

“Pero masaya na po ako sa ginagawa ko ngayon. At least, kahit minsan nasubukan kong sumali sa isang beauty pageant,” sey ni Jennifer.

(RUEL J. MENDOZA)