• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 23rd, 2022

Dahil gabi-gabi na mataas ang ratings: Romantic-drama series nina GABBY at SANYA, may nagri-request na i-extend

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FINALE episode na this Friday, February 25, ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, a co-production venture ng GMA Network at Regal Films Entertainment.

 

 

Kaya nagbahagi ang isa sa lead stars ng serye, si Barbie Forteza, na mami-miss daw niya ang lahat, mula sa story ng serye, hanggang  sa lahat ng involved sa production.

 

 

      “Naku, mami-miss ko talaga lahat, and I’m very grateful to GMA for this opportunity,” sabi ni Barbie.

 

 

“Sa totoo lang, mami-miss ko lahat, from the cast to the production staff.  Basically, the whole team, lalo na yung nakasama ko at naka-eksena ang apat na mahuhusay na actress, si Ms. Boots Anson Roa-Rodrigo, si Ms. Maricel Laxa, si Ms. Almira Muhlach at si Ms. Sunshine Cruz, at ang mga leading men ko, sina David (Licauco) at Rob (Gomez).  Definitely, I’m gonna miss everyone.”

 

 

Napapanood ang Mano Po Legacy: The Family Fortune, after First Lady sa GMA-7.  Sa susunod na episode ng “Mano Po” series, isa namang romantic-comedy ito na magtatampok kina Bianca Umali, Kelvin Miranda at Ken Chan.

***

SECOND week of airing pa lamang ng well-loved romantic-drama series na First Lady, pero marami nang nagri-request na i-extend pa raw ang serye nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

 

 

Gabi-gabi ay nagtatala  ng mataas na rating laban sa mga katapat nitong programa.  Iyong first week of airing, nagtala ito ng average rating na 14.4% laban sa 9.6% rating ng katapat na programa.

 

 

Very positive ang mga comments at feefbacks mula sa mga netizens dahil daw maraming lessons silang natututunan sa story, lalo na ang pagpapakita ni Melody (Sanya) ng lakas ng loob at hindi nagpapatalo kahit inaapi-api siya ng mga kontrabida sa story.

 

 

Kaya labis ang pasasalamat nina Sanya at Gabby sa mga televiewers at mas marami pa raw magagandang eksenang napapanood ngayong pumasok na rin ang character ni Ingrid (Alice Dixson), the ex-girlfriend ni President Glenn Acosta (Gabby) noong nag-aaral pa sila ng law sa Amerika.

 

 

Ang tanong ngayon, paano ipakikilala ni PGA si Ingrid kay Melody, na may iba namang reason sa kanyang pagbabalik.

 

 

Sa ngayon ay nasa second set of lock-in taping na ang First Lady at dapat ay matatapos na ito by March 30, so kung mag-extend pa sila ay tuluy-tuloy pa rin ang taping nila sa location nila somewhere in Rizal province.

 

 

***

 

 

NAG-ENJOY ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, spending some quality time kasama ang mga anak nila, si Calix, 13, (son of Dennis kay Carlene Aguilar) at Jazz, 12 (son of Jennylyn kay Patrick Garcia).

 

 

“Good afternoon from my boys,” greetings ni Jennylyn nang i-share niya ang photo ng mag-aama niya sa Instagram, habang sakay ang mga ito sa kanilang mga bikes, somewhere in Antipolo City.

 

 

Last November, 2021 nang magpakasal sina Dennis at Jennylyn, at nag-announce na rin sila after, na they will welcome their first baby, a girl, in a few months.

 

 

At sa kanilang latest vlog, nag-try pala silang magbigay ng baby shower para sa baby girl nila, pero hindi na nila itinuloy dahil nga sa pinagdaraanan nating pandemic ngayon.

 

 

Nagpasalamat ang mag-asawa habang nagbubukas sila ng mga gifts mula sa mga families and friends at sa mga ninangs at ninongs ng baby nila, na sa dami ng gifts ay halos napuno ang Colove Studio nila sa bahay,

 

 

Nag-decide naman palang huwag munang tumanggap ng project si Dennis sa GMA Network para maalagaan niya ang pagbubuntis ni Jennylyn.

(NORA V. CALDERON)

OSCAR BEST PICTURE NOMINEE “KING RICHARD” OPENS EXCLUSIVELY AT AYALA MALLS CINEMAS

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments
FRESH from garnering six major Academy Awards nominations including Best Picture, Warner Bros. Pictures’ moving drama “King Richard” will be shown exclusively at select Ayala Malls Cinemas starting February 23.

 

[Watch the film’s trailer at https://youtu.be/Rhi8G-Hvi30]

 

Based on the true story that will inspire the world, “King Richard” follows the journey of Richard Williams, an undeterred father instrumental in raising two of the most extraordinarily gifted athletes of all time, who will end up changing the sport of tennis forever.  Two-time Oscar nominee Will Smith (“Ali,” “The Pursuit of Happyness”) stars as Richard, under the direction of Reinaldo Marcus Green (“Monsters and Men”).

 

Driven by a clear vision of their future and using unconventional methods, Richard has a plan that will take Venus and Serena Williams from the streets of Compton, California to the global stage as legendary icons. The profoundly moving film shows the power of family, perseverance and unwavering belief as a means to achieve the impossible and impact the world.

 

For his portrayal of the legendary Williams patriarch, Will Smith has received his third Oscar Best Actor nomination.  “King Richard” is also vying in the following Oscar categories: Best Original Screenplay, Best Supporting Actress (Aunjanue Ellis), Best Film Editing, and Best Original Song

 

For Will Smith, the story of “King Richard” is a story of “The impossible dream. For the most part, we all have impossible dreams. We have things that we would do if we felt that they were possible, things we would do if we believed. The story of Richard and this family is largely the American dream. There are very few places on earth where Venus and Serena could happen. At the core, this is about wanting to be the best versions of ourselves and sometimes, our circumstances may not line up with that, and it’s up to the strength of the human spirit to overpower circumstances. It’s wish-fulfillment for all of us.”

 

“King Richard” also stars Aunjanue Ellis (“If Beale Street Could Talk,” TV’s “Quantico”) who plays the girls’ mom, Oracene “Brandi” Williams, Saniyya Sidney (“Hidden Figures,” “Fences”) stars as Venus Williams, Demi Singleton (TV’s “Godfather of Harlem”) stars as Serena Williams, with Tony Goldwyn (the “Divergent” series, TV’s “Scandal”) as coach Paul Cohen and Jon Bernthal (“Ford v Ferrari”) as coach Rick Macci.

 

Watch “King Richard” exclusively at Ayala Malls Cinemas – Glorietta, Bonifacio High Street, Ayala Malls Manila Bay, Ayala Malls The 30th, TriNoma, Fairview Terraces, Ayala Malls Capitol Central, and Centrio.

#KeepAmazingMoviesGoing and book your tickets at www.SureSeats.com.

 

 

(ROHN ROMULO)

Ads February 23, 2022

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 38) Story by Geraldine Monzon

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAPAGKASUNDUAN ng mag-asawa at ng anak nilang si Bela na magpapaalam muna ang huli sa kanyang mga amo at sa tao na pinagkakautangan niya rin ng loob bago siya tuluyang sumama sa kanila.

 

Si Cecilia. Ang tao na tinutukoy ni Andrea na tumulong sa kanya mula noong mawala ang mga magulang na kumupkop sa kanya.

 

“Anong sinabi mo?” ulit ni Cecilia.

 

“Ang tunay ko pong mga magulang…natagpuan ko na sila, sa mismong harap ng tahanan namin dati.” nakangiting sagot ni Andrea.

 

Huminga ng malalim si Cecilia bago muling nagsalita.

 

“Anong balak mo?”

 

“Syempre, sasama po ako sa kanila…pero mama, hindi ibig sabihin na kakalimutan na kita. Dadalawin kita at si Lola Lucia.”

 

“Sige, mag-usap na lang ulit tayo mamaya. Kumain ka na muna.” Pagkasabi niyon ay pumasok si Cecilia sa silid ni Madam Lucia.

 

“Narinig ko ang sinabi niya.” anang matanda na nakaratay na sa banig ng karamdaman.

 

“Ito na nga ba ang sinasabi ko eh…” naupo si Cecilia sa silyang malapit sa kinahihigaan ng matanda.

 

“Cecilia, naging napakabuti mo kay Andrea…pero mula nang magkaroon ka ng pagdududa na posibleng siya ang anak nina Bernard at Angela dahil sa mga impormasyon na narinig mong pinag-uusapan noon nina Chief Marcelo at tauhan niya, nag-iba ang pakikitungo mo sa kanya…kaya ngayon na nagkatotoo ang hinala mo, anong gagawin mo? Inilayo mo na ang loob ni Andrea sa’yo kaya magiging madali para sa kanya na iwanan ka…tayo.”

 

Hindi kumibo si Cecilia.

 

“Kung ako sa’yo apo, hayaan mo na lang na tadhana ang magpasya sa lahat. Huwag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo lang sa huli. Alalahanin mo na naging mabuti sila sa’yo, gayundin si Chief Marcelo na nagbigay sa’yo ng trabaho sa kanyang opisina. At higit sa lahat, si Andrea na itinuring kang ina.”

 

Nanatili pa ring tahimik ang dalaga. Nag-iisip.

 

“Naalala ko ang kuwintas na ipinambayad ko sa kanila para sa kalayaan mo…mananatili ang hiwaga nito kaya ang mag-asawang ‘yon ay palaging pagbubuklurin ng pag-ibig kahit na anong mangyari.” patuloy pa ni Madam Lucia.

 

Pagkarinig niyon ay tumayo si Cecilia at lumabas ng silid. Sa isip ng matanda, mukhang hanggang ngayon ay nananatili pa rin si Bernard sa puso ni Cecilia kung kaya’t hindi na nito nagawang magmahal pa ng iba. At ang isiping iyon ay nagpapahirap sa kanya, lalo na ngayon na nagbalik sila sa buhay ng kanyang apo sa pamamagitan ni Andrea o ni Bela.

 

Nilapitan ni Andrea si Cecilia at niyakap ito.

 

“Andrea…”

 

“Mama Cecille, I’m sorry…sorry po sa mga panahon na hindi ako umuuwi…ngayon pong magkakalayo ulit tayo, gusto ko lang po sabihin na mahal na mahal po kita at hindi ko po makakalimutan ang pagtulong na ginawa mo para sa akin…”

 

Bumitaw si Cecilia sa pagkakayakap ng dalaga.

 

“Hindi mo kailangang alalahanin lahat ‘yon. Ituloy mo lang ang buhay mo at maging masaya ka. Sapat na sa akin ‘yon.” matigas na tugon nito.

 

“Mama, gusto rin nilang makilala ang taong naging sandalan ko sa mahabang panahon. Pumunta ka sa party na ihahanda nila para sa akin. Sayang at hindi na kaya ni Lola Lucia na bumyahe pa.”

 

“Hindi na kailangan Andrea.” Pagkasabi niyon ay tinalikuran na ni Cecilia ang dalaga.

 

“Mama…” nalungkot si Andrea sa sinabi nito.

 

Nilapitan ni Regine si Bernard sa opisina nito.

 

“Yes Regine, may kailangan ka?”

 

“Nabalitaan ko kasi na magkakaroon daw kayo ng welcome party para kay Bela?”

 

Mula sa mga paperworks ay umangat ang ulo ni Bernard at tumingin sa babae.

 

“Yes. Actually nag-iwan ako ng invitation sa table mo, nakita mo na ba?”

 

“Not yet. Pero nabanggit nga sa akin ng assistant mong si Diane.”

 

“Sayang at wala na si Janine, siguradong matutuwa rin siya.”

 

“Of course. Ahm, would you mind if I help you to organize your party? Naging sideline work ko kasi dati sa America ang pagiging event organizer, that’s why I think I can give some help.”

 

“Really?”

 

“Yes.”

 

“Okay. Sasabihin ko kay Angela.”

 

Napahinga ng malalim si Regine. Hindi na talaga makapagdesisyon mag-isa si Bernard.

 

One week before ang party ay sinundo na ng mag-asawa ang kanilang anak sa terminal kung saan ito nagpasundo. Mula roon ay tumuloy muna sila sa mall upang mamili. Pagkatapos ay nagtungo sila sa Bela’s Restaurant.

 

Hindi makapaniwala si Jared nang makita si Andrea at malaman ang tunay na koneksyon nito kina Bernard at Angela.

 

Naluluhang luminga si Andrea sa loob ng restaurant.

 

“Bela anak, para sa’yo talaga ito.” Si Angela.

 

“Mommy, thank you po!” sabay yakap ng dalaga sa ina.

 

Nang makatiyempo ay nilapitan ni Jared ang dalaga.

 

“Andrea, ahm I mean Bela…sobrang saya ko na magkakasama na tayo!”

 

“Magkakasama?”

 

“Ang ibig kong sabihin, siguro ikaw na ang magma-manage nitong restaurant ano?”

 

“Hindi ko alam. Marami pa akong kailangang matutunan. Pero masaya ako na nandito ka.”

 

“Talaga? Ah, sandali ha, gusto mo bang matikman ang specialty nyo ritong juice na tinawag nilang Bela’s juice?”

 

“Sige, treat mo ba?”

 

“Oo naman, ipapabawas ko na lang sa sahod ko, joke!”

 

Ilang saglit pa ay bumalik na agad si Jared dala ang special juice para kay Bela.

 

“Ito na po mahal na prinsesa, enjoy your drinks!”

 

“Salamat Jared.”

 

Pagkagaling sa restaurant , sa wakas ay nakauwi na sila ng bahay kung saan naghihintay si Lola Corazon.

 

Hindi nito napigilan ang mapaiyak nang makita si Bela.

 

“Aking Bela, apo!” ibinuka nito ang mga brasong naghihintay sa yakap ng dalaga.

 

Isang mahigpit na yakap ang iginawad ni Andrea sa matanda na nasa wheelchair nito.

 

“Lola!”

 

Hinaplos haplos ni Lola Corazon ang mahaba at makintab na buhok ni Andrea.

 

“Apo sobrang saya ko na bago ko man lang lisanin ang mundo ay muli kitang nakita!”

 

Paupong lumuhod si Andrea sa harapan ng matanda at ginagap ang kamay nito.

 

“Lola, mas higit po ang saya ko na muli tayong nabuo bilang isang pamilya.”

 

Kapwa nakangiting nagpalitan naman ng tingin sina Bernard at Angela sa eksenang iyon.

 

Pumayag si Angela na si Regine ang mag-organize ng party para kay Bela. Bagay na ikinatuwa ng una.

 

“This is it…I’ll take all the chances na mapalapit kay Bernard…” sa isip ni Regine habang mag-isang umiinom ng alak sa apartment niya.

 

Kinontak ni Jeff si Jared. Nagbabakasakaling alam nito ang kinaroroonan ni Andrea.

 

“Hello Jared, pwede mo ba akong samahan kay Andrea?”

 

“Ahm…hindi ko alam kung nasaan siya.”

 

“Huwag ka ngang sinungaling, magkaibigan kayo kaya siguradong may alam ka.”

 

“Pasensya na insan pero hindi pa niya ako kinokontak…” sinadya ni Jared na hindi magsabi ng totoo. Kailangan niya muna kasing hingin ang permiso ng dalaga. Isa pa, ramdam niya na tila nagseselos ang puso niya sa binata. Kung pwede lang ay huwag na muling magtagpo ang landas nina Jared at Andrea.

 

(ITUTULOY)

Mahigit 200 Pinoy, balik-Pinas mula Macau

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT sa 200 Overseas Filipino sa Macau ang kamakailan lamang ay nagbalik-Pilipinas sa pamamagitan ng repatriation program ng pamahalaan.

 

 

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng tulong ng Philippine Consulate General sa Macau, may 203 Filipino ang dumating sa bansa noong Pebrero 16.

 

 

Kabilang sa mga pinauwi ang three wheelchair-bound passengers na kamakailan lamang ay naospital sa Macau.

 

 

“All three were assisted by the Consulate during their hospitalization,” ayon sa DFA .

 

 

Sinasabing, ito ang pang-27 repatriation o pagpapauwi sa mga filipino mula Macau. TInatayang umabot na sa 5,355 ang kabuuang bilang ng repatriated nationals mula Macau simula nang sumipa ang coronavirus pandemic (COVID-19).

 

 

“These are individuals who were “negatively impacted by the COVID-19 pandemic,” dagdag na pahayag ng DFA.

 

 

PInangunahan naman ni Philippine Consul General to Macau Porfirio M. Mayo Jr. ang Consulate’s Team sa airport para tumulong sa mga pasahero na nasa byahe.

 

 

Muli nitong inihayag ang commitment ng Konsulado na ipagpatuloy ang repatriation program hanggang magpatuloy naman ang regular commercial flights sa Pilipinas.

 

 

“Magpapatuloy po ang repatriation program ng Konsulado para sa lahat ng ating mga kababayan dito sa Macau ,” ayon kay Mayo.

 

 

Idinagdag pa ni Mayo na iyong mga nagnanais na magbalik-Pinas ay hinihiling na irehistro ang kanilang detalye sa online registry sa https://tinyurl.com/repatMacau ng Konsulado.

 

 

Samantala, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Y. Arriola na “as of Feb. 18,” may kabuuang 457,814 overseas Filipino ang napauwi na sa Pilipinas mula sa iba’t ibang foreign countries.

 

 

Sa nasabing bilang, may 105,632 ay seafarers habang 352,182 ay land-based overseas Filipinos.

 

 

Ang malawakang repatriation program ay nagsimula noong Pebrero 2020 nang magsimulang tumama ang COVID-19 sa buong mundo. (Daris Jose)

Kaya palaging inaabangan ng kanilang fans: KIM at XIAN, kakaiba ang sweetness at mga pasabog

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBANG klase ang sweetness nina Kim Chiu at Xian Lim at talaga namang inaabangan na rin ng mga fans nila kung ano ang bagong pasabog na surprises ni Xian para kay Kim tuwing may okasyon.

 

 

Sa vlog ni Kim, inamin nito na sa lahat daw ng roses na binibigay sa kanya ng boyfriend, itinatabi raw niya ang ilang piraso sa isang cabinet at hinahayaan lang niya na maluma o mag-dry.

 

 

At saka humirit na, “’Yung mga roses naluluma, pero yung feelings ko, hindi.”

 

 

O ha! Napa-“ako rin” naman si Xian sa sinabi ni Kim.

 

 

At kung wala raw lock-in taping o work ang isa sa kanila, halos araw-araw raw silang nagkikita. At kung magkahiwalay naman sila, average na 20 times daw sila nagbi-video call sa buong maghapon.

 

 

Naaliw naman kami at baka bigyan ng ibang meaning ng iba ang sagot ni Xian sa tanong kung saan ang pinaka-kiliti ni Kim. Sabi kasi ni Xian, “Si Kim, hindi naman siya makiliti. Wala masyado.”

 

 

Pero sinundan ito ni Kim na, “Hindi kami nagkikilitian, naku!”

 

 

***

 

 

UMANI ng papuri ang aktres na si Cherry Pie Picache sa kanyang katapangan nang patawarin niya ang pumatay sa ina ilang taon na ang nakalipas.

 

 

Ngunit kahit na itinuturing bilang isa sa magandang halimbawa ng katapangan at radikal na pagmamahal, sinabi ni Picache na bilib siya kay Vice President Leni Robredo sa kanyang katapangan kahit pa inuulan ng batikos, pambabastos at fake news ng mahigit limang taon na.

 

 

      “Mayroon nga akong kilala, limang taon siniraan, binastos, winalanghiya, pero araw-araw pinili niya pa rin na gawin ang tama, iyong manindigan, mag-alaga na may pagkalinga at nang buong katapatan,” wika ni Picache sa isang video message.

 

 

      “Kaya may matapang sa akin. Si Leni Robredo iyon. Katapangan iyong piliin ang paninindigan, iyong pagsilbihan ang mga tao kahit sinaktan, iyong ipaglaban ang katotohanan kahit na alam mong mas makapangyarihan sa iyo ang babanggain mo,” dagdag pa niya.

 

 

Para sa actress, kabutihan ang pinakamataas na uri ng katapangan at personal niya itong nasaksihan kay VP Leni, na walang pagod na nagtatrabaho para sa taumbayan sa kanyang mga programa at plano.

 

 

      “Kabutihan ang pinakamataas na uri ng katapangan. At hindi madali iyon ha. Pero biyaya iyon para maisabuhay mo ito. Lahat iyon, nakita ko at patuloy na ipinapakita sa ating lahat ni Leni Robredo,” sey niya.

 

 

***

 

 

WALA pang latest posting or paramdam si James Reid ngayong nasa Los Angeles, U.S.A. na siya.

 

 

Ang huling balita pa rin ay ang naging Instagram post ng kanyang ama at tumatayong manager na si Malcolm Reid.

 

 

So, pinabulaanan nga ng Daddy/manager ni James na walang katotohanan ang balitang iiiwan na ng anak ang career sa Pilipinas at sa U.S. na makikipagsapalaran.

 

 

Sinabi nitong kaya lang pupunta ang anak sa LA ay para sa recording sessions nito at para na rin daw bisitahin ang kapatid na si Andrew.

 

 

Tinawag nitong basura at fake newsmakers ang nagsulat na sa U.S. na for good ang anak. “Anything else is basura—sorry to disappoint the fake newsmakers.”

 

 

Sa isang banda, parang hindi rin naman masisisi ni Mr. Reid kung may mga nagsulat na sa U.S. na ang anak dahil malamang na pinagbasehan lang din ang pa-farewell ng mga kapatid at ilang kaibigan kay James.

 

 

Eh, sa send-off party naman kasi na binigay nila kay James, parang for good na talaga itong mawawala, huh!

(ROSE GARCIA)

‘This isKwela,’ pinakabagong online learning community

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULOY-TULOY  ang pagtuklas ng bagong kaalaman dahil kahit nasa Facebook ka ay pwedeng matuto nang libre sa tulong ng bagong community group ng Globe na “This isKwela.”

 

 

Sa “This isKwela,” hindi lamang ang mga estudyante ang makikinabang. Kahit mga professionals na kailangan ng impormasyon para sa kanilang mga trabaho at propesyon ay matutulungan.

 

 

Layunin umano ng This isKwela community page na pagyamanin pa ang kaalaman ng karamihan. Maging ang mga nakatatanda na nais magamay ang online learning ay siguradong makakukuha ng tips sa mga kaklase nila sa virtual classroom.

 

 

“Bata o matanda, nag-aaral man o hindi, basta gustong matuto, lahat pwedeng sumali sa This isKwela. Sa pamamagitan ng programang ito, nasisiguro ng Globe na ang edukasyon ay abot-kamay — nasa isang click lang — ng bawat Pilipino,” ayon kay Yoly Crisanto, Chief Sustainability Officer at SVP for Corporate Communications ng Globe.

 

 

Sa This isKwela, maaari ring makabuo ng mga bagong koneksyon at makakilala ng mga bagong kaibigan para sa sharing ng mga karanasan at kaalaman habang patuloy ang quarantine restrictions dahil sa pandemya. Nasa Facebook group din ang mga professionals na handang sumagot sa iba’t-ibang mga katanungan.

 

 

Always present ang mga group experts tulad ng language teachers na sina Angelo Sicat, na siyang nasa likod ng mga practical at easy-to-digest English language lessons sa Tiktok, at Teacher Maureen Madiano na nagtuturo din ng English at Filipino sa iba’t ibang social media platforms.

 

 

Kung hirap naman sa math at science, handang tumulong si Teacher Imman Maglasang at Teacher Ceppee Romeral. Tiyak na maraming matututunang math hacks kay Teacher Ceppee na nagshe-share ng review tips sa mga kumukuha ng Licensure Examination for Teachers. Si Teacher Imman naman ay matagal na ring nagbibigay ng physics at general science lessons sa kanyang online channel na Science Kwela.

 

 

Naniniwala ang Globe na ang This isKwela ay napapanahon dahil sa mas marami na ang nag-aaral online at gumagamit ng social media. Ang programa ay bahagi ng GoLearn, isang inisyatibo ng Globe para matulungan ang mga Pilipinong makamit ang dekalidad na edukasyon ngayong ika-21 siglo. Para sa mga nais palawigin ang kaalaman, sumali na sa This isKwela at bumisita sa https://www.facebook.com/groups/thisiskwela/?ref=share .

 

 

Sinusuportahan ng Globe and United Nations Sustainable Development Goals, kabilang ang UN SDG No. 4 na naglalayon ng dekalidad at pangkalahatang edukasyon at nagsusulong ng pangmatagalang oportunidad na patuloy na matuto ang lahat ng mamamayan.

 

 

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Globe, bumisita sa www.globe.com.ph.

Reyes, Amit sabak Hanoi Southeast Asian Games

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PANGUNGUNAHAN ni legend Efren ‘Bata’ Reyes  ang walo-katao pambansang koponan sa billiard and snooker na makikiagaw sa 10 gold medal para sa dalawang naturang cue sports ng 31st Southeast Asian Games 2022 sa Mayo 12-23 sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Bibida si national playing-coach Reyes at Carlo Biado sa men’s squad, habang si Rubilen Amit ang mamumuno sa women’s team na misyong maparehasan,’di man mahigitan ang 4-3-5 gold-silver-bronze medals na kinopo ng mga Pinoy cue artist sa 2019 SEA Games sa ‘Pinas.

 

 

“Let’s pray and wish them all the best of luck,” bulalas Lunes sa People’s BALITA ni Billiard Sports Confederation of the Philippines, Inc.  secretary general Roberto Mananquil.

 

 

Tutumbok sina Reyes  at Francisco Dela Cruz sa 1 cushion at 3-cushion carom ng snooker, habang sasargo sina Alvin Barbero at Fefrey Roda sa singles at 6-red singles.

 

 

Titirada naman si Biado sa 10-ball at 9-ball singles tulad ni Johann Chua.

 

 

Samantalang si two-time world 10-ball queen Amit  ay kakasa sa 10-ball at 9-ball singles events gaya ni 2017 Malaysia SEAG gold medallist Chezka Centeno. (REC)

Ilang airline companies nagkansela ng flight patungong Ukraine

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NADAGDAGAN ang mga airline companies na nagkansela ng kanilang flights sa Ukraine dahil sa tumataas na tensiyon doon .

 

 

Pinakahuling nagkansela ay ang Air France at German airline company na Lufthansa kung saan sinabi nila na ang hakbang ay bilang pag-iingat.

 

 

Tiniyak ng dalawang airline companies na kanilang imomonitor ang kalagayan sa lugar.

 

 

Magugunitang mula noong Enero ay maraming mga airline companies na ang nagbawas ng kanilang flights habang ang iba ay nagkansela dahil sa lumalalang tensiyon at banta ng Russia na paglusob sa Ukraine.

PDu30, tiniyak ang tapat, mapayapa at kapani-paniwalang halalan sa Mayo 2022

Posted on: February 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Filipino na sisiguraduhin ng kanyang administrasyon ang tapat, mapayapa at kapani-paniwalang halalan sa May 9, 2022.

 

 

Idagdag pa rito ani acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pagsasagawa ng electoral exercise na ganap na aayon o susunod sa requirements ng Konstitusyon at batas.

 

 

Gayundin, nangako ang Pangulo na ang pagpili sa appointees sa mga posisyon na binakante ng kamakailan lamang na retired officials ng Commission on Elections ay magiging “completely transparent,” kung saan ang mga kandidato ay sasailalim sa “stringent merit-based vetting process.”

 

 

Matatandaang, opisyal nang nagretiro sina Comelec Chairman Sheriff Abas, Commissioners Rowena Guanzon at Antonio Kho Jr. sa kani-kanilang puwesto.

 

 

Ang pagreretiro ng tatlong opisyal ay nag-iwan sa kasalukuyang apat na komisyoner na mamuno sa poll body sa pagsasagawa ng 2022 national at local elections. Lahat sila ay appointees ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Ang apat na komisyoner na natitira ay sina Commissioners Socorro Inting, Marlon Casquejo, Aimee Ferolino, at Rey Bulay.

 

 

Ang pagtatalaga ng pangulo ng mga bagong komisyoner ay sasailalim sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments (CA) — isang body na binubuo ng mga mambabatas mula sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso. (Daris Jose)