• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 21st, 2022

DOLE maglalaan ng P1-B tulong pinansyal para sa mga manggagawang apektado ng COVID restrictions

Posted on: January 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGLAAN ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P1 bilyon para sa mga manggagawang apektado ng mas mahigpit na hakbang na ipinatupad, lalo na sa Metro Manila, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, mamamahagi ng limang libong pisong tulong pinansyal ang kagawaran para sa mga manggagawa sa formal sector.

 

 

Magsisimula aniya sila sa pagtanggap ng mga aplikasyon anumang oras sa lalong madaling panahon sa oras na mai-publish na ang nasabing alituntunin.

 

 

Ani Bello, ang resulta ng naging pananalasa ng Bagyong Odette at ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay ang dahilan kung bakit nadiskaril ang pagbangon ng ekonomiya at trabaho ng Pilipinas.

 

 

Bilang tugon, sinabi niya na namahagi na ang departamento ng emergency employment fund na nagkakahalaga ng P120 milyon sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), na nakinabang sa 25,000 benepisyaryo.

 

 

Aniya, may P50 milyon na halaga ng TUPAD funds para sa mga manggagawa sa turismo at isa pang P50 milyon para sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ang kanilang inilaan para sa Metro Manila.

PLDT nagdagdag pa ng 2 players

Posted on: January 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG  players ng Perlas Spikers ang nagtawid-bakod sa kampo ng PLDT Home Fibr para sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.

 

 

Nagpasya sina Heather Guinoo at Jules Samonte na lumipat sa High Speed Hitters matapos magdesis­yon ang Perlas Spikers na magsumite ng leave of absence sa liga.

 

 

Excited na sina Guinoo at Samonte sa bagong pamilyang sasamahan nito sa High Speed Hitters.

 

 

“I’m really grateful kasi biglaan lang din na-disband yung Perlas. Akala ko, I was going to be with them for another year pa. It was unfortunate na na-disband yung Perlas but just grateful to have found a home in PLDT,” ani Samonte.

 

 

Bagong environment ito para kay Samonte na kadalasang mga Ateneo Lady Eagles ang mga kasama sa kanyang mga dating teams.

 

 

“It’s kind of exciting and nerve-wracking because lalabas na naman ako sa comfort zone ko and this time, wala na talaga akong ate na nakasama ko before,” dagdag ni Samonte.

 

 

Makakasama nina Guinoo at Samonte sa kampanya sina Rhea Dimaculangan, Chin Basas, Eli Soyud at Nieza Viray na mga tanging holdovers ng High Speed Hitters

 

 

Pasok din ang bagong recruits na sina Kath Arado, Jessey De Leon, Mean Mendrez, Dell Palomata, Jovie Prado, Wendy Semana, Fiola Ceballos at Lhara Clavano.

 

 

Mamanduhan ang tropa ni head coach George Pascua.

ALDEN, ramdam na iba ang bigat na siya ang producer ng sariling project

Posted on: January 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ONE week na lamang ang hihintayin ng mga fans and followers ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards for his upcoming event titled Forward: Meet Richard R. Faulkerson, Jr., on Sunday, January 30, 8PM. 

 

 

Susubukan ngayon ng actor, singer, model, ang pagiging producer ng sarili niyang concert, a documentary concert, na ipakikita niya ang personal life and showbiz journey niya, retelling important milestones sa pamamagitan ng music at performances niya at ang pagtatayo niya ng sarili niyang foundation.

 

 

Ano ang bago niyang na-experience ngayong siya na ang produder ng kanyang show?

 

 

      “Ngayon ko na-realize na iba yung bigat kapag ikaw mismo ang producer ng sarili mong project,” sagot ni Alden.

 

 

“Noon kasi, may concert man ako, madalas ay produced iyon ng GMA, kaya ibang-iba ngayon.  Hands on ako sa lahat ng bagay, from top to bottom, lahat ng kailangan nandoon ako, another experience, I have to double my effort, alam ko kung saan mapupunta ang lahat ng kinita sa concert, at iyon ay sa mga scholars. 

 

 

Hindi siya madali, pero kapag may mga good people sa likod mo, hindi ka mabibigo, at blessed ako na sila ang mga nakasama ko.  Kaya kung ano ang tagumpay ng concert, tagumpay naming lahat iyon.  Isa pang naituro sa akin ng pagiging producer, natuto akong maging mas responsible sa lahat ng mga ginagawa ko.”

 

 

Pangako rin ni Alden na hindi matatapos ang pagpapa-aral ng students ng kanyang foundation, may mga ibang projects pa rin silang tinitingnan sa mga susunod na taon.

 

 

At nagpapasalamat si Alden sa mga fans at supporters niya, lalo pa at sold-out na agad ang mga tickets nila at tinitingnan pa nila kung pwede pang mag-open ng new ticket slots as per request nila.

 

 

***

 

 

NAG-REACT si Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose sa issue na “there’s something more than special special friendship” between her and Kapuso actor Rayver Cruz. 

 

 

Best friends daw lamang sila at very comfortable with each other.

 

 

  “Best friends talaga kami ever since pa nang una kaming magkasama, siya ang isang taong nakakaintindi sa akin,” dagdag pa ni Julie Anne.

 

 

“Mabuti siyang tao, he’s a good person. He’s caring and thoughtful. He’s really someone that you can count on. We enjoy each other’s company. Sobrang okay po talaga kaming dalawa.”

 

 

Naging very close na nga sina Julie Anne at Rayver, dahil sila ang magkasama bilang mga Clash Masters ng singing competition ng The Clash 2, 3 and 4 ng GMA Network.

 

 

Magkasama rin sila sa special concert ni Julie Anne na Limitless Part2: Heal na kinunan sa Visayas region at every Sunday, magkasama sila sa All-Out Sundays.

 

 

***

 

 

MARAMI nang naghihintay sa The Jessica Soho Presidential Interviews na magtatampok sa limang presidential candidates sa coming Eleksyon 2022.

 

 

Handog ito ng GMA News and Public Affairs bukas, Saturday, January 22, na mapapanood from 6:15 to 8:15 sa GMA-7.

 

 

Pangungunahan ang TV special ng pinagkakatiwalaang mamamahayag na si Ms. Jessica Soho, sa pagsusuri sa mga presidential aspirants, sina Panfilo Lacson, Bong Bong Marcos, Isko Moreno, Manny Pacquiao at Leni Robredo, para matulungan ang publiko sa kanilang pagpapasya kung sino ang karapat-dapat sa kanilang boto sa darating na May 9, 2022 elections.

 

 

Ang interview ay simulcast na mapapanood sa flagship international channel ng GMA Network na GMA Pinoy TV, sa AM radio station na Super Radyo DZBB 594khz at lahat ng mga istasyon ng Super Radyo sa buong bansa.

 

 

Live din itong mapapanood sa GMA News Online at sa YouTube channel, Twitter at Tiktok account ng GMA Public Affairs.

(NORA V. CALDERON)

Malakanyang, nais ang karagdagang labs para sa mabilis na pagpapalabas ng RT-PCR test results

Posted on: January 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa Bureau of Quarantine (BOQ) at Department of Transportation (DOTR) na taasan ang bilang ng mga accredited RT-PCR laboratories para mas maging mabilis ang pagpapalabas ng COVID-19 test results.

 

 

“We already gave a nudge to BOQ and DOTR to increase the number of accredited RT-PCR labs for additional options to our returning Filipinos,” ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

 

“This should be done so [that] the RT-PCR results can be released sooner,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Cacdac na ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa ay nagresulta ng pagdagsa ng mga specimens sa mga laboratoryo na naghihintay na ma-proseso at dahilan ng pagkaantala sa “turnaround time” para sa test results.

 

 

Sa kasalukuyang guidelines, ang mga fully vaccinated Filipino mula sa Red List areas ay required na gawin ang mga sumusunod: mag-presenta ng negatibong RT-PCR COVID-19 test, 48 oras bago ang departure; sumailalim sa facility based quarantine at magsagawa ng RT-PCR COVID-19 test sa pang-pitong araw at kompletuhin ang natitirang 14-day quarantine sa bahay kapag nag-negatibo sa test.

 

 

Samantala, ang mga fully vaccinated travelers naman mula sa Yellow List countries/territories, ay required na gawin ang mga sumusunod:

 

 

Mag-presenta ng negatibong RT-PCR COVID-19 test, 48 oras bago ang departure; sumailalim sa facility based quarantine at magsagawa ng RT-PCR COVID-19 test sa pang-limang araw at sa oras na mag-negatibo sa resulta, ang isanng byahero ay “may be released for completion of home quarantine up to the seventh day from the date of arrival.”

COVAX scheme humiling ng $5.2-B na pondo para mabigyan ng COVID-19 vaccines ang mga mahihirap na bansa

Posted on: January 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HUMILING ang COVAX scheme ng karagdagang $5.2-B na pondo para mabigyan ng COVID-19 vaccines ang mga mahihirap na bansa.

 

 

Sinabi ni Gavi vaccine alliance chief Seth Berkley na ito ang kailangan nilang pondo para mabigyan ng bakuna ang mga mahihirap na bansa sa susunod na tatlong buwan.

 

 

Naabot kasi ng Covax ang bilyon na bilang ng bakuna ang naibigay sa mga bansa noong nakaraang taon matapos na tumaas ang demand ng bakuna noong Nobyembre at Disyembre.

 

 

Kasama kasi ng Gavi ang World Health Organization (WHO) na nangunguna sa COVAX scheme.

 

 

Biden naniniwalang itutuloy ni Putin ang pagpasok sa Ukraine

 

 

Naniniwala si US President Joe Biden na papasukin ng Russia ang Ukraine.

 

 

Sa kanyang talumpati bilang isang taon sa panununkulan, sinabi ng US President na maaaring ituloy ni Russian President Vladimir Putin ang pagpasok sa Ukraine.

 

 

Subalit hindi aniya magsasagawa ng malawakang pag-atake.

 

 

Kasabay din nito ay binalaan ni Biden ang Russia na may katapat na kabayaran sakaling maghasik ng kaguluhan ang Russia sa Ukraine.

 

 

Magugunitang itinanggi ng Russia na lulusob sila sa Ukraine kahit na naglagay na ng mahigit 100,000 mga sundalo nila sa border ng Ukraine.

DI-KWALIPIKADO NA KANDIDATO, MAAARING MAPALITAN BAGO HALALAN

Posted on: January 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAAARI  umanong palitan ang isang kandidato na madidiskwalipika bago ang halalan.

 

 

Ito ang paglilinaw  Comelec Senior Commissioner Rowena Guanzon, kaugnay sa ginawang pagbasura ng  Comelec Second Division ang petisyon na kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa Eleksyon 2022 dahil sa kawalan ng merito.

 

 

Sinabi ni Guanzon sa Facebook live na yung petitioner ayon sa Second Division resolution ay nagkamali sila dahil isa lamang dapat  ‘yung ground  sa cancellation,  na si Marcos ay gumawa ng maling representasyon sa COC kung kaya dapat ikansela ang kanyang COC.

 

 

Isa lamang ang nabasurang petisyon sa mga inihain laban sa kandidatura ni Marcos .

 

 

Mayroon pang nakabinbing disqualification case laban kay Marcos sa Comelec First Division, kung saan miyembro si Guanzon, kasama sina Commissioners Marlon Casquejo at Aimee Ferolino-Ampoloquio.

 

 

Nilinaw ni  Guanzon, na ang cancellation case ay iba sa disqualification case.

 

 

Ayon kay Guanzon, sa disqualification case,  ang nadiskuwalipikang kandidato ay maaari umanong palitan pero kailangan ay kapartido o kaapelyido.

 

 

“Anong resulta kapag nakansela ang COC? Ibig sabihin sa simula pa lang dapat invalid or void ang kanyang COC, ibig sabihin parang wala siyang na-file na COC. Ang ibig sabihin po ng cancellation ang resulta po niyan hindi po siya puwedeng makapag-substitute,” paliwanag ni Guanzon.

 

 

“Ano po ang kaibahan niyan sa doon po sa disqualification na hawak namin? Ang resulta po ‘pag siya ay na-disqualified ay puwede siyang mag-substitute basta kapartido niya at magkapareho ng apelyido. Hindi po kailangang magkamag-anak sila basta magkaapilyedo po sila at pareho sila ng political party,” sabi pa nito .

 

 

Ang pagpapalit din aniya ng nadiskuwalipikang kandidato ay maaring gawin  “before noon of Election Day.”

 

 

Dagdag pa nito, maaring iapela sa Comelec En Banc at Korte Suprema ang desisyon ng Comelec Division .

 

 

Aniya ang SC  ang  siyang may huling desisyon sa tinatalakay na petisyon.

 

 

“Puwede pa pong umapela ang mga natalo sa aming Commission En Banc. Mula po sa Commission En Banc ang partido na hindi sang-ayon sa aming desisyon ay maaring umakyat po sa Korte Suprema doon po talaga ang final na desisyon sa mga issue na ito,” pahayag pa ni Guanzon. (GENE ADSUARA)

Mga seniors at may comorbidities, ‘di nirerekomendang magpa-booster shot sa mga botika

Posted on: January 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA KABILA ng pilot rollout ng “Resbakuna sa Botika” program ng pamahalaan, hindi inirerekomenda ng pamahalaan ang pagpapabakuna ng mga mayroong comorbidities at senior citizens sa mga drugstores.

 

 

Ayon kay Vaccine Czar, Carlito Galvez Jr., mas maigi umanong sa mga vaccination sites magpabakuna ang mga seniors at may mga comorbidities para mas mabigyan sila ng medical attention.

 

 

Sinabi ni Galvez na naisip nilang makipag-ugnayan sa mga botika para sa isasagawang booster shots dahil mahaba-haba pa ang boostering.

 

 

Aniya, sa ngayon kasi ay mababa pa ang bilang ng mga nababakunahan ng booster shots na papalo sa limang milyon.

 

 

Target naman pamahalaan na makapagbakuna ng 50 hanggang 100 na booster shots kada botika sa isang araw.

 

 

Sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo naman ay nais ng pamahalaan na mapalawak pa ang Resbakuna sa Botika sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

Mabusisi naman daw na pinag-aaralan ng pamahalaan ang pamantayan sa pagbabakuna sa mga botika dahil mayroong mga drug stores na masisikip na hindi puwedeng mag-administer ng bakuna.

 

 

Ang mga booster shots naman na ginagamit sa ngayon ay ang Astrazeneca at Sinovac dahil hindi ito masyadong sensitibo sa iba pang klase ng bakuna gaya ng Pfizer at Moderna vaccine. (Daris Jose)

Tongan Olympic player Pita Taufatofua nagsagawa ng fund raising campaign

Posted on: January 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ng fund-raising campaign si Tonga’s Olympic flagbearer Pita Taufatofua para sa mga kababayan nitong naapektuhan ng pagsabog ng bulkan na nagdulot ng tsunami.

 

 

Ayon sa GoFundMe na mayroon ng mahigit $300,000 ang nalilikom nitong donasyon mula sa mga tumulong sa iba’t-ibang panig ng mundo.

 

 

Sa kanyang social media account, sinabi ni Taufatofua na nalulungkot ito dahil sa marami sa kaniyang kababayan ang nawalan ng tirahan.

 

 

Dagdag pa ng 38-anyos na atleta na kasalukuyan itong nasa Australia na sumasailalim sa pagsasanay ng mangyari ng pagsabog ng bulkan sa Tonga.

 

 

Sinabi ni Tongan Prime Minster Siaosi Sovaleni na naging malawak ang epekto ng pagsabog ng bulkan kung saan naapektuhan ang nasa 170 isla ng bansa at mahigit 100,000 katao ang nawalan ng tirahan.

 

 

Si Taufatofua ay kumatawan ng Tonga sa taekwondo noong 2016 Rio Olympics at cross-country skiing naman noong 2018 PyeongChang Winter Olympics.

 

 

Naging viral ito noong opening ceremony ng 2016 Olympics ng pumarada ito hawak ang bandila ng Tonga na walang damit pang-itaas at pinahiran pa ng langis ang katawan habang nakasuot ng tradisyunal na damit ng nasabing bansa at kahit sa South Korea na malamig ang klima ay ginawa rin niya ito.

 

 

Noong 2020 Tokyo Olympics naman ay pumarada rin itong walang damit pang-itaas kasama naman ang co-flag bearer na si Malia Maile Paseka na lumaban sa taekwondo.

 

 

Nagsanay din ito sa sprint Kayaking noong 2020 Tokyo Olympics pero hindi siya na-qualified.

 

 

Nakagawa rin ito ng record sa kasaysayan dahil siya lamang ang unang tao na sumali sa tatlong magkakasunod na Olympic Games.

PBA tumutulong sa UAAP, NCAA

Posted on: January 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS ang ilang kumperensiya sa bubble, kabisado na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pasikot-sikot sa isang bubble setup.

 

 

Kaya naman tumutulong ang PBA sa University of the Philippines Athletic Association (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa pagbuo ng bubble upang matuloy ang planong pagbabalik-aksyon ng dalawang pamosong collegiate leagues sa bansa.

 

 

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, ibinabahagi ng liga ang mga dapat gawin sa pagdaraos ng isang tournament sa isang bubble setup.

 

 

Nakikipagpulong ang PBA sa mga kinatawan ng UAAP at NCAA upang tulungan ang mga ito para ma­ging matagumpay ang kani-kanyang liga.

 

 

“Pinag-usapan namin kung ano ang dapat gawin,” ani Marcial.

 

 

Nakipag-usap na si Marcial sa mga kinatawan ng NCAA gaya nina College of Saint Benilde representatives Stephen Fernandez at Dax Castellano.

 

 

Tapos na rin ang meeting ng PBA kina UAAP President Nonong Calanog ng La Salle at Executive Director Atty. Rebo Saguisag.

 

 

Target ng UAAP at NCAA na masimulan ang season sa Marso. Subalit base sa patakaran ng Commission on Higher Education at Inter-Agency Task Force, kailangang idaos ang torneo sa isang bubble setup lalo pa’t mataas pa rin ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

 

 

Pangunahing binabantayan ang safety and health protocols na ipatutupad sa oras na magsimula na ang liga.