• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 4th, 2022

China, ibinasura ang ‘unwarranted accusation’ ng Pinas ukol sa fishing ban

Posted on: June 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBINASURA ng China ang “unwarranted accusation” o protesta ng gobyerno ng Pilipinas laban sa unilateral imposition nito sa fishing ban sa mga lugar na extended sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian na ang naging deklarasyon ng Beijing na fishing ban, na naging epektibo noong Mayo 1 ay inaasahan na magtatagal hanggang Agosto 16, ay standard measure para pangalagaan ang resources nito.

 

 

“The summer fishing moratorium in the South China Sea adopted by China is a normal measure of protecting marine biological resources in waters under China’s jurisdiction, and a manifestation of fulfilling obligations under international law including UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea) by the Chinese side,”ayon kay Lijian.

 

 

Sinabi pa ng China na hindi nito matatanggap ang “unwarranted accusation” ng gobyerno ng Pilipinas.

 

 

Sa halip, kailangan aniyang tingnan ng Pilipinas ang fishing ban sa “objective and correct perspective.”

 

 

Mayo 30, naghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA)  hinggil sa nasabing usapin.

 

 

Sinabi ng DFA na in-extend ng China ang fishing ban sa mga lugar na “far beyond” sa kanilang legitimate maritime entitlements sa ilalim ng 1982 UNCLOS at walang basehan sa batas.

 

 

“It also reaffirmed the 2016 arbitral ruling that invalidated Beijing’s sweeping claims to the waters – a landmark decision which the Asian giant continues to ignore,” ayon sa DFA. (Daris Jose)

100% face-to-face classes tiyaking ligtas

Posted on: June 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IPINATITIYAK ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang ligtas na pag­ba­balik­ eskuwela ng milyun-milyong estudyante kaugnay ng plano ng Deparment of Education (DepED) na 100% face-to-face classes sa School Year 2022-2023.

 

 

“We welcome this push from the Department of Education for the 100% face-to-face classes by SY 2022-2023. This is actually long overdue. Our pupils have endured two years of blended distance learning­ which further worsens the education crisis in the country,” ani Castro.

 

 

“Face-to-face classes are still the best way for pupils to gain access to quality education,” giit pa ng lady solon.

 

 

Ayon sa gurong mambabatas, dapat siguruhin ng DepEd na ang lahat ng mga pasilidad ng mga eskuwelahan ay handa na at sapat para sa ligtas na pagbubukas ng klase. Kabilang ang maayos na bentilasyon sa mga klasrum, air filtration washing, pasilidad ng sani­tasyon.

 

 

Dapat din aniyang pabilisin ang vaccination programs sa mga guro at estudyante, pagkakaloob ng lingguhang COVID testing sa mga guro at education support personnel para sa mga lalahok sa face-to-face classes.

 

 

Iginiit din ni Castro ang mass hiring para sa mga school nurses at bigyan ng pondo para sa pagpapa­gamot ang mga mai-infect ng virus.

LeBron James nasa billionaires list na ng Forbes

Posted on: June 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINILALA ng Forbes magazine si Los Angeles Lakers star LeBron James bilang kauna-unahang active NBA player na bilyonaryo.

 

 

Ayon Forbes na mayroon ng mahigit $1-bilyon ang net worth ni James matapos na kumita ng mahigit $121-M noong 2021.

 

 

Base sa pagtaya ng Forbes na mayroong $385-M na kita si James sa on-court sa kaniyang 19-taon sa paglalaro sa mga koponan ng Lakers, Cleveland Cavaliers at Miami Heat.

 

 

Kumita rin ito ng $900 milyon mula sa off-court gaya ng mga product endorsement.

 

 

Isa ring nagpataas ng kaniyang kita ay noong inilabas ang pelikula nitong “Space Jame” A New Legacy” na mayroong mahigiti $162-M na kita sa buong mundo.

 

 

Nakatakda rin itong magrenew ng kontrata sa Lakers sa susunod na season na nagkakahalaga ng $44.5-M.

 

 

Noong 2021 ay ibinunyag ni James na interesado ito ng maging share holders ng NBA.

Workouts ni Sotto sa NBA teams sunud-sunod

Posted on: June 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULOY lang si Kai Sotto sa pagpapakitang-gilas sa ilang serye ng workouts para sa 2022 NBA Rookie Draft na idaraos sa Hunyo 23 (Hunyo 24 sa Maynila) sa Brooklyn, New York.

 

 

Sa pagkakataong ito, sumalang ang 7-foot-3 Pinoy cager sa workout ng Cleveland Cavaliers para makita ang talento nito ng mga coaches at agents doon.

 

 

Nauna nang dumaan sa workout si Sotto kasama ang New York Knicks at Orlando Magic noong nakaraang linggo.

 

 

Matapos dayuhin ang kampo ng Cavaliers, inaasahang sasalang sa panibagong workout si Sotto kasama naman ang Atlanta Hawks sa linggong ito.

 

 

Interesado rin ang iba pang NBA teams sa talento ni Sotto.

 

 

Kabilang sa mga nagpahayag ng interest ang Chicago Bulls.

 

 

Ayon sa isang Chicago-based reporter na si Daniel Greenberg, inaasahang iimbitahan ng pamunuan ng Bulls ang Pinoy player para makilatis ang husay at talento nito.

 

 

“The Chicago Bulls are showing interest in draft prospect Kai Sotto and are working on bringing him in for a workout, per sources. Sotto is 7-foot-2 and played basketball for the Adelaide 36ers in the Australian NBL,” ayon sa tweet ni Greenberg.

 

 

Nauna nang napa­hanga ni Sotto si dating Cleveland Cavaliers point guard Collin Sexton.

 

 

“That’s my guy. He’s a great player. I feel like he can make it to the NBA,” ani Sexton.

Natitirang utang ng bansa umabot pa sa P12.76 trilyon

Posted on: June 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT  ng Bureau of Treasury na umabot na sa P12.76 trilyon ang kabuuang natitirang utang ng national government sa pagtatapos ng Abril mula sa P12.68 trilyon noong nakaraang buwan.

 

 

Nasa 0.7 porsyento o P83.40 bilyon ang total na mas mataas dahil sa net issuance ng government securities sa parehong lokal at external lenders at ang pagbaba ng local currency laban sa US dollar.

 

 

Mula sa kabuuang stock ng utang, 30 porsyento ang pinanggalingan externally habang 70 porsyento ay mga domestic borrowing.

 

 

Ang P8.93 trilyon na domestic debt noong Abril ay 0.8 porsyento na mas mataas kumpara noong Marso habang ang external debt na P3.83 trilyon ay mas mataas ng 0.4 porsyento mula sa nakaraang buwan.

 

 

Ang ratio ng utang-sa-GDP ng bansa ay umabot sa 63.5 porsyento noong Marso, na mas mataas kaysa sa pandaigdigang pamantayan na 60 porsyento.

 

 

Mula nang maupo sa kapangyarihan, higit na dinoble ni Pangulong Rodrigo Duterte ang utang ng bansa mula sa P5.95 trilyon lamang noong katapusan ng Hunyo 2016.

 

 

Ang papasok na administrasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr ay nahaharap sa responsibilidad na bayaran ang lumulubog na utang ng bansa habang pinapanatili ang isang pinabilis na pagbangon ng ekonomiya. (Daris Jose)

Mga neophyte senators, hinimok ni Drilon na mag-aral at humingi ng payo sa mga eksperto

Posted on: June 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga bagong senador na dapat mag-aral ng mabuti at humingi ng payo sa mga eksperto.

 

 

Aniya, ang pagkahalal ay hindi ginagawang senador.

 

 

Dapat aniyang makuha ang respeto ng iyong mga kasamahan una, ang publiko pangalawa.

 

 

Kaya naman, walang masama sa pag-aaral at pagkuha ng payo sa mga eksperto sa nasabing larangan.

 

 

Inulit ni Drilon ang payo ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri kay incoming Sen. Robin Padilla, na tumitingin sa Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes and Laws sa 19th Congress.

 

 

Idinagdag niya na ang posisyon ay nangangailangan ng legal na kaalaman at ang senador ay dapat na nagkaroon ng ““exposure to the Constitution.”

 

 

Tandaan aniya na may nakasulat na Revision of Codes and Laws.

 

 

Ito ay tumutukoy sa mga pangunahing batas tulad ng Civil Code, Revised Penal Code, lahat ng mga codified na batas at hindi madaling gawin iyon.

 

 

Sinabi rin ni Drilon na ang mga neophyte na mambabatas ay dapat man lang na makipagdebate sa kanilang mga kasamahan para makabuo sila ng pinaka-makatwirang patakaran.

 

 

Bilang bagong mambabatas noon, sinabi ng senador na kailangan din niyang mag-aral ng mabuti at makinig muna.

 

 

Binigyang-diin din niya na kahit sa edad na 76 ay patuloy pa rin siyang nagbabasa at natututo ng mga bagong bagay.

LTFRB, binalaan ang mga ride-sharing firms, magde-deploy ng mga ‘mystery riders’ sa gitna ng overcharging

Posted on: June 4th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN ng mga transportation authority ang mga kumpanya na nasa ride-hailing service market na huwag magpataw ng sobrang pamasahe matapos silang makatanggap ng report ng overcharging laban sa isang player.

 

 

Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakatanggap sila ng reklamo laban sa Joyride Ecommerce Technologies Corp. dahil naningil ito ng ₱1,000 para sa one-way ride para sa tinatawag na “priority boarding fee.”

 

 

Sinabi ng ahensya na nagpadala na sila ng sulat na may petsang Mayo 24 sa Joyride kung saan hinihingan nila ito ng paliwanag kung bakit ang kanilang accreditation bilang transport network company (TNC) “should not be suspended and/or revoked within 10 days from receipt of the show cause order.”

 

 

Itinanggi naman ni Joyride Senior Vice President for Corporate Affairs Noli Eala ang overcharging report.

 

 

“For clarity, a Priority Fee is an optional fee that customers can freely add to the total fare of the booking. It is an industry used term and practice in case a customer would like to tip or incentivize a driver-partner in advance,” ayon kay Eala sa isang kalatas.

 

 

Sinabi pa nito na nagsumite na sila ng paglilinaw sa transport regulator, iginiit na ito’y “compliant with the fare structure set by the LTFRB guidelines.”

 

 

Sinabi pa ni Eala na labis nilang ikinagulat ang naging pahayag ng LTFRB sa media lalo pa’t hindi nakatanggap ang kanilang kumpanya ng anumang desisyon o findings mula sa ahensiya.

 

 

Pagtiyak naman ni LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion na hindi nila sini-single out ang JoyRide.

 

 

“The agency saw it fit to already write all TNCs warning them against the imposition of excessive fare contrary to current guidelines on TNVS (transport network vehicles) fares,” ayon sa LTFRB.

 

 

Idinagdag pa nito na gumawa lamang ang LTFRB ng warning letters sa E-pick Me Up, Ipara, JoyRide, My Taxi PH (Grab), at Cloud Panda.

 

 

Sinabi ng ahensiya na ang pamasahe para sa TNVS ay dapat na :

 

– ₱40.00 flagdown rate para sa sedan-type TNVS, na may ₱15.00 fare per kilometer at ₱2.00 per minute travel fare

– ₱50.00 flagdown rate para sa premium AUV/SUV na may ₱18.00 per kilometer fare at ₱2.00 per minute travel fare

– ₱30.00 flagdown rate para sa Hatchback o Sub-compact type na may ₱13 per kilometer fare rate at ₱2.00 per minute travel fare

 

 

At upang matiyak na sumusunod ang TNCs at TNVS, sinabi ng LTFRB na magde-deploy sila ng mga “mystery riders in the next few days”.

 

 

“Any TNC and/or TNVS caught violating the terms and conditions of the MC shall be subject to fines and penalties,” ang pahayag nito. (Daris Jose)