• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 20th, 2022

Simula na ng pag-akyat ng Filipinas sa world stage

Posted on: July 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG pagkopo sa titulo ng 2022 Asean Football Federation Women’s Championship ay simula pa lamang ng pag-akyat ng Philippine women’s national football team sa world stage.

 

 

Blinangka ng Filipinas ang four-time AFF champions na Thailand, 3-0, sa finals sa harap ng higit sa 8,000 fans kamakalawa ng gabi sa Rizal Memorial Football Stadium.

 

 

“For me, we’ve just climbed a hill, but there’s mountains that lay ahead,” sabi ni national head coach Alen Stajcic sa mga Pinay booters na nauna nang nabigo sa mga Thais, 0-1, sa group stage.

 

 

Tinalo naman ng mga Pinay ang Vietnam, 4-0, sa semifinals para umabante sa finals at muling makatapat ang Thailand.

 

 

“Beating Japan, Korea and China, North Korea and Australia is such a more difficult task, so you know, I’m definitely not getting ahead of myself,” dagdag ng Australian mentor.

 

 

Si defender Jessica Cowart ang unang sumipa ng goal para sa Filipinas kasunod ang mga koneksyon nina Katrina Guillou at striker Sarina Bolden para talunin ang Thailand.

 

 

Sumalang ang Filipinas sa training camp sa Turkey at Slovenia at sumabak sa ilang friendlies bago umuwi ng Pinas para lumahok sa AFF tournament.

 

 

Bago pa lumahok sa AFF Women’s Championship ay gumawa na ng kasaysayan ang Filipinas.

 

 

Ito ay nang makakuha sila ng tiket para sa 2023 FIFA Women’s World Cup dahil sa kanilang semifinal finish sa AFC Women’s Asian Cup noong Pebrero dagdag pa ang bronze-medal finish sa 31st Vietnam Southeast Asian Games sa Hanoi noong Mayo.

Fixed salary at iba pang benepisyo para sa opisyal ng barangay

Posted on: July 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BILANG  pagkilala na rin sa importansiya ng barangay sa local governance, ipinanukala ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang paglalaan ng fixed salaries at iba pang benepisyo na nakukuha ng mga regular government employees sa mga opisyal ng barangay.

 

 

Ayon kay Duterte, ang barangay ang nagsisilbing takbuhan ng publiko para resolbahan ang ilang isyu bukod pa sa iba pa nitong tungkulin at responsibilidad.

 

 

“It is high time that our barangay officials be given what is due for them and recognize their vital role in carrying out government activities to the communities,” ani Duterte.

 

 

Sa House Bill 502, isinusulong ng mambabatas ang pagkakaroon ng fixed salary sa barangay officials at pagdeklara sa kanilang bilang regular government employees upang makatangap ng tamang kompensasyon at iba pang benepisyo na tinatanggap ng government employees.

 

 

Bilang basic political unit, nagsisilbi ang barangay bilang primary planning and implementing unit ng government projects, programa at polisiya.

 

 

Ang barangay chairman at miyembro ng barangay council ay tumatanggap ng lamang ng honorarium at hindi fixed na sahod. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

14 DOTr projects na nagkakahalaga ng P1.6 trillion, nasayang dahil sa delays

Posted on: July 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG 14 foreign-assisted Department of Transportation projects na nagkakahalaga ng P1.6 trillion ang nasayang dahil sa delayed implementation.

 

 

Makikita sa annual audit report ng Commission on Audit (COA) para sa DOTr taong 2021, ang mga proyektong ito ay tinamaan ng  mga sumusunod na problema gaya ng “change in project cost, procurement issues,budget and fund flow, design, scope and technical issues, site condition/availability, COVID-19, among other dilemmas.”

 

 

Ang mga delay-affected projects naman ay “Maritime Safety Enhancement Project, EDSA Greenways, Cebu Bus Rapid Transit, LRT Line 1 South Extension Project, LRT Line 2 East Extension Project, Maritime Safety Capability Improvement Project Phase 2, Metro Manila Bus Rapid Transit, Metro Manila Subway Project, MRT3 Rehabilitation Project, New Bohol Airport Construction and Sustainable Environment Protection Project, New Cebu International Container Port Project, New Communications, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management Systems Development Project, North-South Commuter Railway System at PNR Bicol Railway (South Long Haul) Project.”

 

 

“The most common issues encountered by the 14 foreign-assisted projects (FAPs) which caused further delays in the implementation of projects are budget and funds flow, limitations due to COVID-19, and project site condition/availability. Management and/or officers/personnel concerned  have already taken actions to resolve the issues or have prepared/set an action plans/measures to be undertaken to address the said projects ‘ concerns,” ayon sa COA.

 

 

“The said issues, which resulted in prolonged/extended project implementation period and change (increase/decrease) in total project costs and scope, ultimately caused the restructuring of the following projects,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Dahil dito, sinabi ng  audit commission na  12 mula sa  14 na FAPs ay ni-restructured, maliban  sa  New Bohol Airport Construction and Sustainable Environment Protection Project at  New Communications, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management Systems Development Project.

 

 

“It bears stressing that the issues encountered in the implementation of the projects should be immediately addressed to prevent further extension of services/project’s completion/implementation period and consequently incurrence of additional commitment fees/charges in case of extension of the loan validity period,” giit ng COA.

 

 

Sa kabilang dako, inatasan ng COA ang Project Management Offices (PMOs) na regular na magbigay sa National Economic Development Authority (NEDA) Monitoring and Evaluation Staff (MES) at sa  COA Audit Team ng kompletong  quarterly/periodic status reports ng  physical status ng FAP.

Gayundin, ni- require ng COA ang “direct at close monitoring” ng execution ng  action plans na itinakda upang tugunan ang kasalukuyang usapin na kinikilala sa bawat  FAPs upang masiguro ang “smooth and timely implementation” ng  mga proyekto at maiwasan ang  “further delays.”

 

 

Idagdag pa rito, inoobliga naman ng state auditors ang PMOs, officials concerned at iba polang  stakeholders na sangkot sa  procurement at implementasyon ng proyekto na i- execute ang hakbang at gawin ang lahat ng makakaya  “for a prompt and timely completion of projects, or if not, minimize delays, and prevent incurrence of additional commitment fees”.

 

 

Bilang tugon, sinabi ng  Transportation department  na ipinag-utos na nito sa  Rail PMOs na tiyakin ang  “timely provision of required quarterly/periodic status reports to the NEDA-MES and the COA audit team.”

 

 

Samantala, sinabi ng DOTr na lumikha na ito ng  dedicated Monitoring and Evaluation unit para sa  Rail Projects para i- facilitate ang mga nasabing hakbang, “and that incurring commitment fees is not necessarily due to delay in project implementation, since commitment fees are necessarily incurred even for FAPs that are not delayed.” (Daris Jose)

Estudyante sa public schools, ‘di required mag-uniporme sa pasukan

Posted on: July 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NILINAW  kahapon ni Vice President Sara Duterte, na siya ring kalihim ng Department of Education (DepEd), na hindi required ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan na magsuot ng uniporme sa nalalapit na pasukan.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na hindi na dapat madagdag pa ang gastusin sa pagbili ng uniporme sa problema ng mga estudyante at kanilang mga pamilya, sa gitna nang tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin, at kawalan ng pagkakakitaan ngayong panahon ng pandemya ng COVID-19.

 

 

Ayon kay Duterte, kahit noong wala pang pandemya ay hindi istriktong requirement ang pagsusuot ng uniporme sa public schools kaya’t mas lalong dapat na hindi ito gawing requirement sa panahon ngayon.

 

 

Magsisimula ang School Year 2022–2023 sa Agosto 22, 2022 hanggang sa Hulyo 7, 2023.

 

 

Ang limang araw naman na face-to-face classes ay kailangan nang ipatupad simula Nobyembre 2 sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa bansa.  (Daris Jose)

PBBM, target ang government-to-government deals para sa pagbili ng fertilizer

Posted on: July 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isulong ang  government-to-government talks para tugunan ang tumataas na presyo ng  fertilizers.

 

 

Naniniwala kasi si Pangulong Marcos na maaaring makabili ang pamahalaan ng mas murang fertilizers sa pamamagitan ng  government-to-government deals.

 

 

Kinokonsidera ng Chief Executive ang makipag-usap sa  China, Indonesia, United Arab Emirates, Malaysia at Russia para sa pagbili ng fertilizers.

 

 

“Gusto tayong tulungan, gusto tayong lapitan, eh ‘di take advantage naman tayo, ‘di ba? Sige bigyan ninyo kami ng fertilizer na medyo maganda-ganda ang presyo. That’s the whole point of G2G,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang meeting kasama ang mga opisyal ng Department of Agriculture.

 

 

“I’m thinking would it be useful for us if sulatan ko silang lahat… and I’ll say that we are in the market to buy this volume of fertilizer,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa kabilang dako, inatasan naman ng Punong Ehekutibo ang mga opisyal ng DA na mag-provide ng  data hinggil sa  “source and price” ng  fertilizers” at ang  distribution plan ng departamento sa planting season.

 

 

Itinutulak din ng Pangulo ang farm-to-market road masterplan na ayon sa kanya ay makatutulong na tiyakin ang  food security sa bansa.

 

 

Ang FMR masterplan ayon kay Pangulong Marcos  ay magsisilbing gabay ng gobyerno sa  pagpo-promote ng food security at  naglalayong palakasin ang rural communities. (Daris Jose)

Patuloy ang pagtangkilik sa MRT 3 kahit wala ng libreng sakay

Posted on: July 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY NAITALANG daily average na 300,000 na pasahero ang sumakay sa Metro Rail Transit 3 (MRT3) kahit na tapos na ang libreng sakay na nagpapatunay ang patuloy na pagtangkilik ng publiko sa rail line.

 

 

 

Ayon sa datus ng MRT 3, may kabuohang 321,978 na pasahero ang sumakay ng MRT 3 noong nakaraang Lunes habang may 317,351 na pasahero naman ang sumakay noong nagdaan Martes.

 

 

 

“During the implementation of the libreng sakay from March 28 to June 30, the EDSA rail line recorded surges in daily passenger headcount that surpassed the 300,000-level and even reached over 380,000 passengers last June 10,” wika ng pamunuan ng MRT 3.

 

 

 

Nalagpasan pa nito ang dating records ng daily average na 250,000-300,000 ng pasehero bago pa ang pandemya ay mangyari sa bansa noong 2020.

 

 

 

Samantala, nag-ulat naman si bagong Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista kay President Ferdinand Marcos na sumakay siya ng MRT 3 na hindi nakikilala ng mga tao bilang isang pasahero sa estasyon ng GMA-Kamuning hanggang Taft Avenue.

 

 

 

Nalaman ni Bautista na kahit na walang na ang programa sa libreng sakay ay marami pa rin ang mga pasahero sa MRT3 dahil sa ito ay “fast and comfortable” na paraan ng paglalakbay at kahit na mahaba ang pila sa mga estasyon at boarding sa mga coaches.

 

 

 

Ayon kay Bautista kanyang isinusulong ang kanyang rekomendasyon na magkaron ng karagdagang platform waiting seats para sa mga senior citizens, disabled persons at pregnant women. Pinalalagyan rin niya ng karagdagan Consumer Welfare Desks upang maging accessible sa lahat ng pasahero at dagdagan pa rin ang mga X-ray machines. Pinadaraagdagan din ni Bautista ang ticket counter complement at maging available parati ang medical technicians sa lahat ng estasyon. Gusto rin niya na isulong ang paggamit ng stored-value tickets kaysa sa single-journey tickets upang mabawasan ang pila sa mga estasyon at maging maayos ang onboard announcements.

 

 

 

Sa kabilang dako naman, inulat naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may naitalang 148 million na pasahero ang nag avail ng libreng sakay sa buong bansa sa ilalim ng progamang 3rd phase ng service contracting na sinumulan noong April.

 

 

 

“We have recorded a total number of 148,670,446 riders nationwide under the Service Contracting Program (SCP) Phase 3, from April 11 to July 4, 2022,” saad ng LTFRB. Halos lahat ng regions sa bansa ang ay may programa ng SCP maliban lamang sa Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao.

 

 

 

Sa ilalim din ng programa sa service contracting, ang PUV operators ay bibigyan ng one-time incentive na P5,000 kada unit bilang “pre-operating costs” habang ang operational incentives ay ibibigay kada linggo. Kasama rin dito ang gastos para sa fuel, disinfection, monthly amortization at iba pang overhead na gastos.

 

 

 

“The agency continues to believe that the additional income for participants as well as the fare saved by the commuters will be a big help to meet their daily needs, especially now that many of our countrymen continue to have their livelihoods affected because of the COVID-19 pandemic and continued increases in fuel and commodities,” sabi ng LTFRB.

 

 

 

Ang programang ito ay inilungsad sa ilalim ng Republic Act 11494 o ang tinatawag na Bayanihan To Recover as One Act kung saan ito ay naglalayon na magbigay ng pansamantalang kabuhayan sa mga mangagawa sa sektor ng transportasyon sa gitna ng pandemya.

 

 

 

“The latest implementation of the program was included in the General Appropriation Act (GAA) for the Fiscal Year 2022 and aims to ensure efficient and safe operations of PUVs, provide financial support to transport operators and workers, and sustain support to Filipino workers and commuters,” dagdag ng LTFRB  LASACMAR 

Mga consumers, hinimok ng pamahalaan na mamili sa mga malalaking mga supermarkets at groceries

Posted on: July 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PARA makatipid at matiyak na tugma ang SRP sa item na bibilhin ng mga consumers, pinayuhan ni Trade and Industry undersecretary Ruth Castelo na sa mga malalaking pamilihan o sa wholesalers pumunta at bumili ng kailangan upang kahit paano’y makamenos sa mga panahong ito.

 

 

Ani Castelo, hindi lang compliant kundi mas mababa pa sa itinakdang suggested retail price o SRP ang ilang mga ibinibentang produkto sa mga malalaking supermarkets at groceries.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Castelo na lumalabas na may nakita silang mga produkto na mas mababa pa ng dalawang piso kaysa sa itinatakda nilang  SRP ang ibinibenta sa malalaking supermarkets.

 

 

Ito’y sa harap na rin ng patuloy nilang pagmomonitor ng SRP sa iba’t  ibang mga pamilihan.

 

 

Samantala, may iba pang produkto na hanggang apat na piso pang mas mababa sa SRP. (Daris Jose)