• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 4th, 2022

Mga batang kasali sa face-to-face classes hindi mandatory na bakunado

Posted on: March 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI kasama sa requirement ng mga batang sasali sa face- to -face classes ang magpabakuna laban sa Covid -19.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, mataas kasi ang resistance level sa mga bata para magpabakuna.

 

 

Nasa mga magulang na ang pagpapasya kung pababakunahan ang bata o hindi.

 

 

Ani Briones, para sa mga guro, mandatory o obligado ang mga ito lalo na ang mga kasali sa face-to-face classes na dapat ay  may bakuna.

 

 

Sinabi ng Kalihim na ng mga guro na hindi pa bakunado  ay kailangang magsumite ng kanilang reports sa eskwelahan, dapat na magpakita muna ng negative resulta ng rt pcr test bago payagang makapasok sa school premises.

 

 

Samantala, patuloy na hinihikayat ni Briones ang mga magulang ng mga bata na pabakunahan na ang kanilang mga anak bilang proteksyon na rin lalo na at nagsisimula na aniya ang face-to-face classes sa maraming eskwelahan sa bansa. (Daris Jose)

1,180 detinido sa Bulacan Provincial Jail, binakunahan ng booster shots

Posted on: March 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – May kabuuang 1,180 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa Bulacan Provincial Jail (BPJ) dito ang tumanggap ng COVID-19 booster shots na isinagawa ng Provincial Health Office-Public Health noong Sabado, Pebrero 26, 2022.

 

 

Pfizer at Astrazeneca ang mga bakunang itinurok sa booster rollout kung saan 755 sa kanila ay nabakunahan noong nakaraang Sabado habang 425 naman ang nabakunahan nitong Lunes.

 

 

Alinsunod dito, karamihan sa mga PDL ay nakatanggap na ng kanilang unang dosis ng bakuna noong Oktubre 2021 kaya naman sila ay kwalipikado na upang mabakunahan ng booster shots.

 

 

Patuloy pa rin ang booster rollout hanggang sa mabakunahan lahat ang target na 1,800 PDLs.

 

 

Sinabi naman ni Gobernador Daniel R. Fernando na Karapatan ng bawat isa sa lalawigan na mabigyan ng proteksyon laban sa banta ng COVID-19 at patuloy na pagsusumikapan ng lalawigan na maproteksyunan ang lahat ng mga Bulakenyo sa pamamagitan ng pinaigting na vaccination program.

 

 

“Bawat isa po sa Lalawigan ng Bulacan ay pinagsusumikapan nating mabigyan ng bakuna, lalo na po itong booster shot para maging buo ang panlaban natin sa sakit. Karapatan po ng lahat na maging protektado at sinisuguro ko po na walang sinuman ang malalagpasan at maiiwan,” anang gobernador.

 

 

Bukod dito, nagbigay rin ang Universal Health Care ng 1,700 piraso ng hygiene kits para sa bawat PDLs at 40 piraso ng cleaning kits para sa mga pasilidad ng BPJ. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Malakanyang, nakiisa sa buong mundo para sa pagdarasal na matapos na ang girian sa Ukraine

Posted on: March 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKIISA ang Malakanyang sa bansa at sa buong mundo para sa pagdarasal para sa mas maaga at mapayapang resolusyon sa girian sa Ukraine.

 

 

“We reiterate the position of the Philippines that war benefits no one, and that it exacts a tragic, bloody toll on the lives of innocent men, women, and children in the areas of conflict,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

 

Ang girian aniya sa Ukraine ay mayroong “economic, trade, and human resource implications” para sa bansa at sa sambayanang filipino.

 

 

Habang naka-monitor aniya ang gobyerno ng Pilipinas sa kasalukuyang situwasyon, ang bawat Filipino ay may karapatan na malaman kung ano ang ginagawa ng pamahalaan na paghahanda sa kahit na anumang kaganapan.

 

 

“President Rodrigo Roa Duterte has given assurances that mitigating measures and contingency plans will be in place as part of the government’s pro-active response to the conflict in Ukraine,” ang pahayagni Nograles.

 

 

Nauna rito, pinulong ni Pangulong Duterte, kahapon, Marso 1, ang ilang miyembro ng kanyang gabinete kasama ang mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), at iba pang high-ranking officials, para pag-usapan ang posibleng senaryo kapag nagpatuloy at umigting ang Russia-Ukraine conflict.

 

 

Dahil dito, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekumendasyon ng kanyang Economic Team na palakasin ang domestic economy, patatagin ang presyo ng mga pangunahing bilihin, magbigay ng social protection, at tuklasin ang diplomatic channels na makatutulong na maresolba ang nasabing hidwaan.

 

 

“As to food stability, the Chief Executive approved the recommendations of the Department of Agriculture (DA) to boost local food production. Kasama na rito ang pagpapataas ng produksyon ng pagkain sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Plant, Plant, Plant Part Two, pagpapataas ng rice buffer stock na hindi bababa sa tatlumpung araw, pamamahagi ng tulong pinansyal sa ating mga nagsasaka ng palay, at pagtugon sa tumataas na presyo ng abono o pataba, tulad ng pagbibigay ng fertilizer subsidy at market access through bilateral discussions sa fertilizer-producing countries,” litanya ni Nograles. (Daris Jose)

Reso ng Senado sa e-sabong wala pa sa Malacañang

Posted on: March 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALA pang natatanggap na resolusyon ang Malacañang mula sa Senado tungkol sa pagpapatigil ng kontrobersiyal na e-sabong.

 

 

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles, wala pang ipinapadalang resolution sa Office of the President o kahit sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

 

 

“Wala pa po tayong nakikitang Senate Resolution, walang Senate Resolution na binigay or pinadala sa Office of the President. Wala pong Senate Resolution na binigay or pinadala sa PAGCOR,” ani Nograles.

 

 

Puro mga balita pa lamang sa mga pahayagan ang kanilang mga nababasa pero wala pang opisyal na dokumento.

 

 

Nauna rito, nilinaw ng Malacañang na hindi pa sinususpinde ni Duterte ang e-sabong na nais sanang mangyari ng isang komite sa Senado sa gitna nang pagkawala ng 31 sabongero. (Gene Adsuara)

Bidang-bida sa three-part erotic series: VINCE, ‘di lang suwerte kundi blessed kaya ganun na lang ang pasasalamat

Posted on: March 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO sina Vince Rillon at Ayanna Misola na nakaramdam sila nang matinding pagod na gawin nila sa pinag-uusapang extended love scenes sa ‘Larawan’ na unang bahagi ng Vivamax erotic three-part series na L, mula sa direksyon ni Topel Lee.

 

 

      Napanood nga ito last February 27 sa pamamagitan ng streaming sa Vivamax. Written and produce by award-winning director Jon Red, ang L ay isang erotic trilogy tampok ang tatlong magagaling na direktor.

 

 

Pahayag ni Vince, “pagod na pagod ako sa mga eksena namin ni Ayanna, sa sex scenes namin ni Ayanna at aminado ako na doon talaga ako nahirapan at na-challenge.”

 

 

Naka-idlip nga raw ang magka-partner dahil sa matinding pagod na kanilang naranasan pagkatapos nang tuloy-tuloy at dalawang oras na shooting ng erotic scenes nila ni Ayanna.

 

 

Bukod kay Ayanna, ka-partner din ni Vince sa L ang iba pang hottest sexy stars ng Viva Films na sina Cloe Barreto, Cara Gonzales at Stephanie Raz.

 

 

Bidang-bida nga ang protege ni Direk Brillante Mendoza sa L, nakapa-suwerte niya dahil sunud-sunod ang movie na kanyang pinagbibidahan, after ng Siklo at Sisid, heto ang L at mapapanood na ngayong Linggo ang ‘Liko’ na mula naman sa direksyon ni EJ Salcedo at ka-partner naman niya dito si Cloe Barreto.

 

 

Kaya tiyak na kinaiinggitan siya ng mga kalalakihan at kasabayan niya sa pag-aartista.

 

 

“Actually, hindi suwerte. Blessed, napaka-bless kasi maraming partners at nabigyan ako ng ganitong klaseng project,” pahayag ni Vince.

 

 

“Hindi ako suwerte kasi ang suwerte nauubos.

 

 

Kuwento pa ng next important actor ng Viva Films, simula raw na magbida sa Siklo na pinalabas noong January, nagkasunod-sunod na ang movie niya, at may apat pang dapat aabangan ngayong 2022, ang Iskandalo at Bilibib Boys na mula kay Direk Roman Perez Jr., Pula at Bigwas na ididirek naman ng mentor niyang si Brillante Mendoza.

 

 

At dahil nga tuloy-tuloy ang lock-in shooting ng mga pelikula niya, hindi na ako nakakalabas ng bahay, hindi na ako nakakapagsimba.

 

 

Hindi katulad dati na kapag weekend, nagsisimba ako. Ngayon, hindi ko na magawa.

 

 

Ganun pa man, labis-labis ang pasasalamat ni Vince sa Diyos dahil sa mga blessings na natatanggap niya, kahit na noong kasagsagan ng pandemya.

 

 

Kaya naman, nakabili siya ng kotse na hindi lang nabanggit kung anong klase, na magagamit naman niya sa kanyang pagti-taping at iba pang raket sa showbiz.

 

 

Anyway, ang huling episode naman ay ang ‘Lipat’ na aminadong pinaka-gusto ni Vince sa tatlong short films, kasama si Cara Gonzales at sa ilalim naman ng direksyon ni Roman Perez Jr.

 

 

Marami ngang erotic escapades ang pagpipilian sa L streaming online na sa Vivamax sa iba’t-ibang panig ng mundo.

 

 

Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net at pumili ng plan at ginawa na ring mas affordable ang panonood at maraming ways para makapagbayad kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaaming App, ang VIVAMAX!

(ROHN ROMULO)

Cruz may 3-year deal sa SMB

Posted on: March 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMIRMA  si Jericho Cruz ng tatlong taong kontrata sa San Miguel Beer matapos mapaso ang kontrata nito sa NLEX Road Warriors noong Lunes.

 

 

Mainit na tinanggap si Cruz ng pamunuan ng Beermen sa pangunguna nina team governor Robert Non at team manager Gee Abanilla.

 

 

Kasama ni Cruz sa contract signing si agent Danny Espiritu.

 

 

Muling makakasama ni Cruz sa koponan si Beermen head coach Leo Austria na naging mentor nito sa Adamson University noong naglalaro pa ito sa UAAP.

 

 

Kaya naman hindi na magiging mahirap para kay Cruz ang adjustments sa sistema ng Beermen dahil kabisado na nito ang estilo ni Austria.

 

 

Kailangan na lamang ni Cruz ng tamang chemistry upang makasabay sa iba pang miyembro ng Beermen.

 

 

Hindi na rin bago si Cruz sa ibang players ng SMB dahil naging katropa na nito si Terrence Romeo noong pareho pa silang nasa Talk ’N Tex Tropang Giga.

 

 

Inaasahang masisilayan agad sa Beermen jersey si Cruz sa Huwebes sa oras na makasagupa ng SMB ang Rain or Shine sa PBA Season 46 Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ilongga scientist na nakatuklas ng gamot sa diabetes, nasa ‘Young Shapers of the Future’ ng Britannica

Posted on: March 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAPABILANG sa listahan ng Young Shapers of the Future 2022 ng Britannica ang isang Ilongga scientist na nakatuklas ng gamot sa diabetes gamit ang prutas na aratiles.

 

 

Sa panayam  kay Maria Isabel Layson, 18-anyos na kumukuha ng kursong BS Chemistry sa University of the Philippines-Visayas, sinabi nito na labis ang kanyang kagalakan na kinilala ang kanyang pananaliksik na layuning makahanap ng iba pang gamot laban sa diabetes.

 

 

Ayon kay Layson, sinimulan niya ang pananaliksik sa aratiles noong nag-aaral pa sa Iloilo National High School-Special Science Class program.

 

 

Ipinagpatuloy niya ito sa Food and Nutrition Research Institute laboratory sa Manila at nadiskubre ang antioxidant compounds na maaaring gamot sa nabanggit na sakit.

 

 

Noong May 2019, ikinatawan niya ang bansa sa Intel International Science and Engineering Fair sa Phoenix, Arizona, kung saan ipinresenta nito ang nasabing pag-aaral.

 

 

Sa pareho ring taon, nanalo siya ng Best Individual Research in Life Science sa National Science and Technology Fair ng Department of Education.

 

 

Napag-alaman na inspirasyon ni Layson sa kanyang pananaliksik ay ang lolo nito na namatay dahil sa diabetes kung kaya hindi na niya ito nasilayan.

Tayuan sa bus, nakasabit sa jeep bawal – MMDA

Posted on: March 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ang mga tsuper at operator ng mga pampasaherong bus at  jeep sa mahigpit na pagbabawal sa mga nakatayo o nakasabit na pasahero kahit na inilagay na sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni MMDA officer-in-charge and general manager Romando Artes na ito ay sa kabila na pinapayagan na ang ‘full capacity’ sa mga pampublikong sasakyan sa Alert Level 1.

 

 

“Hindi papayagan ‘yung tayuan dahil ang nakalagay po sa guidelines ng IATF ay full seating capacity, mea­ning ‘yung kapasidad lang po ng sasakyan kung saan ang pasahero ay nakaupo,” ayon kay Artes.

 

 

Nakipag-ugnayan na umano sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol dito.

 

 

Pero, hindi kasali sa panuntunan ang Metro Rail Transit at Light Rail Transit na isa ring uri ng pampublikong transportasyon.

 

 

“Yun lamang po ‘yung papayagan except po sa MRT…sa capacity ‘yung nakatayo kasi kung makikita niyo ang MRT naman po, LRT, designed po na kaunti lang ang nakaupo at mas maraming nakatayo. Except po doon, sa mga buses at jeepneys po, full seating capacity lang,” paliwanag ng opisyal.

 

 

Sa kasalukuyan, sinabi ni Artes na maayos na ang pagpapatupad ng protocols sa mga pampublikong sasakyan dahil sa disiplinado na umano ang mga mananakay. (Daris Jose)

BRAD PITT’S NEW ACTION FILM “BULLET TRAIN” REVEALS TRAILER

Posted on: March 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Getting back on the job is never as easy as you think… especially with the world’s deadliest assassins on board. Take a ride with Brad Pitt in the first trailer of Columbia Pictures’ new action-thriller Bullet Train, exclusively in cinemas across the Philippines this July 2022.

 

YouTube: https://youtu.be/Za0vt8PLVA4

 

About Bullet Train

 

An original movie event, Bullet Train is a fun, delirious action-thriller from the director of Deadpool 2, David Leitch. Brad Pitt headlines an ensemble cast of eclectic, diverse assassins – all with connected yet conflicting objectives – set against the backdrop of a non-stop ride through modern-day Japan.

 

Directed by David Leitch, screenplay by Zak Olkewicz based upon the book Maria Beetle by Kotaro Isaka.

 

The film is produced by Kelly McCormick, David Leitch, Antoine Fuqua.  The executive producers are Brent O’Connor, Ryosuke Saegusa, Yuma Terada, Kat Samick.

 

The cast is led by Brad Pitt, Joey King, Aaron Taylor-Johnson, Brian Tyree Henry, Andrew Koji, Hiroyuki Sanada, Michael Shannon, Benito A Martínez Ocasio.

 

In Philippine cinemas 2022, Bullet Train is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.

Connect with the hashtag #BulletTrainMovie

 

 

 

(ROHN ROMULO)