• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 3rd, 2023

‘City Hunter The Movie: Angel Dust’ Dives Deep into Tokyo’s Shadows, Mixing Action, Mystery, and Cameos

Posted on: November 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

THE final chapter begins in the long-awaited theatrical release of City Hunter The Movie: Angel Dust with the film’s main protagonist Ryo Saeba, a highly-skilled gunman and most-sought “sweeper” working tirelessly to get rid of crimes in the city of Tokyo. 

 

 

A non-stop hyper-action anime film, City Hunter The Movie: Angel Dust is based on the latest manga finale where Ryo faces his dark past and stops a new breed of enemies designed to become super soldiers injected with nanomachines known as Angel Dust.

 

 

Celebrating the anime series’ 35th anniversary, City Hunter The Movie: Angel Dust is the newest theatrical anime film produced by Aniplex and animated by Sunrise. Ryo Saeba, aka City Hunter, will do anything from being a bodyguard to contract killing but will only take the job if a pretty woman is involved. Together with Kaori Makimura, the younger sister of his late best friend Hideyuki, Ryo fights the evil haunting the shadows of the city.

 

 

The film follows Ryo and Kaori taking on a new client named Angie who seemed to have lost her cat while touring the city. Constantly attracted to beautiful women, Kaori strictly watches over Ryo’s advanced moves towards Angie to help him focus on the mission. Meanwhile, Saeko Nogami of the Tokyo Metropolitan Police Department, with the help of Umibozu and Miki, investigates an invention of a new technology designed to create soldiers with unparalleled strength and skills.  The same dark technology is the latest version of the Angel Dust that caused the death of Ryo’s partner.

The movie landed #1 in Japan’s box-office when it opened and has so far earned more than US$6million in domestic alone. Anime and movie fans can look forward to a non-stop action movie and will be delightfully surprised with cameos from their favorite anime characters.

 

 

From Encore Films distributed by Warner Bros., City Hunter The Movie: Angel Dust opens soon exclusively at SM Cinemas on November 8.

(ROHN ROMULO)

Kamara tuloy ang laban kontra hoarders, price manipulators

Posted on: November 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
Magpapatuloy ang Kamara  sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagtugis sa mga hoarder at price manipulator.
Kasunod na rin ito sa ulat na bumaba ng hanggang P10 ang kada kilo ng sibuyas.
Pinuri naman ni Deputy Majority Leader Rep. David Suarez (Quezon Province), isa sa mga lider ng House committee on agriculture and food ang ulat na pagbaba sa presyo ng sibuyas
“We commend the efforts of the Department of Agriculture (DA) in stabilizing the retail prices of essential commodities, and we welcome as good news its report that the retail price of onions has decreased by P10 per kilo, with the cost of the red bulbs going down to P130 per kilo from the previous P140 per kilo,” sabi ni Suarez.
“Buoyed by this development, and upon the instruction of Speaker Martin Romualdez, the House Committee on Agriculture and Food will intensify its investigation on hoarders and price manipulators not only of onions but of other staple food items like rice,” anang mambabatas.
Tinuran ni Suarez na malinaw ang atas ni Speaker Romualdez na susuportahan ng Kamara ang panawagan ni Pangulong Marcos na all-out war laban sa mga sangkot sa smuggling, hoarding at pagmamanipula ng presyo.
Ayon sa mambabatas, patunay na epektibo ang pagkakaroon ng matibay na ugnayan ng ehekutibo at Kamara  laban sa mga mapagsamantala, ang pagbaba sa presyo ng sibuyas at pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa artipisyal na kawalan ng suplay ng sibuyas.
Kinilala rin ng mambabatas ang masinop na pagbabantay ng DA na nagresulta sa mas abot kayang presyo ng sibuyas, bawang at iba pang bilihin.
Positibo rin ang pagtanggap ng mambabatas sa anunsiyo ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na mayroong sapat na suplay ng gulay, kabilang ang patatas hanggang sa unang bahagi ng 2024.
Pinuri rin ni Suarez ang inaasahang paghupa ng presyo ng patatas at ang malaking bawas sa presyo ng lokal na sili na mula P800 kada kilo noong Setyembre ay bumagsak na lang sa P350 kada kilo.
Sinabi pa ng konresista na dapat ipagpatuloy ng ehekutibo ang pagsasampa ng kaso at pagpapanagot sa mga sangkot sa kartel at siguruhin na makukulong ang mga ito. (Ara Romero)

CODING, GAWING EPEKTIBO ng 8 sa UMAGA at 6 NAMAN sa GABI

Posted on: November 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Sa pulong ng mga Metro Manila Mayors ay pinagiisipan na sa panahon ng kapaskuhan ay alisin ang window hours ng number coding sa ilang major roads.

 

 

Ang MMDA rin ay nagiisip ng mga pagbabago upang lalong mabawasan ang matinding traffic sa Metro Manila . Nangangamba naman ang mga motorista sa mga planong ito na sila ang magdadala ng dagdag hirap sa isang araw na byahe. Dati ay walang coding at malaya ang pag-gamit ng sasakyan sa anumang araw at oras.

 

 

Pero noong 1995 nang bumibigat na ang traffic ay ipinatupad ang Unified Vehicular Volume Reduction Program o mas kilala bilang “coding scheme”. Una ay “odd even” ang mungkahi pero dahil marami ang pumalag ay ginawa na lang na “two digit ending number” ang coding. Ang coding hours ay 7am to 10am, at tapos ay 5pm to 8pm.  Ang pagitan mga oras ay ang tinatawag na “window hours” kung saan kahit coding ang sasakyan ay maari kang nasa kalye.

 

 

Ang pangunahing dahilan ay bawasan ang sasakyan sa lansangan. Dati, pati public utility vehicles ay may coding pero dahil sa binawasan ng 20 per cent ang maaring masakyan ng commuters ay naging exempted na ito sa coding. Sa paglipas ng panahon ang dapat na “unified” sa mga LGU ng Metro Manila ay nagkaroon ng ibat ibang diskarte ang mga Mayors.  Halimbawa, sa Makati ay walang window hours. Walang coding sa Navotas, Marikina, at Pateros; maliban sa ilang kalye. Ayon sa ilang eksperto , hindi matagumpay ang coding system dahil bumili lang ng second o third car ang mga motorista. Ito ay napatunayan sa pagtaas ng benta ng sasakyan mula nang magkarron ng coding system. Unfair din daw ang may restriction sa paggamit ng pribadong sasakyan dahil paloob daw ito sa right to travel. Ang mga pabor naman sa coding ay nagsasabi na kung walang coding mas mabigat ang traffic at isang araw lang naman at ilang oras lang hindi magagamit sasakyan na nasa coding restriction. Pero pag tinanggal ang window hours ay mas mabigat ito sa mga motorista.

 

 

Sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ay kinikilala natin ang kapangyarihan ng MMDA at mga Metro Manila Mayors na bumalangkas at magpatupad ng mga hakbang para mapagaan kahit papaano ang daloy ng traffic sa Metro Manila. Pero dapat ay tingnan din mabuti ang impact sa mga motorista. Hindi bawas lang sa traffic ang tingnan nila kundi ang impact sa economic life ng mga motorista. Kailan mabigat ang traffic? Rush hours. Sabay sabay ang pasok sa trabaho at paaralan. Kahit saan ay ganyan ang rush hours. Sa pauwi naman ay mabigat simula ng alas singko dahil pauwi na ang mga motorista. Sa rush hour na yan mahalaga at kailangan ng mga motorisra ang mobility. Kaya bumili ng second o third car. Ok sana kung yun second o third car ay sa coding day lang gagamitin. Hindi. Sa pamilya dahil may second car may second driver na rin. So nangyari imbes na isang sasakyan lang sa isang araw ay naging dalawa na sa apat na araw ang sasakyan ginagamit ng pamilya.

 

 

So yung gusto natin mabawas na 20 percent sa isang araw, binawi ng additional cars sa mas maraming araw. Bakit? Dahil sa may second car na natural gagamitin nila hindi lang sa araw ng coding kung hindi sa araw araw na rin. Kailangan nila ang mobility during rush hours. Pwede naman mag public transport?

 

 

Pero dahil kulang at hindi efficient at hindi reliable ang public transport ay hindi naging attractive sa mga car owners ito. Dagdag pa ang sobrang hirap ng pag ko-commute. Ang mungkahi ng LCSP, kung mamarapatin ng mga Mayor at ng MMDA, ay ito: Gawing 8 AM to 10 AM, at 6 PM to 8 AM ang coding. Ang isang oras ay malaking bagay sa mga motorista . Halimbawa sa isang pamilya bago pumasok sa trabaho si tatay ay maari niya pang ihatid si misis at mga bata sa paaralan GAMIT ANG ISANG SASAKYAN LANG. Pag 7am ay hindi kakayanin nito ng isang sasakyan kaya dalawa o higit pa ang nadadagdag para ihatid si misis at mga bata.  Kung mag TNVS o school service ay dagdag gastos pa sa pamilya ito! Usually 7AM ang pasok sa school. So 7AM coding ay aabutin na si tatay. Pero kung 8am may time pa siya makarating sa trabaho niya. Sa pauwi naman Imbes na maghintay ng tatlong oras bago makauwi ay may isang oras ( 5 to 6pm ) para maaga makauwi si tatay sa bahay para sa quality time ng pamilya. Pwede rin masundo ang mga bata muna kaysa naman maghintay ng tatlong oras sila dahil hintayin matapos ang coding. Pabor ito sa mga middle income earners na mas nakakaraming motorista.

 

 

Pero bibigat ang traffic sa rush hour! Iba iba naman ang oras na kakailanganin ng motorista sa rush hour. May mga short distances naman na sapat na ang dagdag isang oras para makarating sa trabaho o paaralan. Itong mungkahing ito ay makakatulong sa mga short distance motorists dahil imbes na sumabay sila sa 5 AM rush hour ay pwede sila umalis ng 6 AM. Ibig sabihin ay hindi magsasabay sabay sa kalye ang pwedeng umalis ng 5 AM o 6 AM o 7 AM. Hindi tulad ng kung 7 AM sabay-sabay sila para ma beat ang 7AM na coding. Maiiwasan ang paggamit ng two or more vehicles ng isang pamilya dahil kaya na ng isa para makarating silang lahat on time sa kanilang pupuntahan.

Sa pagtatapos ng ‘Maging Sino Ka Man’: DAVID, nagbigay na ‘quick hint’ sa next project nila ni BARBIE

Posted on: November 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HULING gabi na ng special limited series nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Pambansang Ginoo David Licauco, ng “Maging Sino Ka Man,” pero hindi ibig sabihin ay mawawala na ang BarDa fever.   

 

 

Last Saturday, sa “24 Oras Weekend” ini-report ni Nelson Canlas na nagbigay na ng quick hint si David ng susunod nilang project ni Barbie.

 

 

“Super excited ako dito kasi mahilig ako sa mga historical series, and since historical nga siya at baka foreigner ako, hindi ko sigurado, so kailangan ko aralin ‘yung language na ‘yun like what I did for “Maria Clara at Ibarra,” dagdag pa ni David.

 

 

Kamakailan lamang ay biglaang pumunta ng Hong Kong ang dalawa for a ‘special project,” pero hindi pa ipinaalam ng GMA Network kung ano iyon.

 

 

Nag-celebrate na ang “BarDa loveteam ng kanilang first anniversary ng historical portal series na “Maria Clara at Ibarra.” At ngayon, sa pagtatapos ng “Maging Sino Ka Man,’ ay marami ang naghihintay sa finale episode nina Monique (Barbie) at Carding (David).

 

 

Pero bago ang gagawin nilang special project, may upcoming movie ang BarDa, ang “That Kind of Love,” na partly shot in South Korea.  Si Barbie naman ay nagkaroon very recently ng fashion runway debut at Ehrran Montoya’s fashion show.

 

 

On Instagram, ikinuwento pa ni Barbie na during the fashion show, naghihintay daw siya na may magsabi ng ‘cut’ dahil feeling niya ay isa itong movie scene, habang suot niya ang stunning halter gown with a golden train design.

 

 

***

 

 

“REAL Queens,” “Tunay na mga Dyosa,” yan ang bansag ngayon ng mga netizens kina Marian Rivera at Heart Evangelista matapos magsagutan sa kanilang mga Instagram kamakailan.

 

 

Maraming natuwa at na-excite nang magpalitan ng mensahe ang dalawang Kapuso actress sa kanilang IG accounts.

 

Si Marian nag-reply sa pamamagitan ng two hands forming a heart shape emoji, na sinagot ni Heart ng smiling face with open hands emoji.

 

 

Post din niya sa IG na “meetings to attend, a canvas in mind so much more on this Thursday Heyday at nag-iwan naman si Marian ng heart emoji sa comments section, na sinagot naman nito ng three heart emojis.

 

 

Ikinatuwa ito ng mga fans na nag-post ng mga positive comments tungkol sa pagsasagutan ng dalawang reyna ng GMA, saying “the world is healing.”

 

 

Say naman ng isa, “Queens supporting queens.”

 

 

Napansin agad ng mga fans na pina-follow na nina Marian at Heart ang isa’t isa sa IG matapos ang isang dekada mula nang magkaroon sila ng gap at misunderstanding.

(NORA V. CALDERON)

Dahil marami silang napaligaya: VILMA, nakikiusap na ibalik ang two-week show ni LUIS

Posted on: November 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKIKIUSAP pala ang “Star for All Season” Vilma Santos para ibalik ang “It’s Your Lucky Day” ng anak na si Luis Manzano.  

 

 

IG post ni Luis ng isang video asking his momshie: “gusto mo bang ibalik ang “It’s Your Lucky Day?”

 

 

Sagot ni Ate Vi” “Yes na yes, 200 percent.  You know why, anak? Marami kayong napapaligaya, believe me.  So, please extend.”

 

 

Last Friday, October 27, the show aired its last episode  after temporarily replacing then suspended “It’s Showtime” for two weeks.

 

 

Pero nag-iwan ng message si Luis sa mga viewers nila ng, “Mga ka-Lucky, sabay-sabay po tayong magdasal, kapit lang.  Sabi nga nilang lahat, malay naman natin this is not goodbye.

 

 

“Magkikita-kita ulit tayo kung saan solid ang swerte at saya.  Mga ka-Lucky, our staff, our family, we love you.”

 

Meanwhile, magiging busy na sina Ate Vi at Christopher de Leon sa pagpu-promote ng coming movie nilang “When I Met You in Tokyo” na entry sa 2023 Metro Manila Film Festival sa December.

 

 

Reunited sina ate Vi at Boyet playing romantic lead roles sa movie.  Iba naman ito sa madalas niyang pagganap ng villain roles in TV shows like “Lolong” and “Batang Quiapo.”  Ngayon balik siya sa romantic lead role sa movie.

 

 

Bro. Bo just celebrated his 67th birthday last October 31 and he looks much younger than his age.

 

 

Credited din siya as an associate director ng movie, kasama ang dalawa pang directors na sina Rado Peru at Rommel Penesa, “isang simple love story, a feel good movie about relationships among people our age bracket now,” dagdag pa ni Bro. Bo.

 

 

***

 

 

NAG-UPDATE si Jolina Magdangal tungkol sa planong reunion movie nila ng dating ka-loveteam na si Marvin Agustin.

 

 

Sa isang interview kay Jolina, sinabi niyang hindi pa sila makapagsimulang mag-shoot dahil pareho silang busy sa kani-kanilang schedules.

 

 

Noon pa palang 2019 dapat simulan ito matapos silang mag-meet with screenwriters Bibeth Orteza at mga directors na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas.

 

 

Sa ngayon kasi ay may daily morning talk show si Jolina na “Magandang Buhay” with Melai Cantiveros and Regine Velasquez-Alcasid, while very successful owner of a chain of restaurants si Marvin, tulad ng Secret Kitchen at Cochi.

 

 

Ayon pa rin kay Jolina, hopefully raw ay matuloy pa rin sila dahil hindi naman ito sinarado na wala na talaga.

Mga nagawa ni PBBM gamiting pundasyon sa gagawin ni Laurel sa DA

Posted on: November 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin  Romualdez ang pagtatalaga ni Pangulong Marcos  sa negosyanteng si Francisco Tiu Laurel Jr. bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA).
Ayon kay Romualdez, maaaring gamitin ni Laurel ang mga nagawa ng pangulo sa sektor ng agrikultura at pangingisda bilang pundasyon ng kanyang mga gagawing reporma sa ahensiya para maparami ang suplay ng pagkain sa bansa.
Hindi agad nagtalaga si Pang. Marcos ng kalihim ng DA nang maupo ito sa Malacañang at pinamunuan muna ang ahensya habang naghahanap ng nararapat na indibidwal sa puwesto.
Nagpasalamat naman si Speaker  sa dedikasyong ipinakita ni Marcos sa paghawak nito sa DA.
Si Laurel ang pangulo ng Frabelle Fishing Corp. Siya ay naging opisyal din ng iba pang kompanya gaya ng Frabelle Shipyard Corp. at Westpac Meat Processing Corp.
Ayon kay Romualdez, ang malawak na karanasan ni Laurel ay makatutulong sa pagpapa-unlad ng sektor ng pagsasaka at pangingisda.
Ang pagtatalaga umano sa lider ng Frabelle Fishing Corp. ay pagpapakita ng kahalagahan ng pribadong sektor sa pagpaparami ng suplay ng pagkain at pag-angat ng ekonomiya ng bansa, at paggamit ng teknolohiya sa agrikultura.
Ayon sa lider ng Kamara ang pagsasama ng pribadong sektor at agrikultura ay hindi lamang negosyo. (Ara Romero)

JAPAN PM KISHIDA, nakatakdang dumating bukas sa Pinas-DFA

Posted on: November 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
NAKATAKDANG pag-usapan bukas, araw ng Biyernes, Oktubre 3 nina Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Kishida Fumio  ang usapin ukol sa  West Philippine Sea (WPS) at Official Development Assistance (ODA) ng Japan. 
Si Prime Minister Kishida ay mayroong nakatakdang official visit sa Pilipinas mula bukas hanggang araw ng Sabado,  Nobyembre  4, 2023.
Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bibigyang-diin sa pagbisita ni Prime Minister Kishida sa bansa ang kanyang  bilateral meeting kasama si Pangulong Marcos.
“Both leaders are expected to discuss the two countries’ multifaceted and dynamic cooperation on political and security cooperation and economic and people-to-people relations,” ayon sa departamento.
“Among the specific issues to be discussed are the West Philippine Sea, trade and investment, and Japan’s Official Development Assistance (ODA). They will also exchange views on major regional, international, and United Nations issues affecting the region and the world,” dagdag na wika nito.
Opisyal namang tatanggapin ni Pangulong Marcos si  Prime Minister Kishida sa isasagawang welcome ceremony sa Palasyo ng Malakanyang, bukas.
Samantala, bago ang pagbisita ni Prime Minister Kishida sa Pilipinas, nagsagawa na si Pangulong Marcos ng kanyang opisyal na pagbisita sa Japan noong Pebrero ng taong kasalukuyan kung saan sinelyuhan ang $13 bilyong halaga ng kasunduan na magreresulta ng libo-libong hanapbuhay para sa mga Filipino. (Daris Jose)

Pasabog na naman ang episode ng ‘Korina Interviews’: Niño, inamin kay Korina na may isa pa siyang anak

Posted on: November 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISA na namang pasabog ang puputok sa upcoming episode ng ‘Korina Interviews’ sa NET25 ngayong Linggo, ika-lima ng hapon.

 

 

This time, ang dating child superstar na si Niño Muhlach ang naka-chikahan ni Ate Koring.

 

 

“Grabe. Buong Pilipinas halos sambahin ang isang Niño Muhlach,” pag-amin ni Korina na minsang naging fan ng premyadong batang aktor noon.

 

 

“Pinaligiran ako ng mga bodyguard. Limang pelikula sabay sabay ang shooting ko. Parati kaming kasama ng Presidente at First Lady sa palasyo”, kuwento ni Niño.

 

 

“Pero pinaghandaan ko ang panahon na mawawala ang lahat ng yon, sa tulong ng Dad ko”.

 

 

Binalikan nila ang rurok ng kasikatan ni Niño hanggang sa paglamlam ng karera nito at ang kanyang muling pagbangon.

 

 

Ano ang mga aral na kanyang natutunan sa kanyang ama na hanggang ngayon ay dala pa rin niya?

 

 

Ano ba ang secret recipe ng sikat na Muhlach ensaymada?

 

 

But wait there’s more — inamin ni Niño na may isa pa siyang anak na babae!

 

 

OMG!

 

 

Tutukan ang lahat ng detalye this Sunday at 5 pm on ‘Korina Interviews’ on Net 25!

(ROHN ROMULO)

Magiging matinding kalaban ni ‘Black Rider’: JON, hanga kay RURU dahil parang ‘di nasasaktan

Posted on: November 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PAGKATAPOS ng kanyang pagganap bilang hired assassin sa ‘First Yaya’ at ‘First Lady’, binigyan ng pinakamalaking kontrabida role si Jon Lucas bilang si Calvin Magallanes sa ‘Black Rider.’

 

 

 

Si Jon ang magiging matinding kalaban ni Ruru Madrid sa action-serye ng GMA Public Affairs.

 

 

 

Ayon kay Jon, abangan daw ang mga fight scenes nila ni Ruru dahil kapwa raw nilang pinaghandaan ito physically and mentally.

 

 

 

“Sobrang matindi ang sabong ni Black Rider sa Golden Scorpion. Pinag-aralan namin ng husto yung routine para hindi kami magkasakitan ni Ruru. Pero iba si Ruru, parang hindi nasasaktan! Bakal na ang katawan!” tawa pa ni Jon.

 

 

 

Proud naman si Ruru kay Jon dahil kapatid niya ito sa INC at hindi raw biro katapat ito sa fight scenes dahil mahusay kumilos at mahusay na kontrabida.

 

 

 

***

 

 

 

MULING tumanggap ng parangal si Jessica Soho.

 

 

 

Ginawaran siya bilang Global Awardee for Journalism at the 13th The Outstanding Filipino Awards (TOFA).

 

 

 

The awarding event took place at the Zipper Concert Hall in Los Angeles, California.

 

 

 

“Maraming salamat po sa 13th Annual TOFA Awards para sa pagkilala sa ating host na si Ms. Jessica Soho bilang Global Awardee for Journalism para sa kanyang natatanging kontribusyon sa larangan ng pamamahayag,” post pa ng KMJS wrote on Facebook.

 

 

 

In 2022, KMJS became the first-ever winner of the Top Media Publisher trophy at the TikTok Awards, as Ma’am Jess recognized at the Reader’s Digest Trusted Brand Awards as one of the most trusted news personalities.

 

 

 

In the same year, the story “Ranelyn’s Dress” which aired on KMJS won the bronze medal at New York Festivals.

 

 

 

***

 

 

 

PASABOG ang Halloween costume ni Heidi Klum sa kanyang annual Halloween Party sa New York City.

 

 

 

This year, isang colorful peacock si Heidi at ang kanyang feathers at buntot ay mga performers ng Cirque de Soleil. And mister naman ni Heidi na si Tom Kaulitz ay suot ay malaking peacock egg.

 

 

 

Every year ay pabongga nang pabongga ang costumes ng 50-year old supermodel at judge ng America’s Got Talent. Kaya siya tinawag na Queen of Halloween.

 

 

 

Sinimulan niya ito noong 2000 at mga naging costumes niya ay si Jessica Rabbit, Princess Fiona, Teen Wolf, Alien, Human Body, Indian Goddess, Cloned Heidi, Cleopatra, Giant Butterfly at isang Giant Rain Worm.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Phil. Ambassador , makikipagpulong sa Israeli president, hihilingin ang pag-exit ng mga Filipino mula sa Gaza

Posted on: November 3rd, 2023 by @peoplesbalita No Comments
NAKATAKANG makapulong ng Philippine Ambassador to Israel si  Israeli President Isaac Herzog. 
Sinabi ni  Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na inaasahan na ididiga ni Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr. ang kahilingan para makalabas ang mga filipino mula Gaza.
“[Ambassador Pedro Laylo Jr.] is meeting today…with the Israeli president. So we will also inform the president of our relations and our hope that, in a way, they are obligated to give us priority, they owe us this. I hope they take it that way,” ayon kay de Vega.
“It’s just a call, a traditional call of an ambassador. But of course, dahil nangyari ‘to (Israel-Hamas war), we are going to mention the situation of the welfare of Filipinos in Gaza. Of course, Filipinos are being hailed for being heroic…may mga namatay tayo dahil ayaw iwanan yung mga amo,” dagdag na wika nito.
Sa ulat, ang  pang-apat na  batch ng mga  Filipino na nakauwi na mula Israel ay dumating noong Oktubre  30 sa Pilipinas. Dalawang filipinong doktor ang kasama sa  first foreigners na pinayagan na tumawid ng Rafah border. Kasalukuyang nasa Egypt ang mga ito.
Ang panibagong batch ng 45 Filipino mula Israel ay darating sa Pilipinas sa Nobyembre 6, ayon kay De Vega.
Winika ni de Vega na nagbigay na sila sa mga awtoridad ng kompletong data ng mga filipino na nais na umalis ng Israel.
Bahala na aniya ang mga awtoridad na magdesisyon kung sino ang papayagan nito na tumawid sa  border.
Samanala, wala namang kumpirmasyon na may mga filipino ang kasalukuyang bihag ng  Hamas.
“We are under the assumption that they are actually hostages, but there is no confirmation because Hamas is not confirming anything. Hindi nila in-identify yung mga hostages nila,” ayon kay De Vega. (Daris Jose)