• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 21st, 2022

DepEd at DSWD, bumida sa pangatlong cabinet meeting ni PBBM

Posted on: July 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT na sa pangatlong cabinet meeting ang pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ngayong araw.

 

 

Tinalakay ng Department of Education ang kanilang  Priority Programs and Projects para sa Basic Education habang ipinrisinta naman ng Department of Social Welfare and Development ang kanilang sariling  Programs and Projects para sa Social Welfare.

 

 

Nagbigay naman ng maikling deklarasyon si DSWD Sec. Erwin Tulfo hinggil sa  Pantawid Pamilyang Pilipino program kung saan may  1.3 milyong benepisaryo mula sa  4.4 ay hindi na nito  kinokonsiderang  “poor” o mahirap bilang kuwalipikado para sa  4Ps benefits.

 

 

“This frees up P15B for other qualified persons to replace them and now be included in the said program,” ayon kay Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles.

 

 

Lumalabas sa records ng COA na nasa kabuuang P1.753 billion cash assistance o ayuda ang bigong maipamahagi ng DSWD field office sa NCR habang nasa P155.094 million cash aid naman sa field office Region 6.

 

 

Ang cash subsidy sa ilalim ng SAP – Emergency Subsidy Program (ESP) ay inilaan para sa Bayanihan to Heal as One Act or “Bayanihan 1″ kung kaya’t ang hindi naipamahaging halaga ay ibinalik sa Bureau of Treasury (BTr) nang magpaso ang batas noon pang 2020.

 

 

Ayon sa COA, ang halaga ng cash advances na ni-refund ng Special Disbursing Officers at Accountable Officers mula sa field office sa NCR ay mas mataas pa kumpara sa naibigay na cash aid sa SAP beneficiaries.

 

 

Sa report ng COA, nakasaad na ang refunds ay nag-ugat sa mahina raw na pagpaplano at monitoring sa parte ng mga nag-iimplementa ng naturang programa dahil nasa 15% hanggang 30% lamang ang payment turnout kumpara sa refunds mula sa kabuuang iginawad na cash advances.

 

 

Naobserbahan din na ang schedules ng payouts ay hindi natukoy bago balangkasin ang cash advances para sa SAP.

 

 

Maliban sa pagsasagawa ng deduplication process ng DSWD sa SAP beneficiaries, ang iba pang dahilan na nakita batay sa NCR field office sa kabiguang maipamahagi ang SAP aid ay ang isyu sa pakikipag-coordinate sa LGUs lalo na pagdating sa pagsisimula ng pagrolyo ng payout ng SAP beneficiaries dahil sa restriksyon bunsod ng COVID-19 pandemic.

 

 

Paliwanag pa ng FO NCR na mayroon ding sariling programa ang LGUs na urgent gaya ng SAP.

 

 

Samantala, nagpaliwanag din ang DSWD field office sa Western Visayas sa mababang distribution rate.

 

 

Ito ay dahil umano sa kawalan ng accurate na listahan ng mga benepisaryo bunsod ng kawalan ng kapasidad ng DSWD na mag-install ng karampatang monitoring at control mechanism sa pagbibigay ng SAP aid sa pamamagitan ng service provider.

 

 

Nagresulta ito sa incoherence ng undistributed grant na hindi naipamahagi ng mga program implementers.

 

 

Kung kaya’t malaking halaga ang hindi nagamit sa pondo ng gobyerno ang ni-refund na lamang matapos ang 2 hanggang 6 na buwan na nagamit pa sana bilang ayuda sa mga mahihirap sa gitna ng pandemiya.

 

 

Kaugnay nito, inirekomenda ng COA sa DSWD na atasan ng ahensiya ang kanilang regional directors at program implementers na planuhing maigi ang paggawad ng cash advances sa mga Special Disbursing Officers at Accountable Officers para ganap na matugunan ang mga pangangailangan sa naturang programa.

 

 

Samantala, nasa kabuuang P2.552 billion sa cash advances na ipinamahagi ng DSWD sa mga SDOs at AOs kaugnay ng pamamahagi sa SAP ang nananatiling unliquidated.

 

 

Inirekomenda ng COA sa DSWD na i-demand ang lahat ng SDOs at AOs na magsumite ng kaukulang liquidation documents at agarang i-refund ang lahat ng unexpected balance kaugnay ng SAP implementation. (Daris Jose)

4 ginto sinikwat ni Ramos

Posted on: July 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

APAT  na gold, isang silver at isang bronze medal ang inangkin ni Rose Jean Ramos sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

 

 

Dinomina ng 17-anyos na si Ramos ang labanan sa snatch (70 kgs), clean and jerk (83 kgs) at total lift (153 kgs) sa women’s 45-kilogram youth division (13-17 years old).

 

 

Isang ginto rin ang kinuha ng tubong Zamboanga City sa snatch (70 kgs) at tig-isang pilak sa total lift (153 kgs) at tansong medalya sa clean and jerk 83 kgs) sa junior’s division (15-20 years old).

 

 

“Congratulations,” sabi ni Tokyo Olympics gold meda­list Hidilyn Diaz sa kanyang kababayang si Ramos na isa sa mga sinasabing susunod sa kanyang mga yapak.

 

 

Nauna nang humakot ang 15-anyos na si Angeline Colonia ng dalawang gold at isang silver medal tampok ang pagbasag sa world at Asian records sa women’s 40kg category.

 

 

Nakatakda namang bumuhat ang 16-anyos na si Rosegie Ramos at ang 18-anyos na Asian at Southeast Asian Games champion na si Vanessa Sarno sa kanilang mga weight divisions.

Sagot niya, “Should I remove mine? Labo mo tol”: HEART, pumatol na naman sa basher na pumansin sa ‘boobs’ niya

Posted on: July 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NI-RETWEET ni Heart Evangelista ang pinost ng GMA News tungkol sa painting collaboration nila ng Incubus frontman na si Brandon Boyd.

 

 

Kahit marami ang natuwa at nag-congratulate sa Kapuso actress at fashion icon, meron at meron pa ring papansin at walang magawang maganda na basher.

 

 

Sa photo nina Heart at Brandon makikikita na sumisilip ang cleavage at sides ng boobs ng aktres, kaya pinansin ito ng basher at pinagtripan.

 

 

Comment nga matapang na netizen, “It’s all about the boobs for heart nowadays.”

 

 

Sagot naman ng follower ni Heart, “Hoy mukhang pwet, sa ugali ka na nga lang babawi hindi mo pa magawa? kung ganyan ka talaga ka insecure ayusin mo yang sarili mo hindi yung tahol ng tahol ka dyan, kaya miserable yung buhay mo eh, desurb.”

 

 

Ni-repost naman ni Heart ang naging komento ng basher at sinagot ng, “Men and women have boobs. Should I remove mine? You tell me 🙂 since you are very logical .:) labo mo tol.”

 

 

Say naman ng isang netizen kay Heart, “Just ignore the stupid people.”

 

 

“Don’t worry I was just having fun,” reply naman ng aktres, kasama ang clinking glasses emoji.

 

 

Comment pa ng mga netizens sa entertainment blog:

 

 

“Ang daming hater ni Heart at madalas it is because she is not a housewife or a mom at her age.”

 

 

“Ang daming bashers ni Heart, mostly about being the opposite of what a late 30’s woman is doing. Either housewife or nanay si Heart, yun ang gusto ng mga bashers.”

 

 

“Insensitive and paladesisyon ang mga tao. Not everyone wants to be a mother, hindi rin lahat nabibiyaan ng anak. Let her be.”

 

 

“Mga haters talaga lahat papansinin. Itanim mo sa utak mo ito. Kapag inggit, pikit na lang ha?! Walang magagawa yan pagba-bash mo.”

 

 

“Inggit lang yan bashers. She is almost 40s pero ganyan pa rin kapayat at young looking. Kung ganyan lang ako kapayat baka nagbikini na ako sa labas sa init here sa Europa. 🤣”

 

 

“Ang point naman ni Heart, since may boobs naman siya, hindi ba pwedeng may pa-cleavage reveal sa mga outfits niya lately?”

 

 

“kakainis yun “tol” lol trying hard.”

 

 

“She’s showing her fit body lang siguro as a result sa strict diet niya.”

 

 

“Kung ganyan din katawan ko sa edad niya, eh mag bikini din ako habang keri noh.”

 

 

“Masyadong triggered at sensitive ang mga Pinoy sa boobs. Si Brandon nga walang pake.”

 

 

“Heart shouldn’t get offended. Even maybe her, can notice her styles these days. Free those Boobs kinda game! And nothing wrong with that naman.”

 

 

“Ewan ko sayo Heart. Pwede mo naman di na patulan yan. Hay!”

 

 

“Pag may nang away or nang bash sayo, tatahimik ka nalang ba?”

 

 

“I get it na dapat patulan minsan ang bashers pero mas class lang sana sa side kung dedma na lang sha. Wala naman kwenta yung comment ng basher.”

 

 

“Baka ang meaning nung tweet ay may pagka sexy na yung mga outfit ni Heart E.”

 

 

“These people commenting about why she is showing sexiness which include flaunting her boobs because she is a fashion influencer. If you don’t know her background, watch her vlogs. It is all about fashion. Itigil na yang pagiging conservative ninyo. It’s 2022.”

 

 

“Heart is not the type to show too much skin. Mga bashers talaga 😂”

 

 

Samantala, pinost naman ni Brandon sa Instagram account ang naturang art collab nila ni Heart na pinusuan ng mga followers nila, na kung saan looking forward daw ito na makagawa pa sila ng mas maraming paintings.

 

 

“It’s finally here and it’s almost sold out! Mine and @iamhearte ‘s painting collaboration ‘Neon People’ is available in two sizes at www. moonlightartscollective.com . It was so much fun working with you Love, and I look forward to painting more in the future! ❤️”

 

 

(ROHN ROMULO)

Russian tennis player Daria Kasatkina inaming may karelasyong na kapwa babae

Posted on: July 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBINUNYAG  ni Russian tennis player Daria Kasatkina na ito ay gay.

 

 

Ayon sa world ranked number 12 na siya ay mayroong nakarelasyon na isang babae na si figure skater Natalia Zabilako.

 

 

Lumabas ang espekulasyon matapos na makita ang larawan ng dalawa sa social media.

 

 

Dagdag pa nito naging mahirap sa kaniya ang paglabas sa tunay na kasarian niya lalo na at mahigpit ang batas sa Russia laban sa kanila.

Fernando, nanawagan sa mga Bulakenyo na magpa-COVID booster shot

Posted on: July 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS- Nananawagan si Gobernador Daniel R. Fernando sa mga Bulakenyo na magpabakuna ng karagdagan laban sa COVID-19 kasabay ng pagharap ng lalawigan sa tumataas na bilang ng mga positibong kaso.

 

 

“Bagaman hindi pa gaanong kalala ang pagtaas ng kaso ng COVID dito sa ating lalawigan kumpara sa mga karatig nating lugar, nananawagan po ako sa ating mga kalalawigan na huwag nang hintayin ang paglala ng sitwasyon ng COVID bago tayo umaksyon. Bukas po ang ating mga vaccination sites upang makapagpa-booster tayo, at bigyan ang ating mga sarili ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19,” anang gobernador.

 

 

Sa ulat ni Provincial Health Officer II Dr. Hjordis Marushka B. Celis kahapon sa ginanap na online na Lingguhang Pagtataas ng Watawat, sinabi niya na nakapagbakuna na ang Pamahalaang Panlalawigan ng kabuuang 5,756,301 bakuna kontra COVID at 647,334 lamang dito ang booster shots.

 

 

Binanggit din niya na 2,490,490 o 82.63% ng eligible na populasyon ang kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19.

 

 

Samantala, ibinahagi rin ni Celis na kasalukuyang ipinatutupad ng Bulacan Medical Center ang Appointment System upang maiwasan ang pagdagsa ng pasyente sa Out-Patient Department at mailayo sila sa posibilidad ng pagkalat ng virus.

 

 

Maaaring tumawag ang mga Bulakenyo sa BMC Hotline sa (044) 482-4207 o magpa-rehistro sa OPD Online Appointment sa www.facebook.com/BMCOPDKonsulta upang makapag-iskedyul ng pagbisita sa ospital mula Lunes hanggang Sabado.

 

 

Dagdag pa ni Celis, tatanggapin ang mga emergency na kaso sa ospital, 24 oras sa isang araw.

 

 

Nakapagtala ng 660 bilang ng aktibong kaso sa Bulacan noong Hulyo 18 habang sa kabuuan, nagkaroon ang lalawigan ng 110,617 beripikadong kaso ng COVID-19, 108,225 na paggaling, at 1,732 na pagkamatay. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

DSWD, bigong maipamahagi ang P1.9-B SAP subsidy – COA report

Posted on: July 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AABOT umano sa 1.9 billion ang halaga ng Social Amelioration Program (SAP) subsidy ang bigong maipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga benepisaryo ng naturang ayuda base sa latest report mula sa Commission on Audit (COA).

 

 

Sa 2021 annual audit report ng COA sa DSWD, nakasaad na ang iginawad na Cash Advances (CAs) sa Special Disbursing Officers (SDOs)/Accountable Officers (AOs) ng DSWD Field Office sa National Capital Region at Region 6 o Western Visayas para sa implementasyon ng SAP na nagkakahalaga ng P1,908,536,000 ang hindi umano naipamahagi sa mga benepisaryo na napagkaitan ng kinakailangang financial assistance sa kasagsagan ng pandemya.

 

 

Lumalabas sa records ng COA na nasa kabuuang P1.753 billion cash assistance o ayuda ang bigong maipamahagi ng DSWD field office sa NCR habang nasa P155.094 million cash aid naman sa field office Region 6.

 

 

Ang cash subsidy sa ilalim ng SAP – Emergency Subsidy Program (ESP) ay inilaan para sa Bayanihan to Heal as One Act or “Bayanihan 1″ kung kaya’t ang hindi naipamahaging halaga ay ibinalik sa Bureau of Treasury (BTr) nang magpaso ang batas noon pang 2020.

 

 

Ayon sa COA, ang halaga ng cash advances na ni-refund ng Special Disbursing Officers at Accountable Officers mula sa field office sa NCR ay mas mataas pa kumpara sa naibigay na cash aid sa SAP beneficiaries.

 

 

Sa report ng COA, nakasaad na ang refunds ay nag-ugat sa mahina raw na pagpaplano at monitoring sa parte ng mga nag-iimplementa ng naturang programa dahil nasa 15% hanggang 30% lamang ang payment turnout kumpara sa refunds mula sa kabuuang iginawad na cash advances.

 

 

Naobserbahan din na ang schedules ng payouts ay hindi natukoy bago balangkasin ang cash advances para sa SAP.

 

 

Maliban sa pagsasagawa ng deduplication process ng DSWD sa SAP beneficiaries, ang iba pang dahilan na nakita batay sa NCR field office sa kabiguang maipamahagi ang SAP aid ay ang isyu sa pakikipag-coordinate sa LGUs lalo na pagdating sa pagsisimula ng pagrolyo ng payout ng SAP beneficiaries dahil sa restriksyon bunsod ng COVID-19 pandemic.

 

 

Paliwanag pa ng FO NCR na mayroon ding sariling programa ang LGUs na urgent gaya ng SAP.

 

 

Samantala, nagpaliwanag din ang DSWD field office sa Western Visayas sa mababang distribution rate.

 

 

Ito ay dahil umano sa kawalan ng accurate na listahan ng mga benepisaryo bunsod ng kawalan ng kapasidad ng DSWD na mag-install ng karampatang monitoring at control mechanism sa pagbibigay ng SAP aid sa pamamagitan ng service provider.

 

 

Nagresulta ito sa incoherence ng undistributed grant na hindi naipamahagi ng mga program implementers.

 

 

Kung kaya’t malaking halaga ang hindi nagamit sa pondo ng gobyerno ang ni-refund na lamang matapos ang 2 hanggang 6 na buwan na nagamit pa sana bilang ayuda sa mga mahihirap sa gitna ng pandemiya.

 

 

Kaugnay nito, inirekomenda ng COA sa DSWD na atasan ng ahensiya ang kanilang regional directors at program implementers na planuhing maigi ang paggawad ng cash advances sa mga Special Disbursing Officers at Accountable Officers para ganap na matugunan ang mga pangangailangan sa naturang programa.

 

 

Samantala, nasa kabuuang P2.552 billion sa cash advances na ipinamahagi ng DSWD sa mga SDOs at AOs kaugnay ng pamamahagi sa SAP ang nananatuiling uinliquidated.

 

 

Inirekomenda ng COA sa DSWD na i-demand ang lahat ng SDOs at AOs na magsumite ng kaukulang liquidation documents at agarang i-refund ang lahat ng unexpected balance kaugnay ng SAP implementation. (Daris Jose)

Mahigit P310-M, naibigay na sa mga operator ng EDSA Carousel

Posted on: July 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAPALO  na raw sa mahigit P310 million ang nailabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pondo bilang bayad sa bus operators ng EDSA Carousel matapos ma-delay ng dalawang linggo.

 

 

Tiniyak naman ni LTFRB chairperson Atty. Cheloy Garafil na sapat ang kanilang pondo para sa sahod ng mga bus operators sa ilalim ng free ridership program ng pamahalaan.

 

 

Iginiit naman ni Garafil na ipa-fast track at tutugunan nila ang payment issues kaugnay ng EDSA Bus Carousel hanggang sa katapusan ng buwan ng Hulyo.

 

 

Una rito, inanunsiyo ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palawigin pa ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel hanggang December ngayong taon.

 

 

Sa ilalim ng service contracting program, ang mga public utility vehicle (PUV) operators at drivers na makikilahok sa free ridership program ng pamahalaan ay makakatanggap ng one-time payout at weekly payments base sa kilometerong nabiyahe ng mga ito kada linggo mayroon o wala silang pasahero.

“The Black Phone” Rings Beyond the $100M-mark Global Box-Office

Posted on: July 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

RINGING beyond the $100M-mark global box-office, Universal Pictures’ The Black Phone has successfully brought in the horror genre fans once again to the cinemas and continues to do so, making it one of the “biggest non-sequel horror” films to-date.

 

 

The Black Phone is now showing in Philippine cinemas, starring a subtle powerhouse of veteran and young talents led by Ethan Hawke along with Mason Thames and Madeleine McGraw who continue to earn praises and raves for their work in the film.

 

 

The Black Phone is based on the short story by Joe Hill (son of legendary horror author Stephen King) where Ethan Hawke takes on the role of The Grabber, a child abductor and serial killer. Both the short story and the film follow 13-year-old Finney (Thames), abducted by The Grabber in a small town in northern Denver. Locked in the killer’s soundproof basement, Finney discovers that he can hear the killer’s previous victims through a disconnected black rotary phone on the wall.

 

 

In most films about child abduction or serial killers, the victim needs to be rescued by an intrepid, driven detective or other adult. In The Black Phone, the well-meaning adults are essentially useless and the kids – Finney himself, the voices of the dead boys on the phone, and especially Finney’s younger sister, Gwen (McGraw) – are the only people who can possibly save Finney from certain torture and death.

 

 

Beyond the blood-chilling terror, it’s a film about the strength of children, their ability to believe in unseen forces, and the power of family and love to endure even the darkest, most unthinkable events.

 

 

Set in the ‘ 70s, for Gen Xers, this was a time without anti-bullying initiatives, where, for boys in particular, learning to defend yourself against mean kids was considered a normal rite of passage.

 

 

“My earliest memory up until high school was the violence of the neighborhood that I lived in,” director Derrickson says. “The primary feeling that I remember having as a child was fear. I was the youngest kid on the street full of bullies.”

 

 

Hawke was, in fact, hesitant at first since The Grabber is a failed magician who is shrouded in darkness.

 

 

“Some part of The Grabber’s soul has been so eroded that he can justify doing things that most of us can’t even think about,” Hawke says. “It’s hard to play that level of malevolency because it’s impossible to justify.”

 

 

The script, and in particular the relationship between Finney and his sister Gwen, changed his mind. “I thought it was special because, yes, it’s a scary movie, but it has a heart of gold,” concludes Hawke.

 

 

The Black Phone is rated R-13 by the local censors board (MTRCB), only 13 years old and above are allowed inside the cinema.

 

 

(ROHN ROMULO)

 

Pinuna ang character ni Sharon na nabaril na pero buhay pa: Action-serye ni COCO, pitong taon na at malabo pang matapos

Posted on: July 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HABANG papalapit ang 7th anniversary sa ere ng FPJ’s Ang Probinsyano, lagi pa rin kami nakababasa ng mga comments sa social media na sana raw ay tapusin na ng ABS-CBN ang action-serye ni Coco Martin.

 

Sabi ng mga netizens, nakakasawa na raw ang takbo ng kwento. Feeling nila ay niloloko na lang daw ang mga tao kasi hindi na raw makakatotohan ang takbo nito.
From FPJ’s Ang Probinsyano ay parang tumalon daw ang kwento nito sa Ang Panday dahil sa paglabas ni Coco sa isang episode na may hawak na espada.

 

Pinuna rin nila ang eksenang nabaril si Aurora (Sharon Cuneta) at akala din namin ay namatay na siya. Pero buhay pa pala at sabi ng netizens, nakuha pang makipagtalik kahit may sugat sa tama ng baril.

 

Pero sabi ng isang cast member na aming nakausap tuloy pa rin ang taping nila ng show at malabo pang matapos ang FPJAP, not in the immediate future.

 

Sabi naman ng defenders ng show, kung naiinis kayo sa takbo ng kwento ng FPJAP, pwede naman silang hindi manood.

 

***

 

NAKASALI si Direk Ivan Payawal kay Ash Malanum sa pagsusulat ng script ng PaThirsty.
Mas kilala kasi ni Ash ang mga characters ng Gameboys kung saan nagmula ang karakters nina Mayora (Adrianna So) at Achilles (Kych Minemoto).

 

Kaya may input din si Direk Ivan sa mga karakter, pati sa casting.

 

For the role of Ali, ang anak ng resort owner, choice nilang lahat si Alex Diaz, who proved he is not just a pretty face but he can act.

 

Natuwa rin si Direk Ivan na nag-blend ang casting nila ng anim na characters.

 

“Minsan akala mo okay sila magkakasama pero pagdating sa set, wala palang chemistry. I must say na perfect ang casting naming sa movie,” sabi ni direk Ivan.

 

Very generous daw ang cast at nagtutulungan to make every scene work.

 

Mahirap daw ang shoot nila ng PaThirsty pero parang connected silang lahat, the stars and the production kaya nag-enjoy sila working sa pelikula.

 

The movie also stars Chad Kinis, Bob Jbeile and Kate Alejandrino.

(RICKY CALDERON)

Ads July 21, 2022

Posted on: July 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments