• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 5th, 2023

Salceda, hindi hihingin ang pagbibitiw ng Tourism secretary

Posted on: July 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ITO ANG tinuring ni House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda (Albay) kasunod na rin sa mga panawagan na magbitiw sa puwesto si Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco bunsod na rin sa naging kapalpakan sa launching ng bagong campaign video ng ahensiya.

 

 

Sa halip aniya ay dapat pagtuunan ng pansin ang gagawing hakbang para sa hinaharap ng turismo ng bansa.

 

 

“I asked her to fire the consultant. She did. I asked her to correct mistakes and investigate internally. She did. I asked her to be more inclusive with destinations featured. She did. When we resume session in Congress, we will seek facts. She is open. We can disagree without malice,” pahayag pa ni Salceda.

 

 

Bahagi aniya ng tungkulin bilang mambabatas at representante ng publiko na pumuna kung kinakailangan ngunit pagkatapos ng mainitang diskusyon ay kailangang manatili ang atensiyon sa pagresolba sa problema.

 

 

“And once the controversy about this rebranding effort passes, we will still need to fix our airports, our accommodations, our accessibility. So, no, I will not join calls for her to resign. Certainly not when a lot of it is premised on speculation. I focused on facts in my criticisms. I want to focus on facts on the solutions,” giit ng mambabatas.

 

 

Handa rin aniya itong tumulong sa kalihim kasabay nang panawagan na lahat na tumulong din sa tursimo.

 

 

“Albay will help her. I offer to her my personal experience as former Governor of Albay, when we grew foreign tourist arrivals by 4,700 percent, and became the country’s rising tourism star. Albay has 1.32 tourists per resident, pre-pandemic, higher than the 0.57 per resident number nationally. It’s one of the best – if not the best, pound-for-pound,” dagdag ni Salceda.

 

 

Noong gobernado pa si Salceda ay nabigyan ito ng unang Tourism Star award ng Department of Tourism noong in 2015 sa pagsusumikap nitong gawing pangunahing tourist destination ang Albay. Nabigyan din ito ng Special Grand Tourism Award ng Manila Overseas Press Club.

 

 

“I also want to work with her on the Bicol International Airport, and other issues. Let’s move forward,” pagtatapos ni Salceda. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

PBBM sa anti-poverty commission, alamin at kilalanin ang ‘problematic’ areas, makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya

Posted on: July 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KAAGAD na nagbigay ng kanyang marching order  si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa National Anti-Poverty Commission (NAPC) para alamin at kilalanin ang mga o identify ang “problematic” communities at makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga Filipino indigents.

 

 

“‘Yung mga ibang lugar na talagang hindi makabangon dahil wala, walang tulong, walang ano, walang kalsada, walang facilities, walang infrastructure, identify natin ‘yun para puntahan natin kung ano man ‘yung kailangan nila,” ayon sa Pangulo sa isinagawang pakikipagpulong kasabay ng pagdiriwang ng ika-25 founding anniversary ng NAPC.

 

 

Hiniling din nito sa NAPC  na idetermina ang mga lugar na walang farm-to-market roads, internet, elektrisidad at water supply.

 

 

“So, those are the things, I think, that the NAPC should be doing,” ayon sa Pangulo sabay sabing  “Hanapin natin kung saan talaga ‘yung problematic na area and then engage natin lahat ng ibang departamento para the other departments can come in.”

 

 

Sa kabilang dako, hinikayat naman ng Punong Ehekutibo ang NAPC na makipag-ugnayan sa ibang departamento para pagsamahin at pag-ibahin ang trabaho ng komisyon.

 

 

Samantala, present naman sa unang en banc meeting ng komisyon sa Palasyo ng Malakanyang sina Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, Interior Secretary Benhur Abalos, Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, Technical Education and Skills Development Authority Secretary Suharto Mangudadatu, at Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr.

 

 

Hindi naman nakasama si Larry Gadon,  ang newly appointed presidential adviser on poverty alleviation. Hanggang sa ngayon ay hindi pa siya nakakapanumpa sa kanyang bagong posisyon.

 

 

Sa kabilang dako, tinuran ng Presidential Communications Office (PCO) na sinabi ni NAPC lead convenor Lope Santos III kay PAngulong Marcos na kinonsulta na ng komisyon ang mga miyembro nito,  leagues of local government units, national government agencies, at basic sectors upang kagyat na magtakda ng  tasks  na aangkla  sa  Philippine Development Plan 2023-2028.

 

 

“The development plan aims to reduce poverty from 18.1% to 8.8% to 9%,” ayon kay Santos.

 

 

Sinabi pa ni Santos, target ng NAPC  na kompletuhin ang National Anti-Poverty Action Agenda, o mas kilala bilang N3A, sa darating na Setyembre, at i-adopt at balangkasin ang National Poverty Reduction Plan sa Oktubre.

 

 

Sinabi ng NAPC lead convenor  na pagsasama-samahin ng body ang lahat ng inputs para makalikha ng N3A na magkakaroon ng mga programa para tukgunan ang  multidimensional poverty concerns, social, economic, ecological, atgovernance, at ipresenta ang draft para sa  approval sa susunod na  en banc.

 

 

“And we also plan to roll this out — the adoption and formulation of the Local Poverty Reduction Action Plan starting 2024 to be mainstreamed in all provincial development and fiscal framework plans and comprehensive development plans of our local government units, including in the respective annual investment plans,” ayon kay Santos.(Daris Jose)

59 gamot sa cancer, altapresyon, diabetes, TB, kidney disease wala ng VAT–BIR

Posted on: July 5th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WALA ng kokolektahing Value Added Tax (VAT) ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa 59 gamot para sa sakit na Cancer, Hypertension, High Cholesterol, Diabetes, Mental Illness, Tuberculosis at Kidney Disease.

 

 

Ito ay batay sa ipinalabas na kautusan ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. sa ilalim ng Memorandum Circular 72-2023 na nagsasaad ng exemption sa VAT sa ilang gamot sa naturang mga karamdaman.

 

 

Ang hakbang ay alinsunod naman sa talaan ng VAT-Exempt Products sa ilalim ng Republic Act No. 10963 (TRAIN Law) at RA 11534 (CREATE Act).

 

 

Sinabi ni Lumagui na ang hakbang ay magpapagaan sa gastusin ng mga mamamayan na mayroong naturang mga sakit.

 

 

Ipinagmalaki ni Lumagui na ang BIR ay isang ahensiya ng pamahalaan na hindi goal-oriented pero service-oriented.  (Ara Romero)