• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2022

Thailand ibabalik na ang ‘quarantine-free’ scheme

Posted on: January 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG ituloy ng Thailand ang quarantine-free travel scheme sa Pebrero 1.

 

 

Ang nasabing scheme ay temporaryong inihinto dahil sa bahagyang pagtaas ng kaso ng Omicron coronavirus variant.

 

 

Sinabi Thailand COVID-19 task force spokesperson Taweesin Visanuyothin na ang mga fully vaccinated travelers ay maaari ng makapasok sa kanilang bansa sa ilalim ng “test and go” scheme basta sila ay sumailalim sa COVID-19 test sa una at ikalimang araw pagdating nila sa bansa.

 

 

Pansamantalang mag-isolate sa isang hotel habang hinihintay ang resulta ng COVID-19 test.

 

 

Dapat din aniya na mag-download ang mga pasahero ng tracking app para matiyak na sumusunod sila sa ipinapatupad na batas.

Pilipinas magpapadala ng 584 na atleta sa Hanoi SEA Games

Posted on: January 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa 584 na atleta ang ipapadala ng bansa na sasabak sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam sa buwan ng Mayo.

 

 

Bukod pa dito ay mayroong 80 iba pa ang nasa appeals list na sasamahan sila ng 161 officials.

 

 

Sinabi ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino, na nagkaroon na sila ng pagpupulong ni Chef de Mission Ramon Fernandez at mga opisyal ng Philippine Sports Commission kung saan tinalakay ang bilang ng atleta na kanilang ipapadala.

 

 

Nagkaroon aniya sila ng bahagyang pagtitipid dahil sa limitadong budget para sa nasabing torneo.

 

 

Sa orihinal na listahan kasi ay aabot sa 627 na atleta ang kanilang isasabak subalit 80 sa mga dito ay mula sa national sports associaton sa ilalim ng Group B kung saan ang mga kinaaaniban nilang asosasyon ang magbibigay ng budget sa mga atleta.

 

 

Inaasahan na hindi bababa sa P200 milyon ang inilaan na budget kung saan kanila itong inaayos.

 

 

Magsisimula ang laro sa Mayo 12 hanggang 25.

Fernando, nagpaalala na sundin ang minimum health standards sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19

Posted on: January 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS- Muling pinaalalahanan ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na patuloy na sundin ang minimum health standards sa gitna ng patuloy na pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan sa mga nakalipas na linggo.

 

 

“Kung maaari po, lagi nating isipin na may virus, mag-ingat at maging maingat po tayo hindi lang dahil kailangan natin sa trabaho, sa lakad o sa ospital. Nakikiusap po ako, huwag po nating isipin na ‘sipon lang’ o ‘ubo lang’ kasi iyon nga po ang COVID-19, ito po ay mga sintomas na, kaya intindihin din po natin ‘yung mga kapwa natin kasi iba-iba po ang lakas ng katawan ng bawat tao, at pwedeng yung iba tamaan ng malala,” ani Fernando.

 

 

Sa pinakahuling tala ng Bulacan COVID-19 updates, may kabuuang 10,098 ang aktibong kaso ng COVID-19, kung saan 492 dito ang bagong kaso hanggang Enero 19, 2022. Sa kabuuan, 103,993 na mga Bulakenyo na ang nagpositibo dito habang 1,503 naman ang nasawi sanhi nito.

 

 

Ayon sa Sitrep No. 688 na inilabas ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa Epidemic Risk Level sa bawat lokal na pamahalaan nitong Enero 17, 2022, 13 na mga lokal na pamahalaan ang kritikal, 10 ang nasa kategoryang ‘high’ at isa ang ‘moderate’ o katamtaman.

 

 

Bukod dito, sa bisa ng Executive Orders No. 1 at No.3 ‘T- 2022 na inilabas ni Fernando, inilagay ang Bulacan sa ilalim ng Alert Level 3 mula Enero 3 hanggang 31, 2022.

 

 

Binigyang diin din ng gobernador ang kahalagahan ng bakuna laban sa COVID-19, anuman ang brand nito.

 

 

“Salamat talaga at may bakuna. Dahil sa bakuna mild na lang karaniwan ang nagiging sintomas pero meron pa ring mga hindi bakunado, may mga bata pa, kaya hinihikayat pa rin natin na magpabakuna ‘yung iba, huwag lang po tayong magsiksikan sa mga bakunahan,” ani Fernando.

 

 

Nitong Enero 16, 2022, nakapagtala na ang lalawigan ng 4,023,817 dosis na naibakuna kung saan 1,947,467 ang nakatanggap ng unang dosis, 1,883,981 ang tumanggap ng ikalawang dosis habang 192,369 ang nabakunahan na ng booster dose. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Construction ng bagong Navotas Polytechnic Collage, sinimulan na

Posted on: January 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ni Navotas City Congressman John Rey Tiangco na sinimulan na ang construction ng bagong four-story building ng Navotas Polytechnic Collage (NPC) para lalo pang maitaas ang antas ng de-kalidad na edukasyon ng bawat kabataang Navoteño.

 

 

Ayon kay Cong. Tiangco, ang bagong pinagandang NPC na may roof deck ay magkakaroon ng 28 classrooms, siyam na laboratories para sa speech, computer at science laboratory, research and publication room, library, audio-visual room, at multi-purpose room.

 

 

Magkakaroon din ito ng medical at dental clinic, indoor gymnasium, outdoor sports at activity area na may volleyball at badminton court, indoor at outdoor study areas, canteen, indoor garden at atrium.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Mayor Toby Tiangco, ang NPC na naging bahagi ng pagtgatapos ng 26 batches ng kabataang Navoteño ay sinimulan ng pagtayuan ng mas malaki at mas modernong estraktura para patuloy na maisulong ang de kalidad na edukasyon.

 

 

Dagdag pa ni Mayor Tiangco, pagnatapos ang construction ng NPC ay makakapagbukas pa ng mas maraming libreng kurso para sa mga Navoteño.

 

 

“Nagpapasalamat tayo sa DPWH at sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas na naging katuwang po natin sa proyektong ito. Yaman ng Navotas ang kabataang Navoteño kaya hindi tayo titigil sa pagtaas ng kalidad ng edukasyon sa ating lungsod para masiguro ang kanilang kinabukasan,” pahayag ni Cong. Tiangco. (Richard Mesa)

SHAINA, ‘positively negative’ na sa COVID-19 kaya ready nang bumalik sa lock-in taping

Posted on: January 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISA rin si Shaina Magdayao na nag-positive sa Omicron variant ng COVID-19 at pagkaraan nga isang linggo ay gumaling na siya.

 

 

Kaya nag-post sa kanyang Instagram account ng, “Positively #negative Finally!”

 

 

Sabi pa ng award-winning actress, “Now that wasn’t “mild”
“At all. I think I experienced all the symptoms haha from fever to sore throat to rashes to cough and colds to headache.

 

“But hey, I survived!!!!!‍”

 

Kaya ganun na lang ang pasasalamat niya sa mga nagdasal sa kanyang mabilis na paggaling at ready na uli siya bumalik sa lock-in taping.

 

 

“So grateful for the much needed and ever powerful prayers, Instagram World.

 

 

“I am now #Covid19 negative!

 

Well, still a bit weak, healing day after day… but defintely a lot better than the past week.

 

 

#FPJsAngProbinsyano bubble, ready for you.”

 

 

Marami namang netizens ang natuwa na naka-recover na siya at comment nila, ang ganda-ganda raw ni Shaina na parang hindi nagkasakit.

 

 

Pero kahit may mga pumupuri sa kanya, may nagtanong naman na netizen, required ba na parang photoshoot ang pictures after na maka-recover sa COVID-19.

 

 

Na sinagot naman ng netizens ng:

 

“Hindi naman pero hindi ka required mainggit.”

 

 

“You are to celebrate life after covid19 ateng, ibigay mo na sa kanila yun kung gusto ng mala-photoshoot na awrahan…”

 

 

“Oo teh! Nagpicture dn ako after i recovered from delta but i didnt tell anyone except ny family that i had the virus. Sabi ng mga comments ang sexy ko daw grabe. Haha di nila alam nawalan ako gana kumain at maalat lahat panlsa ko kaya ako pumayat ng slight lol. So wag kang bitter teh. Let them do their own thing.”

 

 

“Ang bitter mo. E ano kung magandang pic ang I post. Kung chakang picture I bash mo din naman. Grabe mga tao ngayon lahat na lng.”

 

 

“Walang basagan ng trip.”

 

 

“Ika nga ni Mother Lily kay Shaina talaga sya nagagandahan. Napaka-underrated lang nito.”

 

 

“Mas maganda pa to sa mga young actresses sa personal.”

 

 

Tulad niya, naka-graduate na rin si Rosanna sa Omicron variant, kaya pabalik na rin ito sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.

(ROHN ROMULO)

Ads January 22, 2022

Posted on: January 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Maraming katao patay sa banggaan ng sasakyan na may dalang pampasabog sa Ghana

Posted on: January 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI bababa sa 10 katao ang nasawi matapos ang naganap na malakas na pagsabog sa Ghana.

 

 

Ayon sa imbestigasyon ng mga kapulisan, bumangga ang isang motorsiklo sa sasakyan na may dalang mga pampasabog.

 

 

Dahil sa pagsabog ay gumuho ang ilang gusali at nadamay ang mga nakaparadang sasakyan.

 

 

Maraming mga katao rin ang nasugatan at sila ay dinala sa pagamutan.

 

 

Ang nasabing sasakyan na may bomba ay patungo sana sa kalapit na minahan na pinapatakbo ng Chirano Gold Mines.

JOHN, tinatawag na bilang ‘National Actor of the Philippines’ dahil sa Volpi Award for Best Actor

Posted on: January 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SI John Arcilla ang ginawaran ng GEMS Hiyas ng Sining ng highest award bilang actor sa 6th GEMS Awards.

 

 

Last Monday ay inilabas na ng GEMS ang mga winners para sa kanilang taunang parangal.

 

 

Dahil sa panalo ni John ng Volpi Award for Best Actor sa Venice International Film Festival kaya sa kanya iginagawad ng GEMS ang highest acting award nila for film.

 

 

Deserved naman ni John ang parangal dahil ang panalo niya sa Venice is one of a kind at baka hindi na muling maulit.

 

 

Kasama si John sa bagong offering ng Vivamax titled Reroute kung saan tampok din sina Sid Lucero, Cindy Miranda, at Nathalie Hart.

 

 

‘National Actor of the Philippines’ ang tawag kay John ng ibang tao dahil sa kanyang amazing win sa Venice.

 

 

Sa role niya sa Reroute ay lumikha si John ng sarili niyang image for the character he is portraying. Tiyak daw na pag-uusapan muli kung paano niya binuo ang karakter.

 

 

***

 

 

SA halip na sa sinehan ipalabas as originally planned ang film bio ni Manila Mayor Isko Moreno, via streaming na ito mapapanood na nagsimula kahapon, January 21.

 

 

Worldwide na ang streaming ng Yorme: The Isko Domagosa Story starring Xian Lim, McCoy de Leon, Raikko Mateo, at Janno Gibbs. Pwede ninyo na ito mapanood sa KTX.PH, Upstream, iWantTFC, TFC IPTV, and Vivamax Plus for only P299!

 

 

Panoorin at ma-inspire sa buhay ni Yorme, ang dating batang basurero na nagsikap at nangarap. Nagsikap siyang makatapos ng pag-aaral, nag-artista at naging politiko.

 

 

“Sana may mga kabataan na ma-inspire sa kwento ko. Libre naman ang mangarap pero ang maganda ay ambisyunin mo na maabot ang pangarap mo thru hard work,” pahayag ng guwaping na Mayor ng Maynila.

 

 

Maganda at entertaining ang pelikula na dinirek ni Joven Tan, na siya rin nag-compose ng mga awitin na ginamit sa movie.

 

 

Mahusay ang performances nina McCoy at Raikko as the teen Isko and the boy Isko, respectively. As a politician, si Xian ang nagbigay-buhay sa karakter ni Isko.

 

 

Watch and be inspired sa kwento ng Isko Domagoso. Produced by Saranggola Media Productions.

 

 

***

 

 

BLIND ITEM: Mahirap talaga mag-shoot ng isang BL film, lalo na pag may maselan na eksenang involved.

 

 

Pero karamihan naman ng sumasalang sa BL movies ay game na game kahit ano ang eksena. Pagkakataon na rin naman kasi nila na makaiskor pag pwede. Para-paraan lang.

 

 

Shooting ng isang BL movie. Siyempre may love scene ang dalawang hombre. Kaso more than what they are supposed to do ang ginawa ng dalawang aktor.

 

 

Sa isang eksena ay ibinaba ni aktor A ang zipper ng pantalon ni Actor B. Nagulat na lang si Actor A na wala palang suot na underwear si Actor B. Nagulat si Actor A dahil bumulaga sa kanya ang ari ni Actor B na erect na.

 

 

Pero dahil in character si Actor A, sa halip na ma-turn off ay isinubo ang ari ni Actor B without batting an eyelash.

 

 

Nataranta nga raw ang director sa nangyayari at kahit na sumigaw na ng cut ay patuloy pa rin si Actor A sa kanyang paglo-lollipop. Si Actor B naman daw ay tila nasarapan.

 

 

Hay naku! Aktingan lang ba talaga ito o tinablan talaga si aktor A kay aktor B na lalaking-lalaki naman kasi talaga ang dating. Eh ang susunod na eksena, “uupuan” ni aktor A si aktor B, pati yun ba, “playing for truth” pa rin?      Ang taray!

(RICKY CALDERON)

2 NIGERIAN NATIONALS, 5 PINOY ARESTADO NG NBI

Posted on: January 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ng  National Bureau of Investigation (NBI) ang limang indibidwal kasama ang dalawang  Nigerian nationals dahil sa pagkakasangkot sa  “Mark Nagoyo Heist Group”, ang grupo  na responsable sa BDO hacking na nakaapekto sa 700 kostumer.

 

 

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor  ang mga suspek na sina, Ifesinachi Fountain Anaekwe alyas Daddy Champ, Chukwuemeka Peter Nwadi, Jherom Anthony Taupa, Ronelyn Panaligan at Clay Revillosa.

 

 

Sina Anaekwe at Nwadi na kapwa Nigerian  national ay naaresto sa entrapment  operation ng NBI-Cybercrime Division (NBI-CCD) sa Mabalacat, Pampanga noong  January 18, 2022.

 

 

Ang operasyon ay nag-ugat sa impormasyon na ibinigay ng impormante  na may transaksyon sa mga  suspek.

 

 

Ang impormante ay  lumutang sa NBI-CCD upang magbigay ng impormasyon kaugnay sa ilang indibidwal na pinaniniwalaang lider, miyembro o nauugnay sa Mark Nagoyo Group.

 

 

Maalala na December 2021, isang grupo  ang nagsagawa ng malawakang pagnanakaw na kinasasangkutan ng BDO at higit sa 700 mga customer nito.

 

 

Ayon sa inisyal na ulat, ang nasabing grupo at na-access ang bank accounts at nalimas ang kanilang mga pera.

 

 

Sa email confirmation ng mga illegal transfer, ipinakita na isinagawa ang transaksyon ng isang Mark D.Nagoyo.

 

 

Ayon sa impormante, ang mga suspek  ay nakikibahagi sa negosyo ng pagbibigay ng mga access device sa sinumang naghahanap ng mga opsyon para i-cash out ang mga pondong nakuha nang mapanlinlang..

 

 

Ang mga access device na ito ay mula sa mga bank account, crypto wallet, o kahit na mga point-of-sale na terminal ng mga lehitimong merchant.

 

 

Dagdag pa rito, nang tawagan ng isang  Mark Froilan ang impormante tungkol sa mga money cash out, nakipag-ugnayan ang huli kay Champ   na pagkatapos ay sinabing bibigyan niya ang impormante ng tatlong (3) magkakaibang mga account para makapaglipat siya dito ng Php 10 milyon  bawat isa, na tila tinutukoy ang ang pondo mula sa BDO.

 

 

Dahil dito naaresto ang dalawa sa operasyon habang aktong iniaalok ang account for sale.

 

 

Samantala naaresto rin sina Jherom Anthony Taupa sa buy bust operation sa Floridablanca, Pampanga dahil sa pagbebenta ng “scampage” o phishing website.

 

 

Sa impormasyon, si Taupa ay mastermind umano ng Mark Nagoyo Heist .

 

 

Naaresto rin sa hiwalay na operasyon sina Panaligan at Revillosa  na kapwa sangkot dun sa BDO hacking bilang web developer at downloader.

 

 

Mahaharap sa kasong Trafficking in Unauthorized Access Devices sa ilalim ng Section 9 of RA 8484 o mas kilala bilang Access Devices Regulation Act of 1998 sina Anaekwe at Champ

 

 

Sina  Taupa  ay kakasuhan ng Misuse of Devices sa ilalim ng  Section 4(a)(5)(i)(aa) of RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.GENE ADSUARA

‘Spider-Man: No Way Home’ Cracks Open The Multiverse In New International Poster

Posted on: January 22nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

A new international poster showcasing the shattering of the multiverse in Spider-Man: No Way Home and once again stars Tom Holland as the titular hero in his third solo MCU outing.

 

 

The film debuted last month and has unsurprisingly become a box office sensation.

 

 

Spider-Man: No Way Home picks up after the events of Spider-Man: Far From Home, which ended with Spider-Man’s identity as Peter Parker being unveiled to the world.

 

 

In an attempt to bring things back to normal, he partners with Doctor Strange (Benedict Cumberbatch) to cast a spell to make everyone forget that he is Spider-Man.

 

 

However, this unintentionally results in the multiverse opening up – allowing villains such as Green Goblin (Willem Dafoe), Doc Ock (Alfred Molina), and Electro (Jamie Foxx) to come through, as well as previous Spider-Men, (Andrew Garfield and Tobey Maguire).

 

 

Now, over a month since Spider-Man: No Way Home was released and currently in theaters, a new Japanese poster for the film has been revealed via Sony Japan on Twitter. Much of the film’s success lies in its utilization of the multiverse to bring in heroes from other Spider-Man franchises to fill out its ranks, and this new poster’s imagery plays on how the multiverse is essentially shattered open in No Way Home.

 

 

That poster captures many of the elements of what makes Spider-Man: No Way Home such an effective Marvel movie. From the shift in tone to something darker and more brooding to the presence of villains such as Electro and Green Goblin, this poster highlights many of the elements that audiences have praised about the film. Though the latest installment in the Scream franchise has finally defeated the as the reigning box office champion, it’s clear that there’s still plenty of enthusiasm among fans for the kind of story that No Way Home brought to the table.

 

 

Of course, the fanfare surrounding Spider-Man: No Way Home leads fans to wonder what the future may hold for Holland’s Peter Parker. This film introduced him to Peters from other dimensions, but it also took away Aunt May (Marisa Tomei) and much of his support system, not to mention an easy path to college.

 

 

With so much tragedy taking place over the course of No Way Home’s runtime, and the completion of Peter’s full Spider-Man origin story, it seems likely that his next big screen outing may introduce viewers into the most fully-realized version of this iteration of Spider-Man. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)