• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 12th, 2022

Latest Adaptation of Stephen King’s Classic Thriller ‘Firestarter’ Heads to PH Cinemas

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUMMER’S about to get even hotter with the upcoming latest adaptation of Stephen King’s classic thriller Firestarter starring Zac Efron, Ryan Kiera Armstrong, Sydney Lemmon, Kurtwood Smith, John Beasley, with Michael Greyeyes and Gloria Reuben.

 

 

Stephen King is known as “The King of Horror,” and while this story does have some horrific elements, he also likes to dabble in the “what ifs” of the world. He has written several stories that involve a person (usually a child) who discovers they have a natural ability that sets them apart from the rest of the world.

 

 

Many people focus on the horror aspect of The Shining, but oftentimes forget that the term “shining” is used in reference to Danny Torrence’s abilities. His 2019 book, The Institute, focuses on a group of children who have been kidnapped by a secret agency because of their supernatural abilities. The Green Mile (1999) was about a man who had the ability to remove illness and injury from others. King is no stranger to this sub-genre, whether it gives you nightmares or not.

 

 

In Firestarter, a girl with extraordinary pyrokinetic powers fights to protect her family and herself from sinister forces that seek to capture and control her. For more than a decade, parents Andy (Efron) and Vicky (Lemmon) have been on the run, desperate to hide their daughter Charlie (Armstrong in the titular character, previously played by 8-year-old Drew Barrymore in 1984 film adapted from the 1980 Stephen King novel) from a shadowy federal agency that wants to harness her unprecedented gift for creating fire into a weapon of mass destruction.

 

 

Andy has taught Charlie how to defuse her power, which is triggered by anger or pain. But as Charlie turns 11, the fire becomes harder and harder to control.

 

 

After an incident reveals the family’s location, a mysterious operative is deployed to hunt down the family and seize Charlie once and for all. Charlie has other plans.

 

 

Directed by Keith Thomas and produced by Jason Blum‘s Blumhouse Productions. The score is composed by none other than John Carpenter and his son, Cody Carpenter. According to Jason Blum, Stephen King has read the completed script by Scott Teems (Halloween Kills) and has given it his approval.

 

 

Watch the official trailer: https://www.youtube.com/watch?v=8i7P1IhYCpI

 

 

From Universal Pictures International, Firestarter will soon open in local cinemas on May 11.

(ROHN ROMULO)

Balanseng training susi ng Creamline

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TAGUMPAY na nairaos ng Sports Vision Management Group, Inc. ang 2nd Premier Volleyball League 2022 Open Conference nitong Marso 16-Abril 8 na mga ginanap sa Paco Arena sa Maynila, The Arena sa San Juan City, Mall of Asia Arena sa Pasay at Ynares Center sa Antipolo.

 

 

Pinagreynahan ang siyam na koponang torneo ng Creamline na winalis sa best-of-three finals (2-0) ang Petro Gazz. Kumukumpleto sa podium finish ang Cignal na wagi via tiebreak tapos mag-1-1 ang race-to-two win series kontra Choco Mucho.

 

 

Ang pumang-apat hanggang pumangsiyam sa torneo ay ang Flying Titans, PLDT, F2 Logistics, Black Mamba Army, Chery Tiggo at BaliPure.

 

 

Sa post game interview ng ilan kong mga kabaro, isiniwalat ni Finals Most Valuable Player Cool Smashers skipper Alyssa Valdez ang naging susi ng team sa tagumpay.

 

 

“We’re just so grateful sa mga coaching staff namin. Alam nila kung paano ang training namin, well-balanced talaga, and I think that was one of our advantages coming to this season,” litanya ng 28-taong-gulang, 5-9 ang taas na dalagang tubong San Juan, Batangas.

 

 

Kasama rin sa mga pinarangalan ang tropa niyang si Conference MVP/Best Opposite Spiker Diana Mae Carlos, HD Spikers Frances Xinia Molina (1st Best Outside Spiker), Roselyn Doria (1st Best Middle Blocker), Marivic Velaine Meneses (2nd Best Middle Blocker) at Maria Angelica Cayuna (Best Setter).

 

 

Kumukumpleto sa awardees sina Angel Grethcel Soltones (2nd Best Outside Spiker) at Cargo Mover Dawn Nicole Macandili (Best Libero).

 

 

Sa pagmaando ni coach Sherwin Meneses, ang iba pang kasapi ng Creamline ay sina Kyle Angela Negrito, Risa Sato, Fille Cainglet-Cayetano, Jeanette Panaga, Jorella Marie De Jesus, Maria Paulina Soriano, Kyla Llana Atienza, Julia Melissa Morado-De Guzman, Celine Elaiza Domingo, Rizza Jane Mandapat, Jessica Margarett Galanza at Rosemarie Vargas.

 

 

Mula po sa OD, mabuhay po kayong lahat! (REC)

After nang nagawang dramatic scenes at pagpapa-sexy: CINDY, masaya dahil natupad ang wish na makapag-action sa 10-part series na ‘Iskandalo’

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MASAYA ang former beauty queen na si Cindy Miranda dahil sa 10-part Vivamax Original series na Iskandalo natupad ang isa sa pangarap na niya na makapag-action.

 

 

Napatunayan niya na kayang maitawid nang maayos ang mga dramatic scenes bukod pa sa ginawa niyang pagpapa-sexy.

 

 

Gumaganap kasi si Cindy na isang lady cop na mag-iimbestiga sa pagkamatay ng isang sikat na artista na masasangkot sa isang viral sex scandal na gagampanan naman ni AJ Raval at dito magsisimula ang kuwento ng Iskandalo.

 

 

Siya ba’y nagpakamatay sa hiya? Foul play ba? Kung foul play, sino ang pumatay sa kanya?

 

 

Madidiskubre ng karakter ni Cindy na mas malalim ang dahilan ng krimen at ng sex scandal na kung saan sangkot ang matataas na tao sa lipunan.

 

 

Ito na ang pinakamainit na scandal na hindi bawal dahil nagsama-sama na ang lima sa pinaka-pinagpapantasyahang VIVAMAX Crushes sa isang bago at kakaibang series sa Vivamax.  Pinangungunahan nga ito nina Cindy (Adan, House Tour, Reroute), AJ (Death of a Girlfriend, Taya, Hugas), Ayanna Misola (Pornstar 2; Kinsenas, Katapusan), Angela Morena (X-Deal 2at baguhang si Andrea Garcia. Dadagdag din sa init ang dating FHM cover girl na si Jamilla Obispo. 

 

 

Mula ito sa maangas na direktor na si Roman Perez, Jr. na may gawa ng mga pinag-usapang Taya, House Tour, Hugas at Siklo.

 

 

Samantala, inamin din ng former beauty queen na naapektuhan siya sa mga love scenes na nagawa niya para Vivamax.

 

 

“Tao lang naman tayo saka being talaga ako as an actress. Talagang iniisip ko na nasa sitwasyon ako na ako talaga yung karakter,” sabi ni Cindy.

 

 

Honestly, naaapektuhan ako, but we need to be professional, ‘yun ang palagi kong sinasabi ko sa sarili ko. We need to realize na after that scene, hindi na tayo yung karakter na yun.

 

 

  Sinabi rin ni Cindy sa respeto sa co-actors ang pagiging malinis sa katawan, mag-toothbrush o mag-mouthwash at ma-shower para fresh lalo na kung may intimate scenes.

 

 

Nagpapasalamat na si Cindy sa Viva dahil malilinis at mababango ang kanyang mga naging leading man, bukod pa sa guwapo at magaganda ang katawan.

 

 

“Lahat nagpapabango. Ang bango-bango nga po masyado.

 

 

“Makikita mo nga, nagma-mouthwash pa sa harap mo, parang they want you to know, ‘Hey, nag-mouthwash ako!’

 

 

“Pero ang worse lang, marami po ang weird pero wala akong mabahong nakaeksena ever.

 

 

“I think suwerte po ako na ang Viva they make sure naman na kapag may kapartner ka, alam nila ang dapat gawin.”

 

 

Ang Iskandalo ay Vivamax Original series na mapapanood tuwing Linggo, na nagsimula na noong April 10.

(ROHN ROMULO)

Trapik sa Kalakhang Maynila, pinuna ni PDU30

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINUNA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kakulangan sa hakbang at iba’t ibang solusyon na ipinatupad ng mga otoridad para mabawasan ang bigat ng trapik sa Metro Manila.

 

 

Sinabi ng Chief Executive na sa Las Pinas, kulang pa rin ang mga nagawa ng hakbang sa kabila ng iba’t ibang paraan ng ginawa para mapagaan ang trapik sa Kalakhang Maynila.

 

 

Nandiyan na aniya ang mga naitayong elevated highways subalit wala aniya siyang makitang epekto upang makaramdam ng pagbabago sa lagay ng trapiko sa Kamaynilaan

 

 

Hindi aniya sapat ang mga ito upang makalikha ng matinding impact para sa pamumuhay ng mga taga – NCR at kahit sa buong bansa.

 

 

Una dito’y sinabihan na kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang MMDA na kung maaari ay paspasan nito ang ginagawang pag- aaral para mabawasan ang trapik sa National Capital Region.

 

 

Kinabibilangan ito ng mismong proposal ng MMDA na magkaroon ng Elevated Walkway para sa mga tao at Bicycle Lane para makabawas sa magdadala ng sasakyan at ang mungkahing odd- even scheme.

 

 

“Alam mo dito sa Maynila, traffic alone, even with the advent of this elevated highways, it’s not enough really to make a great impact on the lives of the people of Manila and of the Philippines kaya kulang pa rin,” ayon sa Pangulo.

 

 

Sa kabilang dako, ang hirit naman ni Pangulong Duterte sa MMDA ay bilisan ang ginagawang pag- aaral para mabawasan pa ang trapik sa National Capital Region.

 

 

Sabi ng Pangulo kay MMDA Chairman Romando Artes, agad sanang maisagawa ang pag- aaral at mula doon ay marepaso na ng mga eksperto ang mga pinaplanong hakbang.

 

 

Tinutumbok aniya niya dito sabi ng Pangulo ang mga competent authorities na konektado at may sapat na kaalaman para makamit ang target na mahanapan na ng solusyon ang trapik sa NCR at Greater Manila Area.

 

 

Base sa inilatag na proposal ng MMDA kay Pangulong Duterte, nais nilang magkaroon ng Elevated Walkway para sa mga tao at Bicycle Lane upang mahikayat ang mga ito na

 

 

maglakad o magbisikleta na lamang papunta sa trabaho at makabawas sa magdadala ng sasakyan. (Daris Jose)

Bishop bida sa pagtakas sa Gin Kings Bolts inangkin ang game 3

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NIRESBAKAN ng Meralco ang nagdedepensang Ba­rangay Ginebra para aga­win ang 83-74 panalo sa Game Three ng PBA Go­ver­nors’ Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

 

 

Rumatsada si import Tony Bishop sa kanyang ti­napos na 30 points at 17 rebounds para ibigay sa Bolts ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series ng Gin Kings.

 

 

Maaaring makalapit ang Meralco sa inaasam na kauna-unahang PBA crown kung muling tata­lu­nin ang Ginebra sa Game Four sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

“Both teams played real­ly good defense tonight. You can tell it by the score,” sa­bi ni Bolts’ head coach Nor­man Black na nakahugot kay Chris Newsome ng 20 markers, 11 rebounds at 6 assists.

 

 

Binanderahan ni import Justin Brownlee ang Gin Kings sa kanyang 19 ponts, 15 rebounds at 7 assists, habang may 17 at tig-11 mar­kers sina Christian Stand­hardinger, LA Tenorio at Scottie Thompson, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Kinuha ng ng Ginebra ang 13-point lead, 43-30, mula sa fastbreak lay-up ni Thompson sa 5:27 minuto ng second quarter.

 

 

Naagaw naman ng Me­ralco ang 54-53 benta­he mula sa dalawang free throws ni Bishop matapos ang flagrant foul ni Stanhar­dinger sa 6:38 minuto ng third canto.

 

 

Nagtuwang sina Bi­shop, Newsome at Allein Ma­liksi sa fourth period para sa 81-74 paglayo ng Bolts sa huling 3:13 minuto.

 

 

Ilang beses nagtangka ang Gin Kings na makala­pit sa pamamagitan ni Brownlee.

 

 

Ngunit mas matibay ang determinasyon ng Me­ralco na makuha ang ben­tahe sa serye.

 

 

Nagmula ang Ginebra sa 99-93 panalo sa Game Three.

Que lumagay sa pang-63, ginantimpalaan ng P26K

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINAPOS ni Angelo Que ang labanan sa 75 pa-3-over par 219 humanay sa tatlong Japanese sa pang-63 posisyon sa pagrokyo ng 38th Japan Challenge Tour 2022 opening leg ¥15M (P6.2M) Novil Cup sa J Classic Golf Club sa Tokushima nito  lang Abril 6-8.

 

 

Napremyuhan ang Pinoy bet na may 73 at 71 pa sa unang dalawang yugto, ng  ¥362K (P26K) sa 151-player, 54-hole stroke, 3-day event na pinagkampeonan ng local bet na si Yuto Soeda (68-201) sa pamamagitan ng isang palong kalamangan sa kababayang si Satoshi Hara.

 

 

Setlog sa premyo ang isa pang bet ng ‘Pinas na si Fil-Am Justin Delos Santos nang sumalto sa cut off, pumuwesto sa 17 magkakabuhol para sa pang-80 tapos ng two rounds pa lang ng torneo. (REC)

‘Easter ceasefire’ sa Ukraine panawagan ni Pope Francis

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Pope Francis ngayong Linggo para sa isang Easter ceasefire sa Ukraine para mabigyan daan ang inaasam na kapayapaan sa pamamagitan nang tinawag niyang “real negotiation.”

 

 

“Let the Easter truce begin. But not to provide more weapons and pick up the combat again — no! — a truce that will lead to peace, through real negotiation,” ani Pope Francis sa isang misa sa Saint Peter’s Square.

 

 

Mariing tinutulan ni Pope Francis ang giyera, na siyang dahilan nang pagdurusa ng mga “defensless civilians” sa pamamagitan ng “henious massacres” at “atrocious cruelty” na bunga nito.

 

 

Nauna nang kinondena ni Pope Francis ang pag-target sa mga sibilyan sa Ukraine.

 

 

Tinawag pa niya ang pagkakatuklas sa mga bangkay sa Bucha malapi sa Kyiv bilang “massacre.”

 

 

Nagpahayag na rin siya ng kanyang kahandaan para makapag-ambag sa pagpapatigil sa giyera sa Ukraine.

 

 

Sinabi pa niya na handa siyang bumiyahe sa Kyiv.

Nag-react at nalungkot ang SethDrea fans: ANDREA, pumayag na maging girlfriend ni RICCI kaya mag-on na sila

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HAPPY and thankful si Tony Labrusca sa panalo ng Hello Stranger bilang Best BL Series at silang dalawa ni JC Alcantara bilang Best BL Loveteam sa Village People Awards.

 

 

Tinalo lang naman nila ang Gameboys at tandem nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas for the honor.

 

 

Sa exclusive interview namin with Tony, sinabi ng binata na unexpected daw ang panalo nilang iyon. Pero nagpapasalamat sila for the honor.

 

 

Nagpapasamat din si Tony sa mga fans ng Hello Stranger sa patuloy na suporta sa kanilang dalawa ni JC.

 

 

Marami na nga sa fans na nag-aabang kung may sequel ang BL series. Pero ang plano raw ng Black Sheep (producer ng series) na matatagalan bago muling magsama sa BL sina Tony at JC.

 

 

Gusto raw ng Black Sheep for the two na makagawa ng individual projects bago sila isalang sa part two ng Hello Stranger.

 

 

So, baka raw after two years pa saka lang natin mapapanood sina JC at Tony sa isang BL project.

 

 

Gusto rin naman ng Black Sheep na mahasang mabuti sa acting nila para they can tackle more mature roles the next time they work together again.

 

 

May tatlong movies na natapos si Tony, including one for Vivamax na medyo sexy ang role niya.

 

 

Pero most probably yun na raw ang last sexy movie niya for now.

 

 

***

ANO kaya ang reaction ni Seth Fedelin na confirmed na couple na sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero?

 

 

Pumalo nang husto sa social media noong Sabado nang tanungin ni Ricci si Andrea kung pwede ba niya itong maging girlfriend?

 

 

Pumayag naman ang dalaga sa proposal ni Ricci kaya official a couple na ang dalawa.

 

 

Siyempre nag-react ang mga Andrea-Seth fans dahil gusto nila na ang idols pa rin nila ang magkatuluyan sa sa huli.

 

 

Pero tila malabo na itong mangyari dahil on na nga sina Andrea at Ricci!

 

 

***

SA presscon ng upcoming concert na Love and Light na gagawin sa April 30 sa Newport Performing Arts Theater ay binanggit ng OPM icon at balladeer na si Basil Valdez that he recently turned 70.

 

 

Sinabi rin niya na 45 years old na ang album niyang Ngayon at Kailanman na dapat sana ay ipagdiriwang nila ni Maestro Ryan Cayabyab ang anniversary pero inabutan ito ng pandemic.

 

 

He is looking forward sa concert nila ni Jamie Rivera dahil parang pasasalamat niya ito for being still alive kahit nagkaroon ng pandemic. May mga friends and loved ones daw siya na nawala during the pandemic.

 

 

“That we are still alive despite the pandemic is a blessing,” wika ng hitmaker na kilala sa mga awitin niyang Kastilyong Buhangin, Ngayon at Kailanman, at Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan.

 

 

“If I can approximate the performance I had two years ago, I’d be happy,” wika pa ni Basil.

 

 

When asked kung anong paghahanda ang ginagawa niya for the concert, Basil said na he starts vocalizing two weeks before the concert.

 

 

Expect daw natin na may mga inspirational songs siyang aawitin sa Love and Light.

 

 

Ang concert ay produced ng Full House Theater Company in cooperation with NY Entourage Productions. Musical direction by Adonis Tabanda and directed by Marvin Caldito.

 (RICKY CALDERON)

Pagbati bumuhos matapos magkampeon si Alex Eala sa W25 Chiang Rai

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUMUHOS ang pagbati kay Filipina tennis player Alex Eala matapos na magkampeon sa W25 Chiang Rai sa Thailand.

 

 

Tinalo kasi nito si Luksika Kumkhum ng Thailand sa score na 6-4, 6-2.

 

 

Ito na rin ang pangalang international Tennis Federation (ITF) champion title ni Eala kasunod ng pagkawagi nito sa W15 Manacor tournament na ginanap sa Spain noong 2021.

 

 

Naging matindi ang paghaharap ng dalawa sa finals k ung saan tumagal ang laro ng isang oras at 22 minuto.

 

 

Kapwa binati naman sa social media ng mga kapwa tennis players nito at maging ilang mga atleta ng bansa.

Present si Beatrice at missing in action si Rabiya: MICHELLE, nangabog at tumanggap ng ‘Multi-Level Beauty Award’

Posted on: April 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TUMANGGAP ng Multi-Level Beauty Award si Michelle Dee sa naganap na Miss Universe Philippines Top 32 Official Press Presentation noong nakaraang April 9.

 

 

Kinabog ni Michelle ang 31 other finalist ng MUP 2022 sa naturang award. 

 

 

“Thank you so much to everyone that constantly supports me and my journey to the Universe. All love,” caption pa ni Michelle sa kanyang Instagram post.

 

 

Nagpakitang-gilas ang 32 official candidates ng MUP na napanood ding live sa YouTube channel ng Emipre PH at sa kanilang official na Kumu account.

 

 

Ang original na 50 candidates ay na-trim down to 30 pagkatapos ng anim na online challenges: the headshot challenge, introduction challenge, swimsuit challenge, fashion and runway challenge, casting video challenge, and interview challenge

 

 

Dalawa sa finalists ang napili via streaming platform Kumu. Ito ay sina Shawntel Cruz of Benguet was named Kumunity’s Choice while Davao del Norte’s Jeanne Nicci Orcena had the most number of streaming hours. Silang dalawang ang nagbuo ng Top 32 finalists.

 

 

Present sa gabing iyon si MUP 2021 Beatrice Luigi Gomez, pero missing in action naman si MUP 2020 Rabiya Mateo. May nagbiro na baka raw nagbabantay ito sa lock-in taping ng boyfriend na Jeric Gonzales. Pero may prior commitment daw si Rabiya at hahabol na lang daw ito sa event.

 

 

Sa latest post ni Rabiya ay pinagupitan na niya ang mahaba niyang buhok dahil tapos na ang taping niya ng Agimat Ng Agila.

 

 

May caption pa ito na: “He told me he doesn’t want my hair short so I cut it right away.” 

 

 

Obviously, ang binaggit niyang “he” ay walang iba kung ang boylet niyang si Jeric.

 

 

Anyway, sa Mall of Asia Arena magaganap ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 on April 30.

 

 

***

 

 

PINAKILALA na ni Donita Rose ang lalakeng nagpapatibok ng kanyang puso na si Felson Palad.

 

 

Noong nuna ay tinatago pa ni Donita ang identity ng kanyang karelasyon ngayon. Ngayon sa latest post niya sa Instagram, kitang-kita na ang buong mukha nito.

 

 

“The grass seems greener these days, or is it just me? After my last post yesterday, this guy called to say he posted these photos. When I saw them, I laughed so hard and asked, ‘Why this as an introduction photo’? His response: ‘Para habang tumatagal pumopogi ako.’ (So as time goes by, I’ll become more handsome.’ I almost died laughing. That’s @felsonpalad for you peeps,” caption pa ni Donita.

 

 

Pinost din ni Felson sa kanyang IG account ang mga photos with Donita at nilagyan niya ng caption na: “Life is short, we need to believe and know Jesus and fall in love with a person who loves more the Lord than you.”

 

 

Isang music artist si Felson at pareho sila ni Donita na madalas um-attend ng church services.

 

 

Sa IG account ni Felson, makikitang madalas siyang mag-show sa iba’t ibang venues at nakasama niya ang ilang Filipino performers. Makikita rin na mahilig mag-perform si Felson sa mga nursing home para aliwin ang mga elderly patients doon.

(RUEL MENDOZA)