• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2023

DICT: Unregistered SIM cards, tatanggalan ng access sa socmed

Posted on: April 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IKINOKONSIDERA ng Department of Information Communications Technology (DICT) ang unti-unti nang pag-disable ng mga featured services ng mga SIM cards, na hindi pa rin irerehistro ng mga may-ari nito, sa loob ng 90-day extension na ipinatupad ng pamahalaan sa SIM card registration.

 

 

Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy na ito ay ilan lamang sa mga ‘insentibo’ na pinag-aaralan nila sa ngayon upang mabigyan ng ‘aral’ ang mga SIM card owners na ayaw pa ring tumalima sa deadline ng pagrerehistro ng SIM cards.

 

 

“So ‘yung matitigas ‘yung mga ulo, they wanted some convincing, whether we’re serious or not, makakatikim sila nitong mga ‘incentives’ namin,” babala pa ni Uy.

 

 

Ipinaliwanag pa ni Uy na sa panahon ng 90-day extension ay oobserbahan nila ang rate ng registration.

 

 

Matapos aniya ang 30 o hanggang 60-araw ng ektensiyon at marami pa rin ang hindi nagrerehistro ay sisimulan na nila ang unti-unting pag-deactivate ng ilang serbisyo ng SIM cards ng mga ito.

 

 

Kabilang aniya sa mga ikinukonsidera nila ay ang pagtatanggal ng access sa social media sites ng mga unregistered SIM subscribers.

 

 

Gayunman, papayagan pa rin silang makapag-text at makatawag gamit ang kanilang mga numero.

 

 

“And then after a certain period you will lose your outgoing calls so that way ramdam ninyo kung ano ‘yung effect na hindi kayo nagpaparehistro,” babala pa ni Uy.

 

 

Sa sandali naman aniyang matapos na ang 90-day period, tuluyan na nilang ide-deactivate o aalisin ang lahat ng serbisyo ng SIM cards na hindi pa rin inirerehistro ng may-ari nito.

 

 

Matatandaang ang SIM card registration ay nakatakda sanang magtapos ngayong Miyerkules, Abril 26, ngunit ipinasya ng pamahalaan na palawigin pa ito ng 90-araw dahil mahigit kalahati o 52.04% pa lamang ng kabuuang SIM cards na naipagbili sa bansa ang nairerehistro hanggang nitong Abril 24, 2023.

Priority pa rin ang pamilya kesa sa pag-aartista: ELLEN, wish pa rin na magka-baby girl para tapos na ang ‘boxing’

Posted on: April 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

FIVE years old na si Elias Cruz ngayon, ang anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, kaya gusto na raw ng aktres na magkaroon sila ng anak ni Derek Ramsay.

 

Sa grand opening ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center kahapon sa Ore Central Building, BGC, inamin ni Ellen na wish pa rin niya na magkaroon ng baby girl.

 

“Well sana, girl talaga, para tapos na ang boxing,” say ng seksi pa ring aktres.

 

Sa ngayon, priority pa rin ni Ellen ang kanyang pamilya at wala pang kabalak-balak bumalik sa showbiz.

 

Mukhang gusto pa rin ni Ellen na personal na maalagaan ang panganay na anak at masubaybayan ang kanyang paglaki at mukhang two years pa ang ilalaan bago mag-balik showbiz.

 

Sobrang happy rin ang married life nila ni Derek, plus ang bonding ng asawa at ni Elias. At hindi rin naman nagpapabaya si John Lloyd, sa co-parenting nila sa kanilang anak.

 

So, nasa magandang lugar ang lahat, at parang wala namang mahihiling pa si Ellen, kundi magpasalamat.

 

Say pa niya, “right now, very peaceful, and balance. The life that I have now, is the life that I always want to achieve.”

 

Samantala, malaki ang pasasalamat ni Ellen sa 6-minute ZPrime LASIK eye surgery na ginawa ng Shinagawa Lasik & Aesthetics Center na kung saan na-restore ang kanyang 20/20 vision.

 

Ayon sa naging pahayag ni Ellen, “I feel so great. The whole procedure was painless and I was surprised that I didn’t feel anything at all!”

 

“Watch my video and see how Shinagawa Lasik Center made a miracle out of my poor eyesight!” caption pa niya sa video pinosted sa kanyang social media accounts.

 

At dahil sa demands and needs sa healthcare, nag-o-offer na ngayon ang Shinagawa ng comprehensive Japanese-standard healthcare services sa kanilang specialized facility sa kaka-open pa lang na Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center.

 

“The global Covid-19 pandemic has changed the people’s market mindset when it comes to healthcare,” obserbasyon ni Shinagawa PH President Masako Uemori.

 

“Filipinos, for example, are now more concious of their health embracing the benefits of preventive healthcare. We saw this as an opputunity to offer more healthcare services in addition to our existing eye and aesthetics services.”
Dagdag pa ni Uemori, “Shinagawa’s commitment of ‘health and well-being for all’ is aligned with our continous expansions and innovations by providing Filipinos with diagnostic and preventive care.”

 

Matatagpuan ang center sa 8th floor at 23rd floor ng Ore Central Building, 9th Ave. cor. 31st St., BGC, Taguig City. Bukas ito Mondays to Saturdays mula 8am hanggang 5pm.

 

Para sa mga interesadong i-avail ang kanilang services bisitahin lang ang kanilang official website www.shinagawa-healthcare.ph.

(ROHN ROMULO)

2 most wanted persons, timbog sa Caloocan

Posted on: April 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NALAMBAT ng pulisya ang dalawang most wanted persons sa isinagawang magkahiwalay na manhunt operations sa Caloocan City.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-6:30 ng hapon ng magsagawa ng pagsisilbi ng arrest warrant ang mga tauhan ng IDMS – Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera kontra sa isang MWP sa Senate Ave., Senate Village Phase1, Brgy. 173.

 

 

Sa bisa ng dalang warrant of arrest na inisyu ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 1 noong April 17, 2023 para sa kasong Lascivious Conduct under Sec. 5 ( b ) of R.A. 7610 (2 counts) ay inaresto ng mga tauhan ng WSS ang akusadong si Ramil Sibulan alyas “Ate Camille”, 49, sa nasabing lugr malapit sa kanyang bahay.

 

 

Nauna rito, nasakote naman ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Robert Sales sa ikinasang manhunt operation alas-11:30 ng umaga ang isa pang MWP na kinilala bilang si Mary Rose Sadongdong alyas “Mei-mei”, 22, Frozen Goods Distributions at residente ng 158 William Shaw Brgy. 86.

 

 

Ani Lt Col. Sales, si Sadongdong ay inaresto ng kanyang mga tauhan sa bisa warrant of arrest na inisyu ng Malabon City RTC Branch 74 noong November 23, 2021 para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002- Possession of Dangerous Drugs (RA 9165 Art. II Sec. 11).

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen Ponce Rogelio Penones Jr, ang DSOU at Caloocan CPS sa pamumuno ni Col. Lacuesta sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong wanted sa batas na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang MWP. (Richard Mesa)

2 E-bike driver huli sa aktong sumisinghot ng Marijuana sa Malabon

Posted on: April 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KULONG ang dalawang e-bike driver, kabilang ang 26-anyos na dalaga matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot ng marijuana sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni P/Cpt Mark Xyrus Santos, Sub-Station 1 commander ng Malabon police ang naarestong mga suspek na sina Eugene Emocling, 23, E-bike driver ng No. 82 Sanapo HOA Sitio 6, Brgy. Catmon at Jamaica Bigalan, 26, E-bike driver ng No. 203 Hernandez St., Brgy. Catmon.

 

 

Sa kanyang report kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, sinabi ni Cpt Santos na habang nagsasagawa ng foot patrol ang kanyang mga tauhan sa Mabolo Road, Brgy. Potrero nang maaktuhan nila ang mga suspek na nagsasalitan umano sa pagsinghot ng marijuana dakong alas-11:45 ng gabi.

 

 

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang lapitan at arestuhin sila nina PSSg Paul John Agliam at PCpl Francis John Miguel kung saan nakumpiska sa kanila ang isang glass tube/improvised pipe na naglalaman ng partly burned ng pinatuyong dahon ng hinihinalang marijuana fruiting tops at isang disposable lighter.

 

 

Ani PSSg Jerry Basungit, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Pinupuri ang pagkanta ng Japanese theme song: JULIE ANNE, grateful sa mga natatanggap na positive comments

Posted on: April 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISA sa mga dapat abangan sa most epic primetime series ngayong taon ang pagkanta ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose sa theme song ng “Voltes V: Legacy.”

 

 

 

Para sa mga nakapanood na ng special edit ng serye via “Voltes V Legacy: The Cinematic Experience,” talaga namang amazing ang ipinakitang husay ni Julie Anne na kumanta in Japanese! Major anime vibes ba kamo?!

 

 

 

Komento pa ng ilang netizens sa GMA Network YouTube account, “Sobrang bagay sa boses ni Julie Anne! Multi-instrumentalist, singing multilingual songs! Limitless talaga, wala kong masabi! Congrats, Julie Anne! Versatile at napaka-talented mo!”

 

 

 

Very grateful naman si Julie Anne sa natatanggap na positive comments. Ayon sa kanya, “This is definitely a great opportunity that can’t be missed. And the fact that I have been receiving positive feedback from the OG fans about my rendition is such a relief and a proud moment for me.”

 

 

 

Aminado rin si Julie Anne na fan siya ng Voltes V kaya isa raw karangalan na maging parte ng groundbreaking project na ito ng GMA Network.

 

 

 

“I myself am a fan of Voltes V, especially when I was a kid. Voltes V: Legacy is one of the most anticipated GMA shows this year and I still can’t believe that they have entrusted me to sing its very nostalgic and iconic theme song. I am truly honored and grateful to be part of this remarkable project,” dagdag pa ng Asia’s Limitless Star.

 

 

 

***

 

 

PUMANAW na sa edad na 96 ang tinaguriang King of Calypso at nagpasikat ng awiting ‘Day-O (The Banana Boat Song)’ na si Harry Belfonte.

 

 

Ayon sa kanyang pamilya, congestive heart failure ang dahilan ng pagpanaw nito sa kanyang tahanan sa New York.

 

 

Nakilala si Belafonte bilang isa sa “most popular entertainers of the 20th century, as a singer, musician and actor”. Pero mas hinangaan siya ng marami dahil sa kanyang civil rights work noong 1960s at ang kanyang anti-apartheid work noong 1980s.

 

 

Belafonte was born Harold George Bellanfanti Jr. in Harlem, New York in 1927. Ang kanyang biracial parents ay taga-Jamaica. Noong 1950s ay sumikat ang single niyang “Day-O  (The Banana Boat Song)” na mula sa third album niya na Calypso na sinulat ni Irving Burgie. Naging popular ang song sa Caribbean islands at inaawit ito ng mga Jamaican banana workers.

 

 

Bukod sa pagiging singer, pinasok din ni Belafonte ang pag-arte sa TV, pelikula at entablo. In 1954, he was the first Black actor to win a Tony Award for “John Murray Anderson’s Almanac”. Siya rin ang unang Black actor na manalo ng Emmy Award para sa TV special niya “Tonight with Belafonte” in 1960. Tinambal siya sa sikat na singer na si Dorothy Dandridge sa musical film na Carmen Jones in 1954.

 

 

Nagwagi ng tatlong Grammy Awards si Belafonte at ginawaran siya Grammy Lifetime Achievement Award noong 2000. He was awarded the National Medal of Arts in 1994 at binigyan siya ng Humanitarian Oscar in 2015.

(RUEL J. MENDOZA)

PBBM SAYS GOV’T ‘SLOWLY CONVERTING’ DEPENDENCE ON WATER SUPPLY TO SURFACE WATER

Posted on: April 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

THE GOVERNMENT has stepped up efforts to convert the country’s dependence on water supply from underground water to surface water, President Ferdinand R. Marcos Jr. said Monday.

 

 

The President made the comment in an interview with former Social Welfare Secretary Erwin Tulfo, stressing the need for different government agencies to make the necessary preparations to address the looming dry spell or El Niño phenomenon.

 

 

“Kasi tubig ang pinag-uusapan, marami talagang elemento na kailangan isama diyan sa usapan na ‘yan. But we are slowly converting our dependence of water supply from underground water to surface water.

 

 

‘Yun ang pinaka-basic diyan and then the distribution systems,” Marcos told Tulfo’s radio program in the government-owned Radyo Pilipinas.

 

 

“‘Yung ating mga…kung pupuntahan mo ‘yung mga distribution system natin sa mga water authority, kung titingnan mo ‘yung mga ano, noong giyera pa nilagay ‘yung ano… noong panahon pa ng giyera eh noong nilagay ‘yung mga tubo-tubo eh,” the President pointed out.

 

 

President Marcos, who recently signed an executive order creating a Water Management Office (WMO), said the government platform will help deal with the country’s water crisis.

 

 

“Kasi alam naman natin pag walang tubig, walang buhay. Ganun lang kasimple ‘yan. So… ganun ang approach namin na kailangan na magkaroon ng sapat na supply ng malinis, ligtas na tubig na kahit pag masyadong mahina ang ulan o nagka-El Niño, masyadong mainit ay magkakaroon tayo ng… mayroon pa rin tayong water supply,” the President explained.

 

 

“Ngayon, kung talagang hanggang ngayon ay wala pa, kulang pa, ang gagawin natin siyempre pag-aaralan natin kung saan talaga ang priority. Saan ang uunahin? ‘Yung mga city ba, ‘yung mga agrikultura ba? And again, bawat lugar ay iba. Iba siyempre, ‘yung mga urban communities, ‘yung mga siyudad. ‘Yung freshwater, ‘yung drinking water,” the President said.

 

 

The President said the government has ramped up its alert and warning systems to provide  El Niño forecasts and impacts.

 

 

“Kaya’t, ‘yun isa pa ‘yan, pinapatibay natin ang kakayahan ng DOST (Department of Science and Technology), ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) para ma-warningan naman talaga tayo nang mabuti  na may parating na ganito,” the President said.

 

 

In a previous sectoral briefing, President Marcos tasked agencies tocome up with a whole-of-government strategy to address the El Niño phenomenon that may hit the country this year until early next year.

 

 

Two specific instructions given by the President are the adoption of a whole-of-government or whole-of-nation approach and putting up protocol-based and scientific long-term processes that could be adopted by the country. (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)

Malakanyang, inanunsyo ang mga bagong appointees, promosyon sa ilalim ng administrasyong Marcos

Posted on: April 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga bakanteng posisyon sa gobyerno.

 

 

Sa katunayan, inanunsyo ng Malakanyang ang bagong appointees sa pamahalaan at promosyon sa military.

 

 

Sa Facebook post ng Presidential Communications Office (PCO), inanunsyo nito ang sumusunod na appointees at promosyon sa Department of Agriculture (DA) at Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of National Defense-Armed Forces of the Philippines (DND-AFP) gaya nina:

 

Department of Agriculture

Director IV

Christopher R. Bañas

Carlene C. Collado

Director III

Andres L. Alemania

Rebecca R. Atega- Director III

Marcos C. Aves Sr.- Director III

Cora A. Dumayaca- Director III

Carlota S. Madriaga- Director III

Dennis I. Tactac- Director III

Elvira C. Torres- Director III

Lorna P. Vilbar- Director III

Abel F. Wagas- Director III

 

DA- National Meat Inspection Service

Director II

Neonette K. Agreda

Eduardo Glendon A. Alvarez

Roie-lee N. Cataluña

Alex B. Templonuevo

 

DICT- National Telecommunication Commission

Director II

Glenn Anthony C. Mercado

Ferdinand F. Mortera

Samuel S. Sabile

Eriberta V. Tamoro

Roberto P. Tolentino

Dante M. Vengua

Rolando D. San Luis

 

DND-AFP

Major

Luisito U. Molas

Jacqueline Jane P. Perez

Captain

Carl Ericson John R. Dedace

Mary Jean T. Arel

Criselda Maria Vidda M. Caballa

Christina S. Escubio

Bryall Herr G. Geonanga

Jovie C. Giray

John Robert F. Golfo

Remmalyn F. Inso

Fevalyn A. Jamayo

Jacian Joy C. Oronos

Khay G. Peralta

Kevin Carl L. Quilang

Jorge T. Rabaja

John Carlos S. Racho

Rollylee Djoie D. Ursabia

Kimberly Jane T. Villamin

 

First Lieutenant

Nakita Marie C. Aguilar

Abigail C. Ancheta

Richelene Mae L. Canja

Maria Aileen Fatima C. Capuling

Diane Marie S. Dooma

Ruel D. Ganigan

Mark Moses S. Ilos

Pearl Eunice J. Mallari

Darren Dazel L. Quijano

Charmaine O. Retuta

Irene L. Sia-ed

Jeric S. Zamora

 

Colonel Commander, 302nd Infantry Brigade

Joey A. Escallinas

 

Colonel Commander, 401st Infantry Brigade

Francisco F. Lorenzo Jr.

Colonel Commander, 702 Infantry Brigade

Gulliver L. Señires

 

Major General

Rey B. Alemania

Ferdinand T. Barandon

 

Brigadier General Commander, 203rd Infantry Brigade, Philippine Army

Randolf G. Cabangbang

Brigadier General Deputy Chief of Staff for Reservist and Retiree Affairs, J9

Joel Alejandro S. Nacnac

Brigadier General Assistant Deputy Chief of Staff for Intelligence, AJ2

Edmundo G. Peralta

 

Colonel Commander 2nd Mechanized Infantry Brigade

Anthon G. Abrina

 

Colonel, Assistant Deputy Chief of Staff for Personnel, AJ1

Ulysses S. Marquez

 

Commodore

Rommel U. Labrado

Salvador Henry H. Quinto

 

Brigadier

Erwin Victoriano A. Machica III

Ma. Dolores M. Lim

Samantala, itinalaga rin ng Pangulo si Jose Lucius Pocholo M. Dizon bilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa Nueva Ecija province. (Daris Jose)

‘Good luck’, wish ni PBBM sa mga Cambodia-bound SEAG athletes

Posted on: April 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

“GOOD LUCK”

 

 

Ito ang wish ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa  Cambodia SEAG-bound athletes at officials matapos pangunahan ang isinagawang formal send-off ceremony sa  Philippine International Convention Center sa Pasay, araw ng Lunes.

 

 

Naniniwala kasi ang Pangulo na  mahalagang suportahan ng lipunan ang sport o ang palakasan at dapat lamang na panatilihin.

 

 

Sa harap ng mga atleta na makikipaglaban sa  Southeast Asian Games (SEAG), sinabi ng Pangulo na makapagbibigay ng kaligayahan sa mga Filipino ang pagkapanalo ng mga ito kung papalarin.

 

 

“That is why it has to be kept as a very, very important part of our support to our society. And beyond that, ang ating mga champion, ang ating mga nag-uuwi ng medalya at saka tropeo ay talaga namang nagdadala ng kasiyahan at naipagmamalaki ng buong madla na kami ay Pilipino. ‘Yang mga ‘yan Pilipino ‘yan, mga champion namin ‘yan at ‘yan ang siguro ang pinakamahalaga na dinadala — nagdadala kayo ng dangal sa Pilipinas,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Idinagdag pa nito na  “It’s good for your discipline. It’s good for your health. It’s good for your camaraderie. It’s good to mature young people.”

 

 

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dumalo ang Pangulo sa  send-off event  simula nang manalo siya noong May 2022 presidential elections.

 

 

“It is my great, great pleasure to be able to be with you just very quickly. Pinilit kong makapunta rito dahil gusto kong makilala ‘yung mga champion,” aniya pa rin.

 

 

Nagpahayag naman ng kahandaan ang Pangulo na tulungan ang mga atleta at mga sports officials sa kahit na anumang paraan.

 

 

“If there is anything more that this government can do, that this administration can do, that I personally can do, you please make sure you will tell me because we are all rooting for you,” aniya pa rin.

 

 

“At huwag ninyong kakalimutan kapag talagang napagod na, nahirapan na, na-injure na nang kaunti, pakinggan niyo ulit ‘yung sigaw, maririnig niyo kami ‘yun, ‘yung mga kapwa niyo Pinoy, sinisigaw: Go! Go! Go! Go!,” aniya pa rin.

 

 

Tinatayang mahigit sa  800 Filipino athletes ang lalaban sa mahigit na  600 events sa 38 sports sa Cambodia SEAG mula  Mayo 5 hanggang 17.  (Daris Jose)

Banggaan nina Beauty at Max, tiyak na tututukan: Sen. BONG, muling bubuhayin ang iconic role niya na ‘Tolome’

Posted on: April 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
ANG hit and classic film na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ay nakakakuha na ng spinoff sa small screen sa pamamagitan ng GMA Network.
Mula sa pagiging isang iconic film hanggang sa isang action-comedy series, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ay pagbibidahan ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., kasama ang multi-talented actress Beauty Gonzalez, at ang kaakit-akit na Sparkle leading lady na si Max Collins.
Bibida rin sa feel-good at exciting series sina Kate Valdez, Kelvin Miranda, at Raphael Landicho. Ipinakilala si Angel Leighton kasama ni Niño Muhlach, ER Ejercito, Ronnie Ricketts, Mae Bautista, Archie Alamania, at Dennis Marasigan.
Ang sitcom ay kasunod ng kwento ni Police Major Bartolome Reynaldo (Sen. Bong), na hinahangaan sa kanyang kagwapuhan, walang takot, at kasikatan sa mga kababaihan. But there is one thing that grounds Tolome and that’s his fear of his wife, Gloria (Beauty).
Si Tolome ay nakakuha ng maraming kalaban dahil sa pagiging mabangis sa mga kriminal. Kahit na ang mga pulis na yumuko sa mga alituntunin ay gusto din siyang makitang nabigo. Sa kabila nito, nananatiling nakatutok si Tolome sa kanyang tungkulin sa suporta ng kanyang masigla ngunit mapagmahal na asawa.
Gayunpaman, maaari ding magselos si Gloria lalo na sa lahat ng babaeng nakapaligid kay Tolome.
Isang araw, sinagip ni Tolome ang ilang babaeng kinidnap umano at isa na rito ang maganda at seksing si Elize (Max). Nangako si Elize na makikipagtulungan kay Tolome para matunton ang mga kidnapper. Nakapagtataka, ang pagsisiyasat ay humantong sa kanila sa isang mas malalim at mas madilim na kaso.
Paano malulutas ni Tolome ang isa sa kanyang pinakamalaking kaso? Magiging kaibigan o kalaban ba ni Gloria si Elize? Ano ang mga kilig at kaganapan sa buhay ng isang pulis?
“Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ay ginawang posible sa ilalim ng pangangasiwa ng award-winning na GMA Entertainment Group na pinamumunuan ni SVP for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable; VP para sa Drama Cheryl Ching-Sy; AVP para sa Drama Helen Rose Sese; Senior Program Manager Camille Hermoso; at Executive Producer Lenie Santos.
Ang programa ay produkto ng mga visionary minds ng creative team ng GMA na binubuo ng Creative Consultant Jojo Nones; Head Writer Reggie Amigo; Ang mga manunulat na sina Liberty Trinidad, Jake Somera, at Loi Argel Nova.
Ang pangunahing direktor ng serye ay si Enzo Williams na hahawak sa mga eksenang aksyon habang si Associate Director Frasco Mortiz ay mamamahala sa mga eksena sa komedya.
Tiyak na ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ay magbabalik ng action, drama, and lots of fun, na makaka-relate ang bawat pamilyang Pinoy.
(ROHN ROMULO)

Kaabang-abang ang pagbabalik sa serye: RICHARD, sobrang na-miss ang kulitan nila ng mga co-stars

Posted on: April 26th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MATATAPOS na ang ating paghihintay dahil sa wakas ay muling mapapanood sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ si Richard Yap.

 

 

Ang Chinito actor ang gumaganap sa karakter ni Doc RJ sa serye na siyang tunay na ama ni Dra. Analyn Santos (Jillian Ward), ang genius at pinakabatang doktor sa bansa na anak din ni Lyneth (Carmina Villarroel).

 

 

Sa isang panayam, nag-iwan si Richard ng ilang pahayag tungkol sa pagbabalik ng kanyang karakter sa afternoon series.

 

 

Ayon sa aktor, masosorpresa ang viewers ng ‘Abot-Kamay na Pangarap’ sa kanyang pagbabalik.

 

 

“Unexpected but a very pleasant surprise,” pahayag ni Richard.

 

 

Ilang panahong namalagi si Doc RJ sa ibang bansa dahil doon siya ipinagamot ng kanyang asawa na si Moira (Pinky Amador) at ng kanyang ama na si Mang Joselito/Lolo Pepe (Leo Martinez).

 

 

Ibinahagi rin ni Richard na sobrang na-miss niya ang kanyang co-stars sa trending na inspirational-medical drama series.

 

 

Sabi niya, “Na-miss ko ‘yung kulitan namin behind the scenes even though nakikita na very dramatic ‘yung mga eksena namin.

 

 

Sa pagbabalik ni Doc RJ, kaabang-abang ang ilang twist na mapapanood kaugnay ng kanyang pagbabalik sa kanyang pamilya at sa APEX Medical Hospital.

 

 

Kabilang din sa hindi dapat palampasin ay ang mga gagawin ni Doc RJ sa kanyang wicked wife na si Moira.

 

 

***

 

 

HINDI katakatakang patuloy na namamayagpag sa box office ang ‘Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience’ dahil maging ang mga miyembro ng cast ng serye ng GMA ay nag-e-effort para sa kanilang obra.

 

 

Tulad ni Matt Lozano na personal na nagsagawa ng isang exclusive block screening, na kung saan gumaganap siyang Robert “Big Bert” Armstrong.

 

 

Kabilang sa mga dumalo sa private screening ang kapwa niya Sparkle artists, ang celebrity chefs na sina Jose Sarasola at JR Royol.

 

 

Present din ang pamilya, malalapit na kaibigan, at ilang fans ni Matt.

 

 

Samantala extended sa mga SM cinemas ang ‘Voltes V Legacy: The Cinematic Experience’ hanggang May 2 bago ang TV airing nito sa GMA sa May 8.

(ROMMEL L. GONZALES)