• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 7th, 2022

Gobyerno, gagawing ‘better, more responsive’ ang healthcare system sa bansa

Posted on: May 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HANGGANG sa matapos ang kanyang termino sa Hunyo 2022 ay nangako si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para palakasin ang healthcare system sa bansa.

 

 

Ang pangakong ito ng Pangulo ay makaraang purihin nito ang inagurasyon ng bagong Dr. Jose Fabella Memorial Hospital (DJFMH) sa San Lazaro Compound sa Sta. Cruz, Manila.

 

 

“With less than two months in my term, I cannot afford to waste time and resources as we fulfill our promise for a better and more responsive healthcare system across the country,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati sa harap ng mga medical professionals.

 

 

Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang Pangulo sa proyektong gaya ng newly-inaugurated DJFMH ay makapagbibigay ng “long-lasting, positive” na epekto sa mga Filipino.

 

 

Pinasalamatan din nito ang Department of Health (DOH), at maging ang management at staff ng DJFMH, para sa pagtatayo ng “new and improved” na ospital.

 

 

Labis din ang pasasalamat ng Pangulo para sa “heroic” acts ng health workers na nananatiling forefront sa laban kontra coronavirus disease 2019 (Covid-19).

 

 

“[I] encourage healthcare workers to remain steadfast in your noble task of promoting our people’s health and saving lives. Your efforts, especially in the past two years, have truly been heroic,” anito.

 

 

“The onset of the Covid-19, has prompted his administration to ensure that the country’s healthcare system is “functional and responsive.” ayon sa Pangulo.

 

 

“You have the full support and the eternal gratitude of the Filipino people. Ako man. Salamat. Before I forget, salamat sa tulong ninyo sa gobyerno. Tayo, nagtulungan to fight Covid-19,” ang sinabi ni Pangulong Duterte sa mga health workers. sabay sabing “Let us take heed of those lessons so that we can serve our people better.”

 

 

Sa nasabi pa ring event, in-unveiled ni Pangulong Duterte ang project marker na sumisimbolo sa pagtatapos ng proyekto.

 

 

Samantala, kasama ni Pangulong sina Senator Christopher Lawrence Go, DOH Secretary Francisco Duque III at DJFMH Medical Center Chief II Dr. Esmeraldo Ilem sa nasabing event.

 

 

Ang DJFMH, dating matatagpuan sa Lope de Vega Street sa kahabaan ng Sta. Cruz sa Lungsod ng Maynila ay inilipat na ngayon sa San Lazaro Compound na katabi ng DOH Building.

 

 

Ang bagong ospital ay isang 800-bed capacity building na handang magbigay ng out-patient services gaya ng molecular laboratory, X-ray, mammography, blood donation services, at consultations.

 

 

Inaasahan din na makapagbibigay ito ng mas maraming serbisyo gaya ng MRI, CT scan, dialysis, minimally invasive surgery at laboratory tests sa hinaharap.

 

 

“The hospital, which is known to offer maternal, neonatal, and child health services to the public, will also serve as the Apex Center in Reproductive Health in the Healthcare Providers Network (HCPN) by virtue of the Republic Act (RA) 11223 or the Universal Health Care Act,” ayon sa ulat.

 

 

“It will likewise open a Maternal-Fetal Intensive-Care Unit (MFICU) to maximize the growth of the fetus in-utero and minimize NICU admissions, and bring forth better newborn survival. The hospital is also a proponent of human milk banking and comprehensive family planning services,” ayon pa rin sa ulat.

 

 

Ang DJFMH’s School of Midwifery, na nagdiriwang ng 100-founding anniversary ngayong taon, nagsimula na ng kanilang face-to-face classes sa bagong gusali, kasama ang iba pang training programs.” (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Ads May 7, 2022

Posted on: May 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Utang ng Pilipinas nakapagtala ng bagong record na umabot sa P12.6T

Posted on: May 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAS lumawak pa ang utang ng gobyerno ng Pilipinas kung kaya ay nakapagtala na naman ito ng bagong record-high noong katapusan ng Marso.

 

 

Ito ay sa gitna ng patuloy na pagsisikap na makahiram upang palakasin pa ang kaban ng estado para sa mga gagawing hakbang sa pagbawi ng COVID-19 kasama ng mas mahinang local currency.

 

 

Sa datos ng Bureau ng Treasury (BTr) , ang natitirang utang ng pamahalaan ay umabot sa P12.68 trilyon, 4.8% o P586.29 bilyon na mas mataas sa P12.09 trilyon na naitala noong katapusan ng Pebrero 2022.

 

 

Samantala, tiniyak naman ni acting presidential spokesperson Martin Andanar na gamitin ng mahusay at epektibo ang outstanding debt na nagkakahalaga sa P12 trillion.

Marami ang mapapaluha sa documentary na tungkol sa ina at sa anak… MARIAN, inamin na ayaw gawin ang Mother’s Day special na dinirek ni DINGDONG

Posted on: May 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUNG matagal-tagal din na hindi napanood ang mga Kapuso Primetime King at Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa telebisyon, aba ngayon naman, parang bumabawi ang mga ito.

 

 

Si Dingdong ay halos araw-araw napapanood sa GMA-7 dahil sa kanyang “Family Feud,” “Amazing Earth.”  Si Marian sa kanyang “Tadhana.”  Pero simula ngayong Sabado, May 7 at 2:30 p.m., si Marian at Dingdong ay may espesyal na documentary for Mother’s Day, ang “Miss U: The Journey to The Promise Land.”

 

 

Ito ‘yung biglaang docu na naisip ni Dingdong nang maging isa sa judge si Marian ng Miss Universe last year and was shot in Israel. Si Dingdong din ang naging director ng docu. Napanood namin ang special screening na dinaluhan din nina Dingdong at Marian. At sigurado, tulad namin, marami ang mapapaluha sa documentary na ito tungkol sa ina at sa anak.

 

 

Inamin ni Marian sa amin noong unang sabihin ni Dingdong sa kanya, as in two days lang daw bago sila umalis, ayaw niya raw gawin. Una, inisip niya raw, kung kailan ba matanda na siya at may mga anak, saka pa sila mag-oopen-up ng mommy niya, si Mommy Amy sa relasyon nila, lalo na noong iniwan siya at nag-trabaho sa ibang bansa.  Pero, ito na yata ang most real Marian na mapapanood siya ng mga tagahanga niya.

 

 

At simula naman sa May 14, tuwing Sabado ng 7pm, makakasama sina Marian at Dingdong bilang sina Jose at Maria sa kanilang first sitcom together na “Jose & Maria’s Bonggang Villa.”  Joint produced ito ng GMA, APT Entertainment at Agostodos.

 

 

At hinihiritan talaga si Dingdong na mas kilala naman kasi bilang seryosong actor na ngayon, sumasabak sa comedy with Marian.  Pero sey niya, sa kanilang sitcom, “Tinatalakay rin dito ang buhay mag-asawa ng mga Filipino. Hindi lang siya puro comedy, may mga episode rin na may drama. Basta ang bottomline, every episode, pagkatapos panoorin, may takeaway na values and at the same time, na-entertain ka.”

 

 

***

 

 

KUNG dati ay nag-aalangan pa si Barbie Forteza sa kabila ng pagiging flawless skin niya at maganda rin namang pangangatawan, aba this time, hindi na rin siya nagpatalbog sa kanyang boyfriend, ang topless kung topless palagi na si Jak Roberto.

 

 

Nagse-celebrate ng kanilang 5 years anniversary as mag-jowa ang dalawa at very thankful nga raw siya sa effort ni Barbie na nakapag-beach sila. Si Barbie raw talaga nag-ayos ng lahat at nakapag-Belleveu Resort sila in Bohol. 

 

 

At sey pa ni Jak, “Salamat, kaylangan talaga natin to after ng trabaho, sobrang saya ko na finally may nakasama din akong “The One” sa beach at is ana naman sa pangarap ko ang natupad! Advance happy 5th anniversary Madam! Mahal na mahal po kita!”

 

 

Si Barbie naman, talagang mararamdaman sa post niya kung gaano niya kamahal si Jak, Aniya, “Almost five years of genuine happiness because of this man. My man @jakroberto I love you so much.”

 

 

***

 

 

ABA, hindi rin talaga nagpatalo at nagpakabog ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose.

 

 

Kung marami ngayon ang naglalantad ng kanilang mga beach body na mga female stars, hindi rin nagpahuli si Julie.

 

 

Ipinakita nito ang kanyang bonggang abs at malusog na dibdib din sa kanyang two-piece swimsuit habang nasa beach. Palibhasa sexy, kahit dati pa at kahit wholesome pa ang image ni Julie, pagdating sa mga ganitong pictorial at pagpo-post na naka-two piece siya ay game talaga ang star ng All-Out Sundays.

 

 

Five minutes nang makita namin na nai-post na ni Julie ang beach bod photo niya at dahil sanay na ang fans at netizens na isa si Rayver Cruz sa ‘di nag-aabsent sa pagre-react sa mga post ni Julie, inunahan na siya ng ibang fans at sinabihan ito na, “Naunahan na kita @rayvercruz tagal mo!”

 

 

Iba pang comment sa pasabog na ‘yun ni Julie, “Pati ba naman sa kasexyhan at kagandahan, limitless ka rin?”

 

 

“This girl is on fire!”

 

 

“Pati ako babae, nagka-crush kay @myjaps!”

 

 

Nasa Boracay si Julie ngayon para sa taping ng pinagbibidahang sitcom ni John Lloyd Cruz na “Happy ToGether.”

 

 

***

 

 

MUKHANG after ng sunod-sunod na naging failed relationship ni Heaven Peralejo, baka nga this time, kung totoo man ang chika na may bago na rin naman itong boyfriend, e, mas self love muna ang pinaiiral niya.

 

 

Halatang masaya si Heaven na nag-flaunt ng kanyang beach body sa kanyang two piece bikini.  Hindi ito pumayag na wala rin siyang entry, ‘no!

 

 

Sabi ni Heaven, mas confident daw siya ngayon at nagpasalamat sa mga taong nag-motivate sa kanya.

 

 

“I’m a much more confident version of myself because Im surrounded by people who continuously support and push me to be better.”

 

 

“It took so much patience, effort and commitment for me to feel good about myself. It may not be easy, but I hope we can learn to be kinder to our bodies.”

(ROSE GARCIA)

Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ipinaliwanag ang hindi pagsama ng ilang manlalaro na sasabak sa SEA Games

Posted on: May 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINALIWANAG ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang hindi pagsama ng mga pangalan na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Kasunod ito sa paglabas ng Samahan ng Basketball ng Pilipinas (SBP) ng bumuo ng final 12 ng national basketball team ng bansa ang Gilas Pilipinas.

 

 

Ayon kay Reyes na marami ang nagtaka sa hindi pagsali sa listahan nina Dwight Ramos, Japeth Aguilar at Robert Bollick. Si Ramos aniya ay may mga obligasyon pa ito sa koponan nito sa Japan habang si Bollick ay magtutungo sa US para dalawin ang may sakit na ama at si Japeth ay hindi pa tuluyang gumaling ang kaniyang calf injury.

 

 

Magugunitang inilabas ng SBP ang listahan ng final 12 ng Gilas Pilipinas sa pamumuno ni Kiefer Ravena, June Mar Fajardo, Isaac Go, Mo Tautuaa, Troy Rosario, Matthew Wright, Roger Pogoy, Kib Montalbo, Kevin Alas, Will Navarro at Francis “Lebron” Lopez.

Mahigit P7-B na halaga pinare-refund ng ERC sa Meralco

Posted on: May 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Co. (Meralco) na i-refund ang bilyon-bilyong “over recoveries” sa loob sa loob ng 12 buwan o isang taon, simula ngayong Mayo.

 

 

Ayon sa ERC, dapat na ibigay ng Meralco ang nasa mahigit P7.75 billion na refund sa mga residential consumer nito.

 

 

Papalo kasi sa 46.69 centavos ang halaga ng kada kilowatt hour (kWh) ng kuryente na may katumbas n P93 refund sa bawat customer na kumukonsumo ng 200 kWh na kuryente.

 

 

Sinabi ni ERC Commissioner at spokesperson Rexie Digal na ang naturang kautusan ay bunsod ng re-computation na isinagawa ng ERC sa mga regulatory asset ng Meralco base mula 2012 hanggang 2015 kung kailan nagkaroon umano ng over-recoveries ang nasabing kumpanya.

 

 

Samantala, kinumpirma naman ito ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga at ipinaliwanag na makikita sa bukod na line item ng mga power bills simula buwan ngayong buwan ng Mayo.

KASAPI NG INC, HINAMON NA MANINDIGAN SA KATOTOHANAN

Posted on: May 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINAMON ng isang Obispo ang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo na manindigan sa katotohanan para sa ikabubuti ng bayan.

 

 

Ito ay kasunod ng pag-endorso ng pamunuan ng INC sa kandidatura nina Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang pangulo at Davao City Mayor Sara Duterte bilang pangalawang pangulo.

 

 

Ayon Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias na  bagamat kilala sa bloc voting ang grupo, mahalagang sundin ng mga kasapi ang konsiyensya at ihalal ang mga kandidatong nagtataglay ng katangian ng isang mabuting lider.

 

 

“Yan naman talaga ang gawa ng INC mag-endorse; para sa akin power bloc under the clothe of religion sila so magpakatotoo sana ang INC this time yan ang challenge ko sa kanila, sundin ang konsensya,” pahayag ni Bishop Tobias sa Radio Veritas.

 

 

Apela ni Bishop Tobias sa mamamayan lalo na sa 67-milyong botante  na pagnilayang mabuti ang pagpili ng mga lingkod bayan para sa kapakinabangan ng bawat isa lalo na ang susunod na henerasyon.

 

 

Bagama’t batid ng obispo ang bloc voting ng INC naniniwala pa rin ito sa mga Pilipinong pipili ng lider na may kakayahang mamuno at may malinis na track record sa pamamahala sa bayan.

 

 

Sa datos humigit kumulang sa tatlong milyon ang mga kasapi ng INC sa buong mundo kung saan naniniwala si Bishop Tobias na hindi ito lahat rehistrado upang makalahok sa halalan o tinatayang dalawa hanggang tatlong porsyento lamang ito sa 67-milyon rehistradong botante.

 

 

Patuloy ang panawagan ng simbahang katolika na ipanalangin ang nalalapit na 2022 national and local elections upang maisagawa ito ng matapat, maayos, malinis, makatotohanan, makatarungan at pumapanig sa bayan. (GENE ADSUARA)