PARANG nakahihinayang na ilang Linggo lang mapapanood ang opening salvo sa primetime ng GMA-7 na I Can See You: AlterNate na pinagbibidahan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Ang galing ni Dingdong, teaser pa lang sa unang portrayal niya ng dual role bilang sina Michael at Nate. Parehong challenging ang characters na ginampanan niya sa ICSY: AlterNate na magsisimula ng mapanood sa Lunes, January 10.
Mahirap daw talaga at na-challenge ng husto si Dingdong, pero obviously, na-achieve niya ang hinihingi ng dalawang characters niya. All-praises din sa kanya ang director nila na si Dominic Zapata at ang leading lady niya na si Beauty Gonzalez at mga co-stars tulad ni Direk Ricky Davao.
Sa ngayon, lalo na rin sa pagtaas na naman ng COVID-19 cases, tuloy pa rin daw ang set-up nila ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na siya pa rin muna ang magta-trabaho outside the house o mga lock-in taping habang ang misis niya ay sa bahay pa rin.
***
HUMIRIT pa ng baby number 4 ang host ng mga shows ng Kapuso network tulad ng Mars at Eat Well, Live Well, Stay Well at news anchor ng 24 Oras na si Iya Villania.
Kahit daw si Iya, hindi raw niya ine-expect. Ang akala rin daw niya, hanggang sa ikatlong babies na lang sila since two boys and one girl na. Pero sey nga niya, it’s something na hindi nila matatanggihan and happy sila ng mister na si Drew Arellano sa kanilang ika-apat na anak.
At inamin din ni Iya na sa lahat daw ng pregnancy niya, medyo ngayon daw siya medyo hirap sa pagbubuntis.
Pero sa kabila nito, tila ang fresh at okay na okay naman siya nang humarap sa virtual mediacon para sa ika-3rd season na ng kanilang Ajinomoto’s Eat Well, Live Well, Stay Well meadiacon.
Isa rin ito sa nagpapa-surprise at nagpapasaya kay Iya dahil nga umabot na sila ng season 3. At mas marami raw silang bagong putahe na ipakikilala ni Jose Sarrasola.
(ROSE GARCIA)