• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2022

IATF, itinaas ang apat na lalawigan sa Alert Level 4

Posted on: January 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Enero 20, 2022, ang ilagay sa ilalim ng Alert Level 4 ang Kalinga, Ifugao at Mountain Province sa Cordillera Administrative Region, at maging ang lalawigan ng Northern Samar.

 

 

Sa kabilang dako, ang mga sumusunod na lugar na inilagay naman ng IATF sa Alert Level 3 ay ang:

 

  • Luzon: Apayao, Puerto Princesa City and Masbate
  • Visayas: Siquijor
  • Mindanao: Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay sa Region 9; Lanao del Norte sa Region 10; Davao de Oro at Davao Oriental sa Region 11; North Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat sa Region 12; Surigao del Norte sa Caraga; at Maguindanao at Basilan sa BARMM

 

 

Ang mga nasabing Alert Levels ay epektibong magsisimula  sa Enero 21, 2022 hanggang Enero 31, 2022. (Daris Jose)

LTFRB: Naglalagay ng “mystery passengers” sa mga PUVs

Posted on: January 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGLALAGAY ng “mystery passengers” ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga pampublikong sasakyan upang matutukan mabuti ang pagpapatupad ng “no vax, no ride” polisia ng Department of Transportation (DOTr).

 

 

 

Sa isang memorandum na nilagdaan ni DOTr Secretary Arthur Tugade, ang mga pasahero ng mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila ay lilimitahan lamang sa mga may bakuna na.

 

 

 

“Why do we need to deploy them? This is to ensure that even if there is no uniformed officers, drivers are complying with this policy. This is also to see how we could implement this program on a daily basis without them knowing that there is a government enforcer in their public utility vehicles,” wika ni DOTr assistant secretary Mark Steven Pastor.

 

 

 

Pinatutupad ang polisia sa pagtutulungan ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police (PNP).

 

 

 

Ang kanilang mga enforcers ay pinakakalat upang masiguro na ang mga operators ng mga pampublikong sasakyan ay sumusunod sa nasabing polisia. Kung fully vaccinated na ang isang pasahero ay dapat ipakita nito ang kanilang vaccination card o di kaya ay ang digital copy o kahit IATF-prescribed na dokumento na may kasamang valid government issued ID na may picture nila at address.

 

 

 

Dahil hindi lagi mayron enforcers sa lahat ng mga pampublikong sasakyan sa lahat ng oras kung kaya’t importanteng nagkaron sila ng dialogue sa mga operators at nagpakita naman sila ng kanilang suporta dahil ayon sa kanila ay hindi lamang mga pasahero ang mabibigyan ng proteksyon kung hindi ang buong industriya ng transportasyon.

 

 

 

“NCR and provincial bus operators plying the Metro Manila route, along with a union of jeepney, UV Express and tricycle operators in the capital region have expressed support and compliance to the policy,” dagdag ni Pastor.

 

 

 

Nakalagay sa Department Order na ang taong matatawag na fully vaccinated ay yoon dalawang linggo ng nakalipas ng sila ay nababakunahan matapos ang ikalawang bakuna ng kanilang two-dosed vaccination series tulad ng Pfizer o Moderna na bakuna, o di kaya ay pagkatapos ng dalawang linggo matapos silang maturukan ng single-dose ng Johnson & Johnson.

 

 

 

Ang mga exempted naman sa DO ay yoon mga taong may mga medical conditions na pinagbabawalan na bakunahan laban sa COVID-19 subalit kailangan magpakita sila ng duly-signed na medical certificate mula sa kanilang doctor na may nakalagay ng kanilang pangalan at contact details.

 

 

 

Puwede rin lumabas ng kanilang tahanan ang mga walang bakuna kung sila ay bibili ng mga eseential goods at services tulad ng pagkain, tubig, gamot, medical devices, public utilities, energy, work at medical at dental na pangangailan subalit dapat may ipakitang barangay health pass o di kaya ay patunay na kailangan nilang maglakbay at umalis ng bahay.

 

 

 

Samantala, ang mga lokal na industria ng mga airlines ay nagbigay naman ng kanilang suporta sa polisia ng DOTr kasama ang Philippine Airlines (PAL), Cebu Pacific (CebuPac), at Air Asia.

 

 

 

“We laud the DOTr’s initiative to help the Filipino public embark on essential travels during the current crisis. We assure the public that the carrier would do its part to uphold the strictest safety standards and health protocols in its continuing operation of domestic and international flight network,” wika ni PAL president at COO Gilbert Santa Maria.

 

 

 

Ayo naman sa Air Asia, sila ay sumusunod sa ipanatutupad na polisia ng DOTr. Para sa kanila, ang DOTr’s initiative ay isang epektibong pamamaraan upang mainganyo ang lahat ng mga Filipino upang magpabakuna ng mabigyan sila ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.

 

 

 

Sinabi naman ng Cebu Pacific na kanilang isinasailalim ang mga pasahero sa mahigpit na screening at validation at papayagan lamang nilang makasakay ang mga may bakuna na maglalakbay palabas at papunta sa Metro Manila.  LASACMAR

JOHN LLOYD, posibleng makasama si MAINE sa isang romcom series; MARIAN, game ding makatambal ang aktor

Posted on: January 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUMALAT ang tsikang posibleng makatatambal ni Marian Rivera si John Lloyd Cruz sa isang romcom series na mala-Korean drama raw ang dating.

 

 

Bukas naman si Marian na nilulutong project sa kanila ng GMA Network at napa-’why not?’ pa raw ang Kapuso Primetime Queen.

 

 

Pero nabasa rin namin sa twitter na may nagpu-push din na ipareha si Lloydie kay Maine Mendoza, na bigla ngang nag-trending, dahil maraming may gusto at bagay din ang dalawa.

 

 

Aminado rin si Maine na tagahanga siya ng aktor at nasa bucket list daw niya na makatrabaho si Lloydie.

 

 

Paano raw kung dalawa ang maging leading ladies ni John Lloyd sa kanyang gagawin teleserye?

 

 

Dahil pareho naman under Triple A (All Access to Artists) sina Marian at Maine, nasa pag-uusap naman ‘yun ng GMA at sa kanilang manager na si Mr. Tony Tuviera.

 

 

Samantala, muli namang pinalabas ang guesting ni Marian sa Eat Bulaga years ago na kung saan kasama siya nina ni Paolo Ballesteros, Wally Bayola at Jose Manalo na sumusugod sa bahay, kaya marami na namang naaliw sa aktres.

 

 

***

 

 

SIMULA na bukas, January 23, ang streaming ng GL (girl love) series na Lulu sa Vivamax.

 

 

Mula ito sa box-office director ng Kita Kita na si Sigrid Andrea Bernardo,  na pagtatambalan ng sultry actress na si Rhen Escaño (Adan, The Other Wife, Paraluman) at ang baguhang aktres na si Rita Martinez (The Voice Philippines season 2 semifinalist, LGBTQIA+ advocate).

 

 

Sa unang pagkakataon, mapapanood natin ang pagkakalog ni Rhen, malayo sa mga nakaraang roles niya, na unang napansin sa Untrue na mula rin kay Direk Sigrid.

 

 

Ayon pa kay direk, ang Lulu ay romantic comedy, at hindi heavy drama na nakasanayan ng marami pag dating sa lesbian love stories.

 

 

Ibinahagi rin ni Direk Sigrid na matagal na niyang tinatago ang konsepto ng kwento ng Lulu. Humahanap lamang siya ng tamang panahon para ituloy ang pagsulat nito at maipalabas sa telebisyon o sinehan.

 

 

Salamat sa Viva Films at Viva TV na bukas sa realidad ng girl love and boy love stories at sa wakas ay nabigyan ng pagkakataon ang award-winning writer/director na ibahagi ang kwentong ito na siguradong magugustuhan ng mga open-minded na manonood.

 

 

Ang Lulu ay tungkol sa isang relasyong nauwi sa hiwalayan, gusto munang lumayo at mapag-isa ni Sophie (Rhen).

 

 

Pati ang kanyang social media accounts ay deactivated na. Siya ay nagtungo sa kanyang beach house na pinaparentahan sa AirBnB at inisip niyang ipaayos na rin ito.

 

 

Ang kaso, lahat na lang ng ginagawa niya ay hindi maganda ang nagiging resulta. Sa katunayan, iniisip ni Sophie na wala na siyang ginawang tama sa 25 taon na nilalagi niya sa mundo.

 

 

Ngunit nang dumating si Abi (Rita) sa kanyang bahay at buhay, nakaramdam siya na ito ay tama. Si Abi ay isang butch lesbian, magaling magluto at tumutugtog bilang gitarista sa isang indie band. Laging planado ang buhay niya maliban ngayon.

 

 

Ngayon, gusto ni Abi na maglakbay nang walang sinusunod na plano. Dahil dito ay napadpad siya sa AirBnB property ni Sophie. Simula nang magkakilala sila, hindi na napigilang mahulog ang loob sa isa’t-isa.

 

 

May walong episodes ang GL series na lalabas tuwing Biyernes sa Vivamax.

 

 

Sundan kung paano makakaapekto sa relasyon nina Sophie at Abi ang pagbabalik ng kanilang mga ex at ang paglutang ng mga dating lihim at hinanakit.

 

 

Pareho namang excited sina Rhen at Rita na makita ng mga tao ang pagmamahalan nina Sophie at Abi. Naniniwala si Rhen na walang masama sa ganitong klaseng kwento dahil walang pinipiling kasarian ang pag-ibig.

 

 

Para mapanood ang Lulu, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery at App Store.

 

 

Mapapanood din ang Lulu sa Vivamax Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month. Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan.

 

 

Nasa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macau, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, Canada at USA na rin ito.

(ROHN ROMULO)

Paghahanda sa PH delegation para sa Winter Olympics, all set na

Posted on: January 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAPLANTSA na lamang ang ilang pinal na paghahanda para sa paglahok ng kinatawan ng Pilipinas sa Beijing Winter Olympics sa buwan ng Pebrero.

 

 

Kasunod ito ng pagkaka-apruba ng Philippine Sports Commission (PSC) sa P3.3 million na pondo para sa nag-iisang atleta ng bansa sa naturang aktibidad.

 

 

Tanging si Filipino-American Alpine Skier Asa Miller ang kakatawan sa Pilipinas sa nabanggit na event.

 

 

Pero sasamahan naman siya bilang suporta nina Chef De Mission Bones Floro, Philippine Ski and Snowboard Federation President Jim Palomar Apelar, liaison officer Nikki Cheng, administrative officer Dave Carter, athlete welfare officer Jobert Yu at coach Will Gregorak.

 

 

Ito na ang ikalawang pagkakataon na sasabak si Miller sa Winter Olympics matapos lumahok noong 2018 Games sa South Korea.

Miyembro ng “Rodriguez Drug Group”, 1 pa tiklo sa baril at P102K shabu sa Valenzuela

Posted on: January 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SHOOT sa kulungan ang dalawang tulak umano ng illegal na droga, kabilang ang isang miyembro ng “Rodriguez Drug Group” matapos makuhanan ng baril at mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City.

 

 

Batay sa ulat ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa 13 A Malinis St., Brgy., Lawang Bato.

 

 

Nagawang makipagtransaksyon ni PCpl Jocem Dela Rosa na nagpanggap na buyer sa kanilang target na si Ariel Alejo alyas “Aying”, 44, nakatira sa naturang lugar, ng P8,000 halaga ng shabu.

 

 

Nang matanggap ang pre-arranged signal mula kay PCpl Dela Rosa na hudyat na nakabili na sya ng shabu sa suspek ay agad lumapit ang back-up na si PSSg Luis Alojacin saka inaresto nila si Alejo.

 

 

Narekober kay Alejo ang tinatayang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000, marked money na isang tunay na P500 bill, isang P500 at pitong P1,000 boodle money, P350 cash, cellphone at coin purse.

 

 

Nauna rito, dakong alas-1:30 ng gabi nang madamda din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Makipot St., Brgy., Malinta si Julio Padua Jr., 49, miyembro ng “Rodriguez Drug Group” at residente ng Malabon city.

 

 

Nakuha sa kanya ang tinatayang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, isang cal. 22 revolver na kargado ng dalawang bala, P500 marked money, P500 cash at cellphone.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang dagdag na kasong paglabag sa RA 10591in relation to Batas Pambansa Bilang 881(Omnibus Election Code of the Philippines) kahaharapin ni Padua. (Richard Mesa)

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 12) Story by Geraldine Monzon

Posted on: January 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan ni Angela ay nagka-idea si Roden na posibleng ito ang maging daan para matutuhan siyang mahalin ni Angela. Kung magkakaanak sila ay magiging isang pamilya na sila at makakalimutan na ng babae ang kanyang nakaraan.

Kaya nang gabi ring iyon ay gusto na ni Roden na umpisahan ang kanyang plano. Sinisimulan na niyang romansahin si Angela nang marinig niya ang paghikbi hikbi nito. Bigla siyang nawalan ng gana.

Kinubabawan niya ito at mariing hinawakan sa magkabilang braso.

“Makinig ka sa’kin Angela, wala na si Bela, wala na si Bernard, ikaw at ako na lang. Ikaw, ako at ang magiging anak natin!”

“Si Bela, ibalik mo sa’kin si Bela!” umiiyak na tugon ni Angela.

“Gumising ka na sa katotohanan!” isang malakas na sampal ang pinadapo ni Roden sa pisngi ng babae. Pero hindi ito natinag sa pag-iyak.

“BELAAAA!” sigaw ni Angela.

Tumayo si Roden at inis na lumabas ng silid. Sa maliit na terrace ng bahay siya pumwesto at nagsindi ng sigarilyo.

Nilapitan siya ni Manang Fe.

“O Roden, mukhang bad trip ka. Narinig kong sumigaw si Angela.”

“Hanggang kailan ba siya magiging ganyan?”

“Kailangan mong habaan ang pasensya mo.”

“Gusto kong magkaanak kami sa lalong madaling panahon.”

Napailing ang matanda sa sinabi ng binata.

“Makinig ka sa’kin Roden. Sa nakikita ko, may trauma pa si Angela. Bukod sa pagkawala ni Bela, isa pang anak niya ang nawala sa kanya nang hindi niya namamalayan. Kaya huwag mo siyang madaliin sa gusto mong mangyari. Una sa lahat, hindi mo siya maaaring galawin dahil katatapos lang niyang makunan. Kailangan ko pang alagaan ang katawan niya upang manumbalik ang lakas nito. Pangalawa, kailangan mo rin siyang patingnan sa psychiatrist o psychologist o ano bang tawag doon sa gumagamot sa pag-iisip ng tao na na-trauma? Kung talagang mahal mo siya, ibigay mo muna ang mga tulong na kailangan niya.”

Hindi umimik si Roden. Panay lang ang hithit niya ng yosi. Pinag-iisipan niya ang sinabi ni Manang Fe.

Hinatid ni Madam Lucia si Cecilia sa tahanan ng mga Cabrera.

“Magandang umaga ho. Ako si Madam Lucia. Ang lola ni Cecilia.”

“Magandang umaga rin. Ako naman si Corazon. Ang lola ni Bernard. Sige maupo kayo at pag-usapan natin ang trabahong iniaalok ko sa iyong apo.”

Napatingin silang lahat sa hagdanan nang bumaba si Bernard. Nagmamadali ang bawat hakbang nito.

“Bernard, narito sina Madam Lucia at Cecilia tungkol sa trabaho.”

“Lola, kayo na po ang bahala sa kanila. Male-late na po ako sa work.” Pagkasabi niyon ay humalik si Bernard sa noo ng matanda at nagmamadali nang lumabas ng bahay kahit hindi pa ayos ang necktie nito.

Palihim itong sinundan ng tingin ni Cecilia. Hindi niya alam kung bakit may bahagi sa puso niyang nalungkot nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng lalaki.

Mula noon ang buhay nina Bernard at Angela ay umikot sa mundo ng kapighatian. Kapwa balot ng kalungkutan ang kanilang mga puso.

Hindi pa rin sumusuko si Roden. Sinusuyo niya si Angela tulad sa kung paano niya ito binalak suyuin noong araw. Habang si Cecilia naman ay unti-unting umaasa sa isang pag-ibig na bago sa kanyang pakiramdam.

“S-Sir Bernard…kape po?” dala ang tasa ng kape ay nilapitan niya si Bernard sa maliit na office room nito sa loob ng bahay.

“Salamat Cecilia, pakilapag na lang diyan.” Ani Bernard na ang tingin ay nanatiling nakatutok sa laptop. Maging sa social media ay nagbabakasakali siyang matagpuan ang kanyang mag-ina.

Nanatili namang nakatayo sa pintuan si Cecilia.

“Sir. May ipag-uutos pa po ba kayo?”

“Wala na.”

Samantala.

Nagiging madalang na ang paghihisterical ni Angela subalit hindi pa rin siya nakakausap ng kahit sino. Wala pa rin siyang imik. Si Roden ay pansamantalang bumalik sa trabaho upang mapag-ipunan ang kailangan niyang pera para madala sa ibang bansa si Angela. Doon niya balak buuin ang kanilang pamilya.

Sinubukan ni Manang Fe na ilabas si Angela para magpahangin. Sinamahan niya itong maglakad lakad sa dalampasigan. Sige ang kausap niya rito kahit pa wala siyang nakukuhang tugon.

Natigilan si Angela nang makita niya ang dalawang batang babae na naglalaro sa tabi ng isang nakataling bangka.

“B-Bela?”

Patakbo niyang pinuntahan ang mga bata at niyakap ang isa sa kanila.

“Bela, anak ko!”

Mabilis namang sumunod si Manang Fe nang makitang natakot ang batang niyakap ni Angela.

“Angela, bitawan mo siya, hindi siya si Bela!”

Nang makawala mula sa pagkakayakap ni Angela ay agad nagtakbuhan palayo sa kanila ang dalawang batang babae.

“Siya si Bela, Bela, anak saan ka pupunta?”

Naiiling na lang si Manang Fe habang pinipigilan si Angela na sundan ang dalawang bata.

Tulad ng mga nagdaang gabi. Lasing na namang umuwi si Bernard. Pagkagaling sa trabaho ay sa bar na pag-aari ng kaibigan niya siya dumidiretso at doon nilulunod ang sarili sa alak.

Si Cecilia ang nagbukas ng pinto at siya ring umalalay sa lalaki patungo sa silid nito.

Nang maihiga niya si Bernard sa kama ay hindi agad siya umalis at ilang saglit na nanatili roon. Pinagmasdan niya ang maamong mukha ng lalaki.

“Sir Bernard…hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko…ayokong maramdaman ‘to, pero…pero hindi ko mapigilan…parang ayoko ng umalis sa tabi mo, kahit alam kong hindi mo ako kailangan…”

Unti-unting inilapit ni Cecilia ang kanyang mukha sa mukha ng lalaki. Ngunit hindi niya itinuloy na idampi ang kanyang labi sa mga labi nito. Tumayo siya at marahang humakbang patungo sa pintuan.

“Hindi…hindi ko kaya…”

“Cecilia!” si Lola Corazon.

Hindi umimik ang dalaga.

“Anong ginagawa mo sa silid ni Bernard?”

“Hinatid ko lang po siya at inihiga. Lasing na lasing po kasi ulit siya.”

“Sige. Salamat. Ako na ang bahala sa kanya.”

Pagkarinig niyon ay tinalikuran na ng dalaga ang matanda na sinundan naman siya ng tingin.

Makalipas ang ilang araw ay muling dumating si Roden sa isla bitbit ang isang sorpresa para kay Angela. Dinatnan niya itong nakaupo sa gilid ng papag. Tulad ng dati ay wala pa rin itong imik.

Iniabot niya rito ang isang boquet ng mga rosas na pula.

“Angela, this is for you.”

Ni hindi tiningnan ng babae ang bulaklak. Ang mga mata nito ay nakatanaw sa labas ng bintana ng silid.

Dinukot ni Roden mula sa bulsa ng kanyang pantalon ang sorpresa niya. Isang maliit na kahon iyon na naglalaman ng binili niyang kuwintas. Pero bago niya iniabot kay Angela ang kuwintas ay inalis na muna niya ang kuwintas na nasa leeg nito at inilapag iyon sa papag.

“Hindi na bagay sa’yo ang lumang kuwintas na ‘yan. Lahat ng bahagi ng nakaraan mo ay aalisin ko na.”

Siya mismo ang nagsuot ng bagong kuwintas sa leeg ni Angela.

“Ito ang magiging simbolo ng pagmamahal ko sa’yo Angela. Ito ang magpapaalala sa’yo na mula ngayon ay sa akin ka na lamang. Ako lang at wala ng iba pa.”

Ang nalulumbay na mga mata ni Angela ay unti-unting bumaba at dumako sa kuwintas na inilapag ni Roden sa papag. Tila ba may ipinapaalala sa kanya ang kuwintas na ito.

 

(ITUTULOY)

Mga aktibidad sa Chinese New Year, kanselado sa Maynila

Posted on: January 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALA na ring magaganap na anumang kasiyahan at aktibidad sa darating na Chinese New Year sa Maynila bilang bahagi pa ng pag-iingat na magkahawaan ng COVID-19.

 

 

Kabilang sa mga ipinagbawal ni Manila City Mayor Isko Moreno ang tradisyunal na mga parada, lion at dragon dance, pagsisindi ng mga paputok sa kalsada, street parties, stage shows, palaro, at iba pa.

 

 

Inatasan din ni  Moreno si Manila Barangay Bureau (MBB) chief Romeo Bagay na mahigpit na ipatupad ang liquor ban sa Binondo upang maiwasan ang inuman sa mga bahay at kalsada.

 

 

Sinabi ni Moreno na kung hindi makakansela ang mga aktidibad, tiyak na magiging ‘superspreader’ ng virus ang mga ito lalo na at kalat na ang Omicron variant sa Metro Manila.

 

 

“The activities during the New Year celebration, if not cancelled, can be surely an easy medium of Covid-19 spread and transmission thereby endangering the health, well-being and safety not only of residents but also their visitors who will join them in the celebration,” pahayag ni  Moreno. (Gene Adsuara)

Bucks tinapos ang ratsada ng Grizzlies

Posted on: January 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSALANSAN si Giannis Antetokounmpo ng 33 points, 15 rebounds at 7 assists para ihatid ang nagdedepensang Bucks sa 126-114 paggupo sa Memphis Grizzlies.

 

 

Tinapos ng Milwaukee (31-16) ang kanilang dalawang sunod na kabiguan para upuan ang No. 4 spot sa Eastern Conference at winakasan ang six-game road winning streak ng Memphis (31-16) na No. 3 sa Western Conference.

 

 

Inilista ng Bucks ang 14-point lead sa halftime bago nakalapit ang Grizzlies sa 111-114 agwat sa huling 2:32 minuto ng fourth quarter sa likod ni star guard Ja Morant.

 

 

Nagsalpak naman si George Hill ng dalawang free throws  habang kumamada si Antetokounmpo ng sariling 6-0 atake para ilayong muli ang Milwaukee sa 122-111 bentahe.

 

 

Nag-ambag si Khris Middleton ng 27 points at may tig-14 at 13 markers sina Hill at Bobby Portis at Pat Connaughton, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Sa Chicago, humataw si DeMar DeRozan ng 30 points para akayin ang East-leading Bulls (28-15) sa 117-104 pagsuwag sa Cleveland Cavaliers (27-19) at wakasan ang kanilang apat na sunod na kamalasan.

 

 

Sa Dallas, nagtala si Luka Doncic ng season-high 41 points at 14 rebounds sa 102-98 paggiba ng Mavericks (26-19) sa Toronto Raptors (21-21) para sa kanilang ikaapat na sunod na arangkada.

 

 

Sa Philadelphia, dinuplika ni Joel Embiid ang kanyang career high na 50 points sa 123-110 dominasyon ng 76ers (26-18) sa Orlando Magic (8-38)

 

 

Sa Miami, umiskor si reserve Caleb Martin ng 26 points para tulungan ang Heat (29-16) sa 104-92 panalo sa Portland Trail Blazers (18-26).

 

 

Sa iba pang laro, lusot ang Brooklyn Nets sa Washington Wizards, 119-118; dinaig ng Atlanta Hawks ang Minnesota Timberwolves, 134-122; wagi  ang Houston Rockets sa Utah Jazz, 116-112; at tinalo ng Charlotte Hornets ang Boston Celtics, 111-102.

Japan, nagbigay ng $4.2-M

Posted on: January 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPALITAN ng diplomatic notes ang Japan at ang International Organization for Migration (IOM) para sa USD4.2 million (P215.9 million) project na makapagbibigay ng “shelter kits, health clinic support, at medical equipment” sa mga lalawigan at ilang bahagi ng Pilipinas na labis na sinalanta ng bagyong Odette noong nakaraang taon.

 

 

“Japan, in light of the amicable relations with the Philippines, intends to closely coordinate with the Philippines for the earliest recovery of the affected areas,” ayon sa Embahada, araw ng Huwebes.

 

 

Ang proyekto ay bahagi ng USD13 million ( P663 million) Emergency Grant Aid for Typhoon Odette humanitarian assistance activities ng Tokyo sa bansa.

 

 

Sa ilalim ng inisyatibang ito, makatatanggap ang IOM ng USD4.2 million para pondohan ang shelter repair kits na ipamamahagi sa 2,420 sambahayan o households; camp coordination at camp management assistance para sa 4,000 internally displaced persons sa 20 evacuation centers; operasyon ng mobile health clinics; capacity building para sa 7,400 individuals; at pagbili ng emergency medical equipment para sa apat na health facilities.

 

 

“The project is in partnership with the Catholic Relief Services and CARE Philippines and will indirectly benefit an estimated 64,681 individuals,” ayon sa Embahada.

 

 

Ang ‘exchange of notes” ay isinagawa noong Enero 17 sa pagitan ng mga kinatawan mula sa Japanese government at IOM saGeneva, Switzerland.

HR Defenders bill, mapanganib- NTF-ELCAC

Posted on: January 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAPANGANIB at maaaring labag sa Saligang Batas ang Human Rights Defenders bill.

 

 

Bahagi ito ng kalatas na ipinalabas ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC) matapos aprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang batas sa pangatlo at huling pagbasa noong nakaraang Lunes, na may 200 affirmative votes, zero negative, at walang abstention.

 

 

Ang House Bill 10576 o Human Rights Defenders Protection Act ay naglalayong “seeks to grant human rights defenders the right to promote and protect human rights and fundamental freedoms; form groups, associations, and organizations; solicit, receive, and utilize resources; seek, receive and disseminate information; and develop and advocate for human rights ideas, among others. A counterpart measure, meanwhile, is pending in the Senate.”

 

 

Sinabi ni Undersecretary Lorraine Marie Badoy, NTF-ELCAC spokesperson for sectoral concerns, na ang batas ay maaaring magsilbi at protektahan ang interest ng terrorist organizations gaya ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).”

 

 

“This bill, if passed into a law, will open the floodgates of abuse and torment on our people by terrorists like the CPP-NPA-NDF and it will make the Anti-Terrorism Law that was recently declared constitutional by the Supreme Court ineffective and toothless,” ani Badoy.

 

 

Sinabi pa niya na kinondena ng NTF-ELCAC “in no uncertain terms” ang pag-apruba sa batas “that is dangerous as it is unconstitutional and labeled to mean the very opposite of what it pretends to be — the Human Rights Defenders Bill.”

 

 

Giit pa ni Badoy na ang batas ay “a porous and overboard definition” of human rights defenders and that its basic premise is “the same basic premise of the CPP-NPA-NDF that the State is the No.1 violator of human rights.”

 

 

“[It] is really hilarious that these pretend-legislators have arrogated unto themselves, through this ludicrous bill, the right to define who are and aren’t ’human rights defenders’ — a definition so porous in its broadness that even the ISIS, the Abu Sayyaf and of course, the CPP-NPA-NDF can be defined as human rights defenders,” ayon kay Badoy.

 

 

“And once identified as ‘human rights defender, they will be exempt from sacrosanct laws of the land and cannot be touched by the Anti Money Laundering Council because looking into financial records of a ‘human rights defender’ will be a crime once this ridiculous bill is passed into law,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Aniya, sa panukalang batas, “human rights defenders cannot be identified as members of the CPP-NPA-NDF even if they are indeed members of the CPP-NPA-NDF and they will be exempt from Terrorism Financing Laws.”

 

 

“How then can the government protect the Filipino people from terrorism if we cannot stop terrorism financing or take off masks of terrorists who pretend to be human rights defenders? This is a bill therefore that eradicates the notions of state, judiciary, and due process and bypasses government agencies and the laws of our land,” aniya pa rin.

 

 

“There is no other recourse, therefore, but for this bill to be junked,” lahad ni Badoy. (Daris Jose)