HININGI ni Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers sa Kongreso na gumawa ng isang imbestigasyon sa pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) na ginagawa ng mga local government units (LGUs) at ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Dahil na rin sa mga reklamo ng mga motorista lalo na ang mga motorcycle-riding delivery men sa mga alegasyon ng malpractice sa pagpapatupad ng NCAP na ayon sa kanila ay nagpapataw ng mataas na multa ng wala naman due process.
“The NCAP system is laudable since the intent is to discipline erring, abusive or wayward drivers,however, the drivers and the public should be enlightened about the details of its implementation to stop abuses” wika ni Barbers.
Sa ilalim ng NCAPsystem, ang mga bawat LGUs o MMDA ay siyang nagbibigay ng mga notices at mails derecho sa mga registered owner ng mga sasakyan. Ang hindi pagbabayad ng multa sa itinakdang araw ng mga sasakayan na sangkot sa violation ay hindi papayagan na marehistro.
Dagdag pa ni Barbers na ang NCAP ay nagiging isang parusa sa mga motorista na maaaring pagsimulan ng corruption.
Ayon pa sa kanya ang pagpapataw ng mataas ng multa ng mga traffic enforcers ng NCAP ay isang paglabag sa Constitution.
“There is no law, ordinance or regulation prohibiting vehicle registration due to non-payment of fines for traffic violations. We need to change our traffic management system, and I am fully in support of the intent of NCAP but this early, we need further enlightenment on this policy so that there would be less or no more complaints from motorists in the days to come,” dagdag ni Barbers.
Samantala, ang Land Transportation Office (LTO) naman ay huming na magkaron ng pag-uusap ang mga LGUs sa mga opisyales ng LTO upang marepaso ang NCAP.
“I appealed to LGUs to sit down with the agency and iron out the implementing rules and regulations in the wake of widespread complaints from motorist,” saad ni LTO assistant secretary Teofilo Guadiz.
Ayon sa kanya ang mga operators ay siyang nagrereklamo at napipilitan na magbayad ng mataas na multa sa mga traffic violations na dapat sana ay ang mananagot ay ang mga drivers.
Kung kaya’t pag-aaralan ng LTO ang nasabing polisia upang ang mga drivers ang siyang maging liable sa mga traffic offenses.
Mayron naman mga issues na kung saan ang mga sasakyan na involved ay nabenta na sa ibang may-ari subalit hindi pa naililipat ang ownership sa bagong may-ari ng sasakyan.
“There are also instances wherein the name of the owner of the vehicle has been changed, and yet since this was not immediately registered with the LTO, it’s the former owner of the vehicle who is being asked to pay the fines,” dagdag ni Guadiz.
Handa naman ang LTO na tumulong sa mga LGUs at MMDA sa pagpapatupad ng NCAP. Kailangan lamang na ayusin ang NCAP para magkaron ng isang epektibong pagpapatupad nito upang magkaron ng magandang daloy ng trapiko sa mga lansangan ng kalakhang Maynila. LASACMAR