• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 27th, 2023

ASIAN GAMES 2023 MEDALISTS, makatatanggap ng Presidential citation at cash incentives

Posted on: October 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISANG  grand welcome at awarding ceremony  ang naghihintay sa mga Filipino medalists  ng 2023 Asian Games, mamayang gabi, araw ng Miyerkules, Oktubre 25.

 

 

Ang nasabing event ay tinawag na ‘Gabi ng Parangal at Pasasalamat Para sa Bayaning Atletang Pilipino’.

 

 

Ang Office of the President (OP) sa pakikipagtulungan sa  Presidential Communications Office,  ang magho- host  ng nasabing selebrasyon na gaganapin sa Rizal Memorial Coliseum.

 

 

Ang naturang  event  ay isang “special recognition” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.  bilang pagkilala sa sakripisyo at pagdiriwang sa tagumpay ng mga tinatawag na “modern-day heroes” na nag-uwi ng  karangalan, papuri at saya sa mga kapwa Filipino.

 

 

Sa kabilang dako,  makatatanggap naman ang lahat ng  33 Filipino medalists  ng Presidential Citation  bilang pagkilala sa kanilang ipinamalas na kahusayan at achievements sa kani-kanilang mga sports sa kamakailan lamang na nagtapos na 2023 Asian Games sa Hangzhou, China.

 

 

Sa gayong paraan, tataas ang  interest at kamalayan ng mga kabataan at iba pang aspiranteng atletang Filipino sa ‘sports.’

 

 

Ang bawat  medalists ay makatatanggap ng insentibo mula sa Philippine Sports Commission (PSC) sa pamamagitan ng  Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), may kabuuang P19.1 milyong piso. May karagdagang insentibo naman mula sa  Office of the President, umaabot sa halagang  P22.8 milyong piso.

 

 

Samantala, makakasama naman ng Asian Games 2023 medalists ang kani-kanilang mga pamilya sa naturang event.

 

 

Ang mga estudyante o mga mag-aaral mula sa iba’t ibang eskuwelahan, kolehiyo at unibersidad sa Kalakhang Maynila ay magpapartisipa sa  musical celebration na may kasamang pagganap ng  Konsyerto sa Palasyo artists at musicians.

 

 

“The medals received by our athletes during the Asian Games 2023 are a testament to the fact that Filipinos in the international sports arena are truly world-class. The government aims to continue supporting our athletes in many more international sporting events as we work together towards a Bagong Pilipinas,” ayon sa Malakanyang. (Daris Jose)

Dalawang araw bago ang reunion concert: SHARON, binahagi ang nakakikilig na video at photos nila ni GABBY

Posted on: October 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG araw ang reunion concert, nagpasilip ng short video si Megastar Sharon Cuneta sa rehearsal nila ni Gabby Concepcion na kung saan magdu-duet sila ng “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko”.

 

Caption ni Mega, “Today. Nagkakailangan pa rin ang dalawa pasensya na po! Kasama ang #dearhearttheconcert💜at naka-tag ang na @kristinaconcepcion
Kaya naman kilig na kilig ang netizens at followers.

 

Ilan nga sa naging coment nila…

 

“Bakit hindi mawala yung ngiti sa labi ko.”

“SHUUTAAAA DI KO NA TALAGA KERIII!!! MA PA UTANG NA LOOB PANINDIGAN NYO YONG KILIG KO HAHAHAHA.”

“I waited for this my whole life. Let’s goooo 😂😂😂”

“Aigooo….tama na po,hihimatayin na kami,bukas naman ulit.”

“Grabe to biglang na lang tumulo ang luha 😢😢 masaya ako kasi okay na sila..❤️😍”

“Ito ung loveteam na kht maputi na ang buhok may kilig pa rin❤️..parang mga binata at dalaga mejo ngkakailangan pa😂”

“THE MOVEMENTS, THE EYE CONTACT, THE BODY TOUCH. JUST OH MY GOSH!!!!”

“Ate Shauie naihi ako sa kilig 😛🤗😂💕 #dearheart”

“Hay, yung 77,777 views sa akin pa lang! Ang sarap panoorin nito ng paulit-ulit! Super GOOD VIBES! Super KA-INLOVE!😍😍😍”

Dagdag comment pa nila, “jadine lang ang peg! hahahaha.”

“Bakit ako kinikilig at ilang ulit ko pinapanuod ang video.”

“Bkt sobrang bagay 🥰😍🤣🤣 the Timing is PERFECT ang pretty nyo poh mama and sexy poh @reallysharoncuneta 🙌👏 reminiscing the past.”

“Pinagpuyatn ko tlga itong video na ito…😂❤️🤭”

“Kilig much.”

Bukod dito nagbahagi rin si Sharon sa IG niya ng photos nila ni Gabby na magkayakap, na lalo pang nagpakilig sa mga netizen.

(ROHN ROMULO)

Dagdag na bagong fire station itatayo sa

Posted on: October 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MALAPIT nang magkaroon ng karagdagang istasyon ng bumbero ang Navotas City kasunod ng paglagda ng 30-taong usufruct sa pagitan ng pamahalaang lungsod at ng Bureau of Fire Protection (BFP).

 

 

Sa ilalim ng kasunduan, magagamit ng BFP ang 444-square meter lot sa Brgy. Navotas East para sa iminungkahing Navotas Central Fire Station at iba pang pasilidad.

 

 

Pinirmahan ni Mayor John Rey Tiangco ang kasulatan kasama si FCSupt Nahum B. Tarroza, Regional Director ng Bureau of Fire Protection–National Capital Region; FSupt Jude G. de los Reyes, City Fire Marshal; at Jayne B. Rillon, City General Services Officer.

 

 

“Preparation for this usufruct took us five years. Because of limited spaces in our city, we had to expropriate parcels of land for our new central fire station,” paliwanag ni Tiangco.

 

 

“Navotas has fire stations at Brgy. Sipac Almacen, Tangos North, and Tanza 1. Building an additional station would increase our efficiency in responding to emergencies, so we can prevent incidents that could claim lives and property,” dagdag niya.

 

 

Samantala, nagbigay din ang pamahalaang lungsod ng dalawang fireboats sa Navotas City Fire Station at isang patrol boat sa Bantay Dagat.

 

 

Dumalo din sa event si BFP-NCR Assistant Regional Director SSupt. Rodrigo N. Reyes, at Fire District 2 Fire Marshall Supt. Douglas M. Guiyab. (Richard Mesa)

DepEd, World Bank posibleng magsanib-puwersa para palakasin ang kalidad ng edukasyon

Posted on: October 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG magsanib-puwersa ang Department of Education (DepEd) at  World Bank Group para  magtulungan na paghusayin pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

 

 

Sa kanyang opisyal na Facebook page, ibinahagi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang naging pagbisita ni World Bank Group Country Director for Brunei, Malaysia, Philippines, and Thailand Dr. Ndiamé Diop  sa DepEd Central Office sa Pasig City, araw ng Lunes, para sa isang  courtesy call.

 

 

“Masaya ako na pareho naming kinikilala ang malaking papel na ginagampanan ng edukasyon para sa pagbabago ng buhay at kinabukasan ng bansa,” ayon kay VP Sara.

 

 

Sa nasabing  courtesy call,  ibinahagi pa rin ni VP Sara na pinag-usapan ng mga opisyal ng DepEd at World Bank Group ang posibleng pagsasanib-puwersa o kolaborasyon na makatutulong para tugunan ang mga hamon sa education sector ng bansa.

 

 

Kabilang sa mga posibleng larangan para sa pagtutulungan ay ang implementasyon ng MATATAG Agenda.

 

 

Inilunsad noong unang bahagi ng taon, ang MATATAG Agenda ang pinakabagong “battlecry” ng DepEd para lutasin ang mga hamon sa basic education sector.

 

 

Nakatuon ang MATATAG Agenda sa paglikha ng curriculum na may kaugnayan sa pagpo-produce  ng “competent at job-ready, active, at responsible citizens;  gumawa ng hakbang para gawing mabilis ang paghahatid ng  basic education facilities at services; pangalagaan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpo-promote sa kapakanan ng mga mag-aaral, inclusive education, at isang positive learning environment; at bigyan ng suporta ang mga guro na makapagturo ng maayos.

 

 

Tinalakay din ng DepEd at  World Bank Group ang mga posibleng hakbang para palawign ang pagsasanay para sa mga  Filipino teachers sa pamamagitan ng “Teacher Effectiveness and Competencies Enhancement Project” sa iba’t ibang rehiyon at maging ang paglikha ng karagdagang  matibay na eskuwelahan sa ilalim ng  “Infrastructure for Safer and Resilient Schools” project.

 

 

Sinabi pa ni VP Sara na pinag-usapan din ang DepEd Digital Education 2028 o “DepEd DigiEd” program.

 

 

Samantala, nagpasalamat naman si VP Sara  sa World Bank Group para sa grant para sa  Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 

 

“Ako ay positibo na ang kolaborasyon at pagtutulungan ay magdadala ng makabuluhang pagbabago sa edukasyon sa bansa,” ayon kay VP Sara. (Daris Jose)

Ads October 27, 2023

Posted on: October 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

3 Pinoy pa nananatili sa Gaza

Posted on: October 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TATLONG Filipino pa ang nananatili sa Gaza kabilang ang mag-ama na nasa ospital.

 

 

Umaasa naman si Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega sa panayam ng ANC na mabibigyan ng pantay na proteksyon at tulong ang lahat ng residente ng Gaza maging ang kanilang foreign nationals.

 

 

Nagpahayag din ng pag-asa si De Vega na makakasama ang tatlong Pinoy sa pagtawid sa Egypt para sa repatriation ngayong “weekend”.

 

 

Base sa datos sa 136 Pinoy na nasa Gaza nang pumutok ang sagupaan sa pagitan ng Israel at Hamas militant, kalahati nito ay mula sa Pilpinas at ang iba ay kanilang mga anak at mga asawang Palestino.

 

 

Samantala, hindi pa rin matagpuan ang dalawang Pinoy sa Israel na nawawala matapos ang pag-atake ng Hamas noong Oktubre 7 ng militanteng Hamas.

 

 

Isa umano sa nawawalang Pinoy ay babae na mayroong Israeli passport habang ang isa pa ay posibleng hostage ng Hamas at inaasahang mapapalaya rin. (Daris Jose)

Paghubog sa Kinabukasan: Ang Bagong Yugto ng Aboitiz Foundation sa Pag-angat ng Buhay ng mga Pilipino

Posted on: October 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Nagsama-sama ang mga miyembro ng Aboitiz Group sa isang masayang pagtitipon upang ipagdiwang ang pagsisimula ng bagong yugto para sa kanilang corporate citizenship arm, ang Aboitiz Foundation Inc. (AFI). Ito ang nagsilbing simula ng panibagong paglalakbay ng Aboitiz Foundation upang hubugin ang kanilang misyon na maging visionary leader sa sustainable development.

 

 

Nagsagawa ang Foundation ng dalawang-araw na conference para ipagdiwang ang kanilang anibersaryo at ilatag ang kanilang mga plano para gawing mas malawak at makabago ang mga programa na magpapataas ng kalidad ng buhay ng mga tao. Sa unang araw ng conference, nagsilbing host si Ms. Antonette Taus, Executive Director ng CORA Foundation at kilalang personalidad sa larangan ng philanthropy at social impact.

 

 

Pundasyon ng Kinabukasan

 

Sa kanyang keynote speech, inilatag ni Sabin M. Aboitiz, Chairman ng Aboitiz Foundation at Chief Engagement Officer ng Aboitiz Group, ang landas na tatahakin ng AFI sa mga susunod pang mga taon. Binigyang-diin niya ang slogan na, “Change Today. Shape the Future,” na kumakatawan sa vision ng Aboitiz Foundation para sa hinaharap.

 

 

Binigyang-diin ni Mr. Aboitiz na kailangan ng Foundation na maabot ang mas maraming pang mga komunidad at patuloy na palawakin ang mga programa na kayang makipagsabayan sa global stage. Ipinahayag niya ang kahalagahan ng technological innovation at bold visions upang palawakin ang tulong ng Foundation sa buong bansa. Bukod dito, inilahad niya ang vision ng Foundation na maging trusted partner ng mga pinakamalalaking philanthropic foundations sa buong mundo, na aktibong naghahanap ng solusyon sa mga pangunahing isyu tulad ng kahirapan, access sa edukasyon, at global waste.

 

 

“Our ambition is fueled by the potential of what we can achieve together by addressing systemic issues, informing and empowering communities, and fostering sustainable, inclusive growth throughout our archipelago. The partnerships that we built will not only increase our impact but will also create positive change that ripples throughout the generations after us,” dagdag pa ni Mr. Aboitiz.

 

 

Ipinahayag naman ni Ms. Ginggay Hontiveros-Malvar, Chief Reputation & Sustainability Officer ng Aboitiz Equity Ventures, kung paano mas pinapabuti ng Foundation ang kanilang mga inisyatiba upang magbigay ng mas magagandang programa para sa mga benepisyaryo. Nais nilang mag-focus sa mga lugar kung saan sila magkakaroon ng mas malaking epekto, pati na rin ang paggamit ng synergy sa pagitan ng kanilang mga business unit at ng buong Aboitiz Group.

 

 

“Everything we are, everything we stand for, and everything we do goes back to that one thing: People. As we forge ahead to realize this new vision for the Aboitiz Foundation, we do so with passion and a renewed commitment to balancing our people-centric approach with technology-driven solutions to drive positive change,” paliwanag niya.

 

 

Samantala, sinabi ni Ms. Maribeth Marasigan, President, and COO of Aboitiz Foundation Inc., na mas pinaiigting ng Foundation ang kakayahan nito upang maging laging handa sa mga hindi inaasahang pangyayari. Kumpiyansa siya sa kakayahan ng Foundation na harapin ang mga hamon sa mga susunod na 35 taon at higit pa, patungo sa isang hinaharap kung saan may access ang mga Pilipino sa dekalidad na edukasyon at maunlad na buhay.

 

 

“I’m confident that we will continue to create a legacy of transformative change for our communities and our country,” aniya.

 

 

Haligi ng Pagbabago

 

Naghayag din ng kanyang mga karanasan at expertise si Ms. Riza Mantaring, Lead Independent Director ng Ayala Corporation, BPI, at First Philippine Holdings, hinggil sa kahalagahan ng suporta para sa mga maliliit na negosyo o micro, small and medium enterprises (MSMEs) para sa kanilang digital transformation. Sinabi niya na ang pangunahing problema ng mga maliit na negosyo ay ang kakulangan sa resources.

 

 

“For MSMEs, their number one problem is really resources. They don’t have the resources to go digital—money, financial technology, and human resources. So, for corporations, what you can do is help them with those resources. Partnering with the government is really important because even if we do try to give as much as we can through CSR, it’s the government that has the resources, the scale, and the size to be able to make a significant impact,” ipinunto niya.

 

 

Nagbigay-diin naman si Ms. Raya Bidshahri, Founder at CEO ng School of Humanity, sa kahalagahan ng interdisciplinary thinking para sa mga future leaders. Hinikayat niya ang mga organisasyon na itaguyod ang cross-disciplinary thinking sa mga learning and development programs upang makagawa ng mga makabagong paraan para sa communication, problem-solving, at strategizing.

 

“So, I encourage all of you to step outside of your comfort zone in your intellectual pursuits. Even if it’s without an agenda, read a book about something that’s completely outside of your discipline. Listening to that podcast might not actually help you professionally, but all of these kinds of interdisciplinary connections do ultimately allow us to be more creative thinkers,” aniya.

 

 

Para sa climate action, binanggit ni Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang commitment ng Pilipinas na bawasan ang mga greenhouse gas emissions. Tinukoy rin niya ang pagsusulong ng DENR at ng Aboitiz Foundation sa mga environmental initiative tulad ng A-Park program, Race To Reduce program, rehabilitasyon ng San Juan River at Boracay Wetland No. 4, Aboitiz Cleanergy Park, Pawikan Center, at ang kanilang commitment sa Water Alliance Coalition.

 

 

“The Foundation is a valued partner in the implementation of programs that promote the protection and conservation of the environment, biodiversity, and our natural resources,” aniya.

 

 

Sa usapin ng policy reforms, binanggit ni Secretary Rex Gatchalian ng Department of Social Welfare and Development ang kahalagahan ng mga foundation tulad ng Aboitiz Foundation at pribadong sektor na magbigay ng technical skills at resources upang matulungan ang mga komunidad at mga miyembro ng informal sector na maging self-sufficient.

 

“I realized that the national government cannot do it on its own. We need force multipliers, natural allies like foundations, like yourself, to make things better for our country. Maybe if we’re going to draw purely from our own resources and our own technical know-how, we’ll get nothing done. But when we synergize or when we get everybody together, each with their own distinct competencies, then we can get the country moving along,” aniya.

 

 

Nagbahagi rin ng kanilang kwento ang mga benepisyaryo na nakatanggap ng tulong mula sa ilang programa ng Aboitiz Foundation. Ipinagmalaki ni Ms. Emma Gulocan, General Manager ng Thanksgiving Multi-Purpose Cooperative, ang kahanga-hangang paglalakbay ng kanilang kooperatiba mula nang ito ay makipagtulungan sa Foundation noong 2011.

 

 

Samantala, inilarawan ni Mr. Maurice Ondoy ang maraming personal at career milestones mula ng makatanggap ng scholarship mula sa Cotabato Light and Power Company. Tinalakay naman ni Administrator Darwin Manubag, na kumatawan kay Mayor Frederick Siao ng Iligan City, kung paano tinulungan ng Disaster Resilience Program ng Aboitiz Foundation ang lungsod na maging mas climate resilient.

 

 

Ang conference ay naging daan para sa makabuluhang mga ideya at kaalaman na babaunin ng dumalo, at magpapalakas sa kanilang determinasyon na baguhin ang kasalukuyan patungo sa mas magandang kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.

100 BSKE candidates, diniskuwalipika ng Comelec

Posted on: October 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG  100 kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang diniskuwalipika ng Commission on Elections (BSKE) dahil sa iba’t ibang mga bayolasyon.

 

 

Kasabay nito, inihayag din ng Comelec ang pagpapasa ng resolusyon na nagsususpinde sa proklamasyon ng 500 BSKE candidates kung magwawagi sa halalan. Ito ay dahil sa mga nakabinbin nilang kaso mula sa premature at illegal campaigning at reklamo ng vote buying.

 

 

Ang pagpapalabas ng naturang resolusyon ay maaga nilang solusyon sakaling hindi agad nila matapos ang pagresolba sa napakaraming disqualification cases na nakahain sa kanila bago ang eleksyon sa Oktubre 30.

 

 

Nangako naman si Comelec Chairman George Garcia na tatapusin nila ang pagresolba sa mga nakabinbin na kaso may isa o dalawang linggo makaraan ang halalan.

 

 

Inaasahan na agad na mapoproklama ang mga magwawaging kandidato na walang nakabinbing disqualification cases sa gabi ng Oktubre 30.

 

 

Agad ding makakaupo sa posisyon ang isang mananalong kandidato sa oras na makapanumpa. Base ito sa desisyon ng Supreme Court na dapat nagtapos na ang termino ng mga kasalukuyang opisyal sa barangay noong 2022, kaya dapat agad na silang mapalitan o muling manungkulan ng bagong mandato kung magwawagi muli.

 

 

Bago rin maupo ay kailangan na nakapagpasa na ang kandidato ng kaniyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) may 30 araw makaraan ang halalan.

 

 

Samantala, bumisita sa Comelec Main Office sa Intramuros si Vice President Sara Duterte para tingnan ang itinayong Command and Operations Center para sa BSKE.

 

 

Ayon kay Garcia, hiniling ni Duterte, tumatayo ring kalihim ng Department of Education (DepEd) na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga guro na mag­mamando sa eleksyon. (Daris Jose)

May nag-leak kasi na photos from the venue: BEA, inamin na napilitang isapubliko kaagad ang engagement nila ni DOMINIC

Posted on: October 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAIMBITAHAN ng GMA Network si Kapuso fashion and style icon Heart Evangelista na manood ng block screening ng “Five Breakups and A Romance” nina Alden Richards at Julia Montes, doon nakasama ni Heart na manood din si Alden. 

 

 

Nagkaroon ng chance si Alden na matanong si Heart kung kailan sila gagawa ng kanilang project together?  Nai-post ni Heart sa kanyang Instagram ang photos ng movie night nila ni Alden, na binati niya ang actor sa tagumpay ng movie nila ni Julia.

 

 

Kaya may mga fans na na-excite sa tanong na iyon ni Alden kay Heart, at nagtatanong na sila kailan nga sila magsasama sa isang project?

 

 

Ayon kay Heart, meron na raw siyang storyline at nasabi na niya iyon kay Alden, sabi naman nito, maganda raw ang content, pero pag-uusapan pa nila ni Heart formally.

 

 

Natanong naman si Heart kung nagustuhan niya ang movie, sagot niya: “I love it, kasi, yung mga artista ngayon, pwede nang magmura, pwede nang humawak ng yosi, so makatotohanan.

 

 

“Very liberating siya, feeling ko parang ang sarap na nagagawa na ito ngayon.”

 

 

Pero mas naka-focus daw si Heart sa fashion shows and events abroad kaya nami-miss din daw niya ang paggawa ng movie.

 

 

Kaya plano niyang gumawa kahit isang project at sana raw ay maayos nila at mag-match ang kani-kanilang schedule ni Alden.

 

 

***

 

 

NA-EXCITE ang Kapuso loveteam na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, na kasama sila sa “Firefly” na entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 2023 Metro Manila Film Festival sa December.

 

 

First time nila iyong makasama sa isang MMFF movie, at maka-join sa parade of stars sa December 17.  Dati raw ay nanonood lamang sila ng festival parade, pero ngayon ay sila naman ang papanoorin ng mga tao.

 

 

Ang “Firefly” ay nagtatampok kina Alessandra de Rossi at child star na si Euween, kasama  nila sina Cherry Pie Picache, Epy Quizon, Yayo Aguila, Max Collins at Kokoy de Santos.  May special participation si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

 

 

Ang coming-of-age road trip drama ay tungkol sa isang batang lalaki na hahanapin ang mythical island na madalas na ikuwento sa kanya ng kanyang ina.

 

 

Ang movie ay dinirek ni Zig Dulay.

 

 

***

 

 

INIHAYAG ni Bea Alonzo nang mag-guest siya sa special birthday celebration ni Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda,” na wala talaga silang plano ng kanyang fiancé na si Dominic Roque na isapubliko kaagad ang kanilang engagement.

 

 

Kaya lang kumalat na sa social media ang kanilang photos, kaya inanunsyo na rin nila ito.

 

 

“Sa totoo lang dapat hindi muna namin i-announce,  we wanted to savor it na kami muna, na kahit one month, na kami lamang ang nakakaalam, we wanted to keep it a secret na may kinakikiligan kami na kami lamang dalawa.

 

 

“But then may nag-leak kasi na photos from the venue.  Kaya we had to release the pictures, we had to announce right away.  Kasi parang unfair naman kung sa ibang tao manggagaling ang announcement, so inunahan na namin.”

 

 

Ikinatuwa naman ni Bea na maraming mga tao ang nakisama sa kanilang kasiyahan sa nangyaring engagement nang dumalo sila ni Dom sa GMA Gala.

(NORA V. CALDERON)

2023 URBAN GOVERNANCE EXEMPLAR AWARDS NASUNGKIT NG NAVOTAS

Posted on: October 27th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HUMAKOT ng mga parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ginanap na 2023 Urban Governance Exemplar Awards ng Department of the Interior and Local Government–National Capital Region (DILG-NCR).

 

 

Nakuha ng Navotas ang High Functionality ratings para sa Anti-Drug Abuse Council at Peace and Order Council. Nakakuha rin ito ng Ideal Level of Functionality para sa Local Council for the Protection of Children at Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children.

 

 

Nagkamit din ang lungsod ng pagkilala sa aktibong pakikilahok nito sa Manila Bay Clean-Up Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP), para sa mga hakbang sa pagsasabatas na makatutulong sa pagbuo ng isang mabisang lokal na administrasyon at pag-unlad, at para sa pagpasa sa Fisheries Compliance Audit (FishCA).

 

 

“These awards are a humbling validation that Navotenos and our fellow public servants in the government appreciate the work we do. These only serve to inspire us to further enhance our governance practices and provide better services to uplift the lives of our people,” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

Ang mga parangal ay tinanggap ni Tiangco kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez, City Administrator Dr. Christia Padolina, Sangguniang Panlungsod Secretary Marlon Serrano, Navotas DILG OIC Director Jenifer G. Galorport at City Planning and Development Officer Engr. Rufino M. Serrano.

 

 

Ang Urban Governance Exemplar Awards ay isang inisyatiba ng DILG-NCR para pormal na kilalanin ang mga kontribusyon at nagawa ng mga local government units (LGUs) sa Metro Manila.

 

 

Ang mga nanalo ay pinipili ng DILG sa pamamagitan ng regional assessment at validation ng iba’t ibang programa at proyekto ng LGUs. (Richard Mesa)