• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 25th, 2022

LRT 1 expanded Baclaran depot nagkaroon ng inagurasyon

Posted on: February 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAROON ng inagurasyon noong Miyerkules ang expanded na Light Rail Transit Line 1 Baclaran depot na isa sa mga vital components ng LRT 1 Cavite extension project.

 

 

 

Kasama ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa inagurasyon sila Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko, Light Rail Manila Corp. (LRMC) president at CEO Juan Alfonso, Light Rail Transit Authority administrator Jeremy Regino at Pasay City mayor Emi Calixto-Rubiano.

 

 

 

Ayon kay Tugade mayron tatlong (3) milestone ang natapos at nagawa, Ito ay ang pagdating ng fourth-generation LRV’s noong 2021; pagtatayo ng vertical structure para sa unang bahagi ng proyekto ngayon 2022; at completion ng civil works ng LRT’s Cavite Extension Baclaran depot.

 

 

 

“On the first milestone, there is the equipment. On the second milestone, there is the structure, wherewith and whereupon the trains are traveled. Today, milestone number 3, we have this depot, which will also be extended in due time to cover Sucat. It shows that while we have the facility of travel, and the structure of travel, we also the facility of putting in place where the trains will park, where the trains will be maintained, and where the trains will be assured of being operational,” wika ni Tugade.

 

 

 

Ang expansion ng Baclaran depot ay binigyang ng pondo mula sa Official Development Assistance (ODA) sa ilalim ng Japan International Cooperation Agency (JICA) kung saan ang Shimizu ang siyang contractor ng nasabing proyekto.

 

 

 

“JICA, as your development partner, has remained steadfast with its mission and vision for the development of the Philippines. Our key direction to achieve high-quality growth for the Philippines by decongesting Metro Manila shall continue to be enforced for the country’s Build, Build, Build program,” saad ni JICA senior representative Kenji Kuronuma.

 

 

 

Sinabi naman ni Japanese Ambassador Kazuhiko na muling nadagdagan ang listahan ng mga matagumpay na kooperasyon sa pagitan ng Japan at Philippines. Dagdag pa niya na naging matagumpay na maisakatuparan ang kanilang commitment kahit na may pandemya.

 

 

 

May pondong P33 billion ang nasabing proyekto mula sa JICA kung saan ang P5 billion ay inilaan para sa pagtatayo ng pinalaking Baclaran depot.

 

 

 

Matatapos na rin ang tinatayong satellite depot na binigyan ng pondo ng JICA-ODA. Sa ngayon, ang civil works ng Zapote satellite depot para sa proyekto ng LRT 1 Cavite Extension ay 93.36 ng kumpleto. Ito ay may 4.3 hectares na may kapasidad na mag handle ng 80 LRVs na may kabuohang 22 stabling at maintenance tracks.

 

 

 

Kapag natapos na ang proyekto, ito ay inaasahang tataas ang kapasidad mula sa 500,000 at magiging 800,000 na pasahero ang maisasakay kada araw at magiging 45 minutes na lamang ang travel time mula sa pagitan ng Baclaran, Paranaque at Bacoor sa Cavite mula sa dating 1 hour at 10 minutes na pagbibiye. LASACMAR

300MT bigas para sa mga biktima ng bagyong ‘Odette’ dumating na mula Japan

Posted on: February 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGKASAMANG sinalubong nina Japan Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko at National Food Authority (NFA) Administrator Judy Carol Dansal ang pagdating ng 300 metriko toneladang Japanese rice sa ilalim ng inisyatiba ng Asean Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR) initiative sa NFA warehouse sa Valenzuela City.

 

 

Ang bigas na ito ay dadalhin at ipamamahagi sa mga apektadong pamilya dahil sa bagyong Odette sa mga lugar ng Cebu, Bohol, at Surigao del Norte.

 

 

Hinihintay lamang na maibigay sa NFA ang approval ng APTERR Council.

 

 

Sa isinagawang official inspection ng rice stocks, binigyang-diin ni Koshikawa na nangako ang Japan na susuportahan ang PIlipinas na makabangon mula sa matinding dagok na iniwan ng nasabing bagyo.

 

 

“We hope these tons of rice will be delivered soon to nourish typhoon affected families,” anito.

 

 

Ang APTERR ay isang regional cooperation na nagsimula noong 2012. Naglalayon itong palakasin ang food security, poverty alleviation, at malnourishment eradication sa hanay ng kanilang member countries.

 

 

Upang mapagtagumpayan ang iisang layunin, sumang-ayon ang APTERR Parties na magtatag ng rice stocks para tulungan ang mga member countries sa panahon ng “large-scale natural disasters.”

 

 

Sa Pilipinas, libo-libong tonelada ng stockpiled rice mula Japan sa ilalim ng APTERR ang naipamahagi para sa mga nagdaang typhoon victims gaya ng Super Typhoon Yolanda noong 2013, Typhoon Ineng noong 2015, at Typhoon Jenny noong 2019.

 

 

Taong 2020, nagbigay din ang Japan ng 425 metriko toneladang bigas sa mga kabahayan na apektado naman ng Taal Volcano eruption at noong nakaraang taon, ang pre-cooked rice ay ipinamahagi sa mga pamilya na apektado ng Covid-19 sa Quezon City, Maynila, at ilang piling bahagi sa Bulacan at Cavite. (Daris Jose)

Ukrainian President Zelensky iginiit na hindi natatakot sa anumang bansa

Posted on: February 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IGINIIT ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na hindi sila natatakot sa anumang bansa.

 

 

Sinabi nito na marami silang mga kaalyadong bansa na handang tumulong.

 

 

Reaksyon ito sa naging anunsiyo ni Russian President Vladimir Putin na tila inaampon na nila ang dalawang breakaway region ng Ukraine ang Donetsk at Luhansk.

 

 

Matapos kasi ang anunsiyo ay naglagay ang Russia ng mga sundalo sa dalawang rehiyon kung saan tinawag nila ito bilang mga peace keepers.

 

 

Maraming bansa ang nagsabi na ang pagkilala ng Russia bilang independent part nila ay isang paran na paghahanda nila para atakihin ang Ukraine.

Warriors paborito na ng ilang analysts na papasok sa NBA championships

Posted on: February 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BAHAGYANG  naibsan umano ang kumpiyansa ng ilang mga basketball analysts na muling aakyat sa kampeonato sa NBA ang number 1 ngayon sa Western Conference na Phoenix Suns.

 

 

Ito ay makaraang kumpirmahin ng koponan na baka abutin pa ng hanggang dalawang buwan sa pagpapagaling sa kanyang injury sa kamay ang veteran point guard na si Chris Paul.

 

 

Dahil dito, lumakas naman ang pananaw ng ilang observers na inaasahang hahabol ang Golden State Warriors at posibleng makuha pa ang Western Conference title hanggang sa umabot pa sa NBA championships.

 

 

Sa ngayon, mahigit na lamang sa 20 games ang natitira bago ang NBA playoffs.

 

 

Dinomina ng Phoenix Suns ang mga laro sa nagpapatuloy na regular season kung saan hawak ang matinding record na 48 wins at 10 pa lamang ang talo.

 

 

Pumapangalawa naman sa kanila ang Warriors na lalo umanong naging deadly dahil sa nabuhay muli ang kumbinasyon na Splash Brothers na sina Steph Curry at Klay Thompson.

 

 

Samantala, nasa break pa rin ngayon ang NBA at magbabalik ang mga games sa Pebrero 25.

Nag-donate naman ng ambulansya sa ospital: Pinupuring ‘Love is Essential’ campaign ni GRETCHEN, tuloy-tuloy lang

Posted on: February 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGBABALIK na sa Siargao ang pamilya ni Andi Eigenmann pagkaraan ng ilang buwang paninirahan sa Maynila.

 

 

Hindi raw agad umuwi sina Andi pagkatapos tumama ang typhoon Odette sa isla noong December 2021.

 

Post ni Andi sa Instagram: “Last series of snaps with this concrete jungle as background. I know the scenic coconut trees will still not be as lush and green as it used to be, but to us, there’s just no place like home. Stay tuned, and join us once again as we hit the road and make our (long) way back home!”

 


      Na-miss na raw ng pamilya ni Andi ang kanilang buhay sa Siargao. Kailangan na raw nilang i-rebuild ang buhay nila roon ulit dahil sa pagmamahal nila sa naturang isla.

 

Naging hit sa YouTube ang vlog nila na ‘Happy Islanders’ dahil pinakita ni Andi ang simpleng buhay nila sa Siargao.

 

Nagpapadala rin ng tulong si Andi at ang partner niyang si Philmar Alipayo ng tulong sa mga nawalan ng kabuhayan sa isla dahil sa pagtama ng bagyo.

 

 

***

 

 

TULUY-TULOY ang ‘Love is Essential’ campaign ni Gretchen Barretto.

 

 

Pagkatapos niyang mamigay ng grocery boxes at saku-sakong bigas sa frontliners, isang ambulansya naman ang ido-donate niya sa isang ospital.

 

Nagpadala ng ambulansya si Gretchen sa Victor R. Potenciano Medical Center (VRP) sa Mandaluyong bilang parte ng 49th anniversary ng naturang ospital.

 

May dagdag na regalo pa si Gretchen sa higit na 1,000 frontliners sa pagbisita niya sa ospital sa February 24.
      “I’m happy to announce that on February 24 I am granting the wish of Victor Potenciano Hospital, VRP ‘yun, sa Mandaluyong EDSA. It’s going to be their 49th year so I will be launching my first ever ‘Love Is Essential’ ambulance. That is my 49th anniversary present. That is the wish that I’m granting them.

 

 

To the frontliners of VRP, on that day we will be granting 1,024 frontliners. Since it’s February and I said it’s the month of love, let’s all spread love. Mine is on Thursday, February 24,” sey pa ni La Greta.

 

 

May isa pang ambulansya na ido-donate si Gretchen sa isa pang ospital. Kelan lang ay namigay siya ng mga sako ng bigas sa 3,300 families sa Cavite City.

 

***

 

PAHINGA raw muna si Queen Elizabeth II sa kanyang mga scheduled virtual events dahil nagpapagaling siya pagkatapos mag-positive sa COVID-19.

 

Inanunsyo ng Buckingham Palace na ang 95-year old British monarch ay hindi muna mag-participate sa kanyang mga naka-schedule na virtual engagments.

 

“As Her Majesty is still experiencing mild cold like symptoms she has decided not to undertake her planned virtual engagements today, but will continue with light duties. Further engagements to be decided in due course.”
      Bakunado at boosted na ang reyna at sumusunod raw ito sa mga safety guidelines.

 

Bago mag-postive sa COVID-19 si Queen Elizabeth, naunang ma-infect ng virus ang anak niyang si Prince Charles at sumunod ang asawa nitong si Camilla.

(RUEL J. MENDOZA)

Abang-abang lang sa detalye kung kailan: Documentary concert ni ALDEN, malapit na ring mapanood sa Amerika

Posted on: February 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPOST na sa kanyang Instagram account si Asia’s Multimedia Star Alden Richards ng “ForwARd: Meet Richard Faulkerson, Jr. concert is heading to the United States.  

 

 

Sinamahan pa ito ni Alden ng 14-second teaser showing the American flag and various places including Hollywood.

 

 

“In all journey, there’s nowhere to go but forward.  ForwARd to US soon!”  #ALDENxForwARdtoUS

 

 

Matatandaan na last January 30 lamang ginanap ang documentary concert ni Alden, na he gave his fans performances and also introduced himself outside of showbiz.

 

 

Alden produced the concert for the benefit of AR Foundation, Inc., which aims to put children through school, his drive to help others after his personal struggles with education in his childhood.

 

 

Sa ngayon, wala pang exact details na ibinigay si Alden kung kailan magaganap ang concert, but his announcement has already over hundreds of fans beaming with excitement.

 

 

***

 

 

SA March 7, mapapanood na ang legal drama series na Artikulo 247 nina Rhian Ramos, Kris Bernal, Benjamin Alves at Mark Herras, directed by Jorron Monroy. 

 

 

Pero nagtaka ang netizens kung bakit mid-2021 pa nang mag-announce ang GMA Network na malapit nang mapanood ang serye sa GMA Afternoon Prime.  Pinabalik pa nga noon si Rhian mula sa kanyang vacation abroad dahil magsisimula na raw ang lock-in taping nila.

 

 

Here is the explanation of Direk Jorron, on February 22, sa last day ng lock-in taping nila:

 

 

“I was offered to direct this project while shooting Ang Dalawang Ikaw. Pero hindi naming in-expect that we would later face a challenging pandemic shoot situation, sa first leg of taping.  

 

 

Half of the team tested positive, halfway of our shoot, kaya nag-quarantine lahat, hanggang ma-guarantee kami na free of the virus na. Kaya bagong preparations, producers reshuffles, and casting took a turn. When I finally set the names of the actors, I felt relieved and excited.”

 

 

After eight months, nagpasalamat si Direk Jorron sa buong cast at sa GMA Network, dahil nanatiling unchanged ang concept ng Artikulo 247 na mapapanood after ng Little Princess.

 

 

      ***

 

 

IBA naman ang na-experience ni Kapuso hunk actor Ruru Madrid sa lock-in taping nila ng action-fantasy series na Lolong sa Quezon province.

 

 

Nagkaroon ng aksidente si Ruru sa set during a fight scene, nang tumama ang sentido niya sa isang wall.  May naka-usli palang pako sa wall na binagsakan ni Ruru at tumama roon ang sentido niya.

 

 

Since may stand-by ambulance naman sila sa set, madali siyang nadala sa hospital at nabigyan agad siya ng lunas, at naturukan ng anti-tetanus at nakabalik din agad sa set.

 

 

Hindi talaga naiiwasan ang mga ganitong pangyayari, pero nagpasalamat si Ruru dahil hindi naman malubha ang nanyari sa kanya.  Nagpahinga lamang siya at tuloy na rin ang trabaho niya.

 

 

Sa serye, dalawa ang leading ladies ni Ruru, sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.

(NORA V. CALDERON)

Biden mariing kinondena ang Russian invasion

Posted on: February 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-ANUNSIYO na si Russian President Vladimir Putin ng military operation sa Donbas region ng Ukraine.

 

 

Hinikayat ni Putin ang mga sundalo sa may eastern Ukraine na magbaba na ng kanilang mga armas at umatras na.

 

 

Ang Donbas region ay nandoon ang dalawang teritoryo na unang nagdeklara ng independence na Luhansk at Donetsk.

 

 

Agad namang kinondena ni US President Joe Biden at tinawag nitong “unprovoked at unjustified” attack ng Russian military forces.

 

 

Aniya, nakikiisa sa pagdarasal ang buong mundo sa mga mamamayan ng Ukraine.

 

 

Tiniyak din ni Biden na magiging responsable ang Russia at mananagot ito sakaling may maitatalang mamatay at destruction sa naturang pag-atake.

 

 

Sinabi rin ni Biden na aksyunan ito ng Amerika at ng mga kaalyadong bansa.

 

 

“The prayers of the entire world are with the people of Ukraine tonight as they suffer an unprovoked and unjustified attack by Russian military forces. President Putin has chosen a premeditated war that will bring a catastrophic loss of life and human suffering. Russia alone is responsible for the death and destruction this attack will bring, and the United States and its Allies and partners will respond in a united and decisive way. The world will hold Russia accountable,” bahagi ng statement ni Biden.

 

 

Kaugnay nito, patuloy na imo-monitor din daw ni Biden ang sitwasyon at makikipagpulong sila sa G7 leaders bago magpataw ng anumang consequences sa Russia.

 

 

Para naman kay Putin, hind naman daw isang uri nang pananakop ang pagsisimula ng kanilang paglusob sa bahagi ng Donbas region.

 

 

“Circumstances require us to take decisive and immediate action,” ani Putin sa pamamagitan ng RIA-Novosti transcript.” “The People’s Republics of Donbas turned to Russia with a request for help. In this regard, in accordance with Article 51, part 7 of the UN Charter, with the sanction of the Federation Council and in pursuance of the friendship treaties ratified by the Federal Assembly and mutual assistance with the DPR and LPR, I have decided to conduct a special military operation.”

Personal photographer ang peg ayon sa netizens: Rumored girlfriend ni JOHN LLOYD na si ISABEL, nag-share ng photos nila kasama si ELIAS

Posted on: February 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-SHARE ng series of photos sa kanyang IG account ang sinasabing rumored girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Isabel Santos noong February 22.

 

 

Makikita nga na kasama niya ang aktor at ang anak na si Elias habang na sa beach at may caption ito na, “Saw the river meet the sea.”

 

 

Si Isabel, ang latest na nali-link romantically kay Lloydie dahil palagi nga silang spotted na magkasama sa iba’t-iba okasyon.

 

 

Unang napansin ng netizens na magkasama ang dalawa noong November 2021 sa property ng aktor sa Batangas, pero mukhang tahimik lang dalawa sa kanilang namumuong relasyon.

 

 

Sa series of photos, makikita ang isang driftwood sa payapang beach resort, sumunod ang naglalakad nang nakatalikod na guy na kahawig ni JL at ang nagtatampisaw sa beach na bata na may mahabang buhok, na kahawig din Elias.  Sa pang-anim na photo, ang pagtalon ng naka-green shorts na guy sa beach, na walang duda naman na si John Lloyd.

 

 

Nag-share din si Isabel ng ilan pang litrato sa Instagram Story, na kung saan kasama ni Lloydie ang former Ang TV actor na si Sarji Ruiz, meron din magkasama ang mag-ama.

 

 

Ayon sa mga nasulat, ang 31-year-old na si Isabel ay granddaughter ng kilalang painter and illustrator na si Mauro Santos, na nagmamay-ari ng West Gallery sa Quezon City na kung saan ginanap ang launching ng art excibit ni John Lloyd noong 2019.

 

 

Say ng mga marites na photos na nilabas ni Isabel:

“Parang personal photographer datingan ni ate. She’s more into him than him to her.”

“And your opinion is based on a few snaps?!?
Get down from your high horse, marites.”

“Never naman naging show off si lloydie sa socmed kahit nung sila ni ellen si ellen lang nagpo-post.”

“Don’t we all become personal photographer to our partner? Siguro wala kang boyfriend kaya di mo alam. I mean, who would want to be with a know-it-all judgemental person like you?”

“Artist kc c ate girl madalas pag artist mahilig kumuha ng pics kesa mag papicture. Kalowkah mga judgers.”

“Matagal na yang fan girling si girl kahit nung time pa ni angge-jlc andun din sya..hahaha kaya matagal na syang photographer ni jl..dati nga may pics pa yan sya nina angge at jl.”

“Jusko sarap kurutin ni Elias.”

“Tatay na tatay na ang itsura.”

“Tanda ng itsura ni john Lloyd hanggang sitcom na lang sya tsk tsk.”

“Ang cute ni Elias mukhang mabait na magalang pa.”

“Elias big boy na, parang hindi na makarga, hehe. Pero mas napansin ko, ang daming Koi, sarap tumambay sa tabi ng pond nila.”

“Hindi talaga sila bagay sorry not sorry si girl ay official photographer ni John Lloyd puro kuha ng stolen shots tapos post niya sa ig niya.”

“Same with Ellen dati. Sya lang nman post ng post.”

“Eh sa yun trip nya eh. Ayaw nya ng selfie with JLC. Low key at simple lang sya.”

“Hay jusko, john lloyd ng buhay ko! LOL!”

(ROHN ROMULO)

DTI, ipapanukala ang pagtanggal sa plastic dividers sa mga establisimyento

Posted on: February 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG ipanukala ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtanggal sa mga plastic covers o barriers sa loob ng mga establisimyento bilang bahagi ng COVID-19 protocols ng mga negosyante na kailangang sundin ng mga ito.

 

 

“Isa pang kino-consider na pagtanggal, whether mag-move tayo sa Alert Level 1 o hindi, ay ‘yung mga acylic barriers,” ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.

 

 

“Pwede na tanggalin ‘yan, ipo-propose natin sa IATF [Inter-Agency Task Force],” ayon sa Kalihim.

 

 

Aniya, ang Omicron variant ay airborne, maaari nang tanggalin ang mga plastic barriers, idagdag pa na mga tao sa loob ng mga establisimyento ay dapat lamang na sundin at gawin ang minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks, physical distancing, at hand-washing at sanitizing.  (Daris Jose)

DAYUHANG MAGULANG, ANAK NA PINOY, EXEMPTED NA SA EED

Posted on: February 25th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na ang mga dayuhang magulang at anak nilang Filipino ay maaari nang pumasok ng bansa kahit walang entry exemption document (EED) mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na bagama’t knakailangang magpakita ng EEDs ang nasabing mga dayuhan sa kanilang pagdating sa airport, pero kinakailangan pa rin nila kumuha ng visa sa alinmang embahada sa Pilipinas o konsulado.

 

 

Paliwanag ni Morente na ang nasabing polisiya ay alinsunod sa resolusyon na inisyu ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na inamyendahan ang unang resolusyon na hindi isinasama ang kanilang dayuhang Filipino na asawa sa pagkuha ng EED bago pumasok ng bansa.

 

 

Gayunman, ayon sa BI Chief na kinakailangang may nakalagay na “notation” sa visa ng mga dayuhang magulang at anak ng isang Filipino citizens na “Foreign Spouse/Parent/Child not covered by IATF Resolution 160-B; No EED Required.”

 

 

Nabatid na sa sulat na ibinigay kay Morente noong February 17, hiniling ng DFA sa BI na payagan ang isang may hawak na valid visa na may nakalagay sa nasabing “notation” na payagang pumasok sa bansa kahit walang EED.

 

 

Sinabihan din ng DFA ang BI na inutusan ang lahat ng Philippine Foreign Service post na gamitin ang notation sa pag-iisyu ng visa sa mga dayuhang asawa , magulang at anak na Filipino.

 

 

“We welcome the IATF’s move to relax the travel guidelines for foreigners who are immediate relatives of our Kababayans. It will allow families to reunite, and will also attract more foreign tourists to come here, helping hasten the recovery of our economy which has been badly hit by the pandemic,” ayon kay  Morente. (GENE ADSUARA)