• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 13th, 2022

Lacuna: Unang babaeng alkalde ng Maynila

Posted on: May 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

GUMAWA ng kasaysayan si incumbent Vice Mayor Honey Lacuna makaraang maiproklama kahapon na unang babaeng alkalde ng siyudad ng Maynila.

 

 

Pasado alas-7 ng gabi nang ideklara ng local board of canvassers ng Comelec si Lacuna bilang nagwagi sa ­mayoralty race sa Session Hall ng Sangguniang Panglungsod.

 

 

Iprinoklama rin ang bagong Bise Alkalde na si Yul Servo na ka-tandem ni Lacuna.

 

 

Si Lacuna ang anak ng dati ring Vice Mayor ng Maynila na si Danny Lacuna na tumakbo rin noon bilang alkalde ngunit nabigo na manalo. Papalitan niya si ‘one-term’ Mayor Isko Moreno.

Gobyerno naniniwalang walang dayaang nangyari sa isinagawang nagdaang halalan

Posted on: May 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KUMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang dayaang nangyari sa nagdaang eleksiyon nitong nakalipas na May 9 national election.

 

 

Sa Talk to the People, sinabi ni Pangulong Duterte na naniniwala siyang naging malinis ang isinagawang halalan bagama’t may mga lumabas hinggil sa umanoy glitches bunsod ng pagma- mulfuntion ng vote-counting machines o VCM.

 

 

Gayunman, sinabi ng Pangulo na mas mabuti na ding maimbestigahan aniya ito ng COMELEC upang wala namang masabi ang mga nagdududa sa naging resulta ng eleksiyon.

 

 

Sa kabilang dako, hinimok naman ng Punong Ehekutibo ang mga Pilipino na suportahan ang mga bagong elected leaders ng bansa na dito ay ipinaabot niya ang kanyang pagbati.

 

 

Nauna rito, walang nakitang iregularidad ang mga statistics experts mula sa University of the Philippines (UP) hinggil sa “consistent voting pattern” sa partial at unofficial results ng 2022 presidential race.

 

 

Ayon sa UP School of Statistics, ang sinasabing “68:32” vote ratio na pumapabor kay presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay hindi maaaring gamitin bilang sapat na ebidensiya ng electoral fraud.

 

 

“Kung walang malinaw na konteksto, ang ganitong pattern sa porsyento ng boto ay hindi maaaring gamiting ebidensya ng pandaraya,” ang pahayag nito sa isang Facebook post.

 

 

Pumutok ang alegasyon ng election cheating matapos na lumabas at makita ang quick count ng partial at unofficial tally of votes kung saan milya-milyang naungusan ni Marcos ang kanyang closest rival na si Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo.

 

 

May nagsasabi na di umano’y nagkaroon ng “68:32 magic,” na tumutukoy sa “consistent pattern” ng 68% ng boto para kay Marcos habang nananatili naman sa 32% ang boto para kay Robredo.

 

 

Sinabi ng UP School of Statistics na ang steady pattern sa unofficial outcome ng presidential race ay hindi nagpapahiwatig ng dayaan sa botohan.

 

 

“Hindi masasabi ng ’68:32 ratio’ trend kung mayroong pandaraya sa eleksyon. Ang mga trend sa transmission ng boto tulad ng sa ’68:32 ratio’ ay hindi ebidensya ng pandaraya sa eleksyon ,” anito.

 

 

Mali rin aniya na kaagad na ipagpalagay na nagkaroon ng manipulasyon sa mga boto dahil lamang napanatili ni Marcos ang malaking kalamangan kay Robredo sa presidential derby.

 

 

“Ang hindi paggalaw ng ’68:32 ratio’ base sa cumulative totals ay hindi maituturing na irregularity. Mali ang mga kumakalat na analysis base sa cumulative o pinagsama-samang bilang ng boto sa bawat update,” ayon sa mga statistics expert. (Daris Jose)

8.3% GDP growth rate sa Q1 2022, artipisyal, walang halaga kung walang wage hike – Gabriela Partylist

Posted on: May 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI  umano nangangahulugan na naging ekselente ang economic management ng gobyerno sa mataas na gross domestic product (GDP) growth rate ng bansa sa unang bahagi ng taon.

 

 

Ayon sa Gabriela Partylist, ang pagtaas sa gdp ay dala na rin sa private consumption at election spending na isa umanong artipisyal ang pagtaas.

 

 

Wala rin umanong kahalagahan ito sa mga manggagawang Pinoy na matagal nang humihingi ng wage increase, lalo nasa mga kababaihan na nagtitiyaga sa mababang ahod sa ilalim ng rehimeng Duterte.

 

 

Kuwestiyon din kung mapapanatili ang naturang growth trajectory sa susunod na mga buwan sa ilalim ng bagong gobyerno ng bansa.

 

 

Wala rin umanong kahalagahan ito sa mga manggagawang Pinoy na matagal nang humihingi ng wage increase, lalo nasa mga kababaihan na nagtitiyaga sa mababang ahod sa ilalim ng rehimeng Duterte.

 

 

Kuwestiyon din kung mapapanatili ang naturang growth trajectory sa susunod na mga buwan sa ilalim ng bagong gobyerno ng bansa. . (ARA ROMERO)

Babantayan ng netizens kung mananatiling marangal: VIC, proud papa dahil reelected bilang Mayor ng Pasig si VICO

Posted on: May 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ASTIG na naman ang episodes ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil nagkakagulo ang mga kalaban ng Task Force: Agila headed by Coco Martin.

 

 

Mainit ang ulo nina Lorna Tolentino (the first lady), John Arcilla (Renato Hipolito) at Tirso Cruz (Sec. Arturo Padua) dahil nakuha nina Cardo ang pekeng president.

 

 

Sa video message ni Mariano (the fake president), sinabi nito na gustong makipagkita ng Task Force Agila sa tatlong occupants ng presidential house.

 

 

Siyempre di malaman ng tatlo kung ano ang gagawin dahil posibleng ibinulgar na ni Mariano ang mga kasamaang ginawa nila.

 

 

Meanwhile, hinahanap pa rin nina Cardo ang tunay na president. Clueless pa rin sila kung saan ito matatagpuan.

 

 

Updated ang kwento ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil may nakatakda rin maganap na presidential election. bagamat fiction naman ito at hindi based sa totoong pangyayari, nakatutuwa na attuned sa current events ang kwento ng long-running action serye.

 

 

***

PROUD papa si Vic Sotto dahil reelected by a wide margin ang papable Pasig City Mayor na si Vico Sotto, together with his entire team.

 

 

Maganda naman kasi ang ipinakita ni Mayor Vico sa unang termino niya bilang Chief Executive ng Pasig.

 

 

Maraming ginawang pagbabago si Vico sa City Hall. Naging transparent din ang mga transactions. Nawala ang mga hocus-pocus na gawain ng mga tiwaling employees.

 

 

Isa sa magandang ginawa ni Mayor Vico ay ‘yung ginawa niyang permanent ang maraming casual employees sa city hall. Dahil doon ay nagkaroon ng security of tenure ang mga ito.

 

 

Katatapos pa lang ng election at ‘di pa mga officially proclaimed ang nanalong President at Vice President pero may nabasa na kaming post sa FB na gusto raw nilang bantayan si Mayor Vico at sana raw ay manatili itong isang marangal na public servant.

 

 

Gusto raw nila kasi na in the future ay tumakbo itong president.

 

 

Pero hindi pa pasok si Mayor Vico sa age requirement at siguro baka 12 years pa ang hihintayin bago makatakbo si Vico bilang presidente.  Hayaan na lang natin si Mayor Vico ang mag-decide kung may balak siyang tumakbong president in the future.

 

 

At any rate, nais naming batiin si Bossing Vic at si Madam Coney Reyes sa panalo muli ni Mayor Vico.

(RICKY CALDERON)

Face mask puwede nang alisin ‘pag mababa sa 200 ang COVID-19

Posted on: May 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAAARI nang tanggalin ng publiko ang pagsusuot ng face mask kung mas mababa na sa 200 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Sa Laging Handa online press briefing, sinabi ni Dr. Rontgene Solante ng Vaccine Expert Panel ng Department of ­Science and Technology na kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso sa susunod na dalawa hanggang tatlong buwan ay posibleng hindi na maging mandatory ang face mask.

 

 

“Sa tingin ko, medyo mahaba-haba pa iyan. Let’s see in the next two to three months [at] kung talagang tuluy-tuloy na ang pagbaba ng kaso, like less than 200 [ay] most likely baka hindi na natin kailangan ang face mask,” ani Sorante.

 

 

Malaking bagay aniya ang pagsusuot ng facemask sa pagkontrol sa pandemic na naging mabisa upang hindi kumalat ang Omicron variant.

 

 

Samantala, pinayuhan ni Solante ang susunod na administrasyon na ituloy lang ang ginagawa ng kasalukuyang administrasyon at paigtingin ang pagbabakuna.

 

 

Mahalaga rin aniya na palawakin ang mga healthcare facilities lalo na ang mga government facilities bilang paghahanda sa susunod na pandemya o sa anumang sumusulpot na mga nakakahawa o infectious diseases.

WBC inatasan ang paghaharap ni Ryan Garcia kay Isaac Cruz

Posted on: May 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ng World Boxing Council ang lightweight title eliminator sa pagitan nina social media sensation Ryan Garcia at Isaac Cruz.

 

 

Ang 23-anyos na si Garcia na sumikat sa Instagram at Youtube ay mayroong professional record na 22 panalo at walang talo na mayroong 18 knockouts.

 

 

Huling laban nito ng talunin niya si Emmanuel Tagoe noong nakaraang buwan sa Alamodome, San Antonio kung saan nagwagi ito sa pamamagitan ng unanimous decision.

 

 

Habang si Cruz ay kilala bilang notorious na body puncher ay mayroong 23 panalo, dalawang talo at isang draw na mayroong 16 na knockouts.

 

 

Noong nakaraang buwan ay tinalo nito sa pamamagitan ng ikalimang technical knockout si Yuriorkis Gamboa.

 

 

Nagpost naman si Garcia sa kaniyang social media kung saan sabik na itong makaharap si Cruz.

Netizens, naniniwalang deserving at may ‘good heart’ ang aktor: KYLIE, nag-post nang nakaka-touch na mensahe para sa ama na si ROBIN

Posted on: May 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
NAG-POST nang nakaka-touch na mensahe si Kylie Padilla para sa kanyang ama na si Robin Padilla na nangunang Senador sa katatapos lang na halalaan noong Mayo 9.

Ayon sa bida ng Bolera na mapanonood na sa May 30 sa GMA Telebabad, “I approached this like you were not my dad. I did my homework. I did my research. I did not want to be biased. I watched all the interviews and inintindi ko lahat ng sinabi mo.

“And all i can say is I cannot wait for you to make your dreams a reality. I support you with all my heart. You have always been passionate about helping people and now you are in a position where you can make a bigger impact. I’m so happy and proud of you.”

Dagdag pagmamalaki pa ng aktres, “But If I was to speak as his daughter all I have to say is mahal na mahal ng tatay ko ang pilipinas, mahal nya ang mga tao. Parte ng pagkatao nyang tumulong. He has always been selfless pag dating sa mga taong nangangailangan. If there is one thing I can attest to, my father did not need to become senator to help make change happen.

“He was already doing that before all of this. Kaya whatever happens after today, however busy you become please know that I love you and support you. Congratulations @robinhoodpadilla.”
 
Say naman ng netizens na um-agree sa pinost ni Kylie pero may iba na hindi pa rin matanggap na binotong Senador ng mga Pinoy si Binoe:
“Hindi ko na tinapos basahin yung first paragraph. Charotera masyado.”
“Nabasa ko na ang mga ganyang script dati iba lang ang mga tauhan ngayon.”
“Hay buhay. mga kapwa ko pinoy. bakit di man lang kayo nag-iisip. so sad.
“Nakidagdag pa sa problema ng PH tong robin na to.”
“Ikaw ang problema. Di ka masaya sa pagkapanalo ng iba. Bitter much!? Talangka!”
“Congrats Senator Robin Padilla..! Mabuhay ka!!”
“Na touch naman Ako sa message ni Kylie. Congrats Robin.”
“If he wanted to really help, he should’ve used his voice to raise up somebody more qualified. Gone are the days when the senate was full of the best and the brightest. Bar and board topnotchers, professionals and teachers. Actual statesmen. Not the circus that it is now.”
“Sa mga basher diyan wala kayong magagawa. Tatay niya yan eh, alangan naman awayin nya.”
“D nyo nmn sinabi na action star pala gusto ng pilipinas.sana pinatakbo ntin mga dating action star ahahaha.”
“It seems like Kylie is the daughter of Liezl whose the closest to her Dad Robin? She got her Muay Thai skills to her Dad. Congrats Sen. Robin. Continue to do good things to others.”
“Matanong ko lang po,bakit hindi nya deserve manalo?”
“Congrats, Robin! you deserve this. Mag-research muna yung iba diyan bago magtanong why. Mahilig din naman kayo maniwala sa Google trends.”
“Kylie is well raised by her parents. Good job Robin!!!”
“Robin has a good heart especially to the poor. He is a good provider to all of his children.”
 
 
(ROHN ROMULO)

Toll rates sa NLEX, Cavitex tumaas

Posted on: May 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN kahapon ng pamunuan ng Cavitex Infrastructure Corp. (CIC) at NLEX Corp na siyang mga subsidiaries ng Metro Pacific Tollways Corp. ang pagtataas ng toll rates sa North Luzon Expressway (NLEX) at Manila-Cavite Expressway (Cavitex).

 

 

 

Sinabi ng NLEX na binigyan sila ng go-signal ng Toll Regulatory Board (TRB) para sa kanilang petition upang magtaas ng kanilang toll rates na P2 para sa open system at P0.34 naman kada kilometro para sa closed system.

 

 

 

Ang open system ay magsisimula sa Balintawak sa Caloocan hanggang Marilao sa Bulacan habang ang closed system naman ay mula sa bahagi ng Bocaue, Bulacan hanggang Barangay Sta. Ines, Mabalacat, Pampanga kasama na ang Subic-Tipo.

 

 

 

Sa ilalim ng bagong toll fee matrix, ang mga motorista na maglalakbay sa loob ng open system ay kinakailangan magbayad ng karagdagan P2 for para sa Class 1 na sasakyan (regular cars at SUVs), P6 sa Class 2 (buses at small trucks) at P8 naman sa Class 3 na sasakyan.

 

 

 

Kung kayat kung ang isang motorista na maglalakbay ng dulo sa dulo sa pagitan ng Metro Manila at Mabalacat ay magbabayad ng karagdagan P27 para sa Class 1, P69 sa Class 2 at P82 sa Class 3 na mga sasakyan.

 

 

 

Ang nasabing adjustments ay kasama sa pinayagan na periodic adjustments ng NLEX noong 2016 at ang completion ng bagong Subic Freeport Expressway (SFEX) noong 2021.

 

 

 

“The SFEX has been providing motorists safer and more comfortable travel experience since it was partially opened in December 2020 and fully completed in February this year,” wika ng MPTC.

 

 

 

Sa isang pahayag naman ng CIC, ang nasabing pagpapatupad ng bagong toll rates sa Cavitex Paranaque Toll Plaza ay nangyari ng binigyan ng TRB ng go-signal ang 2011 at 2014 na contractual tariff adjustments toll petition para sa Phase 1 and 2 enhancement works na ginawa sa Cavitex R-1 Expressway na natapos noong 2020.

 

 

 

Ang CIC ay siyang concessionaire para sa Cavitex kasama sa isang joint venture ang Philippine Reclamation Authority (PRA).

 

 

 

Kasama sa ginawang enhancements ay ang completion ng asphalt overlay sa kahabaan ng Cavitex, paglalagay ng Pacific flyover, left turn facility at bridge widening at ang pagsasagawa ng regular maintenance works upang masiguro ang road quality at safety ng mga motorista.

 

“The approved petitions translate to P4.62 VAT-exclusive rate per kilometer for Class 1 vehicles, P9.24 for Class 2 and P13.86 for Class 3 vehicles traversing the 6.48 kilometers R-1 Expressway from Cavitex Longos, Bacoor entry to MIA exit and back,” saad ng CIC

 

 

 

Dahil dito ang bagong fare toll fee matrix para sa Class 1 na sasakyan ay P33 mula sa dating P25, Class 2 ay P67 mula sa dating P50 at Class 3 ay P100 mula sa dating P75.

 

 

 

Upang mabawasan ang impact ng pagtataas ng toll rates, sinabi ng pamunuan ng NLEX na ang mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepneys na covered ng NLEX Passada at Tsuper Card discount at rebate program ay mananatiling lumang rates pa rin ang babayaran.

 

 

 

Habang ang mga provincial buses naman ay covered ng graduated rebate scheme hanggang tatlong (3) buwan.  LASACMAR

Briones, ikinalugod ang posibilidad na pag-upo ni Sara Duterte bilang DepEd chief

Posted on: May 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WELCOME kay incumbent Education Secretary Leonor Briones ang posibilidad na pangunahan ni vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte ang Department of Education (Deped).

 

 

Inanunsyo kasi ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang “eventual Cabinet post” ni Duterte sa ilalim ng kanyang “eventual administration.”

 

 

Kapwa nanguna sina Marcos at Duterte sa katatapos lamang na halalan sa bansa. Si Marcos, sa pagka-pangulo habang si Duterte naman ay bilang bise-presidente.

 

 

“I welcome the announcement by Presidential frontrunner Bongbong Marcos that incoming Vice President Sara Duterte will concurrently serve as Department of Education Secretary,” ayon sa Kalihim.

 

 

Tiniyak nito na siya at ang kanyang buong DepEd family ay handang makipagtulungan sa team ni Sara Duterte para sa maayos na transition ng DepEd leadership.

 

 

Aniya pa rin, iti-turn over nila ang Basic Education Plan 2030, unang pagkakataon kung saan ang outgoing administration ay maiiwan ang medium-term plan.

 

 

“We are confident that DepEd will be in able hands and anticipate a continuity,” ayon kay Briones.

 

 

Samantala, pumayag naman si vice presidential frontrunner Sara Duterte na pamunuan ang Department of Education (DepEd).

 

 

“I think I am already authorized to announce the first nominee that we will be giving to the Commission on Appointments when the time comes, should I be proclaimed. That is that our incoming vice president has agreed to take the brief of the Department of Education,” ayon kay presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. araw ng Miyerkules sa isang televised speech.

 

 

Ani Marcos, isa sa kanyang mga dahilan kung bakit itinalaga niya si Duterte bilang susunod na Education secretary ay dahil sa naging gampanin nito (Duterte) bilang ina na nagnanais na “make sure that her children are well-trained and well-educated.”

 

 

“That’s the best motivation that we can hope for. So that is the first announcement that I can make that has come out of this process,” ayon kay Marcos. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Aabangan ng netizens kung sino ang tinutukoy sa tweet: POKWANG, may reresbakan na matandang walang pinagkatandaan

Posted on: May 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAROON ng online mediacon para sa Argentinian movie na “Pasional” kunsaan ay pinagbibidahan ito ng Kapuso actress na si Andrea Torres.

 

 

Humarap via zoom si Andrea kasama ang cast at production ng movie since katatapos lang nilang mag-shooting sa ilang beaches sa Pilipinas tulad ng Palawan .

 

 

Sabi nga namin kay Andrea, halatang kuhang-kuha ng charm niya ang loob ng mga Argentinian na nakasama niya sa movie. 

 

 

Siya rin daw kasi, magaganda ang naging memories niya.

 

 

“They made sure na kumportabe ako roon, nae-enjoy ko ang lugar nila. Plinano nila lahat at ang gaganda ng naging memories ko from Argentina.

 

 

“Kaya naman noong sila na ang pumunta rito, may pressure rin for me. Siyempre, gusto ko rin makita nila ang ganda ng country natin, makapaglibot sila and happy naman ako kasi, talagang tuwang-tuwa sila lalo na sa mga beach natin. First time rin nilang nakakita ng gano’ng kulay ng tubig na blue na blue.”

 

 

At posible raw na mas maunang ipalabas sa Pilipinas ang movie kesa sa Argentina.

 

 

“I think, mas mauuna po siyang ipalabas dito sa atin. Tina-target po nila ang November, pero siyempre, depende rin po sa post production at gusto rin po nila na mawala muna po ang COVID and medyo mag-back to normal muna po ang lahat.”

 

 

Bilang kilalang sexy actress, mukhang hindi rin naman bibiguin ni Andrea ang manonood ng first International movie niya at mukhang daring pa rin siya rito.

 

 

Lalo na nga raw sa mga beach location nila.

 

 

***

 

 

SPECIAL mention si Jolina Magdangal sa ginawang Facebook Live ni Vice President Leni Robredo.  

 

 

Nag-live ito para ipakita ang napakaraming regalong natanggap sa buong duration ng campaign period. 

 

 

Nang makita niya ang isang pink headband na regalo sa kanya at talaga namang kikay na kikay, naalaga ni VP Leni si Jolina.

 

 

Sabi niya, “Pwede ko ba itong ibigay kay Jolina?” Obviously, since kilala na ni VP na mahilig si Jolina sa mga kikay stuff at signature rin niya ang mga headbands. 

 

 

Humingi muna ng permiso si VP Leni sa nagbigay at yun nga, kung pwede raw niyang ibigay kay Jolens.  Sumunod nito, nagpasalamat na si VP Leni kina Jolina at asawa nitong si Mark Escueta.  

 

 

 

Talagang na-appreciate ni VP Leni ang todong pagsuporta sa kanya ng mag-asawa. Sinabi nia na walang mga campaign rally na tinatanggihan para mag-volunteer. Pinuri rin niya ang dalawang anak ng mga ito na sina Pele at Vika na kahit walang yaya, napaka-behave raw ng mga ito.

 

 

 

Pinangakuan din niya na dadalawin ang dalawa, pagka-uwi siguro sa graduation ng bunsong anak na si Jillian Robredo sa New York.

 

 

 ***

 

 

HINDI binanggit ni Pokwang sa kanyang tweet kung sino ang pinatatamaan nito na tila reresbakan daw niyang matandang walang pinagkatandaan.

 

 

 

Nasa bakasyon kasi ito ngayon. Mukhang nag-recharge at kumalma muna pagkatapos ng mga kaganapan sa kampanya at election.

 

 

 

So tuloy, may mga nag-aabang kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang tweet. Obviously, may koneksiyon pa rin sa mga naging ganap sa election at sa resulta nito ang pinanggagalingan ng tweet niya or nag-trigger sa kanya.

 

 

 

Sabi lang ni Pokwang, “nasa bakasyon lang ako e wait lang pagbalik ko talak ka saking matandang walang pinagkatandaan!!! scammer!!!

 

 

(ROSE GARCIA)