• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 11th, 2022

Warriors isang panalo na lang ang kailangan sa 3-1 lead vs Grizzlies

Posted on: May 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINITBIT ni NBA superstar Stephen Curry ang Golden State Warriors upang iposte ang 3-1 lead laban sa Memphis Grizzlies sa Game 4 ng kanilang Western Conference semifinals.

 

 

Nagtala ng walong assists at 32 points points si Curry kasama ang walong mga free throws sa huling 45.7 seconds sa fourth quarter para pangunahan ang opensa ng Warriors.

 

 

Tumulong din naman si Andrew Wiggins sa kanyang 17 points at 10 rebounds.

 

 

Sinamantala ng Warriors ang kawalan ng All-Star na si Ja Morant sa Grizzlies..

 

 

Sa Huwebes, gaganapin ang Game 5.

Saclag asam makapasok sa gold medal round

Posted on: May 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PIPILITIN  ni Pinoy bet Jean Claude Saclag na makausad sa gold medal round ng men’s kickboxing sa pagharap kay Vu Truong Giang ng host Vietnam sa 31st Southeast Asian Games ngayon sa Bac Ninh province gymnasium.

 

 

Nakatiyak na ng bronze medal ang 2019 Manila SEA Games champion matapos umabante sa semifinals ng men’s low kick -63.5-kg nang talunin si Souliyavong Latxasak ng Laos, 3-0, noong Linggo.

 

 

Nangako ang 27-anyos na tubong Kalinga na gagawin ang lahat para sapawan ang kanyang Vietnamese opponent sa harap ng mai­ngay na hometown crowd.

 

 

Sakaling manalo si Saclag kay Giang ay lala­banan niya ang magwawagi sa semis duel nina Chalemlap Santidongsakun ng Thailand at San Rakim ng Cambodia para sa gold medal.

 

 

Inaasahang gagamitin ni Saclag ang kanyang pagiging Wushu World Cup champion sa sanda at silver medalist sa Incheon Asian Games noong 2014.

 

 

Kasalukuyan pang luma­laban kagabi sina Daryl Chulipas kontra kay Salmri Stendra Pattisamallo ng Indonesia sa men’s full contact -51 kgs, Honorio Banario laban kay Tanoi Yermias Yohanes ng Indonesia sa men’s -71s kg low kick at Emmanuel Cantores kay Malaysian Ain Kamarrudin sa men’s -60 kgs low kick.

National Board of Canvassers, binuo na

Posted on: May 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang binuo at nag-convene ang National Board of Canvassers (NBOC) ng Commission on Elections (Comelec) para sa senatorial at party-list elections.

 

 

Personal na pinangunahan ito ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, kasama ang mga kinatawan ng mga kandidato at partidong politikal na saksi sa pagbubukas sa mga plastic na kahon na naglalaman ng consolidation and canvassing (CCS) laptops.

 

 

Binubuo ang NBOC ng mga komisyuner ng Comelec, na nanguna sa konsolidasyon. Ang NBOC ang magka-canvass ng mga boto at magpo-proklama ng mga magwawaging senador at party-list groups.

 

 

Pinayagan naman ang mga partido na inspeksyunin ang mga CCS laptops.

 

 

Araw-araw na magpupulong ang NBOC hanggang sa makumpleto ang canvassing. Maaaring mag-adjourn ito kung maghihintay sa pagdating ng ibang COC. Bukas naman umano ang canvassing sa publiko, base sa Comelec Resolution 10786. (Daris Jose)

KILOS PROTESTA, GINAWA SA HARAPAN NG COMELEC

Posted on: May 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA  ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo sa tapat ng Palacio Del Gobernador o tanggapan ng Commission on Elections (Comelec)  sa Intramuros, Maynila.

 

 

Sa pinakahuling update ng Manila Police District (MPD) nagsimula ang rally alas 9 ng umaga ngunit natapos din alas 10:33 .

 

 

Kabilang sa mga nagprotesta ang grupo ng Urban Poor; Gabriella; Selda; Piston; SCM Philippines; Migrant;  Kabataan Party list; Anak Pawis; KMU; Arpak at LFS

 

 

Sigaw ng mga nagprotesta, magdasal at bantayan ang Comelec para sa malinis na halalan.

 

 

“Dear Comelec ,God is watching us,God is watching you, We are watching you.. Clean , honest, accurate , meaningful, peaceful election 2022,” bahagi ng panawagan ng militanteng grupo

 

 

Giit din ng grupo na wala anilang pinagkaiba ang Marcos -Duterte na anila ay mandaraya.

 

 

Nais din ng grupo na ilantad ang malawakang dayaan sa eleksyon 2022.

 

 

Sinasabi ring hindi naging handa ang Comelec sa eleksyon 2022.

 

 

Sa tantya ng pulisya, umabot sa mahigit 400 rallyista ang nangalampag sa Comelec.

 

 

Matapos magsagawa ng rally sa Intramuros, tumulak naman sa Liwasang Bonifacio  ang mga rallyista upang magsagawa ng maikling programa (GENE ADSUARA )

Sara susuporta, magiging tapat na VP kay BBM

Posted on: May 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO kahapon si Lakas–CMD vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte na magiging tapat at susuportahan ang kaniyang presidential tandem na si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at da­ting Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sakaling mapagwagian nilang pareho ang May 9 national polls.

 

 

“Of course, I will be a supportive and loyal vice president to Apo BBM (Bongbong Marcos) in the event that he wins,” pahayag ni Duterte  sa ambush interview ng mga mediamen matapos itong bumoto noong Lunes sa Daniel Aguinaldo National High School sa Davao City.

 

 

“Kung hindi naman natin kasama o kaalyado ang mananalong pa­ngulo, I will still continue to work for our country,” giit nito.

 

 

Inihayag ni Sara na magiging “working vice president” siya para sa tumpak na serbisyo publiko.

 

 

Sina Marcos at Duterte ay kapwa nanguna sa presidential at vice presidential survey  mula sa iba’t ibang survey firm sa bansa.

 

 

Samantala, dakong alas-7 ng umaga kahapon ay bumoto na si Marcos Jr. kasama ang mga miyembro ng kaniyang pamilya sa Ma­riano Marcos Memorial Elementary School sa Batac, Ilocos Norte.

 

 

Ang mga supporters ni Marcos ay sumisigaw ng “BBM, BBM” na matiyagang nag-abang matapos bumoto ang kanilang pambato na nagtungo sa Batac Church at nanalangin ng taimtim na ayon sa kampo nito ay para sa malinis at mapayapang eleksyon.

 

 

Samantala, tiwala rin ang kampo ni Marcos na tutugunan ng Comelec ang mga isyu ng umano’y dayaan sa halalan.

 

 

“We are taking note of these complaints but we are confident that the Comelec is ready for any eventualities especially against attempts by some groups to subvert the genuine outcome of this all-important and history-making political exercise,” ayon kay Atty. Vic Rodriguez, spokesman at chief of staff ni Marcos.

Mayor Isko, tanggap na ang pagkatalo bilang Pangulo: ROBIN, nangunguna bilang Senador at kinabog sina LOREN at RAFFY

Posted on: May 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SI Robin Padilla ang number one senator based sa tally na inilabas ng Comelec.

 

 

Mas mataas ang boto kina comebacking senator Loren Legarda at broadcaster Raffy Tulfo.

 

 

Hindi lang namin sigurado kung inaasahan ba ni Robin na he will top the senatorial race. Hindi naman siya masyadong visible during the campaign. Hindi nga klaro kung kasali ba talaga siya sa line-up ng Team Unity.

 

 

Marahil nga ay pleasant surprise even for Robin ang overwhelming number of votes that he got. Marahil ay pleasant surprise din ito sa mga supporters ng action star na naniniwala na bagamat walang experience sa politika ay marami namang natulungan in his own way pero lingid sa kaalaman ng mga tao.

 

 

Isusulong daw ni Robin ang Federalism sa Senado. Ito ang isa sa gustong mangyari ni Pres. Rodrigo Duterte when he assumed office six years ago.

 

 

Si Robin ay isa sa mga kumumbinsi kay Digong na tumakbong pangulo noong 2016.

 

 

Congratulations, Robin!

 

 

***

CONGRATULATIONS kay Angelu de Leon for winning a seat sa City Council ng Pasig City.

 

 

Unang sabak ni Angelu sa politika at masuwerte na pinalad siyang manalo on her first try.

 

 

Bata pa si Angelu ay nasubaybayan na namin ang kanyang career sa Viva. Marami rin siyang mga pinagdaanang pagsubok sa kanyang buhay at career pero she is not the type na basta susuko.

 

 

Fighter din naman si Angelu at determinado siya to succeed. Kung ano man ang nais niya, she works hard to get it.

 

 

It came as a surprise to us ang pagpasok niya sa politika pero siguro Angelu wants to take on a new challenge, a new direction naman sa kanyang buhay.

 

 

From being an actress and a devoted wife and mother, pagiging mahusay na public servant naman ang kanyang pagtutuunan nang pansin.

 

 

Good luck sa bagong endeavor, Angelu.

 

 

***

SA isang Facebook live video ay nag-concede na si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso nang kanyang pagkatalo sa 2022 Presidential race.

 

 

Tinawag ni Isko si Bongbong Marcos na president-elect. “Mayroon na pong pinili ang taumbayan…I hope it can be official soon,” pahayag niya.

 

 

Bukod sa pagbati kay Marcos Jr. ay binati rin niya si Davao City Mayor Sara Duterte for winning the vice-presidential race.

 

 

“Irespeto natin ang boto ng ating mga kababayan, mahirap middle class mayaman, iisa ang bilang,” pahayag ng outgoing Mayor ng Maynila, “the election results are clear.”

 

 

Sinabi rin ni Isko na tuloy ang kanyang trabaho bilang chief executive ng Maynila hanggang sa huling araw niya in office which is on June 30.

(RICKY CALDERON)

Leody de Guzman, Sen. Sotto, nag-concede na

Posted on: May 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG na ng pagtanggap sa pagkatalo sa halalan si labor leader Leody de Guzman.

 

 

Aminado itong naging mabigat ang hamon ng halalan, ngunit kanila itong pinagsikapang kayanin.

 

 

Nagpasalamat naman siya sa mga tagasuporta at nangakong ipagpapatuloy ang pagtatanggol sa sektor ng mga manggagawa.

 

 

Samantala, nag-concede na rin si vice presidential candidate Sen. Tito Sotto.

 

 

“The people have made their choice. I accept the will of the people,” wika ni Sotto.

 

 

Kinilala niya ang mahigit walong milyong sumuporta sa nagdaang halalan.

 

 

Sa ngayon, magpapahinga muna umano siya, matapos ang mahabang panahon ng paglilibot sa mga lalawigan.

Motorista inabisuhan ng CAVITEX sa toll pay hike simula sa Mayo 12

Posted on: May 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-ABISO ngayon sa mga motorista sa Metro Manila ang kompaniyang CAVITEX Infrastructure Corp. na ipapatupad na simula sa Huwebes, Mayo 12 ang pagtataas ng toll rates sa CAVITEX Paranaque toll plaza.

 

 

Ayon sa kompaniya inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll pay hike kasunod nang pagpapatupad din ng mga pagbabago at pagpapanda ng mga pasilidad at kalidad ng CAVITEX highways.

 

 

Sa pagpapatupad ng bagong rates, ang mga motorista ay magbabayad ng mga sumusunod na VAT-inclusive rates: P33 para sa Class 1 vehicles mula sa dating P25.00; P67 para sa Class 2 mula sa dating P50.00; at P100.00 para sa Class 3 mula sa dating P75.00.

 

 

“The approved petitions translate to Php 4.62 VAT-exclusive rate per kilometer for Class 1 vehicles; Php 9.24 for Class 2; and Php 13.86 for Class 3 vehicles traversing the 6.48-kilometers R-1 Expressway (from CAVITEX Longos, Bacoor entry to MIA exit, and vice versa) beginning 12:00 AM of May 12,” bahagi ng CAVITEX statement. “To help public utility vehicle (PUV) operators and drivers cope with the change, CIC and JV partner PRA will be providing them toll rate reprieve through a rebate program that will allow them to continue enjoying the old rates for the next three months.”