• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 10th, 2022

After 25 years, ramdam mahal na mahal pa rin: HEART, sobrang grateful sa well-deserved 10 million IG followers

Posted on: March 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINASALAMATAN ng actress-socialite na si Heart Evangelista ang kanyang fans and followers sa official Instagram account dahil sa latest milestone na nakamit niya.

 

 

Habang na sa Paris, France pa ang aktres, na-hit na niya ang 10 million followers sa famous photo-sharing app.

 

 

In-upload nga ni Heart sa kanyang IG account na @iamhearte, ang series of photos na hawak-hawak ang “10M” balloons.

 

 

Caption ni Heart, “10 million in Paris. Thank you to everyone. After almost 25 years in showbiz, who would have thought I would still be loved by 10 million more. I am so grateful.”      Umapaw nga sa comment section ang mga pagbati mula sa netizens at kanyang celebrity friends, at marami talaga ang nag-comment na deserved na deserved niya ang latest milestone sa socmed.

 

 

Ilan sa naging comment ng netizens:

“We love you Heart! Thank you for giving us the content of our dreams.”

“Well-deserved my dear! The content you put out is entertaining, creative, and most of all inspiring. You’ve touched so many lives—young and old—by simply being true to yourself. Cheers!”

“Grabeeee na feel ko yun tears of joy, stay humble . GOD BLESS you and keep you safe .

“Hope you reached more than that you deserve it Heart congrats.”

“Congrats ate heart well deserve. keep slayin at fashion shows queen.”

“You deserve it. your heart is beautiful and so is your whole being.”

“Thank you for inspiring us, we love you Queen.”

 

 

***

 

 

MAY kumakalat na tsismis na buntis na raw si Angelica Panganiban courtesy ng boyfriend niyang si Gregg Homan, na magtu-two years nang magka-relasyon.

 

 

Kung true ang tsika, for sure, sobrang saya ng aktres dahil malapit na siyang magka-anak na matagal na raw niyang pinapangarap.

 

 

Sabagay, nasa tamang edad na naman siya, ang kasabayan nga niyang si Camille Prats ay mga anak na.

 

 

Kaya tiyak na pahinga muna sa pagtanggap ng project sa kanyang mother studio, huli siyang napanood sa iWantTFC Original series na The Goodbye Girl at sa WeTV Original series na The Kangks Show na puwedeng balik-balikan.

 

 

Samantala, few days ago, nagkaroon nang masayang reunion ang magkakaibigan na sina Angel Locsin, Dimples Romana, Bea Alonzo, Anne Curtis at Angelica, na balitang doon daw ni-reveal ng aktres ang kanyang kalagayahan ngayon.

 

 

Kasama rin sa reunion dinner sina Gregg na bf ni Angge, Dominic Roque na boyfriend ni Bea at ang husband ni Angel na si Neil Arce.  Hindi naman nakarating ang asawa nina Dimples at Anne.

(ROHN ROMULO)

DILG, pinaigting ang anti-drug ops sa gitna ng mataas na paggalaw sa ilang lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1

Posted on: March 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKITA ng mga tagapagpatupad ng batas ang makabuluhang pagtaas sa volume ng nasabat na ilegal na droga sa isang operasyon noong nakaraang linggo sa gitna ng tumaas na paggalaw sa maraming lugar sa ilalim ng “most relaxed” Alert Level 1.

 

 

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na nakasabat ang mga awtoridad ng kabuuang P424.7 million mula Pebrero 27 hanggang Marso 5, mula lamang sa P159 million na nasabat mula sa dating seven-day period mula Pebrero 20 hanggang 26.

 

 

“So ito po ay maaaring bunga na rin ng pagluluwag natin, nagkaroon ng mobility, kumilos ang mga tao at puwedeng samantalahin po ng mga illegal drug traders. Lalo pa natin paiigtingin ang ating mga operation para siguradong hindi mapagsamantalahan ng mga illegal drug operators ang ating pagbaba ng kaso at pagluluwag sa Alert Level 1,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Iniulat pa ng Kalihim na may 1,307 drug suspects ang nahuli sa 916 operasyon.

 

 

May kabuuang 76 drug personalities ang personal na sumuko habang isa naman ang namatay naitala sa isinagawang police operations.

 

 

Ang mga nakumpiskang illegal drugs sa weeklong operation ay kinabibilangan ng 7.5 kilo ng shabu, 3,114.2 kilo ng marijuana, 1 gramo ng cocaine, at 1.2 gramo ng ecstasy.

 

 

Kasunod ng implementasyon ng Alert Level 1 sa maraming lugar, tinukoy ni Año na ang bilang ng mga granular lockdown areas sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay bumaba sa 37.

 

 

Sa nasabing bilang 31 ay nasa Cordillera Administrative Region, apat sa Ilocos Region at dalawa naman mula sa Kalakhang Maynila.

 

 

“On health protocol violations, 33,143 persons were warned, 7,596 were fined, 2,640 were subjected to community service, 10 were brought to inquest proceedings and 1,132 others were arrested and charged for not wearing face masks,” ayon sa Kalihim.

 

 

Sinabi pa ni Año na ang bilang ng mass gathering violators ay tumaas ng 57.85% na may 350 katao naman ang binalaan at dalawa ang pinagmulta.

 

 

Aniya pa rin, “14,800 individuals were reprimanded, 393 were fined or cited and 1,306 underwent community service for violating the physical distancing rule with the incidents rising by 29.14 percent.”

Inter-regional routes ng mga provincial bus, pinayagan na muli ng LTFRB

Posted on: March 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUBUKSAN na muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga ruta ng provincial bus para sa mga inter-regional na biyahe.

 

 

Nakasaad sa inilabas ng LTFRB na Memorandum Circular No. 2022-023, na lahat ng mga public utility bus operators na mayroong valid Certificate of Public Convenience (CPC), Provisional Authority (PA), at Special Permits ay papahintulutang makapag-operate at gumamit ng designated end-point terminals patungo at palabas ng Metro Manila.

 

 

Dahil dito ay papayagan nang muli ang provincial commuter routes na magmumula sa CALABARZON sa orihinal na terminal nito sa Araneta Bus Terminal sa Cubao via C5.

 

 

Pwede na rin na magbaba ng pasahero ang mga provincial bus mula Region 1, 2 at Cordillera Administrative Region (CAR) sa North Luzon Express Terminal (NLET) kung saan nakatalaga ang mga city bus na magdadala sa mga ito patungong Metro Manila. (Daris Jose)

Lakers nasilat ng Spurs, LeBron ‘di nakalaro namamaga ang paa

Posted on: March 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NABIGONG makapaglaro si LeBron James sa laban ng Los Angeles Lakers kontra sa San Antonio Spurs.

 

 

Aminado ang coaching staff ng Lakers, apektado ang kanilang beteranong superstar sa heavy load nitong nakalipas na mga araw.

 

 

Kung maalala sa huling laro ng 37-anyos na si LeBron, nagtala ito ng record breaking na performance nang magbuhos ng 56 points sa loob ng 39 minutos na pagkakababad sa paglalaro.

 

 

Sinasabing nakakaranas ng pamamaga sa kanyang kaliwang paa si James.

 

 

Ang hindi paglalaro ni James ay nagpadagdag sa kamalasan ng Lakers dahil magtatagal pa bago makabalik sa games ang kanilang big man na si Anthony Davis.

 

 

Namemeligro rin ang kalagayan ng Lakers bunsod na nasa pang-siyam itong puwesto at delikado pa na hindi pumasok sa play-in tournament.

 

 

Samantala sa laro kanina laban sa Spurs nasilat nila ang Lakers, 117-110.

Ukraine, hindi na ipipilit pang maging kasapi ng NATO

Posted on: March 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI NA pipilitin pa ng Ukraine na maging kasapi pa ito ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).

 

 

In-anunsyo ito ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy matapos na tanggihan ng NATO ang kanyang kahilingan na ipatupad ang no-fly-zone sa himpapawid ng Ukraine sa kadahilanang maaari raw itong maging sanhi mas matinding digmaan sa Europe.

 

 

Aniya, dahil sa naging pasyang ito ng NATO ay maraming dugo ang dadanak. dahil mahina ito, at kawalang pagkaka-isa

 

 

Dahil dito ay naging bukas na si Zelenskyy na i-kompromiso ang katayuan ng dalawang breakaway pro-Russian territories na kinilala ni Russian President Vladimir Putin bilang isang independyente bago pa man nito simulan ang naging pagsalakay sa kanilang bansa noong Pebrero 24.

 

 

Hindi rin aniya handa ang NATO na tanggapin ang Ukraine at takot din ito pagdating sa mga kontrobersyal na bagay at maging sa pag-kompronta sa Russia.

 

 

Pagtutukoy pa nito sa NATO membership, sinabi ni Zelenskyy na hindi niya gustong maging presidente ng isang bansang nagmamakaawang humiling ng isang bagay.

 

 

Samantala, ipinahayag naman ng Ukraine president na bukas ito sa pakikipagdayalogo sa Russia hinggil sa mga hinihinging demand nito.

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 50) Nalalapit na ang pagwawakas… Story by Geraldine Monzon

Posted on: March 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI MAITAGO  ni Regine ang inis kay Bela dahil sa pangingialam nito sa mga plano niya kaya hindi niya napigilan na maghimutok sa bagong kakampi na si Roden.

 

“Magtiwala ka lang sa’kin Regine. Basta tutulungan mo ako na mapabagsak si Bernard.”

 

Sa sinabi ng lalaki ay natigilan si Regine at napasandal sa upuan sabay halukipkip.

 

“Wait, what do you mean?”

 

“Nagbalik ako sa buhay nila para maghiganti kay Bernard.”

 

“Dahil kay Angela?”

 

“Exactly, tutulungan mo ba ako o hindi?”

 

Saglit na nag-isip ang babae. Pagkuwa’y…

 

“Ok fine. Pero kailangan mo muna akong tulungan sa maldita nilang anak!”

 

“Ssshhh, lower your voice. Wag mo nang alalahanin ang batang ‘yon. Magtaray lang siguro ang kaya niyang gawin.”

 

“Huwag mo siyang maliitin. Hindi ako hihingi ng tulong sa’yo kung mahina ang loob ng batang ‘yon.”

 

“Relax. Mawawala rin ang kamalditahan no’n.”

 

Habang patuloy ang kanilang pag-uusap, sa kabilang bahagi ng isip ay tumututol si Regine na pakialaman ni Roden si Bernard. Ayaw niyang bumagsak ito dahil gusto nga niya na magkabalikan sila. Kapag bumagsak ito, ayaw naman niyang kumapit kay Roden na hindi niya kursunada. Pero sasakyan lang muna niya ang lalaki hangga’t hindi siya nito natutulungan sa problema niya kay Bela.

 

Dinalhan ni Bela ng kape ang daddy niya sa mini-office nito sa loob ng bahay.

 

“Oh Bela anak, salamat sa kape.”

 

“Dad, gusto ko lang po sanang mag thank you sa inyo dahil pumayag po kayong makasama natin dito si Mama Cecille. Susunduin ko na po siya bukas. Sana lang po pumayag din siya na tumira rito.”

 

“Para sa’yo anak. Kung sa ikasisiya mo hindi na kami tututol ng mommy mo.”

 

Isang yakap ang itinugon ni Bela sa ama.

 

Nang biglang tumunog ang cellphone niya.

Si Jeff ang nasa kabilang linya.

 

“Excuse po dad.”

 

Sinagot niya ang tawag sa labas ng office room.

 

“Jeff, bakit?”

 

“Nami-miss na kita agad eh. Magkita tayo.”

 

“Samahan mo na lang ako, susunduin ko si Mama Cecille bukas.”

 

“Bukas pa ‘yon. Gusto ko ngayon na tayo magkita.”

 

“Hihintayin ko munang dumating si mommy para makapagpaalam ako.”

 

“Ba’t hihintayin mo pa, e di puntahan na natin sa restaurant at doon tayo magpaalam.”

 

“Hay naku, wala na talaga akong ikakatuwiran sa’yo.”

 

“Kailan mo ba kasi ako ipapakilala sa kanila bilang boyfriend mo?”

 

“Humahanap lang ako ng magandang timing.”

 

“Sus. Kailan pa ‘yon, gusto mo ngayon na?”

 

“Huwag ka ngang adelantado riyan. Lahat ng bagay dapat nasa tamang timing.”

 

“Oo na, basta lumabas tayo ngayon ha, susunduin kita dya’n within 30 minutes.”

 

“Ano, ang bilis naman no’n!”

 

“Miss na miss na nga kita eh.”

 

“Saan ba tayo pupunta?”

 

“Kakain sa labas.”

 

“Bakit hindi na lang sa restaurant namin tayo kumain?”

 

“Para makita mo si Jared?”

 

“Jeff!”

 

“O sige na, mag-ayos ka na. Otw na’ko.”

 

“Ok ingat ka.”

 

“Ikaw din. Ingat sa pag-aayos, huwag masyadong magpaganda baka lalo akong mainlab sa’yo.”

 

“Asus!”

 

Kinabukasan.

Nilapitan ni Bela ang ina na nag-aalis ng mga tuyot na dahon sa mga halaman sa garden. Sinabi niya rito na tatawagan na lang niya si Mang Delfin kapag napa-oo na niya ang kanyang mama. Alam kasi niya na hindi ito nagpapasya ng biglaan kaya pupuntahan muna nila ito ni Jeff para kausapin.

Sinang-ayunan naman ito ni Angela.

 

“Napapansin ko na palagi kayong magkasama ni Jeff.”

 

“Ahm, mommy…”

 

Tumingin si Angela sa ina.

 

“May sasabihin ka ba?”

 

“Ahm…”

 

“Sige na, huwag kang mahiya. I’m your mom and your bestfriend too.”

 

“Tungkol po kay Jeff. ..kasi po…meron na po kaming unawaan…”

 

Saglit na napatitig si Angela kay Bela na ipinag-alala ng dalaga.

 

“Mommy, I’m sorry po.”

 

“It’s okay. Kung masaya ka sa unawaan nyo, masaya rin ako para sa’yo.” anito. “ Ang gusto ko lang na lagi mong tatandaan ay huwag mong kakalimutan ang sarili mo kahit nagmamahal ka.”

 

“Opo mommy. Salamat po sa pang-unawa. Gusto ko po sana na kapag nandito na si Mama Cecille ay saka ko pormal na ihaharap si Jeff sa inyo nila mama at daddy bilang boyfriend ko.

 

“Iyon ang tama anak. At sana ipakilala ka rin ni Jeff sa mga magulang niya bilang girlfriend.”

 

“Opo mommy, gagawin niya po iyon.”

 

Si Jeff mismo ang nagkabit ng helmet ni Bela. Nakatitig siya sa nangungusap na mga mata nito.

 

“Ano ba, ba’t ganyan ka makatingin?”

 

“Wala lang, ang sarap kasing pagmasdan ng mukha mo.”

 

“Bolero, siguro ganyan din ang sinabi mo sa mga naging gf mo.”

 

“Hindi no. Iba naman ang sinabi ko sa kanila.” natatawang biro ng binata na ginantihan ni Bela nang pabirong hampas sa balikat nito.

 

Matapos nilang magpaalam kina Angela at Bernard ay pinaandar na ni Jeff ang motor.

 

“Oh Bernard sweetheart. Bakit nakakunot ang noo mo?”

 

“Hindi ko kasi alam kung bakit ang laki ng tiwala ng anak natin sa mokong na ‘yon?”

 

“Sweetheart, let’s give him a chance. Sa tingin ko naman ay nagbago na siya ng pakikitungo kay Bela.”

 

“Dahil sa nalaman niyang hindi lang basta kasambahay ang anak natin?”

 

“Ang sabi ni Bela, bago pa man ito malaman ni Jeff ay naramdaman na niya ang pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya. Siguro ay nainlab na siya sa anak natin.”

 

“Ah basta, hindi pa rin ako komportable na ang lalaking ‘yon ang kasama niya. Baka saktan lamang niya si Bela.”

 

Hindi na kumibo si Angela. Alam niya na nag-aalala lamang si Bernard bilang isang ama.

 

Habang daan ay napansin ni Jeff ang kotse na tila sumusunod sa kanila. Kaya’t binilisan niya ang pagpapaandar ng motor.

 

“Jeff, anong ginagawa mo?” nagtatakang tanong ni Bela.

 

“Kanina ko pa napapansin ang kotseng ‘yon, parang sinusundan tayo.”

 

“Bakit naman tayo susundan, teka may kaaway ka ba?”

 

“Wala ah.”

 

“Alin ba ang sumusunod sa atin, ‘yung gray?”

 

“Oo. Maghahanap ako ng malulusutang kanto na hindi siya makakasunod.”

 

“Jeff baka naman nagkakamali ka lang!”

 

“Kanina ko pa ‘yan inoobserbahan eh!”

 

Lumiko si Jeff sa unang kanto na dinaanan kahit hindi talaga roon ang way nila. Nakasunod pa rin ang kotseng gray.

 

“O kita mo na, sinusundan talaga tayo!”

 

Nagsimulang mag-alala si Bela. Mukhang tama nga ang hinala ni Jeff. Pero sino naman kaya ito?

 

“Jeff, ihinto mo kaya?”

 

“Hindi tayo pwedeng huminto, baka may masamang balak sa atin ‘yan!” anang binata. “ Kumapit kang mabuti sa akin Bela…”

 

Sinunod ng dalaga ang sinabi ni Jeff. Saka pinaharurot ng binata ang motor na halos lumipad na sa ere sa sobrang bilis.

 

“EEEEEE!” hindi maiwasang mapatili ni Bela nang marinig ang mga putok na tila sila ang pinupuntirya.

 

(ITUTULOY)

PNP ‘all-set’ na sa pagsisimula ng local campaign period sa March 25

Posted on: March 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TODONG PAGHAHANDA ang ginagawa ngayon ng Philippine National Police (PNP) para sa pag-uumpisa ng campaign period para sa local election.

 

 

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, naglalatag na sila ng seguridad para mapanatili ang kaayusan sa kabuoang election period.

 

 

” Patuloy ang ginagawang paghahanda lalong lalo na itong darating na March 25 na magsisismula na yung campaign period sa local level, binabantayan po natin yung naka lista na areas of concern, titingnan po natin kung magkakaroon ng changes at doon po magbabase ang mga gagawin nating adjustments,” pahayag ni Col. Fajardo.

 

 

Paliwanag niya, kasama sa kanilang gagawin ay pagdaragdag ng tauhan sa ground lalo na sa mga lugar na may presensya ng terror group.

 

 

Kaugnay nito, nagbabala ang PNP sa mga kandidato na kukuha ng serbisyo ng private armed group para mang-harass ng mga kalabang kandidato.

 

 

Sinabi pa ni Fajardo, na magsasagawa sila ng monitoring sa mga pulitiko na makikipagsabwatan sa mga sindikato ng iligal na droga lara sa tulong pinansyal sa kanilang pangangampanya.

 

 

Kakasuhan din ng PNP ang kandidatong mahuhuling nagbabayad ng permit to campaign at permit to win sa New People’s Army.

 

 

” Kasama sa ating mino-monitor yung mga narco-politician sa ngayon ay wala pa naman tayong nare-receive na mga kandidato na ginagamit yung pondo from illegal drugs, nonetheless we are continuously monitoring particularly those na may previous reports na po,” dagdag pa ni Col. Fajardo. (Gene Adsuara)

Damang-dama ang kasamaan at kamumuhian: ALLEN, nagpamalas nang kahusayan sa ‘Walker’ at posibleng magka-award na naman

Posted on: March 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAPAKAHUSAY ni Allen Dizon sa bago niyang movie under Sunrise Films titled Walker.

 

 

Corrupt na pulis na kabit ni Sunshine Dizon ang role ni Allen sa movie na dinirek ni Joel Lamangan.

 

 

Sobrang sama nga lang ng karakter ni Allen na ginawang miserable ang buhay ng pamilya ni Sunshine.

 

 

Tahimik lang ang karakter ni Allen at mas ginamit niya ang kanyang mga mata to convey his emotions.

 

 

Damang-dama mo ang kasamaan niya. Nakamumuhi ang karakter ni Allen.

 

 

Pero suwabe ang atake ni Allen sa role niya as Greg. Akala mo maamong tupa pero nasa loob ang kulo. Dahil sa sama  niya, iwi-wish mo na sana mapatay siya.

 

 

Kuhang-kuha ni Allen ang angas bilang tiwaling pulis na gagawin kahit lahat to exact vengeance sa pamilya ng kanyang kabit.

 

 

Comment ni FM Reyes, asawa ni Rita Avila, parang si Vic Silayan daw sa husay si Allen

 

 

Hindi kami magtataka kung sakaling he wins an award for his work sa Walker, na ang script ay isinulat ni Troy Espiritu.

 

 

Mahusay din sina Rita Avila, EA Guzman, Elora Espano at Barbara Miguel.

 

 

***

 

 

SUPORTADO ng grupong ISAng Pilipinas ang kandidatura ni Manila Mayor Isko Moreno as President at Davao City Mayor Sara Duterte for Vice President.

 

 

Humarap sa media ang conveners ng ISAng Pilipinas noong Wednesday ng umaga sa makaysayang Club Filipino para ipahayag sng suporta nila kina Isko at Sara.

 

 

Sabi ng dating sexy star na si Vivian Velez, sina Isko at Sara ang best choice to be our new leaders.

 

 

Wala raw halong politics amg suporta nila kina Isko at Sara.

 

 

Sabi pa ni Vivian at mga kasamahan niya sa grupo na niniwala sila sa kakayahan nina Isko at Sara to lead the Philippines in these trying times.

 

 

Sa nalalabing dalawang buwan before the elections ay pagsisikapan ng ISAng Pilipinas na kumbinsihin ang mga bobante that Isko and Sarah are the best choices para mamuno sa bansa.

 

 

Ang maayos na pamumuno ni Mayor Isko sa Maynila ay ang deciding factor kung bakit nila ito napili na endorse for the presidency.

 

 

Ganito rin ang kanilang paniwala sa kakayahan ni Sara na maging Vice President.

(RICKY CALDERON)

Michael Bay’s Action-Thriller ‘Ambulance’ in PH Cinemas Nationwide, Ahead of US Release

Posted on: March 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DIRECTOR-PRODUCER Michael Bay helms Ambulance, who is also known for bringing unprecedented cinematic experience with blockbuster films such as Transformers, A Quiet Place and 6 Underground.

 

 

Ambulance takes Oscar nominee Jake Gyllenhaal (Zodiac, Spider-Man: Far From Home, Brokeback Mountain), Emmy winner Yahya Abdul-Mateen II (Candyman, The Matrix Resurrections) and Eiza Gonzales (Fast & Furious Presents: Hobbs & Shaw, Baby Driver) across the streets of LA under scorching heat in an intense high-speed, breakneck chase with the authorities after a bank heist turned awfully wrong.

 

 

In his latest movie, the filmmaker pits the characters under a series of extreme situations when Gyllenhaal’s character Danny, a career criminal plans the biggest bank heist in Los Angeles’ history.  At the same time, Danny’s brother Will, played by Abdul- Mateen II is trying to raise money for his wife’s medical bills and desperately asks Danny as his last resort.  Confident of his plan, Danny takes Will to be his designated driver and most trusted ally in what could be the last and most dangerous heist he will take on.

 

 

Soon enough, with all crew, vehicles and weapons in place, Danny’s team sets out in stealth for the 32-million-dollar bank theft in broad daylight.  But unforeseen incidents derail their plan that resulted in an all-out battle of brawn and wits against the police force, the desperate brothers soon encounter an ambulance driven by Cam Thompson (Gonzalez) with a wounded cop. Escaping a massive and merciless hunt from the authorities, Danny and Will execute the craziest of escapes while trying to keep the injured hostage cop safe and alive.

 

 

Ambulance’s screenplay is by Chris Fedak (Prodigal Son, Chuck), based on the original story and screenplay for the 2005 Danish thriller Ambulancen by Laurits Munch-Petersen and Lars Andreas Pedersen. 

 

 

Check out the official trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=X3sLeGpFRRs&t=53s

 

 

A Universal Pictures International release, Ambulance runs in Philippine cinemas (nationwide) starting March 16, ahead of US release.

 

 

For the latest updates on Universal Pictures International (Ph) releases, follow and subscribe Universal Pictures PH on Facebook and Universal Pictures PH YouTube.

(ROHN ROMULO)

PDU30, nagtalaga ng 7 Court of Appeals justices, 39 na karagdagang trial court judges

Posted on: March 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGTALAGA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng 7 pang associate justices ng Court of Appeals (CA) at 39 na judges o hukom sa regional trial courts (RTCs) at metropolitan trial courts (MeTCs).

 

 

Ang kanilang appointment papers ay tinanggap ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo, Lunes ng gabi mula kay Executive Secretary Salvador C. Medialdea.

 

 

Ang mga itinalaga bilang CA associate justices ay sina Mercedita G. Dadole Ignacio, Jaime Fortunato A. Caringal, Eduardo S. Ramos Jr., Jill Rose S. Jaugan Lo, Jose Lorenzo R. Dela Rosa, Rex Bernardo L. Pascual, at Emily L. San Gaspar Gito.

 

 

Maliban kay Pascual na dating assistant solicitor general at Ramos, dating undersecretary ng Department of Public Works and Highways, ang lahat ng bagong CA justices ay dating mga RTC judges.

 

 

Pinunan ni Ignacio ang posisyon na binakante ng namayapang Justice Priscilla J. Baltazar Padilla na na-promote sa Supreme Court (SC) noong 2020; Caringal, posisyon ng ngayon ay si SC Justice Ricardo R. Rosario; Ramos, posisyon ng retiradong si Justice Celia C. Librea Leagogo; Lo, posisyon ng ngayon ay SC Justice Jhosep Y. Lopez; Dela Rosa, posisyon ng retiradong Justice Edgardo T. Lloren; Pascual, posisyon ng retiradong Justice Elihu A. Ybanez; at Gito, posisyon ng namayapang Justice Franchito N. Diamante. (Daris Jose)