INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na magpapatupad sila ng pinakabagong polisiya sa bansa hinggil sa green, yellow at red lists.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, 41 na bansa ang nakasama na sa green list na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Ang mga bansa na kabilang sa green list ay ang Bangladesh, Benin, Bhutan, British Virgin Islands, Chad, People’s Republic of China, Comoros Côte d’Ivoire (Ivory Coast), Democratic Republic of the Congo, Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands (Malvinas), The Gambia, Ghana, Guinea, Hong Kong (Chinese Special Administrative Region), Indonesia, Japan, Kenya, Kosovo, Kuwait, Kyrgyzstan, Liberia, Montserrat, Morocco, Oman, Pakistan, Paraguay, Rwanda, Saba (Special Municipality of The Kingdom of the Netherlands), Saint Barthelemy, Saint Pierre and Miquelon, Senegal, Sierra Leone, Sint Eustatius, Sudan, Taiwan, Timor-Leste (East Timor), Togo, Uganda, at ang United Arab Emirates.
Habang ang nasa red list ay ang bansang Andorra, France, Monaco, Northern Mariana Islands, Réunion, San Marino, South Africa, at Switzerland.
Ang mga bansang hindi binanggit ay awtomatikong kasama sa yellow list.
Paliwanag ni Morente na kasunod ng itinakdang travel restrictions, sa mga bansang manggagalingsa red list o may travel history ay mayroong 14 na araw bago ay pagdating nila sa Pilipinas ay hindi papayagang makapasok.
Sa red list, tanging ang mga Filipinos na galing sa government o non-government initiated repatriation flights o bayanihan flights ang maaring makapasok.
Klinaro ni Morente na sa general travel policy, angkp lamang ito sa mga bansang manggagaling sa green at yellow list countries. Tanging mga Filipinos, balikbayan, at may long term visas ay papayagang nakapasok sa bansa subalit dadaan sa quarantine policies na ipinapatupad ng Bureau of Quarantine. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)