• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 21st, 2023

RAIN WATER COLLECTION SYSTEM ILALAPAT NA SA BUONG QC

Posted on: July 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si City Engineer Atty. Dave Perral na mag-install at magpagana ng mga rain water collection system sa lahat ng gusaling pag-aari ng lungsod at maging sa mga pampublikong paaralan sa syudad.

 

 

Ito ay bilang bahagi ng mga inisyatiba ng Quezon City LGU para tugunan ang mga nakaschedule na water interruption na makaaapekto sa ilang barangay.

 

 

Inaasahang aabot ng hanggang 11 oras ang nasabing mga interruption bunsod na rin ng patuloy na pagbaba ng water level sa Angat Dam, ayon na rin sa Maynilad.

 

 

Ayon kay Belmonte, malaki ang maitutulong nito para mapagaan ang epekto ng water interruption sa ating lungsod, lalo na sa mga komunidad na maaapektuhan ng water interruption.

 

 

Nakikipag-ugnayan na rin ang pamahalaang lokal ng Quezon City sa mga water companies upang matiyak na walang tagas o leak ang mga linya ng tubig.

 

 

Gayundin naman, maging ang Barangay and Community Relations Department ay inatasan na rin ni Belmonte na makipag coordinate sa Maynilad upang mamonitor ang schedule ng mga water tanker na aalalay sa mga apektadong barangay.

 

 

Samantala, responsibilidad naman ng Public Affairs and Information Services Depaetment o PAISD at ng Quezon City Citizen Services Department na makipag-ugnayan sa mga water concessionaires para sa mabilisang pagpapalaganap ng information kaugnay nga sa water interruption schedules. (PAUL JOHN REYES)

NEDA board, nagbigay ng go signal para sa P170.6B NAIA rehab

Posted on: July 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments
INAPRUBAHAN ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang P170.6-billion Ninoy Aquino International Airport (NAIA) rehabilitation project.
Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na ang  “solicited proposal to rehabilitate, operate, expand and transfer the NAIA” project  ay isasagawa sa ilalim ng  public-private partnership (PPP) scheme.
Ang nasabing proyekto, sa ilalim ng  Department of Transportation at Manila International Airport Authority (MIAC), nagkakahalaga ng P170.6 billion ay isasagawa sa pamamagitan ng public-private partnership (PPP).
“This initiative seeks to address long-standing issues at NAIA, including inadequate capacity and restricted aircraft movement,” dagdag na wika ni Balisacan.
Layon ng proyekto na itaas ang annual airport capacity mula  35 million  ay maging  62 milyong pasahero, palakasin ang  air traffic movement, at i- improve ang overall passenger experience at service quality.
“This also includes the improvement of all passenger terminals in NAIA and all its facilities, including those that have previously caused inconvenience,” paglilinaw ni  Balisacan.
Inaasahan naman na magsisimula ang proyekto sa taong 2024.
Ang  NAIA PPP project ay mayroong concession period na  15 taon at karagdagang 10-year extension, depende sa  performance ng  winning bidder.
“This includes improvement of all passenger terminals at the NAIA and all its facilities, including those previously identified as causes of inconvenience,” aniya pa rin.
“The goal of the project is to address long-standing issues at NAIA such as the inadequate capacity of passenger terminal buildings and restricted aircraft movement. It also aims to increase air traffic movement from 40 to 48 per hour,” dagdag na wika ni Balisacan.
At dahil sa desisyon ng pamahalaan na isulong ang solicited mode ng  NAIA rehabilitation, umaasa naman si Balisacan  na iyong mga mas pinili na magsumite ng unsolicited proposal sa pamahalaan ay magpapartisipa rin  sa  solicited bidding.
Sa kabilang dako, ang pangalawang inaprubahang proyekto ay ang Samar Pacific Coastal Road II Project, na may budget na P 7.48 billion. Kasama rito ang konstruksyon ng dalawang  marine bridges, gaya ng  Laoang II Bridge at Calomotan Bridge, at maging ang pagpapahusay sa kasalukuyan daan sa pagitan ng  Laoang Island at mainland Samar Island.
“This 15-kilometer infrastructure development is expected to improve connectivity in the region and promote economic growth,” ani Balisacan.
Inaprubahan din ang Unsolicited Proposal for the Upgrade, Expansion, Operation, and Maintenance of the Laguindingan International Airport Project.
“With an estimated cost of P12.75 billion, this initiative focuses on integrating sustainable and digitally advanced features into the design and operation of the Laguindingan International Airport in Misamis Oriental,” ayon kay Balisacan.
Ang proyekto, na isasailalim sa  PPP,  naglalayong palakasin ang regional development, i-promote ang turismo at magbigay ng mas maayos na “travel experience” para sa mga pasahero.
Idagdag pa sa bagong mga proyekto, inaprubahan din ng NEDA Board ang pagbabago sa “scope, cost, design, at/o loan validity” para sa apat na nagpapatuloy na  infrastructure projects.
Kabilang aniya rito ang Integrated Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation o IDRR-CCA Measures sa Low-Lying Areas ng  Pampanga Bay Project;  Jalaur River Multipurpose Project Stage II project;  Malitubog-Maridagao Irrigation Project Stage II o MMIP II; at, ang Cebu Bus Rapid Transit Project.
Sa kabilang dako, kinumpirma naman ni Balisacan ang Proposed Adoption ng  National Policy on Infrastructure Sector Master Plans,  naglalayong “to harmonize and rationalize the formulation of master plans for the infrastructure sector.”
Ang polisiyang ito ay makasisiguro ng koordinasyon, synergy, at kakayahang tumugon ng sektor para sa mga umuusbong na usapin.
Samantala, sinabi ni Balisacan na isang executive order ang ipalalabas para palakasin  ang implementasyon ng nasabing polisiya sa buong bansa. (Daris Jose)

PBBM, umaasa na matitigil na ang 4Ps dahil sa food stamp program

Posted on: July 21st, 2023 by @peoplesbalita No Comments
UMAASA  si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. na matutuldukan na ang  Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil sa food stamp program. 
“Sana. Ibig sabihin kasi pag kaya na natin itigil ‘yan, sasabihin natin ibig sabihin wala ng nangangailangan. Maganda talaga kung maabot natin ‘yun. Pero kahit papano kung minsan tinatamaan halimbawa ng bagyo, tinatamaan ng peste, tinatamaan ng kung anu-ano eh kailangan pa rin tulungan,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam matapos ang isinagawang “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program Kick-Off Activity sa Don Bosco Youth Center Tondo, Technical Vocational Education and Training Center, Tondo, Lungsod ng Maynila.
“‘Yung 4Ps eh ‘yung pantawid ‘yun eh. So kung hindi na kailangan magtawid ibig sabihin may trabaho na, may kaya na ang tao, kahit man lang mapakain ang sarili, ang pamilya, sana umabot tayo sa ganoon,” dagdag na wika nito.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang naging talumpati na ang poverty alleviation ay “ultimate goal” ng kanyang  administrasyon sa pagtatapos ng 2028.
“We have always tried to rise up from the throes of poverty but the problem of hunger and malnutrition still remains. And that’s why it has become a priority of this government that we will fight all the poverty. We will put in all the programs so that one day we can say that we are able to give our people, at the very least, the food that they need to survive, the nutrition that they need to survive,” lahad ng Punong Ehekutibo.
“That is the dream of this administration. That is what we are hoping to achieve in this administration, that by the end of 2028, we can say that we have done everything to reduce.” (Daris Jose)