• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 26th, 2022

Tiniyak ang repatriation assistance

Posted on: February 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino sa Ukraine na huwag mag-panic sa gitna ng nagpapatuloy na  paglusob ng Russia.

 

 

Tiniyak ng DFA sa mga ito na mabibigyan sila ng tulong at madadala sa mas ligtas na lugar o mapauuwi sa Pilipinas kung kinakailangan.

 

 

Sinabi ni Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr. sa kanyang Twitter na sumang-ayon ang Poland na payagan ang mga Filipino na lisanin ang ang Ukraine at makapasok sa bansa kahit walang visa.

 

 

Sinabi naman ni DFA Undersecretary Sarah Arriola, may apat na Filipino ang nag-request ng repatriation assistance mula sa gobyerno ng Pilipinas ang nakatakdang lumipad sa Maynila mula Kyiv “if circumstances would allow”. Inaasahan na darating ang mga ito sa bansa sa araw ng Biyernes, Pebrero 26.

 

 

“Repatriation is our department’s top priority. We are on standby to assist our kababayans. We will use all available means to bring them home,” ayon kay Arriola.

 

 

Samantala, sa ulat, handa na ang “go bags” ng ilang Pinoy sa Kyiv ang kabisera ng Ukraine. Naglalaman ito ng mga importanteng dokumento at mga personal na gamit para handa sila kung sakaling sumiklab ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

 

 

Nitong mga nakaraang linggo kasi, tumitindi ang girian ng dalawang bansa na mas lalo pang naging kumplikado dahil sa bantang sanctions ng Estados Unidos at padalang tulong na armas ng NATO sa Ukraine.

 

 

Nag-aalburoto ang Russia dahil hindi raw ito pinakikinggan sa iginigiit nitong huwag isali ang Ukraine sa NATO at panawagang itigil na ang eastward expansion ng NATO malapit sa kanilang border. (Daris Jose)

Nakaka-relate dahil sa struggle na hinaharap ni ICE: LIZA, humanga rin sa katapangan ni JAKE na mag-post kahit bina-bash

Posted on: February 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUNG marami ang nam-bash kay Jake Zyrus sa pagpo-post niya ng topless, marami rin namang sumaludo at sumuporta sa katapangan niya.

 

 

Isa na nga sa masaya para sa kanya ay ang asawa ni Ice Seguerra na si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño.

 

 

“I admire him and I laud him for celebrating his identity,” ani Liza nang makapanayam ng press sa mediacon for the upcoming 6th Film Ambassador’s Night.

 

 

Personally ay nakaka-relate si Liza dahil nakita rin niya ang struggle ng mister niyang si Ice at alam niyang hindi ganu’n kadali.

 

 

“Personal kong na-experience sa asawa ko ‘yung ano niya, ‘yung struggle pa rin niya to come to terms with who he is. Kasi, kahit ngayon, tanggap nating lahat na transman si Ice, ang tawag natin sa kanya ay Ice, nirerespeto na natin ‘yung pronoun niya, pero siya, ‘yung ‘pag gumising siya sa umaga, ‘yung physicality niya pa rin as a man, hindi pa rin niya nakikita.

 

 

“So, nakikita ko ‘yung struggle na ‘yun kay Ice. So, for Jake to achieve that and be comfortable and happy, kung ‘yun ang magpapasaya sa kanya, dapat suportahan natin siya, especially, nandito tayo sa industry na sa bansa natin, hindi pa rin ganu’n kaluwag at ka-open ang pagtingin sa mga transmen,” pahayag ni Liza.

 

 

Natanong namin si Chair Liza kung nasaan na bang stage ng transition si Ice, inamin naman niya na may plano rin ang mister na na magpa-breast removal surgery.

 

 

“’Yung usapang magte-testosterone (masculinizing hormone theraphy) ba siya para sa transition, it’s being discussed pero wala pa kami talaga do’n.

 

 

Pero ‘yung gusto niya ring magpa-surgery (breast removal), okay na kami do’n. Pine-prepare na lang namin ang tamang budget para magawa namin,” ani Chair Liza.

 

 

“We’re just looking for the right doctor para gawin ‘yun. Malay mo, this year. Baka ma-inspire siya kay Jake. And I know that he’s very, very happy for Jake,” dagdag pa niya.

 

 

***

 

 

HINDI na naman dumalo si Xian Lim sa press preview ng Bahay na Pula.

 

 

Ito ang ikalawang pagkakataon na absent si Xian sa promo ng pelikula niya kahit na siya ang bida.

 

 

Hindi siya dumalo sa presscon ng Yorme kung saan he played the role of Mayor Isko Moreno.

 

 

Ano kaya ang dahilan ni Xian sa hindi niya pagsipot sa promo ng movies niya?

 

 

Masyado ba siyang busy kay Kim Chiu kaya di siya makadalo sa presscon?

 

 

Bilang artista, parte ng trabaho ni Xian na i-promote ang mga movies niya. Pero bakit kaya ‘di niya ito magawa?

(RICKY CALDERON)

Fil-Am Jalen Green babawi na lang sa next All-Star matapos sumablay sa slam dunk contest

Posted on: February 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA ang Fil-Am star ng Houston Rockets na si Jalen Green na makakabalik pa rin siya sa susunod na taon para sa annual All-Star Slam Dunk contest.

 

 

Ginawa ni Green ang pahayag matapos na maraming fans ang nadismaya sa kanya dahil sa ilang pagkakamali niya sa execution sa slam dunk nitong nakalipas na Linggo na ginanap sa estado ng Cleveland.

 

 

Kung maalala tinanghal na kampeon sa slam dunk si Obi Toppin ng New York Knicks.

 

 

Una rito, bago pa man magsimula ang contest ay pabotiro na ng marami ang Pinoy na mananalo at maging sa pustahan dahil pambihira ang kanyang showmanship tuwing may laro ang Rockets.

 

 

Ayon kay Jalen, babawi na lamang siya sa susunod na taon.

 

 

Sa ginanap naman na All-Star weekend kung saan naglaro siya sa Rising stars tournament, ang No. 2 pick ang siyang bumida sa Team Worthy kahit natalo sila ng isang puntos.

 

 

Sa naturang game, maraming pinahanga si Green nang magbuhos siya ng 20 points, kabilang na ang apat na three pointers kaya kinilala siya na siyang best player sana ng ilang mga basketball analysts.

Chot dismayado sa pullout ng South Korea

Posted on: February 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DISMAYADO  si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa biglaang pullout ng South Korea sa FIBA World Cup Qualifiers na sasambulat ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Nagdesisyon ang pamunuan ng Korea Basketball Association (KBA) na lumiban sa February window matapos magpositibo ang isa sa 12 players nito sa lineup.

 

 

Kaya naman apektado ang training camp ng Gilas Pilipinas.

 

 

Inamin ni Reyes na isa ang South Korea sa mga pinaghahandaan nito sa qualifiers lalo pa’t dalawang beses sana itong makakalaban ng Gilas Pilipinas.

 

 

“It throws a monkey wrench in our preparations because we have been preparing for Korea for the past week,” ani Reyes.

 

 

Mula sa apat na laro, magiging dalawa na lamang ang laro ng Gilas Pilipinas sa qualifiers — laban sa India sa Biyernes at kontra sa New Zealand sa Linggo.

 

 

Nabago ang program ng Gilas Pilipinas na se­sentro na lamang sa kung paano tatalunin ang India at New Zealand.

 

 

“We would like to think that we built this team on versatility. Agility was one of the very first things we talked about in our first practice and how we really need to prepare for whatever comes,” ani Reyes.

2022 polls: Presidential debate ng COMELEC, isasagawa sa Marso 19

Posted on: February 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Commission on Elections (COMELEC) na sa darating na Marso 19 na nakatakda ang isasagawa nilang Presidential debate.

 

 

Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, ito ang magiging kauna-unahang Presidential debate na pangangasiwaan ng poll body kaugnay sa national at local elections sa darating na Mayo.

 

 

Sinabi ni Jimenez na lahat ng mga kandidato ay nagkumpirma na sa kanila na dadalo sa naturang debate.

 

 

Nilinaw naman niya sa mga kandidato na hindi magpapadala ang COMELEC ng anumang advance questions para sa mga kandidato.

 

 

Hindi rin aniya papahintulutan ang mga kandidato na magdala ng anumang gamit kapag sila ay aakyat sa podium sa debate. (Daris Jose)

Number coding pinag-aaralang palawakin sa Alert Level 1

Posted on: February 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-AARALAN na  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapalawak sa number coding scheme  sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa oras na ipatupad na ang Alert Level 1 sa National Capital Region (NCR).

 

 

Ito ang inihayag ni MMDA Officer-in-Charge at General Manager Atty. Romando Artes matapos nga ang ginawang rekomendasyon ng Metro Manila Council (MMC) sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ilagay na sa   Alert Level 1 ang  rehiyon.

 

 

Gayunman, sakaling aprubahan, ang expan­ded number coding anya, ay hindi kaagad-agad paiiralin sa simula ng pagpapatupad ng Alert Level 1.

 

 

Una aniyang, pag-aaralan ang epekto sa mga unang araw kung ano ang magiging sitwasyon ng trapiko at kabilang sa ikinukonsidera ang kakulangan pa ng public transportation na posibleng magpahirap sa publiko sakaling maluwag na ang galawan sa Metro Manila.

 

 

“We are expecting that once Metro Manila is de-escalated to Alert Level 1, the traffic situation will be heavier…Right now, we are already seeing that the traffic situation on some roads is slow to moderate, but there are certain times where the situation is like this,”ani Artes.

 

 

“We are studying to widen the coverage of our modified number co­ding scheme from 7am to 9am. I have met with the district heads of our Traffic Discipline Office. Based on their assessment, from 10am-5pm, light traffic si­tuation is observed on major thoroughfares,” ani Artes.

 

 

Sa kasalukuyan, umiiral lang ang number coding tuwing weekdays sa tuwing alas 5:00 ng hapon at hanggang alas 8:00 ng gabi, maliban sa holidays, para sa mga pribadong sasakyan. (Gene Adsuara)

Ads February 26, 2022

Posted on: February 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Paggamit ng public resources para sa personal interest, paglabag sa Code of Conduct

Posted on: February 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAGLABAG sa Code of Conduct of Public Officials and Employees ang paggamit ng mga awtoridad sa government resources para sa kanilang personal interest.

 

 

“Ang tanong dyan, pwede bang gamitin ang resources ng ating pamahalaan  when clearly, this was a private function that was involved? In my opinion, that is not and should not be allowed,” ayon kay human rights lawyer Chel Diokno.

 

 

“It would be a violation of the code of conduct of public officers as well as other laws that make those other actions violations of the law,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Tinukoy ni Diokno ang nangyaring pagbagsak ng Philippine National Police chopper sa Real, Quezon, araw ng Lunes dahil di umano’y papunta ito sa Balesin island para sunduin si PNP chief Dionardo Carlos. Isang police personnel ang namatay habang dalawa naman ang sugatan sa insidente.

 

 

Inamin naman ni Carlos na nagpunta siya ng upscale island resort noong weekend at nakatakdang bumalik ng lungsod subalit kailangan na mag-request ng flight matapos na may “unforeseen circumstances” sa inisyal na na-booked na private transport.

 

 

Iginiit ni Carlos na ang direktiba ay naaayon sa PNP rules.

 

 

Ayon sa Section 4 ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, “government officials and employees shall always uphold the public interest over and above personal interest.”

 

 

“All government resources and powers of their respective offices must be employed and used efficiently, effectively, honestly and economically, particularly to avoid wastage in public funds and revenues,” dagdag nito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Dahil sa pag-like sa socmed post ni AJ: KYLIE, naka-move on na at tanggap na karelasyon na si ALJUR

Posted on: February 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa pag-like ni Kylie Padilla sa isang post ni AJ Raval sa social media, ibig sabihin ay naka-move on na ito.

 

 

Tanggap na rin niya ang relasyon ni AJ sa kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica.

 

 

Pinost ni AJ ang isang video sa Instagram ng isang lalake na bitbit ang isang babae sa may tabing-dagat. Reaction ng netizens na obvious na sina AJ at Aljur ang nasa quick video.    Magkasama ang dalawa noong nakaraang Valentine’s Day sa isang beach resort sa Leyte.

 

 

Sa kanyang Facebook, nag-post ng message si AJ para sa kanyang mga bashers online: “Maraming taong mas pinipiling maging bobo kesa piliin na maunawaan at maintindihan ang sitwasyon ng iba.

 

 

Welcome sa lahat ng bashers, comment lang kayo. Feel free to bash don’t be shy ilabas nyo yang galit nyo na makakatulong sa buhay nyo at sa ika uunlad ng Pilipinas.”

 

 

May isang netizen na nag-comment sa FB post ni AJ sa pag-share ng photo ni Kylie at may caption na “The legal”.

 

 

Nag-share din si AJ ng isang inspirational message tungkol sa pagiging matapang.

 

 

“There’s a future version of you that would be so proud. Not because of where you’re going but the challenges you faced along the way, and no matter how tough they became you were strong enough.

 

 

“Brave enough and courageous. That even though you had no idea what the future would hold, you knew this path was worth it. Your passion and perseverance are leading you to where, and who, you need to be. keep going.”

 

 

***

 

 

NAGIGING emotional si Carmina Villarroel tuwing may nagla-lock-in taping sa kanilang pamilya.

 

 

Hindi na raw kasi sila nabuo simula noong magkaroon sila ng kanya-kanyang teleserye.

 

 

Hindi na raw sila nagkikita sa bahay na apat. Hindi raw tulad noong magsimula ang pandemya noong 2020 na buo silang apat sa kanilang bahay ng ilang buwan.

 

 

“Ako naman every time na nagla-lock-in ako, or nagla-lock in si Zoren, or si Cassy or si Mavy, I always cry. Given na ‘yan. Unang-una iyakin ako at pangalawa, nanay ako at asawa ako.

 

 

So, hindi ako sanay na nalalayo sa pamilya ko. I’m very family-oriented. We’re really close eh. Aapat na lang kami ‘di ba tapos naghihiwalay pa nang matagal. I’m starting to embrace this parang new norm natin, sa ngayon. So, wala naman akong choice kung hindi tanggapin ito because it’s still a blessing,” sey ni Mina.

 

 

Sa kabila ng pandemya, thankful si Carmina dahil patuloy ang biyaya sa kanilang pamilya. Bukod dito, nakaramdam ng excitement si Mina sa Widows’ Web dahil sa all-female leading stars ng teleserye.

 

 

“With this one, mas na-excite ako because ang mga bida, mga babae. I’m thankful na isa ako do’n sa mga babae dito sa Widows’ Web. As always, I’m excited and thankful, diin pa ni Mina na co-stars sina Pauline Mendoza, Ashley Ortega, at Vaness del Moral.

(RUEL J. MENDOZA)

Inulit ang apela ni PDu30: Bong Go, nanawagan sa mga eligible Filipino na magpa-booster shots laban sa COVID-19

Posted on: February 26th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INULIT ni Senador Christopher “Bong” Go ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga eligible Filipino na magpa- booster shots bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.

 

 

Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi, pinayuhan ng Chief Executive ang kuwalipikadong pinoy na magpa-booster shot na.

 

 

Ito’y dahil na rin sa mababang rate ng mga taong tumatanggap ng karagdagang bakuna.

 

 

“Magpa-booster dose na kayo para sa karagdagang proteksyon laban sa COVID-19 lalo na sa mga variant nito tulad ng Omicron,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

“Huwag kayong mangamba dahil ang ating bakuna ay pinag-aralang mabuti ng ating mga eksperto. Ito ay garantisadong dekalidad, ligtas, at higit sa lahat, epektibo,” pagtiyak ng Pangulo.

 

 

Sinabi naman ni Go, base sa available data, ang pagpapabakuna at pagpapa-booster ay makatutulong ng malaki para mabawasan ang panganib na mahawaan ng malalang kaso ng COVID-19.

 

 

“Hinihikayat ko po ang lahat na magpabakuna lalo na’t bukas na ang programa sa general population. Pwede na rin magpabooster ang mga qualified. Nasa datos naman na kung sino ang positibo at grabe ‘yung sintomas ay kadalasan sila ‘yung mga hindi pa bakunado,” ayon kay Go, Chairman ng Senate Committee on Health.

 

 

Ang kooperasyon aniya sa national vaccination program ay isa ring paraan para matulungan ang mga healthcare workers at iba pang frontliners na walang humpay at patuloy na nakikipaglaban sa pandemya.

 

 

“Kaya ipakita natin ang malasakit sa ating mga frontliners at magpa-schedule na tayo sa pinakamalapit nating vaccination site. Huwag kayong matakot sa bakuna dahil ito ang tanging solusyon para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,” apela ni Go.

 

 

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, “as of February 21,” mahigit 62 milyong Filipino ang nakatanggap na ng kanilang second dose, kumakatawan ito sa 69% na target na 90 milyong Filipino.

 

 

Samantala, may 9.7 milyong boosters naman ang naiturok na.

 

 

Natuwa naman ang Pangulo sa pagbaba ng bilang ng daily COVID-19 cases sa PIlipinas.

 

 

“Ang mga daily COVID cases natin, pababa nang pababa. (Health Secretary Francisco) Duque has declared that we have surpassed the worst of the Omicron variant,” ang pahayag ni Pangulong Duterte.

 

 

Sa kabilang dako, iniulat naman ni Duque na mayorya ng rehiyon ay kasalukuyang nasa “minimal to low risk case classification” para sa COVID-19. Nananatili naman ang Cordillera Administrative Region na naka-classify bilang moderate-risk case, at ang Region XI ay mayroong moderate-risk ICU utilization rate. Ang natitirang mga rehiyon ay mayroong low-risk rates ng healthcare utilization.

 

 

Dahil dito, hinikayat ni Duque ang publiko na magpa- booster upang mapigilan ang “mutation and transmission” ng COVID-19.

 

 

Samantala, binigyang diin naman ni Go na ang laban kontra pandemiya ay national undertaking at makapag-aambag lamang ang mga Filipino sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagiging responsableng mamamayan.

 

 

“Lagi natin alalahanin na hindi kaya ng gobyernong mag-isa ang laban kontra pandemya. Hindi rin kakayanin ng mga frontliners kung patuloy na dadami ang kailangang dalhin sa mga ospital. Preventing the spread of COVID-19 starts with us by being responsible citizens and following health and safety protocols,” ayon kay Go.

 

 

Muli ay inulit ni GO ang apela sa publiko na manatiling bigilante at ipagpatuloy lamang ang pagsunod sa mandated health at safety protocols para mapigilan ang pagkalat ng virus at ipanatiling nakalutang ang healthcare system.

 

 

“Kaya let us remain vigilant at sumunod sa mga patakaran. Ugaliing magsuot ng mask, mag-social distancing, maghugas ng kamay, at kung hindi kailangang lumabas ay manatili na lang sa bahay upang maiwasan ang hawaan ng sakit. Magtulungan tayo para hindi bumagsak ang ating healthcare system habang binabalanse natin na pasiglahin muli ang ating ekonomiya,” pagtatapos nito. (Daris Jose)