• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 1st, 2023

CAREER HIGH: 71 POINTS NI DAMIAN LILLARD

Posted on: March 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Tumipa si Damian Lillard ng career-high na 71 puntos nang talunin ng Portland Trail Blazers ang Houston Rockets noong Linggo (Lunes, oras sa Maynila).

 

Sa isang makapigil-hiningang pagtatanghal sa harap ng maraming tao sa Portland, iniukit ni Lillard ang kanyang pangalan sa alamat ng NBA upang dalhin ang Blazers sa 131-114 tagumpay.

 

Ito ang unang pagkakataon sa kumikinang na karera ni Lillard na umiskor siya ng higit sa 70 puntos sa isang laro, at sa pangalawang pagkakataon ngayong season ay nalagpasan niya ang 60 puntos na hadlang.

 

Tatlong manlalaro lamang sa kasaysayan ng NBA — sina Wilt Chamberlain, Kobe Bryant at David Thompson — ang nakaiskor ng mas maraming puntos sa isang laro.

 

Hawak ni Chamberlain ang record na may 100 puntos, na sinundan ng marka ni Bryant na 81. Umiskor si Thompson ng 73 puntos para sa Denver laban sa Detroit noong 1978.

 

Nagbanta rin si Lillard na tatalunin ang record ni Klay Thompson na 14 na three-pointers sa isang laro.

 

Sa huli, ang 32-anyos na pitong beses na NBA All-Star ay nahulog lamang, na nag-drain ng 13 tres mula sa 22 na pagtatangka.

 

Sa pangkalahatan, gumawa si Lillard ng 22 sa 38 mula sa field, kabilang ang perpektong 14 of 14 mula sa free-throw line.

 

Habang tumunog ang panghuling buzzer sa Moda Center ng Portland, si Lillard ay dinumog ng mga kasamahan sa koponan at pinaulanan ng confetti bilang pagkilala sa isang napakahusay na pagganap na nalampasan ang kanyang nakaraang pinakamahusay na single-game scoring performance na 71 puntos.

 

Pagkatapos, sinabi ni Lillard na na-motivate lang siya sa pag-secure ng tagumpay para sa Portland.

 

Nasa labas lang ng play-in place ang Blazers na may 29-31 record sa Western Conference.

 

Namangha si Blazers coach Chauncey Billups sa performance ni Lillard.

 

“Hindi kami nagkakaroon ng pagkakataong maranasan ang mga bagay na tulad nito, at matagal na akong nasa liga,” sabi ni Billups. “71 puntos – hindi kapani-paniwala iyon.”

 

Nagbigay pugay din si Billups sa disiplina ni Lillard sa hindi pagtatangkang pilitin ang kanyang scoring sa second half.

 

Habang ang Portland ay nananatiling naghahanap ng postseason berth, ang Rockets ang may pinakamasamang rekord sa NBA at nakaugat sa ilalim ng Western Conference na may 13 panalo lamang para sa season laban sa 47 pagkatalo. (CARD)

Iba ang dahilan sa hiwalayan nila ni Aljur: KYLIE, naaawa na kay AJ kaya nilinis na ang pangalan bilang third party

Posted on: March 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA pamamagitan ng kanyang Facebook Live nitong February 26 ay buong tapang na hinarap ni Kylie Padilla ang mga bagay-bagay tungkol sa sinasabing love triangle nila nina Aljur Abrenica at AJ Raval.

 

 

Sa naturang post nilinis na si Kylie ang pangalan ni AJ na inaakusahang dahilan ng hiwalayan nila ni Aljur.

 

 

“So, ‘di ba, wala pong halong ka-echosan and sana hindi ako pagalitan ng GMA.

 

 

“Hindi po talaga si AJ yung reason and that’s the truth.

 

 

“Hindi po talaga siya. Kung meron man, hindi po siya. So please, naaawa na rin po ako sa kanya,” ang pasabog na pahayag ni Kylie.

 

 

“I’m just waiting na may magtanong po talaga nung alam kong itatanong niyo yun.

 

 

“And gusto ko na po siyang sagutin ngayon kasi sa totoo lang guys, pagod na pagod na po ako sa kuwentong lumalabas na kabit, ganyan, ganito, ganyan.

 

 

“Guys tapos na po yung kuwento and I’m in a new chapter in my life.”

 

 

Ayaw na raw ni Kylie na nakakaladkad ang kanyang pangalan sa isyu.

 

 

“Sa totoo lang po talaga. Ayoko na pong nakikita yung pangalan ko na naka… iyon yung mga tabloids na nababasa ko kasi.

 

 

“I’m working so hard to have a good career, na maganda yung trabaho ko. Alam mo yun, tapos iyon lang yung napapansin sa akin.

 

 

“Tapos na po, e. Siyempre, di pa tapos yung pag-aayos ng papeles, pero everything else, tapos na po talaga siya.

 

 

“So kung meron mang magtanong ngayon, I will answer but that’s the last time I’m going to talk about this. Happy na po ako.”

 

 

Sa ngayon ay sa kanyang showbiz career nakatutok si Kylie lalo pa nga at umeeere na sa GMA ang megaserye nila na ‘Mga Lihim Ni Urduja’ kung saan kasama niya sina Gabbi Garcia at Sanya Lopez at marami pang iba.

 

 

Isa sa mga nanood sa Facebook Live ni Kylie ay ang sikat na social media personality na si Senyora na nagtanong kay Kylie kung, ‘Masaya ka ba talaga para kay AJ at Aljur. Ayan na tinanong ko na.’

 

 

“I am really happy po basta kung mahal niyo po yung isang tao, ayaw niyo pong makitang malungkot yung taong yun.

 

 

“And after po nung nangyari sa amin, after nung pandemic, ayoko na po ever maramdaman namin yun and siya din.

 

 

“So, kung saan po siya masaya and kung sino po ang nagpapasaya sa kanila, I want them to take care of it and be happy.

 

 

“Kasi siya po ang kahati ko sa mga anak ko, e.

 

 

“So, dapat masaya din yung tatay nila para buo yung mga anak, kasi masaya na rin naman ako, e

 

 

“Ang ganda ng mga nangyayari sa akin.”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Donaire hindi daw makakalaban si Gaballo

Posted on: March 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Binigyang linaw ni Nonito Doinare Sr., Ama ni dating Bantamweight world champion Nonito “the Filipino Flash” Donaire Jr. ang kaugnay sa posibleng paghaharap ni GenSan boxer Reymart Gaballo at ng anak nitong si Nonito Doinare Jr.

 

Ito ay matapos isuko ni Naoya Inoue ang kanyang bantamweight belts.

 

Dagdag pa ni Donaire Sr. na nagsasanay na sila ni Gaballo dito sa lungsod ng GenSan upang paghandaan ang susunod na engkuwentro nito.

 

Habang sinabihan naman siya ng kanyang anak na magpapayat raw ito upang hindi makalaban si Gaballo.

 

Sa paglilinaw ni Donaire Sr., kung sino man ang manalo sa labang Reymart Gaballo at Nawaphon Kaikanha ay labanan nito kung sino rin ang mananalo sa labang Nonito Donaire Jr. at Alexandro Santiago.

 

Kung matatandaan ay tinalo ni Donaire Jr. si Gaballo via knockout sa kanilang paghaharap noong 2021. (CARD)

Misyon ng AFP nagbago sa gitna ng problema sa South China Sea

Posted on: March 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGBAGO na ang misyon ng  Armed Forces of the Philippines  (AFP) sa gitna ng kumplikadong sitwasyon sa South China Sea at matinding kumpetisyon ng “superpowers.”

 

 

Sa pakikipag-usap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tropa ng Visayas Command sa Cebu, winika ng Pangulo na ang problema sa South China Sea p ang itinuturing na “most difficult and complex issue” kahit na may giyera sa Ukraine.

 

 

“Kaya’t sinasabi ko ‘yung mission ng AFP, ‘yung mission ninyo ay nagbago na. At kailangan natin bantayan nang mabuti ‘yung ating dating hindi kailangan masyadong isipin,” ayon sa Pangulo.

 

 

“There was a time when we did not have to worry about these threats and the intensification of the competition between the superpowers,” aniya pa rin.

 

 

“For many, many years, we were able to maintain that peace and maintain that understanding with all of our neighbors. Now things have begun to change and we must adjust accordingly,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Matatandaang, inamin  ni Pangulong Marcos  na hindi siya makatulog sa gabi dahil sa ginagawa ng China sa West Philippine Sea.

 

 

Ikinuwento ng Pangulo kay World Economic Forum President Børge Brende na binabantayan niya ang sitwasyon sa West Philippine Sea.

 

 

Magugunitang ilang beses nang naghain ng protesta ang Pilipinas sa China dahil sa pagiging agresibo nito sa pag-angkin sa ilang lugar sa West Philippine Sea.

 

 

Ayon sa Pangulo, nagiging tagapag-masid na lamang ang bansa tuwing may tensyon sa lugar kapag may dumadaan na Chinese o US warships.

 

 

Nilinaw naman ng Punong Ehekutibo wala naman away ang Pilipinas sa China.

 

 

Pero ang problema ay ang patuloy na pag-angkin ng China sa mga teritoryo na sakop na ng Pilipinas kahit na mayroon nang desisyon ang Permanent Court of Arbitration.

 

 

Sinabi pa ni Pangulong Marcos sa tropa na ang foreign policy  ng bansa ay “guided by a commitment to peace and guided by the national interest.”

 

 

“Pagka ako’y bumabiyahe at ipinapaliwanag ko sa ating mga kaibigan kung ano ang ating foreign policy, kung papaano ang trato natin sa mga ibang bansa ay madaling-madali lang ang sagot ko,”  ayon sa Chief Executive.

 

 

“Ang lagi kong sinasagot ay ang Pilipinas ang habol lang ng Pilipinas ay ang kapayapaan,” aniya pa rin.

 

 

Tinuran pa ng Pangulo na bagama’t maliit na bansa ang Pilipinas, kailangang igiit nito ang karapatan bilang isang sovereign nation.

 

 

“The Philippines is a sovereign nation, the Philippines has a functioning government, and that functioning government includes the members of the military, and that is why it remains to be our duty to protect the country, to protect our citizens,” ayon kay Pangulong Marcos.  (Daris Jose)

Standardization sa singil ng mga driving schools, pinag-aaralan ng LTO

Posted on: March 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TARGET  ngayon ng Land Transportation Office (LTO) na magpatupad ng standardization sa lahat ng singil ng mga driving school sa bansa.

 

 

Ito ang inihayag ni LTO chief Jose Arturo Tugade kasunod ng ilang reklamong natatanggap ng ahensya dahil sa malaking halaga ng perang kinakailangan umanong ilabas ng isang indibidwal para makakuha ng driver’s license nang dahil sa mahal na singil ng mga driving school.

 

 

Aniya, dahil dito ay bumuo na ang kagawaran ng isang komite na tututok sa pag-aaral sa ahensya pahinggil sa umiiral na rules and regulations ng accreditation ng mga driving schools.

 

 

Isa sa mga pag-aaralan ng mga ito ay ang mataas na rates na sinisingil ng mga driving schools na isa sa mga pangunaging reklamong natatanggap ng LTO.

 

 

Paliwanag ng isang representative ng isang driving school, ang mahal na singil daw kasi ng mga ito ay ginagamit para sa gasolina, maintenance at insurance ng sasakyang ginagamit, at pasweldo sa mga driving instructor.

 

 

Samantala, kaugnay nito ay iniulat din ni Tugade na mayroong ibinibigay na free theoretical driving course ngunit nilinaw niya na mayroon itong limitadong slots.

 

 

Aabot sa P100 ang singil sa mga student permit application, habang nagkakahalaga naman sa P150 ang singil para sa student permit, P100 naman para sa non-professionap license application, at P585 naman ang magiging singil para sa driver’s license.

 

 

Muli namang nagpaalala ang kagawaran na kinakailangan munang sumailalim sa theoretical and practical driving courses ang mga aplikanteng nais kumuha ng driver’s license.

Pinas, patuloy na ipoprotesta ang “illegal’ na presensiya ng China sa WPS

Posted on: March 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI titigil ang gobyerno ng Pilipinas na maghain ng protesta laban sa ilegal na presensiya ng China sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

Sa katunayan, nakapaghain na ang Pilipinas ng 77 protesta laban sa China, kabilang na ang 10 na protesta ngayong taon, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

 

 

“The Philippines continues to protest China’s persistent and illegal presence in the Philippine waters, including those near Ayungin Shoal,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Ma. Teresita Daza.

 

 

Nauna rito, hinikayat ni Senadora Risa Hontiveros ang DFA na magsulong ng updated security agreements sa iba’t ibang bansa na makakatulong sa pagtatanggol sa Pilipinas mula sa patuloy na pananalakay ng China.

 

 

“Kailangan nating gamitin ang lahat ng posibleng paraan para ipagtanggol ang Pilipinas mula sa mapangahas na aksyon ng China. Magsisilbing defensive framework ang security agreement na magbibigay-daan sa joint patrols at pagsasanay ng ating militar. Bahagi ito ng paghahanda sakaling lumala ang tensyon,” sabi ni Hontiveros.

 

 

“Araw-araw na ang pang-haharass at pambubully ng Tsina sa ating mga mangingisda at mga coast guard. We cannot do nothing,” dagdag pa niya.

 

 

Sa isang security conference sa Germany, sinabi ni DFA Secretary Enrique Manalo na nangyayari araw-araw ang panggigipit sa mga mangingisdang Pilipino at mga tauhan ng coast guard. Nanawagan siya sa United Nations na tulungang itaas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pagtataguyod ng UNCLOS at pagpapanatili ng kaayusan sa ating mga karagatan.

 

 

Matatandang, inakusahan ng Pilipinas ang Chinese coast guard na pinatamaan ng military-grade laser ang isang coast guard ship ng Pilipinas at panandaliang nabulag ang ilan sa crew nito sa pinag-aagawang South China Sea, tinawag ito na isang “tahasang” paglabag sa karapatan ng Maynila.

 

 

Ang barko ng Tsina ay mapanganib na nagmaniobra ng sobrang lapit, mga 137 na metro (448 feet), para harangan ang Philippine patrol vessel na BRP Malapascua mula sa paglapit sa Second Thomas Shoal, isang nakalubog na reef na inookupahan ng puwersa ng Pilipinas, noong Pebrero 6, sinabi ng Philippine coast guard sa isang pahayag.

 

 

Nagsampa ang Pilipinas ng halos 200 na diplomatikong protesta laban sa mga agresibong aksyon ng Tsina sa pinag-aagawang bahagi ng karagatan noong 2022 lamang. (Daris Jose)

IT’S A SHOWDOWN OF CHARACTER POSTERS FOR “SHAZAM! FURY OF THE GODS”

Posted on: March 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

THE gods have arrived.  

 

 

Check out the newly released character posters of the DC superhero adventure, “Shazam! Fury of the Gods” featuring Zachary Levi, Helen Mirren, Lucy Liu and Rachel Zegler.

 

 

“Shazam! Fury of the Gods” opens in cinemas across the Philippines on March 15.

 

 

[Watch the film’s trailer at https://youtu.be/JvZSRT2Mqr0]

 

 

About “Shazam! Fury of the Gods”

 

 

From New Line Cinema comes “Shazam! Fury of the Gods,” which continues the story of teenage Billy Batson who, upon reciting the magic word “SHAZAM!,” is transformed into his adult Super Hero alter ego, Shazam.

 

 

Bestowed with the powers of the gods, Billy Batson and his fellow foster kids are still learning how to juggle teenage life with having adult Super Hero alter-egos. But when the Daughters of Atlas, a vengeful trio of ancient gods, arrive on Earth in search of the magic stolen from them long ago, Billy—aka Shazam—and his family are thrust into a battle for their superpowers, their lives, and the fate of their world.

 

 

“Shazam! Fury of the Gods” stars returning cast members Zachary Levi (“Thor: Ragnarok”) as Shazam; Asher Angel (“Andi Mack”) as Billy Batson; Jack Dylan Grazer (“It Chapter Two”) as Freddy Freeman; Adam Brody (“Promising Young Woman”) as Super Hero Freddy; Ross Butler (“Raya and the Last Dragon”) as Super Hero Eugene; Meagan Good (“Day Shift”) as Super Hero Darla; D.J. Cotrona (“G.I. Joe: Retaliation”) as Super Hero Pedro; Grace Caroline Currey (“Annabelle: Creation”) as Mary Bromfield / Super Hero Mary; Faithe Herman (“This Is Us”) as Darla Dudley; Ian Chen (“A Dog’s Journey”) as Eugene Choi; Jovan Armand (“Second Chances”) as Pedro Pena; Marta Milans (“White Lines”) as Rosa Vasquez; Cooper Andrews (“The Walking Dead”) as Victor Vasquez; with Djimon Hounsou (“A Quiet Place Part II”) as Wizard.

 

 

Joining the cast are Rachel Zegler (“West Side Story”), with Lucy Liu (“Kung Fu Panda” franchise) and Helen Mirren (“F9: The Fast Saga”).

 

 

The film is directed by David F. Sandberg (“Shazam!,” “Annabelle: Creation”) and produced by Peter Safran (“Aquaman,” “The Suicide Squad”). It is written by Henry Gayden (“Shazam!,” “There’s Someone Inside Your House”) and Chris Morgan (“Fast & Furious Presents: Hobbs & Shaw,” “The Fate of the Furious”), based on characters from DC; Shazam! was created by Bill Parker and C.C. Beck. Executive producers are Walter Hamada, Adam Schlagman, Richard Brener, Dave Neustadter, Victoria Palmeri, Marcus Viscidi and Geoff Johns.

 

 

New Line Cinema presents A Peter Safran Production of A David F. Sandberg Film, “Shazam! Fury of the Gods” is distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #ShazamMovie

(ROHN ROMULO)

PNP, 3 buwan ang deadline para sa pagsusumite ng listahan kay PBBM ng mga nagbitiw na police execs

Posted on: March 1st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TATLONG buwan ang ibinigay ng Philippine National Police (PNP) na deadline nito para magsumite kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pinal na listahan ng courtesy resignation ng mga police officials.

 

 

Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., na may 118 courtesy resignation na ang sinala ng PNP. Nagsimula ito noong Pebrero 24, 2023.

 

 

“The way they are moving right now, ang target natin ay three months, pero kamukha ng balita ko ay twice a week, so sabihin nating 118 on the average, times two, so makaka-200 ka every week, so in a month halos 800 ka na,” ayon sa Kalihim.

 

 

“So hopefully, bago mag-three months matapos ito,” dagdag na wika ni Abalos.

 

 

Sinasabing may 12 generals at colonels mula sa bilang na 955 PNP officers na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsusumite ng kani-kanilang resignation letter.

 

 

Ani Abalos, lima sa mga ito ay nagretiro na habang anim naman ang nakatakdang magretiro sa serbisyo.

 

 

“So technically isa na lang,” aniya pa rin.

 

 

Nauna rito, sumalang na sa evaluation at assessment ng 5-man advisory group ang mga senior officers ng Philippine National Police bilang bahagi pa rin ng mas maigting na paglilinis sa buong hanay ng kapulisan.

 

 

Sa ulat ng itinalagang tagapagsalita ng nasabing komite na si PNP-Public Information Office chief PCol. Redrico Maranan, ito ay matapos ang ikalawang pagtitipon ng advisory group na dinaluhan nina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, former Defense secretary Gilbert Teodoro, Undersecretary Isagani Nerez at PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr.

 

 

Aniya, unang sumalang sa pagsusuri ng komite ang may kabuuang 118 na mga senior officers ng Pambansang Pulisya gamit ang mga guidelines at worksheets na kanilang binuo para sa kanilang isasagawang evaluation at assessment sa mga heneral at koronel nito na nagsumite ng courtesy resignation.

 

 

Habang mayroon pa naman aniyang mahigit 800 na mga senior officers ng PNP ang nakatakda namang isailalim din sa evaluation sa susunod na gagawing pagpupulong ng 5-man advisory group.

 

 

Matapos ang first screening, ang ” list of resignations” ay dadaan sa National Police Commission (Napolcom) bago pa isumite kay Pangulong Marcos para sa kaukulang aksyon.

 

 

“Ibibigay ito sa Napolcom para i-review at ito ay hindi puwedeng dagdagan pa, ‘yun lamang mga pangalan na-sumite ay titignan ulit, just to make sure na ‘wag magkakamali,” ayon kay Abalos.

 

 

Samantala,  sinabi ni Abalos na mahalaga ang first screening  upang matiyak ang “tight process” dahil binubuo ito hindi lamang ng kapulisan o sundalo kundi maging ng civilian analysts.

 

 

Inamin ni Abalos na matagal at nakapapagod ang first screening  kaya nga labis niyang pinasasalamatan ang five-man-team, boluntaryong tumulong sa pag-assess sa courtesy resignation. (Daris Jose)