• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 5th, 2022

Para sa travel and lifestyle show na ‘#MaineGoals’: MAINE, kinabog ang mga kalaban sa 27th Asian Television Awards

Posted on: December 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

CONGRATULATIONS to phenomenal star Maine Mendoza! 

 

 

Nagbunga ang pagiging professional ng actress/host, na kahit noong panahon ng pandemic ay tuluy-tuloy pa ring nagti-taping ng kanyang travel and lifestyle show na #MaineGoals sa BuCo Channel, for two seasons.

 

 

Si Maine kasi ang napiling Best Entertainment Presenter/Host for #MaineGoals, sa katatapos na 27th Asian Television Awards, ang largest in content, entertainment, and broadcast awards in Asia Pacific.  Nagwagi siya laban sa mga nominees from around Asia, like Singapore, India, Taiwan and Thailand.

 

 

Very memorable ang panalong ito ni Maine dahil ito ang first solo hosting project niya.  Ginanap ang awards night sa Aliw Theatre, Pasay, City, last Thursday evening. December 1.

 

 

1Sayang at hindi personal na natanggap ni Maine ang award dahil nasa taping naman siya ng isa pa niyang TV show, ang “Daddy’s Gurl.”  Ayon sa mga hosts nang gabing iyon, malalaman daw kung paano matatanggap nang personal ni Maine ang kanyang award dahil may second night pa ang 27th ATV Awards on December 8, na sa Singapore na gagawin.

 

 

***

 

NAG-START na palang mag-training si Kapuso actress Kylie Padilla para sa upcoming action-fantasy-series ng GMA na muli niyang makakasama ang kanyang ‘Encantadia’ sisters na sina Gabbi Garcia at Sanya Lopez.

 

 

Na ayon sa interview sa kanya sa “24 Oras,” ay nag-flashback nga silang tatlo during their practice ng martial arts at arnis training nila.

 

 

Tanungan nga raw sila kung Encantadia part two na raw iyong gagawin nila?

 

 

“Pero hamon pa rin sa akin ang magiging role ko sa nalalapit naming mega serye,” sabi ni Kylie.

 

 

“Mas realistic kasi iyong bakbakan, I feel very, very happy to be part of another show that shows the strength of women.  Kaya nga humingi ako ng tulong sa tatay ko (Robin Padilla).  Tinawagan ko siya at sabi ko, “Pa, tulungan mo naman ako.  Ano pwede kong gawin?”

 

 

“So, ayun, siya na ang nag-connect-connect.  Pupunta na lang ako roon, kinakabahan nga ako, siyempre iba iyon, mahirap iyon.”

 

 

Hindi pa namin alam kung sinu-sino ang makakasama nila sa mega-serye, pero ang isa ay ang bagong Kapuso hunk na si Vin Abrenica, ang brother-in-law ni Kylie sa husband niyang si Aljur Abrenica.

 

 

***

 

 

KAHAPON, December 4, finale episode na ng biggest game show na “The Wall Philippines,” hosted by Billy Crawford sa GMA-7.

 

 

Naging contestants ang mga Kapuso top actresses  na sina Andrea Torres at Max Collins.

 

 

Congratulations sa mag-best friends, they won ₱ 1,709,913 na isi-share sa project nila sa mga may down syndrome.

 

 

Ayon pa kay Billy, abangan ang susunod na season ng ‘The Wall Philippines.’

 

 

Ngayong tapos na ni Billy ang pagho-host ng game show, matuloy na kaya ang balak nila at ng wife niyang si Coleen Garcia na tuluyan nang manirahan sa France nang matagalan.

 

 

May bago kasing pinagkakaabalahan doon si Billy matapos niyang mag-champion sa dance competition show na “Dancing With The Stars.”  Kasama rin nina Billy at Coleen ang two-year-old son nilang si Amari at ini-enjoy nila ang buhay doon at ang itinatakbo ng career niya kasama ang kanyang family.

 

 

Ayon pa kay Billy, hindi naman ganoon ka-hectic ang trabaho niya kaya masaya siya dahil kasama niya ang asawa at anak.

(NORA V. CALDERON)

470K sasakyan bumibiyahe sa EDSA kada araw – MMDA

Posted on: December 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY average na 470,000 sasakyan na ang bumibiyahe ngayon sa EDSA kada araw at inaasahan pang tataas habang papalapit ang Pasko at Bagong Taon, ayon sa Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA).

 

 

Sa kabila nito, sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na maayos pa rin umano ang trapiko sa EDSA na siyang pinakaabalang kalsada sa Metro Manila at ma­ging sa buong bansa.

 

 

“Sa ngayon po ‘yung latest count po ng ating mga vehicles ay nasa 470,000 na sa EDSA, which is beyond na po ng pre-pandemic level na 405,000,” ayon kay Artes.

 

 

“Pero mas mabilis pa rin naman po ‘yung daloy ng traffic dahil from 11 kilometers per hour, pre-pandemic, ngayon po ay nasa 16 kilometers per hour pa rin tayo,” dagdag pa nito.

 

 

Sa kabila nito, hindi pa rin maiiwasan na makaranas ng pagbubuhol ng trapiko ang mga motorista. Ginagawa umano nila ang lahat ng paraan ngayon para mapaluwag ang mga kalsada lalo na at parating na ang holiday rush.

 

 

Patuloy rin umano ang ugnayan nila sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para matiyak na nakaka­lampag ang mga opisyal ng barangay na nakakasakop sa mga Mabuhay Lanes at mapanatili itong walang obstruksyon. (Gene Adsuara)

DC SUPERHERO FILM “BLUE BEETLE” REVEALS TEASER POSTER

Posted on: December 5th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FRESH from CCXP 2022 in Brazil, check out the teaser poster for the upcoming DC superhero film “Blue Beetle” – in cinemas across the Philippines August 16, 2023.

 

 

The first Latinx-led superhero film from a major studio, “Blue Beetle” follows Jamie Reyes, a teenager who is gifted superhuman strength, speed, and armor when an alien scarab beetle attaches itself to him.

 

 

The film is directed by Angel Manuel Soto, written by Gareth Dunnet-Alcocer.  “Cobra Kai” star Xolo Maridueña is set to play the titular superhero, while Susan Sarandon (“Feud”) is cast as the film’s main villain, Victoria Kord. Joining the cast are “Hocus Pocus 2” star Belissa Escodobo as Jamie’s sister Miagros Reyes, Brazilian star Bruna Marquezine as Jamie’s love interest Penny, George Lopez as Jamie’s uncle Rudy and Raoul Max Trujillo (Mayans M.C.) as Carapax the Indestructible Man.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #BlueBeetle

(ROHN ROMULO)