• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 12th, 2023

Pagsusuot ng facemask muling hinikayat dahil sa mabilis na pagkalat ng bagong Omicron subvariant ng COVID-19

Posted on: January 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ng World Health Organization na dapat isaalang-alang ng mga bansa ang pagrekomenda na magsuot ng facemask ang mga pasahero sa mga long-haul na flight, dahil sa mabilis na pagkalat ng pinakabagong Omicron subvariant ng COVID-19 sa United States.

 

 

Sa isang pahayag ng World Health Organization, sa Europe, ang XBB.1.5 subvariant ay nakitang mabilis na lumalaking bilang na kaso ng Covid19.

 

 

Dapat payuhan ang mga pasahero na magsuot ng mask sa mga lugar na may mataas na peligro tulad ng mga long-haul na flight, ayon sa senior emergency officer ng nasabing organisasyon partikular na sa Europe.

 

 

Ang XBB.1.5 ay ang pinakamabilis kumalat na subvariant ng Omicron na nakita sa ngayon na umabot sa 27.6% ng mga kaso ng COVID-19 sa United States para sa linggong natapos noong Enero 7.

 

 

Sa ngayon, mahigpit na nagpapaalala ang World Health Organization na panatilihin pa din ang pag-iingat kaugnay nakamamatay na virus na kumakalat saan mang sulok ng ating mundo.

Ads January 12, 2023

Posted on: January 12th, 2023 by @peoplesbalita No Comments