TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Council of Sergeants Major na magpapatuloy ang mga ipinatutupad ng mga programa at polisiya na naglalayong i-promote ang kapakanan ng mga ito at ng kanilang pamilya.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa idinaos na taunang ‘traditional dinner’ para sa AFP Council of Sergeants Major sa Palasyo ng Malakanyang, pinaalalahanan ni Pangulong Marcos ang mga ito na panatilihin ang kanilang magandang trabaho.
Inulit naman ng Chief Executive na naka-alalay ang administrasyon at ang Pilipinas sa mga ito habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin.
“Rest assured that we will remain steadfast in transforming and modernizing the AFP into a world-class force that is respected by its counterparts and is a source of national pride,” ayon kay Pangulong Marcos.
“So, let me likewise assure you that we will continue to implement programs and policies that will promote your welfare, and not only those who are in active service but those whose families I consider also to be in active service. So, keep up the good work. Know that this administration and the entire country is behind you as you fulfill your duties to the nation,” dagdag na pahayag nito.
Si Pangulong Marcos ang nag-host ng taunang traditional dinner para sa AFP Council of Sergeants Major. Tinatayang may 180 ang naging bisita mula sa AFP, Department of National Defense (DND), at Office of the Presidential Adviser on Military and Police Affairs (OPAMPA) na dumalo sa event.
Nagpasalamat naman ang Pangulo sa mga opisyal na nakiisa sa pagdiriwang ng ika- 27 Non-Commissioned Officers Week at ika-54 Founding Anniversary ng Office of the AFP Sergeant Major.
Winika ng Punong Ehekutibo na ang enlisted personnel ang nagsisilbing “backbone” ng military force ng bansa. Binubuo ito ng 90% ng mga tropa “and with their specialized abilities, support the daily operations and institutional activities of the AFP,” ayon sa Pangulo.
“You are vital to our sustained success of defending our state, our sovereignty, and our patrimony. It is, therefore, of utmost importance that we help each other and make sure that they all reach their fullest potential, so that they become well-rounded soldiers,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.
“This is where you Sergeants Major come into the picture. As the most senior, most experienced, [and] most seasoned amongst our enlisted personnel, you help in implementing the plans and strategies that we are enforcing on the ground,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, binigyang-diin ng Pangulo na tinitiyak ng mga opisyal na ang samahan at pagkakaisa sa pagitan ng mga AFP official at mga tropa ay nananatiling malakas at ‘unbreakable’ para “help steer the direction and performance” ng mga enlisted personnel sa kani-kanilang mga unit.
Samantala, kinilala naman ng Pangulo ang kanilang pagsisikap na nananatiling nakaayon sa mga pangangailangan ng mga tropang filipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa at palakasin ang kanilang morale at kapakanan.
“You have also engaged your counterparts from other countries such as the United States to discuss important topics, such as the proposal to create a mutually agreed Professional Development Program in support of the Philippines-United States Mutual Defense Treaty,” ayon sa Pangulo.
“So, for all of these things that you do, I have nothing but utmost respect and admiration for all of you and for all that you have done for our country, for our people, for our Armed Forces. So, continue to show them your selfless and dedicated service to the nation that enabled you to reach the positions that you occupy today,” dagdag na wika nito.
Umaasa naman ang Pangulo sa suporta ng mga ito na tiyakin na ang AFP ay madaling makaka-adapt at makapaghahanda para sa anumang contingency, ikinunsidera na rito ang pagbabago sa security environment ng Pilipinas.
Kumpiyansa rin ang Pangulo na ipagpapatuloy ng mga sergeants major na matuto ng mga bagong kasanayan, magkaroon ng mas maraming kaalaman at palakasin ang kanilang kagalingan para mapagtanto ang nilalayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP). (Daris Jose)