• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 10th, 2022

Pinas, Israel lumagda ng kasunduan na magpapalakas sa economic ties

Posted on: June 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAKAKAASA  na ang Pilipinas ng mas maraming  investors matapos na lumagda ito sa isang kasunduan sa Israel para sa promosyon at proteksyon ng mga  pamumuhunan.

 

 

Kapwa tinintahan nina Philippine Trade Secretary Ramon Lopez at Israel Finance Minister Avigdor Lieberman ang Investment Promotion and Protection Agreement (IPPA) sa Jerusalem, araw ng Martes.

 

 

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), sa ilalim ng kasunduan,  magiging saklaw ng  IPPA  ang  “investment protection elements such as national treatment, most favored nation treatment, free transfers, rules-based expropriation and compensation, and investor-state dispute settlement.”

 

 

Sinabi ni Lopez na ang pinakabagong  business pact sa  Israel ay makapanghihikayat ng mas maraming nvestors para mapalawak ang oportunidad sa local market.

 

 

“The Philippines eyes Israel’s expertise on innovation, especially in new and smart technologies that will bring about more competitive and efficient products,” ayon kay Lopez sa isang kalatas.

 

 

“On the other hand, Israeli investors expressed interest in investing in the infrastructure, agriculture and water, and business process outsourcing sectors in the Philippines,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang mga industriya na prayoridad sa ilalim ng  IPPA ay  “agro-tech, life sciences and healthcare, water technologies, high-technology and semiconductors, cybersecurity, financial technology, defense industry, smart transportation, clean technology, smart manufacturing, at diamond industry.”

Na-challenge sa kakaibang karakter sa miniseries: ANDREA, tuwang-tuwa sa magagandang reviews ng netizens

Posted on: June 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NA-CHALLENGE si Andrea Del Rosario sa kakaibang karakter na kanyang ginagampanan sa mystery-romance miniseries ng GMA Public Affairs na Love You Stranger.

 

Ginagampanan ni Andrea ang role na Lorraine, ang ina ni LJ (Gabbi Garcia) na kinakatakutan ang isang misteryosong anino na kung tawagin ay Lilom.

 

“Mayroon siyang unexplained fear of the dark. ‘Yung struggle niya between the normalcy and also living with this condition is challenging. They have to watch this series para malaman nila kung ano ba iyon at bakit gano’n na lang ang takot ni Lorraine,” sey ni Andrea.

 

Natuwa naman daw ang aktres sa magagandang reviews mula sa netizens sa pagganap niya sa Love You Stranger.

 

“Nakakataba ng puso ang mga nababasa kong reviews. Bihira kasi akong tumanggap ng ganitong mga roles kasi gusto ko mga light lang. Ito yung pinakamabigat na role na ginawa ko in a long time.

 

“Worth it ‘yung lahat ng naging sakripisyo namin noong mag-lock-in taping kami. Ang galing ng buong team. So proud to be part of this project,” pahayag pa ni Andrea.

 

***

 

HABANG wala pang bagong teleserye sa GMA, naging abala ang Kapuso hunk na si David Licauco sa pagtayo ng bagong business nito.

 

On Instagram, pinost ni David na magbubukas siya ng physical restaurant para sa online food business niya na Kuya Korea. Naging patok online ang Kuya Korea dahil sa binebenta nilang contemporary Korean food.

 

Magbubukas ito sa UP Town Center in Quezon City at excited na ang aktor na inamin noon na mahilig siyang mag-isip ng mga negosyong bubuksan.

 

“After months of R&D, we are excited to open our doors and have everyone try @kuyakorea. Opening soon at @iloveuptowncenter,” caption pa niya sa IG post.

 

Ito ang second restaurant na bubuksan ni David. Early this year ay nag-open ang physical resto ng isa pang online food business niya na Sobra sa Molito Lifestyle Center in Alabang.

 

Nasimulan ng chinito hunk ang mga online food business niya noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020. Dahil nauso ang food delivery that time gawa ng lockdown, nakaisip si David na magkaroon ng online food business para may iba siyang pinagkakakitaan bukod sa pagiging artista at nakapagbigay pa siya ng trabaho sa iba.

 

***

 

NAGSALITA na ang Family Feud at Miss Universe host na si Steve Harvey tungkol sa pakikipaghiwalay ng kanyang anak na si Lori Harvey sa actor-boyfriend nitong si Michael B. Jordan.

 

Naapektuhan din daw siya sa nangyari sa kanyang anak, pero nagiging matapang siya para rito.

 

“I feel fine. Ain’t change my life none. I still gotta go to work. I still gotta turn these corners, I still gotta take care of my family. I still gotta put money aside for these grandkids. I heard about it. You know, wish him well.

 

“I’m Team Lori, 1000 percent. She’s my daughter. I love her. I support her. Like I tell everybody, things happen. It’s hard to be young and in the limelight and have a successful relationship.

 

“Look, as long as everybody can walk away in peace…be friends. I guess, I ain’t heard nobody say they busted no windows or nothing.

 

“Long as you don’t put your hands on my daughter, I don’t give a damn what you do. Michael is still a cool guy. From what I know, it’s a breakup. I’m pretty sure they’ll be fine.”

 

Naghiwalay sina Michael at Lori pagkatapos ng isang taong magkarelasyon. Nag-celebrate pa naman sila ng kanilang 1st anniversary last November 2021.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

6 na miyembro ng Haitian football team nawawala sa Florida

Posted on: June 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINAHANAP na ng mga kapulisan sa Florida ang anim na miyembro ng football team ng Haiti matapos na sila ay naiulat na nawawala.

 

 

Ayon sa Osceola County Sheriff office, kinilala ang mga ito na sina Oriol Jean, 18, Anderson Petit-Frere, 18, Peter Mianovich Berlus, 19, Nicholson Fontilus, 20, Stevenson Jacquet, 24 at Antone Joseph Mithon, 32.

 

 

Ang mga ito ay miyembro ng Haiti’s Special Olympics delegation na sabay-sabay na nawala noong Hunyo 6.

 

 

Base sa mga kapulisan na huling nakita ang mga ito dakong 2:30 ng hapon sa Kissimee kung saan isinauli pa nila ang kanilang susi sa hotels at iniwan naman ang kanilang mga kagamitan bago nawala.

 

 

Nakikipag-ugnayan na sila sa Walt Disney World ang lugar kung saan gaganapin ang Special Olympics.

 

 

Nagsimula ang Special Olympics noong Hunyo 5 sa Orlando na ito ay magtatapos ng hanggang Hunyo 12.

 

 

Lalahukan ito ng nasa 5,500 na athlete at coaches kung saan inaasahan na papanoorin ng mahigit 12,000 katao.

TEMPORARY WORK STOPPAGE KONTRA KUMPANYA, INILABAS NG DOLE

Posted on: June 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS  ng temporary work stoppage order ang Department of Labor and Employment Central Visayas (DOLE-7) laban sa food and beverages company  sa Mandaue City matapos mamatay ang isa nitong manggagawa habang naglilinis ng pulverizer machine.

 

 

Sinabi ni Marites Mercado, hepe ng Tri-City field office ng DOLE-7, na naglabas ng  work stoppage order laban sa  Universal Robina Corp. (URC) noong Lunes, June 6, para sa paglabag sa safety protocols para sa kanilang manggagawa na nagresulta sa pagkamatay ni  Stephen Corilla noong June 2.

 

 

Napatay si Corilla nang mahigop  sa pulverizing machine nang aksidente itong na-on habang nasa loob pa siya nito.

 

 

Sinabi ni Mercado na agad naglabas ng inspection authority ang DOLE-7 nang makarating sa kanila ang impormasyon upang inspeksyunin ang factory ng kumpanya at upang magsagawa ng  Occupational Safety and Health investigation.

 

 

Dagdag pa ni Mercado, hindi aalisin ang work stoppage order hannggat makapagsumite ang URC ng kinakailangang dokumento na  isasailalim sa validation ng mga labor inspector ng DOLE.

 

 

Nagpataw din ang DOLE-7 ng P100,000 na multa laban sa URC dahil sa paglabag sa DOLE-7 department order 198-18 na siyang implementing rules and regulations ng Republic Act No. 11058 na tinawag na “An Act Strengthening Compliance with Occupational Safety and Health Standards and Providing Penalties for Violations Thereof.”

 

 

Sinabi ni Mercado  na kabilang sa mga natuklasan ng kanilang mga inspektor ay ang quarterly maintenance ng kasangkot na makina ay “hindi sapat.”

 

 

Dagdag pa niya na ang ahensya ni Corilla, ang HR Team Asia, ay nangako rin ng tulong pinansyal sa kanyang pamilya.

 

 

Ang URC ay nagsasagawa rin aniya ng sariling imbestigasyon sa insidente.

 

 

Aniya hinihintay din nila ang resulta ng pag-iimbestiga ng nasabing kumpanya. (GENE ADSUARA)   

Ads June 10, 2022

Posted on: June 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Sa pagbabalik-primetime sa kani-kanilang teleserye: Sang’gre na si SANYA, KYLIE at GABBI, binigyang-pugay ng GMA

Posted on: June 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG Saturday, June 11 na ang pagbabalik ng original cast ng GMA comedy show sa “Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.”

 

 

Ang number one successful comedy show ay nagsimula noong March, 2010, at nagkaroon ng ilang relaunch, until nang magkaroon tayo ng pandemic ay iginawa ito ng prequel, ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, na pinagbidahan nina Sef Cadayona at Mikee Quintos as the young Bitoy at Elsa.

 

 

Kaya muli na ngang mapapanood sina Michael V at Manilyn Reynes, as Bitoy and Elsa, mga anak nilang sina Jake Vargas at Angel Satsumi as Chito and Clarisse, at sina John Feir as Patrick, Mosang as Baby, Ronnie Henares as Tommy, Chariz Solomon as Janice, Janna Dominguez as Maria, Jen Rosendahl as Berta and Arthur Solinap as Bert, at si Ms. Nova Villa.

 

 

Kung naging masaya ang cast sa muli nilang pagbabalik, nalungkot din sila dahil pumanaw na ang kanilang director na si Bert de Leon, during the pandemic. Hindi nila pinalitan ng programa si Direk Bert, at si Michael V na ang magdidirek nito ngayon.

 

 

Naniniwala naman ang cast at ang GMA Network dahil may trust sila at confident sila na kayang pangunahan ni Bitoy ang pagdidirek ng show.

 

 

Kaya simula ngayong Saturday mapapanood na ang Book 3 ng “Pepito Manaloto” at 6:15 PM, after “24 Oras Weekend” sa GMA-7.

 

 

***

 

 

NATUWA ang mga netizens nang mag-post ang GMA ng kasalukuyan nilang Primetime series gabi-gabi ng: “Magbigay-pugay sa mga Reyna at ang pagbabalik ng mga Sang’gre sa primetime: Sanya Lopez (Danaya) for “First Lady,” at 8PM, Kylie Padilla (Amihan) for “Bolera” at 8:50PM and Gabbi Garcia (Alena) for “Love You Stranger” at 9:35PM.

 

 

Silang tatlo ay gumanap na mga Sang’gre’ sa epic serye na “Encantadia,” Kasama rin nila roon si Glaiza de Castro as Pirena. Katatapos lamang mapanood si Glaiza sa fantasy series din na “False Positive.”

 

 

Gabi-gabi kasi ay pare-parehong nangunguna ang mga series nila, laban sa mga katapatan nilang programa ng ibang network. Happy rin ang GMA Program Management na nagtapos din ang iba nilang series, like “Mano Po Legacy: Her Big Boss” nina Ken Chan at Bianca Umali at ang “Raya Sirena” nina Sofia Pablo at Allen Ansay, sa mataas na rating.

 

 

Ang top rater gabi-gabi ay ang romantic-drama series na “First Lady” na last June 2, ay nakakuha ng 17 percent laban sa katapat na nakakuha naman ng 11.5 percent.

 

 

***

 

 

STILL on “First Lady”, nasa last three weeks na ang kanilang serye, kaya nakakaramdam na ang buong cast ng separation anxiety, dahil mami-miss nila ang isa’t isa.

 

 

Hindi nga biro ang halos dalawang taon silang magkakasama sa lock-in taping during the pandemic, na nagsimula sa first season ng serye at ngayon nga ay papatapos na ang taping nila ng season two.

 

 

“Kaya po nagbuo kami ng vlog na tinawag naming DEARS, dahil ‘dear’ ang tawagan naming sa isa’t isa,” sabi ni Sanya.

 

 

“Promise naming sa isa’t isa na lagi kaming mag-uusap sa vlog, at isi-share din naming ito sa inyo. Naging masaya at enjoyable ang pagsasama naming lahat, kaya naging very close na kami sa isa’t isa, we are like a big family.”

 

 

Nasa highlight na ang story at inaabangan na ng mga netizens kung makakaligtas ba si Ingrid (Alice Dixson) sa assassination attempt na iniutos ni Allegra (Isabel Rivas). Makapagsalita pa kaya siya at maipagtapat ang totoo kung sino ang gustong mamatay siya?

 

 

Ang “First Lady” ay napapanood gabi-gabi after “24 Oras” sa GMA-7.

 

 

 

(NORA V. CALDERON)

Pinas, sumali sa ‘global call’ kontra marine plastic waste

Posted on: June 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUMALI ang gobyerno ng Pilipinas sa agarang panawagan na tugunan ang malawakang plastic waste sa buong mundo na patuloy  na nagdudumi sa karagatan.

 

 

“For many Filipinos, the sea is livelihood and life for all Filipinos as a nation it is our definition as such. We are a people of water, we’re a maritime and archipelagic country, with more than half our population, living and making a living in coastal zones,” ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa pagdiriwang ng  World Oceans Day, kahapon, Hunyo 8.

 

 

“The threat of the loss of the oceans and its boundaries are not just existential in the broad sense, rather they are day-to-day crisis that spell out how much of a decent life is at all possible,” ayon sa Kalihim.

 

 

Sa kanyang mensahe, kinumpirma ng Kalihim ang commitment ng bansa sa  Sustainable Development Goal No. 14, na naglalayong protektahan ang  marine biodiversity.

 

 

“SDG 14 tells us to conserve and sustainably use the oceans, seas, and marine resources. To this end, we must stop the scourge of marine plastic pollution, protect marine biodiversity, especially in areas beyond national jurisdiction,” anito.

 

 

Sinang-ayunan din ni Locsin ang  pinagsama-samang aksyon para sa karagatan na kinakailangan na ngayon sa gitna ng  “unprecedented, barely understood threats to it on top of climate change and global warming.”

 

 

Maliban sa microplastics and mismanaged coastal development, sinabi ni Locsin na ang  regional disputes ay mayroon ding epekto sa karagatan na mayroong  artificial island-building at drilling activities na sumisira sa coral reefs at “pushing marine ecosystems over the brink”.

 

 

Sakop ng karagatan ang 70% ng  planeta at nakapagpo-produce ng 50% ng oxygen sa mundo.

 

 

Sa ngayon, may  90% ng ‘big fish populations’  ang naubos na  at 50% ng  coral reefs ang nasira, ayon sa United Nations.

 

 

“We need to work together to create a new balance with the ocean that no longer depletes its bounty but instead restores its vibrancy and brings it new life,” ayon sa UN.

 

 

“Revitalization: collective action for the ocean” ang tema ngayong taon para sa World Oceans Day. (Daris Jose)

Marcos Jr, walang personal na perang ginastos para sa kanyang kampanya- Atty. Dabatos

Posted on: June 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI gumastos ng kahit na isang sentimo na personal na pera si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa buong panahon ng kampanya nito.

 

 

Nagsumite na kasi ang kampo ni Marcos Jr. ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec), araw ng Martes, Hunyo 7, isang araw bago ang deadline ng submission.

 

 

Ayon kay Atty. Drixel Dabatos, miyembro ng legal team ni Marcos Jr., na dahil sa mayroon pa naman silang sobrang pondo mula sa campaign donations, hindi na kailangan na gumamit pa si Marcos Jr. ng kahit na anumang personal resources nito.

 

 

Nakasaad sa SOCE ni Marcos Jr. na tumanggap ito ng kabuuang kontribusyon na P624,684,320.09 habang ang deklaradong ginastos ay pumalo na sa P623,230,176.68.

 

 

Tiniyak ni Dabatos na magbabayad si Marcos Jr., ng income tax para sa P1.45 million na natira mula sa campaign donations. Pagsunod aniya ito sa “rule of spending’ na P10 kada botante, sinabi ni Dabatos na ang “expenditures are within the threshold since there are 67 million registered voters.”

 

 

Samantala, sinabi pa rin niya na ang malaking halaga ng ginastos ay napunta sa TV advertisements, political rallies, at poll watchers. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Bilang ng mga nakaranas nang pagkagutom sa bansa tumaas – SWS

Posted on: June 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TUMAAS ang bilang ng mga pamilyang Filipino na nagugutom.

 

 

Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey na mayroong estimated na 3.1 milyong pamilyang Filipino o 12.2% ang nakaranas ng gutom sa nagdaang tatlong buwan.

 

 

Isinagawa ang survey mula Abril 19-27 kung saan mas mataas ito noong Disyembre 2021 na mayroong 11.8 percent.

 

 

Sinalihan ito ang face-to-face interviews ng 1,440 adults na balance sa Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.

 

 

Naranasan ang mataas na bilang ng taggutom sa Metro Manila na sinundan ng Mindanao, Luzon at Visayas.