• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 17th, 2022

4 drug suspects huli sa P292K shabu sa Caloocan, Valenzuela

Posted on: March 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG halos P.3 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos masakote sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela Cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant (RCI) na nagbebenta umano ng shabu si Zaldy Legaspi alyas “Bulingit”, 22, kaya’t isinailalim siya sa isang linggong validation.

 

 

Nang positibo ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RFMB-NCRPO ang buy bust operation sa PNR Dorm, Brgy. 5 dakong alas-6:40 ng gabi kung saan isang pulis na umakto bilang poseur-buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay Legaspi ng P10,000 halaga ng droga.

 

 

Nang tanggapin ni Legaspi ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakma ng mga operatiba, kasama si Carlito Dela Cruz alyas “Itong”, 31, na nakuhanan din ng isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 30 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P204,000.00 at marked money na isang P1,000 bill at siyam P1,000 boodle money.

 

 

Sa Valenzuela, nadamba ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa buy bust operation sa Bagong Sibol Purok 4, Brgy., Mapulang Lupa dakong alas-10:20 gabi sina Albert De Lemaalyas “Boychie”, 29 at Edgar Facundo,35.

 

 

Ani PCpl Pamela Joy Catalla, nakuha sa mga suspek ang tinatayang nasa 13 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P88,400, P500 marked money, P200 bills, coin purse at cellphone. (Richard Mesa)

Beach volleyball team ng bansa magsasanay sa Australia

Posted on: March 17th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG magtungo sa Brisbane, Australia para magsanay ang beach volleyball teams ng bansa.

 

 

Ayon sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF), binubuo ito ng 12 manlalaro kung saan anim na babae at anim na lalake.

 

 

Tatagal ng hanggang dalawang linggo ang nasabing training.

 

 

Sinabi naman ni PNVF president Ramon ‘Tats’ Suzara na mahalaga ang pagsasanay at isa rin paraan para sa exposures ng mga manlalaro.

 

 

Kinabibilanga nito ng mga manlalaro gaya nina Sisi Rondina, Bernadeth Pons, Floremel Rodriguez, Jovelyn Gonzaga, Jane Eslapor, Nerissa Bautista. Gonzaga.

 

 

Magugunitang sin Rondina, Pons at Rodriguez ay bahagi ng koponan na nanalo ng bronze medal noog 2019 SEA Games na ginanap sa Subic, Clark, Pampanga.