• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 13th, 2022

Kaya kanselado na ang ilang tour dates ng concert: JUSTIN BIEBER, ni-reveal na nakikipaglaban sa lumalalang ‘Ramsay Hunt Syndrome’

Posted on: June 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG bagong pelikula ni Lav Diaz na Isang Salaysay ng Karahasang Pilipino ay mag-premiere sa France sa July.

 

 

 

Mag-compete ito sa 33rd Marseille International Film Festival (FIDMarseille), mula July 5 to 11. May international title ito na A Tale of Filipino Violence.

 

 

 

Ang naturang pelikula ay hango sa Palanca Award winning short story na “Servando Magdamag” na sinulat ng National Artist for Literature na si Ricky Lee.

 

 

 

Bida sa pelikulang ito ni Diaz ay si John Lloyd Cruz. Ito ang ika-apat na pelikula ni JLC with Direk Lav. Una silang nagkatrabaho sa pelikulang Hele Sa Hiwagang Hapis noong 2016. Nasundan ito ng Ang Babaeng Humayo (2016) at Historya ni Ha (2021).

 

 

 

Ayon pa kay Direk Lav: “It’s all about the death of the Monzon family, a feudal family. Na sa crossroads si Servando. ‘Tatapusin ko ba ang mahabang kasaysayan ng karahasan ng mga Monzon sa akin?’ Iyong premise ng kuwento: it’s a history of Filipino violence in the country.”

 

 

 

***

 

 

 

NAGLULUKSA ang independent film community dahil sa pagpanaw ni Direk Mark Shandii Bacolod sa Thailand noong nakaraang June 9.

 

 

 

Cardiac arrest ang naging sanhi ng pagkamatay ng direktor sa edad na 37. Ang pamilya ni Bacolod ang nagkumpirma ng balita via Facebook. Nasa gitna ng kanyang trabaho si Bacolod noong pumanaw ito.

 

 

 

“Our family is in the process of bringing his remains back to the Philippines so we can finally lay his body to rest. We would like to request everyone to respect our family’s decision for privacy in this moment of grief,” laman ng post sa FB.

 

 

 

Nakapag-post pa raw sa Facebook si Bacolod noong Miyerkules ng umaga at nagkuwento ito ng kanyang nararamdaman na pagod dahil sa taping niya doon ng isang TV show.

 

 

 

“All around Manager ang ganap ko today. Super PR sa alaga, super benta para magkaroon ng panibagong contract, tapos asikaso sa mga kailangan sa shoot. Today, hindi lang ako Talent Manager at Business Manager, naging Road Manager na din ako at Personal Assistant. Ang hirap lord,” ayon pa sa last FB post niya.

 

 

 

Si Bacolod ang direktor ng ilang indie films tulad ng Culion, Pendong, Fidel, Sponsor at ang series na Love at the End of the World na napapanood na sa Vivamax Plus

 

 

 

Isa sa nakatrabaho ni Bacolod na si Mercedes Cabral ay nagbigay pugay sa pumanaw na direktor: “It was a very hard pill to swallow.. I was very resistant when I heard it from a dear friend last night. my heart cracked a thousand pieces last night. You will live on thru our stories and we will always raise a glass for you. You will be missed. ‘Til next time gorgeous.”

 

 

 

***

 

 

 

KANSELADO na ang ilang tour dates ng Justice World Tour ni Justin Bieber dahil sa estado ng kalusugan niya.

 

 

 

Ni-reveal ng Canadian popstar na nakikipaglaban siya sa sakit na Ramsay Hunt Syndrome. Isa itong virus na inaatake ang nerve sa tenga at nagkakaroon ng facial paralysis ang magkaroon ng sakit na ito.

 

 

 

Sa isang in-upload ni Bieber na video sa social media, pinakita niya na ang kalahati ng mukha niya ay hindi niya magalaw.

 

 

 

Sey ni Bieber sa video: “This is pretty serious. Obviously, my body is telling me to slow down… I’m going to be using this time to rest and relax and get back to 100%.”

 

 

 

Ilang araw bago nag-upload ng video si Bieber, pinakansela na niya ang ilang tour dates dahil lumalala raw ang kalagayan niya.

 

 

 

“Can’t believe I’m saying this. I’ve done everything to get better but my sickness is getting worse. My heart breaks that I will have to postpone these next few shows (doctors orders). To all my people I love you so much and I’m gonna rest and get better,” caption ni Bieber sa IG Stories niya.

 

 

 

Ilang buwan lang ang nakaraan ay nagkaroon naman ng blot clot sa utak ang kanyang misis na si Hailey Baldwin na naging sanhi ng ministroke nito.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Bulacan, nagsagawa ng job at livelihood fair sa Araw ng Kalayaan

Posted on: June 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Libu-libong mga bakanteng trabaho ang naghihintay para sa mga Bulakenyo dahil magsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ng ‘Job and Business Fair (Local and Overseas)’ sa Bulacan Capitol Gymnasium kahapon Hunyo 12, 2022, ika-9:00 ng umaga kasabay ang pagdiriwang ng ika-124 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

 

 

May temang “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas”, mahigit 78 employers ang nakiisa na mayroong hatid na 11,000 na bakanteng trabaho bilang bahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE) Independence Day Fair.

 

 

Hinikayat naman ni muling nahalal na Gobernador Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na samantalahin ang job and livelihood fair.

 

 

“Sa darating na Linggo ay ipagdiriwang natin ang kasarinlan nating mga Pilipino; ang Araw ng Kalayaan. Kasabay ng araw na ito ay ang pagbibigay sa atin ng oportunidad na malayang mamili ng mga trabaho na aangkop sa ating mga kakayahan. Sana ay huwag ninyo itong palampasin at makiisa para sa pag-unlad na rin ng ating mga sarili,” anang gobernador.

 

 

Samantala, pangungunahan din ni Fernando ang pagtataas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak sa harap ng bantayog ni Hen. Emilio Aguinaldo sa makasaysayang bakuran ng Simbahan ng Barasoain, ganap na ika-9:00 ng umaga upang gunitain ang ika-124 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na nakaangkla sa temang “Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon Ng Panibagong Bukas (Rise Towards The Challenge Of A New Beginning)”. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Nagpadala ng mensahe sa mga nalungkot na Vilmanians: VILMA, tanggap at nagbigay-pugay sa bagong National Artists na kasama si NORA

Posted on: June 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-GUEST kahapon (June 12) sa All-Out Sundays ang bumubuo sa cast ng Running Man PH, ang adaptation ng South Korean gameshow, na gagawin ng GMA Network.

 

 

Excited na sina Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Buboy Villar, at Mikael Daez. Hindi biro kasi na mapili at makabilang sa cast, at mag-stay ng one or two months sa South Korea.

 

 

The whole cast and production staff will shoot the whole season at the exact location ng original South Korean series! Kung excited na kayong malaman ang iba pang detalye ng bagong gameshow, pwede kayong mag-tweet using the hashtag #RMPhRoadToKorea.

 

 

***

 

 

NALUNGKOT pala ang mga fans ni Rep. Vilma Santos-Recto nang hindi siya makasama sa new set of awardees of National Artists for 2022, na nakasama na this time, si Superstar Nora Aunor.

 

 

Kaya madaling nagpadala ng message ang Star for All Seasons sa kanyang Vilmanians sa private group chat nila matapos nalaman na marami sa kanila ang nalungkot

 

 

Mensahe ni Ate Vi: “Thank you for reaching out. Huwag na kayo maging malungkot. Naniniwala ako na sa mundong ito, if anything is meant to happen, it will find its way.

 

 

“And yes, there is always a time for everything.

 

 

“Maraming salamat sa inyo dearest Vilmanians, sa patuloy at walang humpay ninyong pagsuporta sa akin. Mahal na mahal ko kayong lahat.

 

 

“Isang pagpupugay ang dapat nating ibigay sa ating bagong set of National Artists. Bawat isa sa kanila ay may angking galing at talino na lubos na kahanga-hanga. I sincerely congratulate all of them.

 

 

“Mabuhay kayong mga Vilmanians!”

 

 

***

 

 

SUNUD-SUNOD na nagpu-post ang mga Kapuso stars, ang Sparkadas ng Sparkle GMA Artist Center, na nag-i-invite para sa GMA Thanksgiving Gala, sa pagdiriwang ng kanilang 72nd anniversary.

 

 

Ilan sa mga nag-post at nag-iimbita sina Heart Evangelista, Rodjun Cruz, Zephanie, Ashley Ortega, at Will Ashley.

 

 

Abangan kung kailan gagawin ang gala night na ito at kung saan ang venue ng celebration.

 

 

***

 

 

LAST Friday napanood na sa sport-serye na Bolera si Rayver Cruz bilang si Miguel “El Salvador.” Kasama niya sa serye si Kylie Padilla, Jak Roberto at Ms. Jaclyn Jose.

 

 

Nang i-offer pala kay Rayver ang serye, na-challenge siya kaya niya ito tinanggap, kahit alam niyang mahirap ang role na gagampanan niya, dahil hindi naman siya ganoon kahusay maglaro ng billiard.

 

 

“For me very challenging kasi talagang yung pagti-training sa billiards, hindi pwedeng dayain. Tinuruan talaga kami nina coach Johann Chua at George Gregorio na parehong gold medalists sa katatapos na SEAGames sa Hanoi, Vietnam,” sagot ni Rayver sa interview.

 

 

“Kailangan makuha ko ang tamang pagtira. Kaya ang sarap sa pakiramdam na dahil sa show na ito parang feeling ko professional billiards player na ako;”

 

 

Nasabi rin ni Rayver na magkatulad sila ni Miguel, dahil sa dedikasyon at passion niya sa career at sa personal niyang buhay.

 

 

Gabi-gabing sinusubaybayan ang husay sa paglalaro ng billiards nina Kylie at Rayver sa Bolera after First Lady sa GMA-7.

 

 

 

 

(NORA V. CALDERON)

Pinas ‘di pa handang magtanggal ng face masks – experts

Posted on: June 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa kumbinsido ang health experts sa bansa na magtanggal na ng face masks ang publiko dahil wala pang sapat na “armamentarium” sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

 

 

Ayon kay Rontgene Solante, head ng San Lazaro Hospital’s Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit, sa pagtingin ng mga lokal na eksperto, hindi pa panahon para alisin na ang mandato sa pagsusuot ng face masks, kahit sa open area o outdoors.

 

 

Kahit aniya mababa pa ang mga kaso ng COVID-19, may mga parameter na kailangang suriin, gaya ng vaccination rates at paglutang ng mga bagong variants.

 

 

Idinagdag ni Solante ang pagkatuklas ng highly transmissible Omicron subvariants B.A. 4 at B.A.5 sa bansa ay naka­kabahala dahil may posibilidad na maabutan nito ang B.A.2.12.1.

 

 

“We have these (three) varaints already and we dont know how the extent of local transmission …. We always want to emphasize we cannot compare ourselves with other countries,” ani pa ni Solante.

 

 

“Do you know what the Biden administration is doing now, they are holding a lot of these Paxlovid because they are getting ready that this drug should be available (when COVID-19 case surges),” dagdag pa niya.

 

 

Ang Paxlovid ay isang anti-viral drugs laban sa malalaking COVID-19 infection ay ginagawa sa US-based drug company Pfizer.

 

 

Ang Singapore na nag­luwag man sa face mask ay nag-iimbak naman ng Paxlovid at Molnupiravir na libreng ibinibigay ng gobyerno.

 

 

“If we have that armamentarium in our hands and the government is giving it for free, no problem. We can remove the masks now,” ani Solante.

 

 

Sa Pilipinas aniya, generic version lamang ng Paxlovid ang available na nagkakahalaga ng P8,000 hanggang P10,000 per course. Hindi naman ito available sa lahat ng ospital. (Daris Jose)

QC Health Dept. nagpaliwanag kaugnay sa ‘leaked slide’; siyudad nananatiling nasa Alert Level 1 sa COVID-19

Posted on: June 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPALIWANAG ang pamunuan ng Quezon City Health Department (QCHD) kaugnay sa “leaked slide” na nagpapakitang nasa “yellow status” ang siyudad sa Covid-19.

 

 

Kinumpirma ni Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit Chief, Dr. Rolly Cruz, na totoong sa kanila ang kumalat na kopya ng COVID report slide ng lungsod.

 

 

Subalit ayon kay Dr. Cruz, ito ay paghahanda sa mas pinaigting na monitoring ng COVID cases.

 

 

Sa isang zoom conference, iginiit ng Doktor na ang nasabing slide ay gagamiting gabay ng kanilang tanggapan para sa paghahanda ng mga kinauukulan at hindi para magdulot ng pangamba sa taumbayan.

 

 

Ayon sa Doktor, tatlo ang kulay ng COVID Warning System ng Quezon City white, yellow at red.

 

 

Mayroon itong apat na indicators—-ang Daily Attack Rate, Positivity Rate, Moving Average Rate at Reproduction Rate sa nakalipas na pitong araw.

 

 

Sa ilalim ng White Status ang kaso ng COVID-19 ay below average at stable.

 

 

Sa Yellow Status, 3 sa 4 na indicators ang tumaas at may posibilidad ng surge sa susunod na 14 na araw.

 

 

Dagdag pa ni Dr. Cruz, sa “leaked slide” ng QC-CESU, makikitang nasa Yellow Status ito dahil sa June 9, 2022 report, umakyat sa 26 ang daily average cases sa lungsod.

 

 

Mas mataas ito ng 111.76 porsiyento sa naitala noong mga nakalipas na linggo na naglalaro lamang sa 11-12 cases.

 

 

Aniya, nasa 3.10 porsiyento ang kanilang average testing positivity rate, pasok ito sa 3%-5% bracket sa ilalim ng Yellow Status. (ARA ROMERO)

Mga trabahong inalok sa nationwide job fair ngayong araw sa Araw ng Kalayaan, halos nasa 150-K na – DOLE

Posted on: June 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO sa halos 150,000 na local at overseas na mga trabaho ang inalok sa idinaos na nationwide job fairs kahapon, June 12, na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasuim sa Malolos City.

 

 

Ito ay bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-124 na Araw ng Kalayaan sa Pilipinas.

 

 

Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE), umabot na sa 149, 102 ang bilang ng mga job opportunity sa bansa mula sa 1,160 nakiisang mga employers sa bansa.

 

 

Ayon sa kagawaran, 111, 351 sa mga ito ay pawang mga local employment tulad ng mga trabahong production operator, customer service representative, microfinance officer/loan officer, sewing mechanic, karpintero, at iba pa.

 

 

Habang ang iba naman ay foreign-based na mga kumpanyang mula sa United Arab Emirates, Bahrain, Qatar, Kuwait, Singapore, Taiwan, Japan, Germany, United Kingdom, at Australia na mga nurse,factory worker, household service workers, karpintero, electrician/mason, at cleaner.

Catch the ‘Kilig’ Moments of the New Love Team of Paulo Avelino and Janine Gutierrez in ‘Ngayon Kaya’

Posted on: June 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FOLLOWING the beloved cinema tradition of onscreen pairings, a new love team is born in the tandem of Paulo Avelino and Janine Gutierrez who are starring in their first film together entitled Ngayon Kaya.

 

 

In this movie directed by Prime Cruz and written by Jen Chuaunsu (the creative duo behind romantic masterpieces Isa Pa With Feelings and Can We Still Be Friends), Paulo and Janine portray former buddies Harold and AM, respectively, who have a chance encounter years after their college graduation.

 

 

The unexpected reunion happens when they both arrive late at their friends’ wedding. As Harold and AM catch up during the wedding reception, the memories of their past come flooding back.

 

 

This film comes at the heels of the success of the ABS-CBN teleserye Marry Me, Marry You, wherein Paulo played a rich boy entangled with a poor girl portrayed by Janine. The tables are turned in Ngayon Kaya as Paulo’s character Harold is a shy probinsiyano from a simple family secretly in love with Janine’s outgoing rich girl persona AM.

 

 

Complications in their personal lives prevent Harold and AM from going past the “more than friends but less than lovers” stage during their college days. Now reunited after five years, they contemplate on the “what ifs” of their lives and try to figure out their unresolved feelings.

 

 

Paulo and Janine’s undeniable chemistry has inspired the passion of fans who have christened the pair as “Paunine.” Paulo and Janine have also been attracting crowds and receiving warm response during their latest mall shows to promote the movie.

 

 

Asked what makes their love team click, Janine offers a simple explanation. “Maybe it’s because we’ve known each other for a while,” she says of Paulo. “It also helps to have a leading lady as beautiful as Janine,” Paulo adds smiling.

 

 

Ngayon Kaya opens in theaters on June 22 and produced by T-Rex Entertainment and co-produced by WASD Films, also stars Alwyn Uytingco, John James Uy, Donna Cariaga, Haley Dizon and Ms. Rio Locsin.

 

 

For updates, follow the social media accounts of T-Rex Entertainment on Facebook, Twitter and Instagram.

 

(ROHN ROMULO)

Sec. Lorenzana ‘stable’ ang kondisyon matapos mahilo, nasa hospital ngayon at nagpapahinga – DND

Posted on: June 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NASA maayos na kalagayan ngayon si Defense Secretary Delfin Lorenzana, matapos na mahilo habang dumadalo sa programa ng ika-124th Independence Day ngayong araw, June 12,2022.

 

 

Ayon kay DND head Executive Assistant Peter Paul Galvez, stable ang kalagayan ng kalihim at kasalukuyang nagpapahinga sa isang pribadong hospital.

 

 

” Papahingain muna namin kasi puyat, galing siya sa Singapore, tapos the past few days puyat din siya, daming ginagawa,” pahayag ni Galvez.

 

 

Nilinaw ni Galvez, na hindi nag collapse ang kalihim at conscious ito.

 

 

Samantala, ayon naman kay DND Spokesperson Arsenio Andolong, batay sa impormasyon na ibinigay sa kaniya, nais na ng kalihim na umuwi pero pinigilan siya ng mga doktor, dahil patuloy pa ang ginagawang obserbasyon sa kaniya.

 

 

Kasama ngayon ng kalihim ang kaniyang misis sa hospital.

 

 

Sinabi ni Andolong na biglang nanlabot si Secretary Lorenzana kaya bigla itong nahilo.

 

 

Kararating lang sa bansa ni Lorenzana kaninang ala-1:00 ng madaling araw mula sa kaniyang biyahe sa abroad.

 

 

Nilinaw din ni Andolong na wala pa ang Pangulong Rodrigo Duterte na mangyari ang insidente.

 

 

” Sa pagkaka-alam ko wala pa si Pangulong Duterte, parang si Manila Mayor elect Honey Lacuna ang nandoon katabi niya,” pahayag ni Director Andolong. (Daris Jose)

P500 monthly ‘ayuda’ , iro-roll out bago matapos ang termino ni PDu30

Posted on: June 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng gobyerno na  i-rollout ang ipalalabas na P500 monthly cash aid  para sa mga low income families  bago matapos ang termino ni Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte ngayong buwan.

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD)  spokesperson Director Irene Dumlao na nagpalabas ng  joint memorandum circular  ang Department of Budget and Management, National Economic and Development Authority,  Bangko Sentral ng Pilipinas, at DSWD na naglalaman ng guidelines para sa distribusyon ng  monthly subsidy nitong Mayo.

 

 

Dahil dito,  aniya, “Itong P500 na ayuda, maaari na tayong makapagsimula sa pamamahagi nito bago magtapos ang termino ni Pangulong Duterte.”

 

 

Ang pahayag na ito ni Dumlao ay matapos niyang makumpirma na ang  cash aid  ay nananatiling undistributed, tatlong buwan matapos na aprubahan ito ni Pangulong Duterte.

 

 

Nitong  Marso, ipinag-utos ni Pangulong Duterte na itaas ng P500.oo mula sa  P200.oo  ang  monthly cash aid para sa “poorest of the poor” sa bansa  sa gitna ng tumataas na presyo ng langis at  iba pang pangunahing bilihin.

 

 

Sinabi ni Dumlao  na  ang  target beneficiaries  ay iyong nasa bottom 15% ng populasyon o 12.4 milyong  low income households.

 

 

Aniya, ang mga kuwalipikadong benepisaryo ay kinabibilangan ng nasa ilalim ng Conditional Cash Transfer program,  benepisaryo ng  Social Pension program, at iba pang mahihirap na pamilya  na  may pagkakakilanlan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction ng DSWD.

 

 

Sinabi ni Dumlao, ang  monthly cash grant ay ipagkakaloob ng  P1,000 kada dalawang buwan sa loob ng anim na buwan. (Daris Jose)

Jason Tatum sinisi ang sarili sa pagkatalo ng team, babawi na lang daw sa Game 5

Posted on: June 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINISI ni NBA All-Star Jayson Tatum ang kanyang sarili sa pagkatalo ng Boston Celtics kanina sa kamay ng Golden State Wariors sa Game 4 ng NBA Finals.

 

 

Ayon kay Tatum, responsibilidad niya kung bakit kinapos ang Boston.

 

 

Aniya, kailangan na mas episyente ang kanyang diskarte, maayos na tira para mas umepekto sa kanyang mga teammates.

 

 

Sa kabila nito, nagbigay pugay pa rin si Tatum sa Warriors dahil sa matinding game na ipinakita.

 

 

Sa naging panalo ng Warriors, para sa ibang mga nagmamasid ipinakita raw ni Stephen Curry ang kanyang legendary game na nagbuhos ng 43 points kung saan dinomina ang laro tuwing nasa loob siya ng court.

 

 

Kung mapanatili ng Warriors ang ipinakita kanina hanggang sa Game 5 ay isang panalo na lamang ang kanilang kailangan.

 

 

Gayunman para kay Tatum kumpiyansa pa rin siya na makakabawi sila sa next game at kailangan lang daw ay mabawasan ang kanilang mga turnovers at pag-ibayuhin ang kanilang offensive movement upang hindi madiskaril ang hinahangad nila na ika-18 kampeonato sa prangkisa ng Boston Celtics.