• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 24th, 2021

ALBIE, tahasang sinabi na hindi pa rin ramdam kahit vindicated na dahil sa bashing at nawalang trabaho

Posted on: November 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUMPARA nga siguro sa mga nakaraang anniversary special ng GMA-7’s longest running-gag show na Bubble Gang mas simple nga raw ang selebrasyon ng show kahit na isang milestone ang sine-celebrate nila ngayon.

 

 

Imagine, 25 years, as in, silver anniversary ng show. Mabibilang lang siguro sa daliri ng kamay ang mga programa sa telebisyon na umaabot ng ganito katagal and still going strong.

 

 

Dahil nga sa pandemic kaya limitado pa rin ang mga pwede nilang gawin, pero siyempre, hindi naman pupuwedeng hindi ito i-celebrate.

 

 

Sa part pa ni Michael V na talagang open naman na mas lalong naging maingat sa pagta-trabaho outside home simula nang maranasan niya mismo ang magkaroon ng COVID-19.

 

 

Ayon kay Bitoy, “Actually ang challenge is nasa creatives. How can you celebrate something this big na hindi kayo totoong nagse-celebrate? Kasi ang celebration for me is gathering and gathering of people we love.

 

 

“And as much as gusto namin na gano’n sana ang mangyari, at this point, wala talagang magagawa. So ito lang ‘yung magagawa namin but I’m pretty sure, babawi pa kami and kapag nakahanap kami ng paraan, that would be a real celebration talaga.”

 

 

      ***

 

 

ANG pagsa-shower pala ang dahilan kung bakit ginusto na ni Albie Casino na mag-leave sa PBB.

 

 

Hindi natuloy ang plano niya na mag voluntary leave dahil na-evict na siya. Sa interview ni Toni Gonzaga kay Albie, halatang masaya pa ito na nakalabas na ng Bahay ni Kuya.

 

 

Sabi nga ni Albie, “I was happy that I got evicted, because that’s not quitting.

 

 

     “Ang pinakamahirap sa akin do’n is the fact that we can’t shower whenever we wanted.

 

 

      “There’s a shower call. Ang dami namang oras na walang ginagawa sa bahay. Kuya, why can’t I take a shower? Nag-workout ako kanina.“

 

 

Sabi ni Toni kay Albie, “may rules kasi sa PBB.”

 

 

Sa isang banda, tahasang sinabi ni Albie na kahit daw na-vindicate siya at lumabas ang katotohanan after years ng isyu sa kanila ni Andi Eigenmann noon, hindi pa rin niya ramdam that it was enough vindication for him.

 

 

     “It wasn’t enough vindication for all the years of bashing, all the lost works.”

 

 

***

 

 

KUNG ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang nagsimula ng virtual concert na naging sobrang matagumpay, heto’t sinisimulan din ni Alden ang online documentary concert na ForwARd sa January 30.

 

 

Solo produced ito ni Alden para sa kanyang AR Foundation na masaya niyang ibinalita na registered na noong September pa ng taong ito.

 

 

Inamin na rin ni Alden na matagal na pala siyang may mga scholars at may dalawang naka-graduate na ng college. Hindi niya nga naman sine-share o isinasa-publiko ang mga ginagawang pagtulong, pero ngayon daw na may foundation na, gusto niyang mas makapag-inspire pa.

 

 

At ang nakikita pa naming bentahe ng concert ni Alden ay ang ipakilala kung sino si Richard Faulkerson Jr. Part pa lang daw ng buhay niya ang nakikita sa kanya at mas makikilala raw siya ng husto sa concert.

 

 

Naka-plano na mag-spend ng Christmas, New Year at birthday niya si Alden sa U.S. pero mukhang bago umalis, sisimulan na raw nila ni Bea Alonzo ang shooting ng movie nila, ang Special Memory ng VIVA Films, APT Films at GMA Films.

(ROSE GARCIA)

DAILY AVERAGE NA KASO NG COVID, NAG-PLATEAU NA

Posted on: November 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Health Usec Maria Rosario Vergeire  na nag-plateau na ang  daily average ng tinatamaan ng COVID-19 sa Metro Manila nitong nakalipas na linggo kung saan nagpapakita nang malaking pagbagal sa pagbaba ng mga kaso.

 

 

 

Mula sa 404 noong Nobyembre 1 hanggang 7, bumaba sa 435 ang arawang kaso nitong Nobyembre  8 hanggang 14 na bumaba pa sa 315 sa nakalipas na Nobyembre  15 hanggang 21, base sa datos ng DOH.

 

 

 

Kapareho rin ayon kay Vergeire ang sitwasyon sa iba pang rehiyon  sa bansa maliban sa iba pang bahagi ng Luzon na tuloy ang pagbaba ng mga kaso bagama’t kinakikitaan na rin nang pagbagal

 

 

 

Sa datos pa ng DOH, bumaba sa 1,436 ang average na naitatalang kaso sa bansa nitong Nov 15 hanggang 21

 

 

 

Mula ito sa 1,986 na arawang kaso na naitatala noong  Nov 8 hanggang Nov 14. GENE ADSUARA

15 milyong target bakunahan sa 3-day national vaccine drive – DOH

Posted on: November 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Target ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ang nasa 15 milyong Pilipino sa ikakasang tatlong araw na ‘national COVID-19 vaccination drive’ na nakatakda sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

 

 

“We are doing everything that we can so that this can be successful and we can reach our average or our targets,” ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 

 

Kung hindi man umano maaabot ang naturang target, umaasa naman sila na kahit 70% nito ay makuha nila upang maging matagumpay ang programa.

 

 

Gumugulong na umano ang kanilang paghahanda kasama ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan ma­ging ang mga pribadong sektor at lokal na pamahalaan.

 

 

Muli siyang nanawagan sa publiko na nais mag-vo­lunteer. Nangangailangan sila ng 30,000 hanggang 50,000 vaccinators sa 10,000 itatatag na vaccination sites.

 

 

Nilinaw niya na ‘voluntary’ lamang umano ito talaga at walang matatanggap na sahod.

 

 

“This is a voluntary effort, so kung sakali pong may incentive tayo, baka mga allo­wance o ‘di kaya ay pakain lang po ang maibigay natin sa ating mga kababayan na tutulong sa atin,” dagdag ni Vergeire. (Daris Jose)

Andrew Garfield, Done Addressing Rumors About His Role In ‘Spider-Man: No Way Home’

Posted on: November 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANDREW Garfield is done addressing rumors about his potential role in Spider-Man: No Way Home and that fans will find out the truth for themselves next month.

 

 

Jon Watts‘ Spider-Man: No Way Home is perhaps the buzziest and most anticipated MCU project to arrive since 2019’s Avengers: Endgame. Its multiversal adventure, which brings back several actors from previous Spider-Man franchises, has enticed fans of all ages, and the promise of seeing Tom Holland in the lead role once again holds a lot of appeal after Marvel and Sony’s brief split in 2019.

 

 

The multiverse aspect of Spider-Man: No Way Home has led to countless rumors, reports, and leaks regarding just who is involved with the movie. No one has been speculated about more than Andrew Garfield, the star of Sony’s two Amazing Spider-Man movies. Though there have been supposedly leaked images and videos of Garfield on set, the actor has repeatedly denied his involvement with Spider-Man: No Way Home. In fact, Garfield even warned fans that the movie could suffer from unwieldy expectations.

 

 

After his many, many denials, Garfield is taking a stand with the Spider-Man: No Way Home rumors. Garfield sat down with GQ recently to participate in the popular segment “Actually Me,” where he goes undercover on various social media websites to dispel rumors about himself.

 

 

In the video, he responded to a fan comment on a video of his recent interview with Jimmy Fallon, typing out: “Listen, at this point… I’m done. We’ll all out find out when the movie comes out and we’ll either be very disappointed, or we’ll be very happy. Or someone will say, “I told you so,” and another person will say, “I told you so.” We’ll all find out. I’m sorry in advance.

 

 

Considering how often Garfield has been bombarded with questions about Spider-Man: No Way Home while promoting his recent movies The Eyes of Tammy Faye and it isn’t too surprising that he’s grown tired of it. Regardless of whether or not he actually is in the movie, it must be frustrating to have to constantly circle back to the same topic over and over.

 

 

Plus, no matter how many times Garfield denies it, his words are never accepted by the fans, which just leads to more questions sent his way.

 

 

Assuming Garfield is in fact in Spider-Man: No Way Home, his role was likely intended as a thrilling surprise for fans. Now that there have been leaks, and characters like Amazing Spider-Man 2′s Electro (Jamie Foxx) are confirmed to be in the film, it’s not quite the same, but Garfield probably still wants to preserve the surprise as best as he can.

 

 

With just a few weeks left before the web-slinger movie arrives in theaters, it might be best to just let Garfield relax and see how the movie unfolds. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)