• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 14th, 2022

Nagpasalamat sa higit na tatlong dekada na magkasama: SHARON, wasak na wasak ang puso sa pagpanaw ng kaibigan na si FANNY

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ILANG araw pagkatapos ng National Election, nadagdagan ang sobrang kalungkutan ni Megastar Sharon Cuneta dahil nagluluksa naman siya sa pagpanaw ng malapit na kaibigan na si Fanny Serrano.

 

 

Ramdam na ramdam ang kanyang IG post na may caption na, “Too much heartbreak, in only a matter of days.(kasama ng tatlong black hearts icon)”

 

 

Ni-repost ni Sharon ang photo ni TF na may caption na, “Rest in peace Tita Fanny Serrano!

 

 

“Born Felix Mariano Fausto Jr., the celebrity make-up artist, stylist, and Fashion designer passed away today (May 12) at 72 years old.

 

 

“He suffered a stroke in 2016 and another one in 2021.”

 

 

Kasunod na IG post ni Mega ang larawan ng mga kamay nila ni Tita Fanny, na kung saan pinadama ang kanyang pasasalamat sa kaibigang nakasama sa tatlong dekada ng kanyang pagiging artista.

 

 

Sabi ni Sharon, “The hands that made me feel and look beautiful for over thirty years, even when I didn’t think I did. Thank you, my dearest TF, my Tita Fanny, for your love, friendship, loyalty, and for all the laughter we shared.

 

 

“Thank you for wiping so many tears quietly as they poured from my eyes on so very many occasions over all these three decades. I find peace in that I kept my promise to you.

 

 

“I know you have gone straight to heaven, and I pray that I see and laugh with you again there someday…I love you so very much.”

 

 

Bumuhos naman ang pakikiramay at ang ilang ay nagpasalamat din sa mga nagawa ni TF tulad ni Dina Bonnevie.

 

 

Say ng aktres, “Prayers for you TF! I love you and thank you for being the first person to teach me how to pose for the camera. Thank you for all the wonderful pictorials and awards nights we did together! I know you are happy with Jesus forever.”

 

 

Nagwo-worry naman ang netizens para kay Sharon, comment nila, “Ok lng po ba kyo ate @reallysharoncuneta you need a break po kung maari po magpunta po kyo sa lugar kung san mkakagaan nang pakiramdam nyo po.”

 

 

 

“So sorry for your loss… our deepest condolences. Praying for strength during this time.”

 

 

 

“Growing up I am seeing Tita Fanny in TV making all artists look beautiful and now he is gone even id he does not know me it breaks my heart too.”

 

 

“Condolence and sending you tight hugs po mama. It must’ve hurt losing someone special to you. Stay strong mama, i know he’s watching you po from above there.”

 

 

“Keep strong ma,we’re here 4 u always ma,sending warm hugs.”

 

 

Comment pa ng ibang netizens:

 

 

“Condolences to TF’s family and to Tita Shawie. Alam ko mahal talaga ni Sharon si TF. Parang kay Shawie pa ata yun bahay or store ni TF. Kahit na sa interview kay TF sa house nya noon sabi nya super close sila ni Mega.

 

 

“This breaks my heart. They’ve been friends for over 30 years. And guess what, Sharon owns the land where his salon is located and let him have it there for ever. It’s a once in a lifetime friendship. RIP, TF.”

 

 

“To Sharon, be strong. when it rains, it pours – but it will not be forever. Look forward for the rainbow…”

 

 

“Bata palang ako icon na si TF. Kakalungkot pero ganun talaga ang buhay. Hayyy. RIP, TF! You were well-loved here on Earth.”

 

(ROHN ROMULO)

Malakanyang, pinangalanan na ang mga miyembro ng presidential transition team

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUMIKHA na ang administrasyong Duterte ng transition committee na magbibigay kasiguraduhan ng “smooth” na paglilipat ng kapangyarihan sa Hunyo 30.

 

 

Sa kanyang Talk to the People, araw ng Huwebes, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nagpalabas na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Administrative Order 47 para sa paglikha ng Presidential Transition Committee (PTC).

 

 

“The PTC will oversee the implementation of the transition activities of the entire government and see to it that delivery of services to the public remains unhampered,” ayon kay Medialdea.

 

 

“The AO also directs all departments, bureaus, and instrumentalities of government to create their own internal transition committees,” dagdag na pahayag ni Medialdea.

 

 

Si Medialdea ang magsisilbing chairperson  ng komite.

 

 

Ang mga miyembro naman nito ay kinabibilangan nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., Finance Secretary Carlos Dominguez III,  Budget Undersecretary Tina Rose Marie Canda, at Socioeconomic Planning Secretary at National Economic and Development Authority chief Karl Kendrick Chua.

 

 

“We will work closely with the representatives of the incoming administration to ensure a peaceful and orderly transfer of power,” ani Medialdea.

 

 

Samantala, base naman sa unofficial count, kapwa malaki ang naging kalamangan ng bilang ng boto nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng kanyang running mate, Sara Duterte, sinasabing mahigit na sa 98% ng election returns ang naipadala na sa Commission on Elections. (Daris Jose)

CHR nanawagan sa mga otoridad na agad na tutukan ang mga election-related violence

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga otoridad na tutukan ang mga naganap na election-related violence noong kasagsagan ng halalan nitong Mayo 9.

 

 

Sinabi ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia na karamihang sa 16 election related incidents ay naitala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 

 

Dahil aniya dito ay inideklara na rin ng Commission on Election (COMELEC) ang failure of election sa 14 na barangay sa Lanao del Sur.

 

 

Dagdag pa nito na ang nasabing insidente ay hindi lamang nagdudulot ng takot sa tao at sa halip ay nais nilang sirain ang kredibilidad ng halalan.

 

 

Nararapat aniya na panagutin sa batas ang mga nasa likod ng iba’t ibang insidente sa katatapos lamang na halalan.

Ads May 14, 2022

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PDu30, gusto pa ng 3 hanggang 5 drug lords ang mapatay

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA KABILA nang mahigit isang buwan na lamang ang itatagal sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na mayroon pa siyang isang natitirang target sa kanyang “war against illegal drugs” at ito ay ang mapatay ang mga drug lords.

 

 

Sa katunayan, nagbigay na siya ng marching orders sa mga pulis na patayin ang mga drug lords at hamunin ang mga kriminal na lumaban sa mga awtoridad.

 

 

“Siguro bago ako mag-alis makatapos lang tayo ng tatlo o limang drug lords. Gusto ko patay, ayaw ko ng buhay. Gusto ko makita ang drug lords. Lumaban kayo kapag dumating na ang pulis. I urge you to fight it out. I will tell them, my coworkers in government, we have to gamble, we have to fight them,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

Sa oras na bumaba na aniya siya sa Hunyo 30, sinabi ng Pangulo na handa siyang magbigay ng tulong sa mga police personnel na mahaharap sa asunto dahil lamang sa ginampanan ng mga ito ang kanilang tungkulin kaugnay sa anti-drug operations at sakaling makapatay ng mga suspek habang nasa operasyon.

 

 

Tiniyak ng Punong Ehekutibo na poprotektahan niya ang mga ito kung sila ay inakusahan ng mali, sinabi niya sa mga pulis at tropa ng sundalo na maging matatag at matapang bitbit ang drug war.

 

 

“Kapag napasubo kayo, hindi na ako presidente, doing your duty sa trabaho lang, huwag kayong matakot. Kung wala kayong makuhang abugado, ako ang pupunta sa korte para sa inyo,” pagtiyak ng Pangulo. (Daris Jose)

Pinoy athletes sisimulan na ang paghakot ng ginto

Posted on: May 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHANG  madaragdagan pa ang unang gold medal ng Team Philippines sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa pagsalang ngayon sa finals ng anim na national kickboxers.

 

 

Sisimulan din ng mga Pinoy athletes ang kanilang mga kampanya sa 15 pang sports events para sa pormal na pagbubukas ng mga kompetisyon matapos ang ope­ning ceremony kahapon na binanderahan ni pole vaulter EJ Obiena bilang flag-bearer.

 

 

Nagmula kay Mary Francine Padios ang u­nang gold medal ng bansa sa Vietnam SEA Games nang manguna sa women’s seni tunggal event ng pencak silat.

 

 

Nakakuha rin ang bansa ng limang silver at limang bronze medals mula sa kurash, handball at rowing competitions para upuan ang No. 4 spot sa medal standings.

 

 

“Let’s encourage our athletes, let’s pray for them. They have prepared hard for this, it’s their time to shine now,’’ sabi ni Philippine Sports Commissioner at Chef De Mission Ramon Fernandez.

 

 

Kumolekta ang Vietnam ng 10 golds, 7 silvers at 10 bronzes para kaagad manguna sa paghakot ng mga medalya kasunod ang Malaysia (9-3-6) at Indonesia (3-4-0).

 

 

Kumpiyansa si Sama­hang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) Secretary-Ge­neral Atty. Wharton Chan na malalampasan nila ang nakamit na tatlong golds, dalawang silvers at isang bronze noong 2019 Manila SEA Games.

 

 

“Our athletes have done a tremendous performance and exceptional job despite fighting in a hostile terrain after beating several Vietnamese athletes,” ani Chan.

 

 

Babanderahan naman ni two-time World Gymnastics champion Caloy Yulo ang kampanya ng mga Pinoy bets sa 15 pang sports events.

 

 

Lalahok si Yulo sa men’s pommel horse, rings, even bars, high bar, floor exercise at vault.

 

 

Kumolekta si Yulo ng dalawang gold at limang silver medals noong 2019 Manila edition.

 

 

Naghari ang 22-anyos na Batang Maynila sa floor exercise at vault events ng 2019 at 2021 World Championships sa Stuttgart, Germany at Kitakyushu, Japan, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Sasalang din ang mga national athletes sa badminton, 3×3 basketball, billiards and snookers, bodybuil­ding, chess, esports, fen­cing, golf, gymnastics, sepak takraw, table tennis, tennis, wushu at indoor volleyball.

 

 

Kumpiyansa si Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion na makakapag-uwi ang national team ng siyam na gintong medalya kasama ang apat ni Yulo sa MAG.