![](https://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2022/11/bbm3-300x200.jpg)
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
NI-REVEAL ng Sparkle artist at StarStruck 7 contestant na si Radson Flores na nanligaw pala siya kay Lexi Gonzales.
Hindi naman mag-elaborate pa si Radson kung naging sila ba o basted siya kay Lexi. Ang naging comment lang ng netizens ay iisa pala ang type na guy ni Lexi. Magkahawig kasi si Radson at ang boyfriend ni Lexi na si Gil Cuerva. Parehong chinito, maputi, matangkad at galing sa de buena familia.
Naikuwento rin ni Radson na lumaki siyang spoiled ng kanyang parents. Na kung ano ang gusto niya ay nakukuha niya kaagad. Kaya noong magdesisyon siyang bumukod na at maging independent, nahirapan daw siya dahil sa mga dapat bayaran buwan-buwan.
Sey ni Radson: “Growing up I was really sheltered ng parents ko. Na-feel ko po na parang wala akong masyadong experience in the real life. I feel like hindi pa ako naha-humble masyado ng totoong buhay. Pagdating sa bills, sa chores, every day ‘yung gigising ka, magluluto ka.”
Natuto na raw na maging responsable si Radson dahil kumikita na siya ng sarili niyang pera dahil sa tatlong taong pagtrabaho sa inaabangan na ‘Voltes V: Legacy.’
***
NGAYONG Semana Santa, nakahanda na ang ilang mga celebrities sa kanilang bakasyon.
Tatlong taong din kasing nag-Holy Week na may pandemya at ngayong taon lang na naging maluwag ang pagbiyahe abroad at sa ilang probinsya ng Pilipinas.
Sa ibang bansa ang bakasyon ni Alden Richards para mag-recharge dahil for the last three months, ang kanyang tinayong business ang inasikaso niya. Di binanggit ni Alden kunsaan ang lipad niya.
Si Yasmien Kurdi naman ay feel ang mag-ski kasama ang mister niya kaya sa Hokkaido, Japan ang punta nila. Pupuntahan nila ang Niseko kunsaan may bonggang ski resort.
Sa farm naman sa Zambales ang punta ng pamilya ni Nadine Samonte. Tahimik daw doon at malaki ang space kunsaan nakikipaglaro ang mga anak niya sa ilang farm animals.
Sa beach naman ang punta ni Rhian Ramos kasama ang kanyang friends na tulad niya ay mga adik sa dagat, araw at buhangin.
Team Bahay si Andrea Torres. Kasama niya ang kanyang pamilya na magsisimba at mag-bond ngayong Holy Week sa bahay nila.
Ang bumisita sa kani-kanilang pamilya dito sa Pilipinas ang gagawin ng mag-asawang Megan Young at Mikael Daez.
Si Herlene “Hipon Girl” Budol naman ay walang nagawang plano ngayong Holy Week. Sa bahay na lang daw sila at magpapalagay siya ng inflatable pool para may instant pool party sila.
***
SINILANG na ni Big Bang Theory star Kaley Cuoco ang kanyang baby girl last March 30 at pinangalanan niya ito na Matilda Carmine Richie.
This is her first baby from actor-boyfriend Tom Pelphrey.
Cuoco posted the baby photos on Instagram with the caption: “3-30-23. Introducing, Matilda Carmine Richie Pelphrey, the new light of our lives! We are overjoyed and grateful for this little miracle. Thank you to the doctors , nurses , family and friends who have helped us immensely over the last few days. We are blessed beyond belief. @tommypelphrey didn’t think I could fall even more in love with you , but I did.”
Sa kanyang Instagram, pinost ni Pelphrey si Baby Matilda with a quote from from 13th century Islamic poet Rumi.
“You are the Soul of the Universe. And your name is Love.” -Rumi. My heart is full of love and gratitude for this miracle…. Matilda Carmine Richie Pelphrey 3/30. Eternally grateful for the strength and bravery of my soulmate and best friend @kaleycuoco. You are incredible.”
Tom and Kaley was last seen in public during the The Golden Globe Awards last January. Kaley wore a lavender gown by Vera Wang while Tom wore a white blazer, button-up shirt and a stark black bow tie.
(RUEL J. MENDOZA)
BONGGA talaga ang ‘Fast Talk With Boy Abund’a dahil nagawa ni Kuya Boy na pagkuwentuhin si Lani Misalucha tungkol sa pinagdaanan nitong sakit.
Noong 2020 ay nagkasakit si Lani at ang mister niyang si Noli ng bacterial meningitis na naging sanhi ng pagkawala ng pandinig ng Asia’s Nightingale.
“Ang bacterial meningitis ay hindi biro, maaring mag-cost ito ng iyong buhay kapag hindi naagapan,” pagbabahagi ni Lani kay Kuya Boy.
Bukod sa pagkawala ng kanilang pandinig ay lumabo rin ang kanilang paningin.
“So, you can imagine for a singer like me, mawawalan ng pandinig eh parang napakahirap nun, ‘di ba?”
Hindi biro ang pinagdaanan nilang gamutan ni Noli, ayon pa rin kay Noli.
“Pinatay nila ‘yung bacteria through medicine and all that, and then binigyan kami ng steriods para bumaba yung swelling sa brain namin.”
Ang pagkakaroon niya ng bacterial mengingitis ayon pa rin kay Lani, ay nagdulot ng dagok sa kanyang buhay lalo na sa pagiging singer niya.
“Napaka-terible ng pakiramdam na, paano ako kakanta na yung sarili kong boses hindi ko na naririnig?”
“Noong kumanta na nga ako doon sa Chrismas concert ng The Clash (noong 2020), hindi ko alam na sintunado pala ako, na hindi ko na-hit yung notes ko.
“Lahat ng naririnig ko sintunado, and I even told myself after singing na kung ganito rin lang, bakit pa ako kakanta? Sinong audience ang gustong makarinig ng sintunado?”
Inamin ni Lani na umabot siya sa punto na kinuwestiyon niya ang Diyos kung bakit nangyari ito sa kanila.
“Siyempre, hindi mo maiiwasan in the beginning na, ‘Bakit naman ganun, singer ako eh?’
“Ito lang yung binigay sa akin ng Panginoong Diyos na gift, mawawala pa.”
Hindi pa tuluyang gumagaling pero ayon kay Lani…
“We’ve gotten used to the situation.”
“It doesn’t really matter if my hearing is going to come back. It doesn’t matter anymore because this was given to me, makaka-complain pa ba ako?
“There are just a lot of other amazing and beautiful things happening in our life, bakit pa ako magko-complain?”
(ROMMEL L. GONZALES)
WELCOME TO BARBIE LAND, did you bring your rollerblades?
#BarbieTheMovie only in cinemas July 19, 2023. Watch the new trailer.
YouTube: https://youtu.be/0ys75bumMT4
About “BARBIE”
From Oscar-nominated writer/director Greta Gerwig comes “Barbie,” starring Oscar-nominees Margot Robbie and Ryan Gosling as Barbie and Ken, alongside America Ferrera, Kate McKinnon, Michael Cera, Ariana Greenblatt, Issa Rae, Rhea Perlman and Will Ferrell. The film also stars Ana Cruz Kayne, Emma Mackey, Hari Nef, Alexandra Shipp, Kingsley Ben-Adir, Simu Liu, Ncuti Gatwa, Scott Evans, Jamie Demetriou, Connor Swindells, Sharon Rooney, Nicola Coughlin and Oscar-winner Helen Mirren.
Gerwig directed “Barbie” from a screenplay by Gerwig & Oscar nominee Noah Baumbach, based on Barbie by Mattel. The film’s producers are Oscar nominee David Heyman, Robbie, Tom Ackerley and Robbie Brenner, with Michael Sharp, Josey McNamara, Ynon Kreiz, Courtenay Valenti, Toby Emmerich and Cate Adams serving as executive producers.
In Philippine cinemas starting July 19, “Barbie” is distributed by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company.
Join the conversation online and use the hashtag #Barbie #BarbieTheMovie
(ROHN ROMULO)
ISANG tulak ng illegal na droga na listed bilang high value individual (HVI) ang kalaboso matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng marijuana sa buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek na si Carlo Mendoza alyas “Kalbo”, 28 ng No. 4706 Cipriano Street, Brgy. Gen T De Leon.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Destura na dakong alas-2:20 ng madaling araw nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCpt Joel Madregalejo ang buy bust operation sa Francisco St., Fortune 1, Brgy. Gen T De Leon, matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta ng marijuana ang suspek.
Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P500 halaga ng droga at nang tanggapin niya ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng marijuana ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.
Nakumpiska sa suspek ang 7-pirasong transparent plastic sachets na naglalaman ng aabot 1000 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana with fruiting tops na nasa P120,000.00 ang halaga, buy bust money, P1,000 recovered money at cellphone.
Pinuri naman ni BGen Peñones ang Valenzuela police sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
UMAASA si CamSur Rep. LRay Villafuerte na bibigyang panahon para pag-isipan at pag-aralang maigi ng mga miyembro ng Senate committee on constitutional amendments and revision of codes ngayong congressional break sa pagdesisyon sa report sa panukalang pagbabago sa restrictive economic provisions ng konstitusyon.
Sa kabila na isinusulong ng committee chairman nitong si Senador Robinhood Padilla na maaprubahan ng mga miyembro ng komite ang report na nag-eendorso sa Charter Change sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con-Ass) option— kaysa sa inaprubahan ng kamara na panukalang Constitutional Convention (Con-Con) ay sinabi ni Villafuerte na bukas siya sa naging kaganapan basta masigurong magtutuloy tuloy ang proseso.
“We are hoping our senators, especially the members of the Senate committee on constitutional amendments and revision of codes, can find time during our recess to consider the report of its chairman, Sen. Robin, endorsing constitutional reforms to do away with our 1987 Charter’s economic provisions that have restricted foreign ownership of, or participation in, Philippine businesses,” pahayag ni Villafuerte.
Para sa mambabatas, hindi isyu umano sa kanya kung anong hakbang (concon o con-ass) ang pipiliin ng senado para amyendahan ang konstitusyon kundi ang maipagpatuloy ang proseso upang maamyendahan o maisa-ayos ang depekto sa konstitusyon.
“The important thing is for us lawmakers to keep the ball rolling on constitutional reforms, in the hope that we can do away soon enough with the restrictive economic provisions of our 36-year-old Charter that have put off investors and impeded the inrush of FDIs (foreign direct investments),” dagdag ni Villafuerte. (ARA ROMERO)
BONGGA si Toni Gonzaga dahil sa vlog niya ay umamin si Aljur Abrenica na nagkasala siya kay Kylie Padilla.
At ito ang dahilan kaya nagwakas ang kanilang relasyon.
“Yeah, totoo naman, totoo naman yun. On my part, oo. Ina-admit ko ‘yon, may pagkakamali ako,” pagbabahagi ni Aljur.
Ayon pa kay Aljur ay ginawa naman niya ang lahat para maisalba ang kanilang relasyon.
“Mare-realize mo na I have to accept kasi hindi na talaga. Kasi ginawa ko na lahat. At siya rin [Kylie], ginawa niya rin lahat, in fairness,” sinabi pa rin ni Aljur.
Mutual raw ang kanilang desisyon ni Kylie na maghiwalay.
Rebelasyon pa rin ni Aljur, mahal pa rin daw niya si Kylie, pero mas makabubuti raw na itaguyod na lang nila separately ang kanilang mga anak, na sinang-ayunan din naman ni Kylie.
Inamin din ni Aljur na inakala niya noon na handa na siya sa buhay may-asawa nang pakasalan si Kylie, pero na-realize niya na hindi pa pala.
“Everything that I, you, do is may kapalit, walang kang takas dun. Wala kang takas.”
Sa kabila ng lahat, nais ni Aljur na malaman ng kanyang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo na, “Kahit mali ‘yung mga naging desisyon ko, I did my best.”
Sa pangungumusta ni Toni sa puso ni Aljur…
“Sapat lang. Sapat sa pagmamahal sa sarili ko, sapat sa pagmamahal ko sa Panginoon, sa mga anak ko, sa lahat ng mga importanteng tao sa buhay ko, sapat. Hindi labis, hindi kulang.”
Nali-link ngayon si Aljur kay AJ Raval.
On a different note, stroke of genius ang pagka-cast kina Aljur at Gardo Versoza sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko bilang lovers; ang papel ni Aljur ay struggling male star na lover ng gay character na papel naman ni Gardo sa naturang pelikula.
May konek ang dalawa dahil gumanap sa pelikula (Machete 2) si Gardo bilang Machete noong 1994 at si Aljur naman bilang Machete rin sa GMA series na Machete noong 2011.
Palabas ito sa mga sinehan ngayong April 8 at bahagi ng 1st Summer Metro Manila Film Festival.
(ROMMEL L. GONZALES)
NILINAW ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang rightsizing ay hindi para sibakin sa trabaho ang mga empleyado kundi magsisilbi itong tool o kasangkapan para “i-upskill at reskill” ang kasalukuyang government workforce para mapahusay ang state services at mga programa.
Nauna rito, ipinag-utos ng Pangulo ang pag-assess sa mga posisyon sa ehekutibong sangay ng pamahalaan bilang bahagi ng rightsizing measures ng gobyerno.
Nais kasi ng Pangulo na idetermina ang inuulit lamang na posisyon sa government branch at maging ang tungkulin na maaaring pagsamahin kasunodng sectoral meeting ukol sa National Government Rightsizing Program (NGRP).
Sa nasabing pulong sa Palasyo ng Malakanyang, nagbigay ng upadte report ang Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) at Department of Budget and Management (DBM) kay Pangulong Marcos hinggil sa “status at salient features” ng panukalang National Government Rightsizing Bill.
Sinabi ng Presidential Communications Office na ang Section 6 ng House Bill No. 7240, o National Government Rightsizing Act, “authorizes the President to right-size the operations of agencies in the executive branch.”
Kabilang na rito ang pagsusulong ng “functional shifts at modifications, pag-implementa sa organizational actions base sa rekumendasyon ng Committee on Rightsizing the Executive Branch (CREB), pagsasagawa ng iba pang functional o organizational actions, pag-develop at pagbibigay ng safety nets, at pagbalangkas ng organizational development program para palakasin ang agency institutional capacity at paghusayin pa ang employee productivity.
Kabilang naman sa mga salient o kapansin-pansing probisyon ng panukalang batas ay ang mandatory coverage ng lahat ng ahensiya ng ehekutibong sangay ng pamahalaan kabilang na ang mga departmento, bureaus, tanggapan, komisyon, boards, konseho at ang lahat ng iba pang entity na naka-attached sa o na nasa ilalim ng kanilang administrative supervision, at government-owned or -controlled corporations (GOCCs) na hindi saklaw sa ilalim ng Republic Act No. 10149 o GOCC Governance Act of 2011.
Nakasaad sa batas na hindi naman kasama o excluded mula sa NGRP ay “teaching at teaching-related positions sa mga eskuwelahan, medical at allied-medical items sa mga ospital at iba pang medical facilities, military at uniformed personnel, at GOCCs at government financial institutions na saklaw ng Governance Commission for GOCCs.
“The legislature, judiciary, Office of the Ombudsman, constitutional commissions, and local government units (LGUs) may also right-size their respective offices consistent with the principles and guidelines contained in the NGRP,” ayon sa batas.
Ayon sa PCO, naniniwala si Pangulong Marcos na isasama sa NGRP ang komprehensibong strategic review ng mga tungkulin, operasyon organisasyon sistema at proseso ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.
Isasama rin ang malawakan at transformational initiatives sa mga agencies concerned, gaya ng pagsasanib, pagpapatatag, paghahati, paglilipat at maging ang abolisyon ng ilang tanggapan. (Daris Jose)
SA loob ng kulungan gugunitahin ng tatlong lalaki ang Semana Santa matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Malabon City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro na nakatanggap ng impormasyon ang Station Intelligence Section (SIS) mula sa isang Barangay Information Network (BIN) ng Barangay Tañong hinggil sa isang armadong lalaki na pagala-gala sa Estrella Street ng nasabing barangay dakong alas-7:00 ng gabi.
Kaagad rumesponde sa nasabing lugar ang mga operatiba ng SIS sa pangunguna ni PSSg Pepito Gatus na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si John Carl Suarez, 25, ng Market 3, NBBN, Navotas City at nakumpiska sa kanya ang isang cal. 38 na baril na may apat na bala.
Alas-4:25 naman ng hapon nang magsagawa ng pagsisilbi ng search warrant ang pinagsamang mga tauhan ng Sub-Station 3 ng Malabon police sa pangunguna ni PCpt Joseph Alcazar at SIS sa No. 7 E. Martin Street, Barangay Santulan, na nagresulta sa pagkakaaresto kay Angelito Nieves, 40.
Pinosasan si Nieves matapos walang maipakitang kaukulang mga dokumento sa isang cal. 38 revolver na may tatlong bala na nakuha sa kanya matapos ang ipinatupad ng pulisya na search warrant na inisyu ni Executive Judge Rhoda Magdalene Mapile-Osinada ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) laban sa kanya.
Samanta, dinampot naman si Dodie Boy Mamuyac, 38, matapos makuhanan ng isang cal. 38 revolver na may tatlong bala sa isinagawang pagsisilbi ng search warrant ng mga pulis sa kanyang bahay sa Dulong Bronze St., Brgy. Tugatog, dakong alas-12:45 ng madaling araw.
Pinuri ni BGen Peñones ang Malabon police sa pamumuno ni Col. Daro sa kanilang mahusay na trabaho na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga msuspek na nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunations Regulation Act). (Richard Mesa)
NOONG Holy Wednesday, nag-post ang Kapamilya actress na si Julia Montes sa kanyang social media account ng isang makabuluhang mensahe na para din sa lahat ng makababasa.
Makikita sa IG post ng aktres na malapit na malapit sa puso ni Coco Martin, ang isang larawan na parang altar na may mga nakapatong na crucifix, nakasinding kandila, Holy water, white flowers at isang parang aklat na may nakasulat na “Plano ni Lord.”
Nilagyan niya ito ng makahulugang caption, “Let’s not start our day with the broken pieces of yesterday…
“Every morning we wake up, it is the first day of the rest of our life.”
Dagdag pa ni Julia, “After my 28th birthday, I realized so many things in life and I’ve never been more grateful.
“I promise it’s gonna be closer to You this time around… Lifting everything up to You, Lord God.”
Kasama ang #morningreflection #yourJM.
***
NAGPAALALA naman ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB)
sa lahat ng mga operator ng mga pampublikong sasakyan na tanging mga pelikula at palabas
sa telebisyon na may “G” at/o “PG” rating lamang ang pinahihintulutan na ipalabas sa loob
ng mga pampublikong sasakyan.
Nakasaad sa MTRCB Memorandum Sirkular Blg. 09-2011 na ang lahat ng mga pampublikong sasakyan at pampublikong lugar na nagpapalabas o nagtatanghal ng mga “motion picture” ay itinuturing na rin na “movie theaters,” dahil ito ay accessible sa lahat:
“All common carriers and other public places that openly and publicly exhibit motion pictures shall
be treated as movie theaters for purposes of regulation by the Board.”
“Owing to their public service character and accessibility to the public regardless of age, common
carriers and other public places can only publicly exhibit motion pictures classified by the Board as for
General Patronage (G) or Parental Guidance (PG).”
“Materials with contents beyond the ‘PG’ rating, are prohibited for public exhibition in common
carriers and other public places: Sexually derived and vulgar use of swear words or those referring to the
genitalia; Use of strong expletives; Sexually oriented nudity; Breast exposure; Implied and graphic depiction
of sexual activity; Exhibition of genitalia and excretory functions; Glamorization of violence and criminals;
Portrayal of characters taking pleasure in inflicting or receiving pain; Sexual violence; Focalization on
injuries and blood; Images of drug and substance use; Gory and strong scary scenes; Those that are contrary
to law and/or good customs, and finally; Those that are libelous or defamatory.”
Matatandaan na noong taong 2011, ang MTRCB ay lumagda ng Memoranda of Agreement sa pagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at sa Maritime Industry Authority (MARINA). Layunin ng ugnayan ng mga ahensiyang ito ang maproteksiyunan ang kapakanan ng publiko laban sa mga pelikula at palabas sa telesbisyon na offensive at labag sa contemporary Filipino cultural values, na siyang pamantayan ng MTRCB Board sa pagre-rebyu ng mga nilalaman ng pelikula at telebisyon.
Hinihikayat ang mga pasahero na i-report ang anumang paglabag sa MTRCB sa pamamagitan ng: Elektronikong liham: admin@mtrcb.gov.ph; Telepono: (632) 8 276 7380; o Facebook/Instagram: @MTRCBGov.
(ROHN ROMULO)