• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 3rd, 2023

Pasabog ang teaser ng ‘The Cheating Game’: JULIE ANNE, kitang-kita ang versatility bilang aktres kaya pinupuri

Posted on: July 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PASABOG ang teaser ng ‘The Cheating Game’!

 

 

Umani nga ng mga positibong komento ang teaser ng pelikula ng GMA Public Affairs at GMA Pictures na pagbibidahan nina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Total Heartthrob and Performer Rayver Cruz.

 

 

Nitong Miyerkules (June 28) ito napanood on air at online. Marami ang lalong na-excite sa pelikula dahil very interesting, intense, at unpredictable umano ang ipinakitang storyline batay sa teaser.

 

 

Talaga ring damang-dama na agad ang emosyon ng mga bida kasama pa sina Martin del Rosario, Winwyn Marquez, at Thea Tolentino. Syempre, hakot-papuri rin si Julie Anne dahil kitang-kita ang versatility niya bilang aktres dahil tila hindi na mala-Maria Clara ang role niya rito.

 

 

Konting tulog na lang, malalaman na ang kuwento nina Hope Celestial (Julie Anne) at Miguel Agustin (Ravyer). Mapapanood na sa mga sinehan ang ‘The Cheating Game’ simula July 26!

 

 

***

 

 

PINAKILALA na ang mga actors na mapapanood sa second season ng ‘Squid Game’, ang phenomenal Korean survival drama na pinalabas sa Netflix noong 2021.

 

 

Unang in-announce ng Netflix na kasama sa second season sina Yim Si-wan, Kang Ha-neul, Park Sung-hoon and Yang Dong-geun. Magbabalik din sa series sina Lee Jung-jae, Wi Ha-joon, Lee Byung-hun and Gong Yoo.

 

 

Dagdag pa sa cast ang K-pop stars na sina Choi Seung-hyun (formerly T.O.P of the iconic group Big Bang) at Jo Yuri of the South Korean-Japanese girl group IZ*ONE. Join din sina Park Gyu-young, Lee Jin-wook, Kang Ae-sim, Lee David, Won Ji-an and Roh Jae-won.

 

 

Mga nagwagi ng acting awards sa first season ng ‘Squid Games’ ay sina O Yeong-su (Golden Globe best supporting actor) at Lee Jung-jae (Screen Actors Guild, Independent Spirit and Primetime Emmy best actor).

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Fanmade Poster for ‘James Bond XXVI’ Makes A Strong Case For Top 007 Shortlist Contender

Posted on: July 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IN an impressive new fanmade poster for James Bond 26, Aaron Taylor-Johnson becomes 007.

 

 

After his first James Bond movie (Casino Royale) back in 2006, Daniel Craig said farewell to Bond with 2021’s No Time To Die. Since the actor’s swan song, the question of who will be the next actor to take on the iconic character has been top of mind, with Taylor-Johnson seemingly emerging as a frontrunner earlier this year.

 

 

Now, as the wait for any concrete James Bond 26 news drags on, a fanmade poster by artist Axel Amirón images Taylor-Johnson as 007.

 

 

Now, as the wait for any concrete James Bond 26 news drags on, a fanmade poster by artist Axel Amirón images Taylor-Johnson as 007.

 

 

Since No Time To Die (and even before then), various actors have been rumored to serve as Craig’s replacement. Idris Elba was long a popular fan-cast for the role, but he made his feelings clear on the matter last year, essentially removing himself from consideration.

 

 

Taylor-Johnson quickly then became the next hot name to be associated with the role earlier this year after he reportedly had a meeting with producer Barbara Broccoli that went well.

 

 

Taylor-Johnson would subsequently respond to these Bond casting rumors, neither confirming nor denying that a meeting took place, and simply calling the rumors “flattering”.

 

 

Since then, Taylor-Johnson has remained the most popular pick among pundits, but actors like Henry Cavill (who was once up for Casino Royale against Craig) and James Norton are also top choices.

 

 

It’s still entirely unclear whether Taylor-Johnson will actually become the next James Bond, but, at 33, he is in the right age range for the part. While the producers haven’t definitely stated that they’re looking for an actor in their early 30s, they did say that the role will require at least a ten-year commitment, if not more.

 

 

This means that a former top choice like Tom Hardy, who is now 45, might be too old, and it might even hurt Cavill’s 007 chances as well, with the actor now 40. (source: screenrant.com/@almirondesign)

(ROHN ROMULO)

Matapos na mag-congrats sa nalalapit na kasal: SHARON, binanggit kay MAINE na kasama ang bagong son na si ALDEN

Posted on: July 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SI Megastar Sharon Cuneta ang special guest ng TVJ at Legit Dabarkads sa pilot telecast nila ng noontime show nila sa TV5, ang “E.A.T.” last Saturday, July 1.  Kinanta ni Sharon ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko,” pero nag-request pa ng another song ang TVJ, ang “Bituing Walang Ningning.”  

 

 

Pero bago muling kumanta si Shawie, tinawag muna niya si Maine Mendoza at ibinalita rito na may kasama siya ngayon sa shooting, at binanggit niya ang name ni Alden Richards.

 

 

“Maine congrats ha!  Nagsu-shooting ako ngayon, may kasama ako, ‘yung anak kong bago, ‘yung bago kong son, ang pangalan niya Alden.”

 

 

Nakangiti namang sagot ni Maine, “Congrats po sa movie ninyo Ms. Sharon.”

 

 

Sabi ulit ni Sharon, “Pero congrats ha, Hi. Alden, nandito si Maine.  Hi, Direk Nuel (Naval)”  na sinabayan ng tawanan ng Dabarkads at ng studio audience.

 

 

Patunay daw na isa pa rin palang certified AlDub fan si Mega, at halatang kinikilig pa rin siya sa AlDub love team, tulad pa rin ng mga loyal AlDub fans. (Nakilala noon ni Sharon sina Alden at Maine nang mag-guest siya sa “Eat Bulaga.”)

 

 

Ang tinutukoy naman ni Sharon na movie na ginagawa nila ni Alden ay ang “A Mother and Son’s Story” for CineKo Productions at dinidirek ni Nuel Naval at intended for the 2023 Metro Manila Film Festival this December.

 

 

                                                            ***

 

 

STAR-STUDDED ang bagong proyekto ni Ruru Madrid sa GMA Public Affairs, after ng fantasy action series na “Lolong,” ang isa pang action series na “Black Rider,” na pagsasamahan nila for the first time ng bagong Kapuso actor and TV host na si Matteo Guidicelli.

 

 

Lahat-lahat, ang main cast ay binubuo ng 28 Sparkle actors and actresses ng GMA Network, na ang iba ay matagal na rin nating hindi napapanood sa mga shows ng GMA at ang iba naman ay kabilang sa mga Kapamilya stars.

 

 

Bukod kina Ruru at Matteo, ang iba pang bumubuo sa cast ay sina Katrina Halili, Jon Lucas, Jayson Gainza, Janus del Prado, Empoy, Rainier Castillo, Prince Clemente, Raymond Bagatsing, Gladys Reyes, Raymart Santiago, Zoren Legapi, Gary Estrada, Rio Locsin, Roi Vinzon, Almira Muhlach, Maureen Larrazabal, Aleck Bovick, Bodjie Pascua, Marco Masa, Asley Sarmiento, Luis Hontiveros, Dustin Yu, Saviour Ramos, Joaquin Manansala, Vance Larena at Kim Perez.

 

 

                                                            ***

 

 

IPAGPAPATULOY na kaya ni Bimby Aquino Yap ang pag-aartista at ang pagiging host tulad ng kanyang inang si Kris Aquino?

 

 

Nag-post kasi sa social media ang Cornerstone Entertainment kung saan magkakasama sa photo ang President at CEO ng talent agency na si Erickson Raymundo, ang Vice President nitong si Jeff Vadillo, si Bimb, ang ninong niyang si Boy Abunda, at si Tin Calawod na handler ni Kris.

 

 

Bale si Boy ang tumatayong guardian ni Bimb habang wala pa si Kris sa bansa dahil patuloy pa rin siyang nagpapagaling ngayon sa Amerika.

 

 

Matatandaang naging child actor na si Bimb noong araw at ang film debut niya ay ang “My Little Bossings” with Vic Sotto, “The Amazing Praybeyt Benjamin,” at “All You Need is Pag-ibig.”

 

 

May special participation naman siya sa TV show na “Kung Tayo’y Magkakalayo.”

(NORA V. CALDERON)

Isang malaking tagumpay ang ‘Miss Manila 2023’: Pambato ng Malate na si GABRIELLE, nasungkit ang korona

Posted on: July 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
ISANG malaking tagumpay ang ginanap na Miss Manila 2023 nitong June 23, Biyernes ng gabi, sa The Metropolitan Theater sa Maynila. 

Ang mga hosts ng prestihiyosong beauty pageant ay sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Kapuso/Sparkle male artist Rayver Cruz.

 

Ang mga bumuo naman sa panel of judges ay sina

 

Crystal Jacinto (CEO, EW Villa Medica Manila);

 

Dr. Gwen Pang (Secretary General of the Philippine Red Cross); Joy Marcelo (Vice-President of Sparkle GMA Artist Center); Ladylyn Riva-Tieng (beauty queen, entrepreneur and philanthropist); Rhiza Pascua (President of Live Nation Philippines) at

 

Gloria Diaz (Miss Universe 1969) na siya ring chairman ng board of judges.

 

Hinirang na winners ang mga sumusunod…

 

2nd Runner Up – Francine Tajanlangit (Roxas Boulevard)

 

1st Runner Up – Karen Nicole Piccio, (Pureza Sta. Mesa)

 

Miss Manila Charity – Anna Carres de Mesa (Sta. Mesa)

 

Miss Manila Tourism – Angela Okol (Paco)

 

MISS MANILA 2023 – Gabrielle Lantzer (Malate)

 

Nanalo rin si Gabrielle ng tatlong special awards; ang Miss EW Villa Medica Manila, Best in Swimsuit at Best in Evening Gown.

 

Bilang Miss Manila ay nag-uwi si Gabrielle ng isang milyong pisong cash prize, korona na yari sa diamonds, sapphires at Pearl of the Orient na gawa ng Arca Bespoke Jewelry, two hundred fifty thousand pesos worth of services mula sa EW Villa Medica Manila at roundtrip business class ticket to any international destination of her choice mula sa Philippine Airlines.

 

Si Angela naman, bilang Miss Manila Tourism ay nanalo ng roundtrip ticket to any local destination of her choice (mula sa PAL) at isandaang libong piso.

 

Si Anna naman, bilang Miss Manila Charity ay nanalo ng roundtrip ticket to any local destination of her choice (mula sa PAL) at one hundred thousand pesos cash.

 

Si Angela ay hinirang rin na Fans Choice Award samantalang si Anna ay napili rin bilang Miss Photogenic by San Miguel Corporation.

 

Ang iba pang special awardees ay sina Hanna Cruz (Sampaloc) bilang Miss Philippines Airlines at Rethy Rosa (Maceda Sampaloc) bilang Miss Riverpark Centralis.

 

Ang mga runners-up ay nagwagi ng roundtrip ticket to any local destination (mula sa PAL) at fifty thousand pesos cash.

 

Performers sa gabi ng beauty pageant sina Angeline Quinto na inawit ang theme song ng Miss Manila, ang violinist na si Joseph Brian Cimafranca, ang rapper na si Kritiko at ang boy group na Yes My Love O YML.

 

Ang Miss Manila 2023 ay handog ng City of Manila sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna-Pangan, Department of Tourism, Culture and the Arts of Manila sa pangunguna ni Tourism Director Charlie Dungo, KreativDen Entertainment (headed by Kate Valenzuela) at co-presented naman ng Philippine Chinese Chambers of Commerce and Industry at ng San Miguel Corporation.

(ROMMEL L. GONZALES)