• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 20th, 2023

Navotas nagsagawa ng simultaneous coastal clean-up

Posted on: September 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BILANG bahagi ng seleberasyon ng 2023 International Coastal Cleanup (ICC) Day, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng simultaneous coastal cleanup drives sa lahat ng 18 barangays sa lungsod.

 

 

Nasa 700 na individuals ang lumahok sa event, kabilang ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod, national government agencies, barangay officials and staff, students, teachers, non-government organizations, at mga representatives mula sa private institutions.

 

 

“Navotas is a coastal city, and a large portion of our population depends on fishing for their income. Keeping the sea and other bodies of water clean is imperative in helping our kababayans maintain their livelihood. Let us make cleanliness a part of our lifestyle,” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

“Our city is the extension of our homes. Just like how we keep our homes in order, let us do our part in maintaining the cleanliness of our communities,” dagdag niya.

 

 

Ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ay nagsagawa din ng ICC campaign sa lahat ng barangays upang itaas ang kamalayan tungkol sa wastong pamamahala ng solid waste segregation-at-source.

 

 

Ang ICC Day ay isang pandaigigang kaganapan na nagbubuklod sa mga bansa at mga tao na may iisang layunin na lutasin ang lumalaking problema sa marine debris sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan ng mga baybayin, ilog, lawa at daluyan ng tubig, gayundin ang pangangalap ng data sa uri at dami ng basurang nakolekta. Ito ay na-institutionalize ng Presidential Proclamation No. 470 noong September 15, 2003.

 

 

Ang mga volunteers ay kinakailangang magsumite ng kopya ng boluntaryong pormularyo ng data ng basura sa karagatan upang maitala ang mga labi at basurang bagay na kanilang natipon sa panahon ng kaganapan. (Richard Mesa)

Hiyang-hiya na tawagin siyang ‘TikTok Queen’: MARIAN, gustong maka-collab si DINGDONG na malapit nang mapilit

Posted on: September 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BUSY na si Senator Bong Revilla sa paghahanda niya para sa kanyang 57th birthday sa September 25, na kasabay din niyang isi-celebrate and kanyang 50th anniversary in showbiz na bibigyan din siya ng special show ng GMA-7.  

 

 

Nabanggit din muli ni Senator Bong na may gagawin siyang malaking movie project na makakasama niya si Jillian Ward ng “Abot-Kamay na Pangarap” ang top-rating afternoon prime series ng GMA Network.

 

 

Inspired ito ng movie ni Fernando Poe, Jr. in 1999, ang “Isusumbong Kita sa Tatay Ko,” na pinagsamahan nila noon ni Judy Ann Santos, pero ayon kay Sen. Bong may mga twist daw ngayon at lalong pinaganda and script.

 

 

Ayon pa kay Sen. Bong may kinakausap silang malaking-malaking artista, na idol din daw niya at nakasama na sa isang pelikula, at wish niyang tanggapin nito ang kanyang offer, kaya ayaw pa niyang pangalanan kung sino ang malaking artistang binabanggit niya.

 

 

“Inaayos na namin yung project with Jillian at sorpresa kung sino ang magiging leading lady ko,” dagdag pa ni Sen. Bong.

 

 

“Sana pagkatapos ng birthday ko, magkasundo na kami para makapagsimula na kaming mag-shooting.”

 

 

Sa kanyang birthday, labis-labis na pasasalamat ang ipinaaabot ni Sen. Bong sa kanyang mga kaibigan at well-wishers, wala na rin daw siyang pangsariling hiling.  Ang gusto na lamang niya ay ituloy ang bloodletting project na ginagawa na niya for 14 years, ang “Dugong Alay  Pangdugtong Buhay Bloodletting Project.”

 

 

Nagpasalamat si Sen, Bong sa mga nag-donateng kanilang dugo sa katatapos na bloodletting project nila, lalo na sa mga kapulisang laging handang mag-donate ng kanilang dugo, na maraming buhay ang nadudugtungan nito.

 

 

***

 

 

HIYANG-HIYA si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, nang tawagin siyang “Tik Tok Queen,” dahil sa loob lamang ng one month, nakatanggap na agad ang “Price Tag” content niya ng 187.3M at isa pang video na nakatanggap naman ng 123.1M ganoon din ang iba pa niyang video na milyones din ang mga views,

 

 

“Ay, hindi naman ako! Hindi naman,” tanggi ni Marian.

 

 

“Nag-post ako nung birthday ko, August 12,one month pa lang.  Nahihiya ako, kasi sabi ko, matanda na ako, ayaw ko nang magsayaw.  Pero yun nga, nag-try na rin, hindi ko lang in-expect sa magiging reaction, na ganoon kalaki aabutin ang views.  Pero super proud ang asawa ko! Si Zia nga natatawa kapag pinapanood ang ‘Price Tag.’

 

 

Sexy raw siya, comment ng mga fans, kahit balot ang katawan niya! “Sexy ba? Siguro, dahil nag-enjoy ako sa ginawa ko.  Sa mga nakakakilala sa akin, alam nila na love ko talaga ang pagsasayaw!”

 

 

Pero may gusto ba siyang maka-collab sa kanyang TikTok?

 

 

“Meron, ang asawa ko.  At malapit ko na siyang makumbinsi, malapit ko na siyang mapilit.”

 

 

Gusto pala ng mga fans ni Marian, mag-collab sila ni Dingdong ng “Marimar.”  Kaya sagot ni Marian, ibibigay daw niya sa mga fans ang “Marimar,” abangan na lamang nila.

 

 

Magiging busy lalo ngayon si Marian, dahil magsisimula na silang mag-shooting ng “Rewind” movie mula sa Star Cinema, na official entry na sa coming 2023 Metro Manila Film Festival sa December.

 

 

Kasabay din niyang ginagawa ni Marian ang isang romantic comedy series sa GMA Network, yes, matutuloy na ang pagtatambal nila ni Gabby Concepcion.

(NORA V. CALDERON)

PBBM, ipinamigay ang nakumpiskang smuggled rice sa mga mahihirap na pamilya sa Tungawan, Zamboanga Sibugay

Posted on: September 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng mga nakumpiskang  smuggled rice sa mga mahihirap na pamilya sa Tungawan, Zamboanga Sibugay.

 

 

Bahagi ito ng pagtupad  ng Pangulo sa kanyang pangako na tugisin ang rice smugglers at hoarders sa bansa.

 

 

Pinangunahan din ng Pangulo ang  turnover ng iba pang tulong sa mga residente at local government units (LGUs) sa nasabing lalawigan.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo, tiniyak nito na ang pamahalaan at ang kanyang administrasyon ay sanib-puwersa para tuldukan ang smuggling, labis na nakaapekto sa agricultural sector sa bansa.

 

 

“Kailangan sapat ang pagkain para sa ating mga kababayan. Kasama diyan ay pinapatibay natin ang sistema ng agrikultura. Ngunit hindi lamang, yun ang nagiging problema sa agrikultura dito sa Pilipinas, ang isang napakalaking problema ay ang pag-smuggle ng bigas papasok ng Pilipinas,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Hindi lamang pag-ayos ng agricultural sector ang ating kailagang gawin. Kailangan din nating pagtibayin ang ating pag-impose ng mga batas tungkol nga sa pagbigay ng suplay ng bigas sa atin, sa buong Pilipinas. Hindi tama na nagpapasok sila, iniipit nila ang suplay, pinapataas nila ang presyo, naghihirap ang tao para lang kumita sila ng malaki,” dagdag na wika nito.

 

 

Nauna rito, inatasan na ni Pangulong Marcos ang Bureau of Customs (BOC) na ituon ang pansin at atensyon sa kampanya laban sa mga  smugglers para matuldukan na ang ilegal na operasyon ng mga ito.

 

 

Sa kabilang dako, pinuri naman niya ang BoC  para sa matagumpay na pagkakasabat at pagsamsam sa   42,180 bags ng  imported rice na nagkakahalaga ng  P42 milyong piso sa isang  bodega sa Barangay San Jose Gusu, Zamboanga City noong Setyembre 15, 2023.

 

 

Pinanindigan naman ng Punong Ehekutibo na ang gobyerno ay handang sumunod sa ‘due process’ sa pagkumpiska sa mga  smuggled items sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga respondents ng 15-day notice para mapakinggan ang kanilang panig.

 

 

“Nabigyan na sila ng 15 days, wala silang naisagot kaya’t kinuha na ng gobyerno at ginawa naming donation sa DSWD [Department of Social Welfare and Development] … ang sabi ko, ang pinakanangangailangan diyan ang mga beneficiaries ng 4Ps,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Iyon po ay patuloy nating pag-aasikaso para tignan natin na maging maganda ang patakbo ng mercado sa bigas dahil alam naman natin kung gaano kahalaga ang suplay ng bigas sa magandang presyo para sa lahat ng Pilipino,” aniya pa rin.

 

 

Tiniyak naman ng Punong Ehekutibo sa sambayanang filipino na ang gobyerno ay handang tumulong sa mga apektadong mahihirap na indibiduwal.

 

 

Nakiisa naman si DSWD Secretary Rex Gatchalian  sa pamamahagi ng  bigas kasama sina NFA Administrator Roderico Bioco, BOC Deputy Commissioner Vener Baquiran, Philippine Air Force Brig. Gen. Dennis Estrella, Army Maj. Gen. Antonio Nafarrete, at iba pang opisyal.

 

 

Samantala, pinangunahan naman ni Pangulong  Marcos ang turnover ceremony ng P6.72 milyong halaga ng DA-Philippine Rural Development Project Investment for Rural Enterprises and Agricultural and Fisheries Productivity (DA-PRDP); P11.84 milyong halaga ng  DA-PRDP I-REAP; at P1.5 milyong halaga ng  DA Kadiwa Financial Grant (Hauling Vehicle).

 

 

Namahagi rin ang Chief Executive ng P1 milyong halaga ng DA Kadiwa Financial Grant (trading capital); PhP1.5 milyong halaga ng  DA Kadiwa Financial Grant (sasakyan at working capital); P59,043 halaga ng  Assistance Certificate mula sa  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR): P76,620 halaga ng Mackerel Drift Gillnet; at P4,000 halaga ng walong rolls-PE Rope No. 10mm.

 

 

Pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang distribusyon ng P120 milyong halaga ng tulong sa ilalim ng “Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantages/Displaced Workers” ng Department of Labor and Employment (DOLE) at P530,000 halaga ng DOLE livelihood assistance.  (Daris Jose)