• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 20th, 2023

Ectoplasmic Excitement: ‘Ghostbusters: Frozen Empire’ Teaser Electrifies Fans

Posted on: November 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
GET ready to call the iconic ghost-busting team once more! ‘Ghostbusters: Frozen Empire’ teases a spine-tingling return to the supernatural franchise, exclusively in cinemas soon.

 

 

 

Hold onto your proton packs, folks! The air is buzzing with supernatural electricity, and it’s not just because of the weather. The Spenglers, our beloved ghost-busting family, are making an epic comeback, and the teaser for Ghostbusters: Frozen Empire is here to prove that some spirits never fade.

 

 

https://www.youtube.com/watch?v=e6B9HtMqGN0

 

 

Frosty Spirits and Warm Hearts

 

Remember that warm, fuzzy feeling you got watching the Ghostbusters vanquish spooky specters? Well, get ready to rekindle that flame—with an icy twist. The teaser for Ghostbusters: Frozen Empire has dropped, and it’s like peeking into the most thrilling part of a haunted house, wondering what’s around the next corner. And let me tell you, what’s lurking there is bound to get your ghostly gears grinding!

 

 

A Nostalgic Reunion With a Supernatural Twist

 

What’s that you’re asking? “Are the original Ghostbusters really strapping on their packs again?” You bet they are! Bill Murray, Dan Aykroyd, and Ernie Hudson are stepping back into the slime-soaked boots of their iconic characters, ready to teach the newbies a thing or two about spectral shenanigans.

 

 

The Next Generation Ain’t Afraid of No Ghosts

 

Joining them are the stars of Ghostbusters: Frozen Empire —the ever-daring McKenna Grace, the wry Finn Wolfhard, the steadfast Carrie Coon, and everyone’s favorite teacher, Paul Rudd. With a mix like this, the ghosts won’t stand a chance, right? Well, when you mix nostalgia with a new-age twist, you get a cocktail of thrills that packs a punch!

 

 

Chills, Thrills, and… a Frozen Empire?

 

So, what’s with the frosty title? “Frozen Empire” doesn’t just suggest a new, chilly environment for our heroes—it hints at an empire of ghosts. An empire! Can you imagine? The stakes? Higher. The specters? Icier. The excitement? Off the charts!

 

 

Gear Up for a Supernatural Adventure

 

As the cold winds start to howl, remember that warmth often comes from the most unexpected places—like the glow of a ghost trap snapping shut on a winter’s night. Columbia Pictures, the powerhouse bringing this phantasmal fiesta to the Philippines, knows just how to heat things up when the temperature drops. So, keep your eyes peeled, your Ecto-Goggles on, and your hashtags ready—#Ghostbusters is about to become your go-to chant once again.

 

 

The Call is Coming from Inside the Cinema

 

Intrigued? You should be! This teaser is just the appetizer, the first spectral whisper before the full phantom parade. As for the main course, Ghostbusters: Frozen Empire will be arriving exclusively in cinemas. And trust us, this is one call you’ll want to take in the big screen’s immersive embrace.

 

 

Remember, the supernatural never goes out of style, and neither does a good ghost story. So, as the air turns crisp and the specters of the Frozen Empire start to stir, get ready to answer the call—because the Ghostbusters are back, and the adventure is just beginning.

(ROHN ROMULO)

Nakaabot naman sa Top 10 si Michelle: SHEYNNIS PALACIOS, kauna-unahang Miss Universe na mula sa Nicaragua

Posted on: November 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MISS Universe 2023 made history dahil sa unang pagkakataon na manalo ng beauty queen from Nicaragua na si Sheynnis Palacios.

 

 

 

Ginanap ang 72nd Miss Universe coronation ceremonies sa Jose Adolfo Pineda Arena in San Salvador, El Salvador.

 

 

 

Kinabog ni Palacios ang 84 other candidates sa simula pa lang ng preliminary hanggang sa final coronation. Consistent crowd favorite at naging effortless ang pagpasok ng Nicaraguan beauty sa Top 20, Top 10, Top 5 at Top 3 hanggang koronahan na siya ni outgoing queen R’bonney Gabriel of the United States of America.

 

 

 

Ang former Miss Supranational and Thai candidate Anntonia Porsild was named 1st runner-up samantalang ang Australian beauty na si Moraya Wilson ang 2nd runner-up.

 

 

 

Completing the Top 5 were Karla Guilfu Acevedo of Puerto Rico and Camila Avella of Colombia, na kauna-unahang contestant ng Miss Universe na isang mother of two children.

 

 

 

Ang ating pambato nating si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee ay nagpakita ng strong performance mula sa preliminary judging hanggang sa makapasok siya sa Top 20 at Top 10.

 

 

 

Nakabilang naman si Dee sa tatlong Gold winners ng Voice for Change advocacy project ng Miss Universe. Kasama niya rito sina Karla Guilfu Acevedo of Puerto Rico and Ana Barbara da Silva Coimbra of Angola.

 

 

 

Tumanggap sila ng tig-$12,000 para sa respective outreach projects nila.

 

 

 

Ang ibang kandidata na bumuo sa Top 10 ay sina Camila Esribens (Peru), Isabella Garcia-Manzo (El Salvador), Diana Silva (Venezuela) and Athenea Perez (Spain).

 

 

 

Ang ibang candidates ng Top 20 ay sina Marina Machete (Portugal), Erica Robin (Pakistan), Shweta Sharda (India), Jameela Uiras (Namibia), Celeste Viel (Chile), Jordanne Levy (Jamaica), Noelia Voigt (USA), Issie Princess (Cameroon), Jane Dipika Garrett (Nepal) and Bryoni Govender (South Africa).

 

 

 

Si Portugal ang unang transwoman na makapasok sa Top 20. Si Nepal ang una namang plus-size candidate at first time sumali ng bansang Pakistan sa Miss Universe.

 

 

 

Ang naging members ng selection committee this year ay sina Miss Universe 1977 Janelle “Penny” Commissiong, Carson Kressley, Avani Gregg, supermodel Halima Aden, Dr. Connie Mariano, Mario Bautista, Sweta Patel, actor Giselle Blondet, Denise White and Miss Universe 2016 Iris Mittenaere.

 

 

 

Nagpasalamat naman ang president ng El Salvador na si Nayib Bukele dahil sa mainit na pagtangkilik ng Miss Universe sa kanilang bansa for the second time. Unang ginanap ang Miss Universe sa El Salvador ay noong 1977.

 

 

 

Mga naging hosts ng pageant ay sina Maria Menounos, Miss Universe 2012 Olivia Culpo, Jeannie Mai, with backstage correspondents Zuri Hall and Miss Universe 2018 Catriona Gray. Guest performer ay ang EGOT (Emmy, Grammy, Oscar, Tony) awardee na si John Legend.

 

 

 

Ang Mexico naman ang napiling maging host country para 73rd Miss Universe sa susunod na taon.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Awards night, Nov. 26 na sa Aliw Theater: POPS, magbibigay ningning sa ‘6th The Eddys’ kasama sina ERIK at DARREN

Posted on: November 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TATLONG sikat at premyadong celebrities mula sa iba’t ibang henerasyon ang magbibigay-kulay at ningning sa magaganap na 6th The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa darating na November 26, Linggo, sa Aliw Theater, CCP Complex, Pasay City.

 

 

Kaabang-abang ang mga inihandang production numbers ng original Concert Queen na si Pops Fernandez, pati na ng Prince of Pop at King of Teleserye Theme Song na si Erik Santos. May pa-surprise number din sa Gabi ng Parangal ang Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto.

 

 

Magsisilbing host naman sa 6th The EDDYS ang Ultimate Leading Man at award-winning actor-producer na si Piolo Pascual at ang premyadong aktres na si Iza Calzado. Ang pagbibigay parangal at pagkilala ng 6th The EDDYS sa mga natatanging pelikulang Pilipino nitong nagdaang taon ay mula sa direksyon ng award-winning actor-director na si Eric Quizon.

 

 

Ito’y ihahatid ng Airtime Marketing Philippines ni Tessie Celestino-Howard. Mapapanood ang delayed telecast ng awards night sa December 2 sa A2Z Channel. Samantala, limang pelikulang Pilipino na nagmarka at nang-agaw ng eksena noong nakaraang taon ang maglalaban-laban sa 6th The EDDYS.

 

 

Ang mga nominado sa kategoryang Best Film ay ang “Bakit ‘Di Mo Sabihin?” ng Firestarters at Viva Films; “Blue Room” mula sa Heaven’s Best Entertainment, Eyepoppers Multimedia Service at Fusee; “Doll House” ng MavX Productions; “Family Matters” ng CineKo Productions; at “Nanahimik ang Gabi” mula sa Rein Entertainment.

 

 

Nominado naman sa pagka-Best Director sina Marla Ancheta (Doll House); Ma-an L. Asuncion-Dagñalan (Blue Room); Real S. Florido (Bakit ‘Di Mo Sabihin?); Nuel Crisostomo Naval (Family Matters); at Shugo Praico (Nanahimik ang Gabi). Magpapatalbugan para sa Best Actress category sina Kim Chiu (Always); Max Eigenmann (12 Weeks); Janine Guttierez (Bakit ‘Di Mo Sabihin?); Nadine Lustre (Greed); Heaven Peralejo, (Nanahimik ang Gabi); at Rose Van Ginkel (Kitty K-7).

 

 

Bakbakan naman sa pagka-Best Actor sina Elijah Canlas (Blue Room); Baron Geisler (Doll House); Noel Trinidad (Family Matters); Ian Veneracion (Nanahimik ang Gabi); at JC de Vera, (Bakit ‘Di Mo Sabihin?).

 

 

Paglalabanan naman nina Mylene Dizon (Family Matters); Matet de Leon (An Inconvenient Love); Althea Ruedas (Doll House); Ruby Ruiz (Ginhawa); at Nikki Valdez (Family Matters) ang tropeo para sa kategoryang Best Supporting Actress.

 

 

Para sa Best Supporting Actor, nominado sina Nonie Buencamino (Family Matters); Mon Confiado (Nanahimik ang Gabi); Soliman Cruz (Blue Room); Sid Lucero (Reroute); at Dido dela Paz (Ginhawa).

 

 

Bibigyang-pugay din ng SPEEd ngayong taon ang hindi matatawarang kontribusyon sa industriya ng pelikulang Filipino ng mga napiling EDDYS Icon awardees na kinabibilangan nina Aga Muhlach, Richard Gomez, Gabby Concepcion, Niño Muhlach, Snooky Serna, Jaclyn Jose, Barbara Perez at Nova Villa.

 

 

Kabilang naman sa bibigyan ng Isah V. Red Award sina Herbert Bautista, Coco Martin at Piolo Pascual para sa walang sawa nilang pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan.

 

 

Igagawad ang Joe Quirino Award sa veteran entertainment columnist, former TV host at content creator na rin ngayon na si Aster Amoyo habang ang beteranong manunulat at dati ring entertainment editor na si Ed de Leon ang tatanggap ng Manny Pichel Award.

 

 

Ngayong taon, ipagkakaloob ang Producer of the Year sa Viva Films habang ang Rising Producer of the Year ay igagawad sa MavX Productions. Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Eugene Asis ng People’s Journal.

 

 

Ang pamamahagi ng parangal ng SPEEd ay isang paraan din para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at de-kalibreng pelikula.

 

 

(ROHN ROMULO)

Pagpapalabas ng P3 bilyong karagdagang pondo ng DSWD, aprubado na ng DBM

Posted on: November 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PARA patuloy na mabigyang tulong ang mga indibidwal at mga pamilyang nangangailangan, inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng karagdagang pondo na nagkakahalagang P3 bilyon para sa kinakailangang budget para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

 

 

Inaprubahan ni DBM Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) at kaukulang Notice of Cash Allocation (NCA) nito noong ika-16 ng Nobyembre 2023.

 

 

“In adherence with President Ferdinand R. Marcos Jr.’s directive, we will continue to strengthen social protection measures for our kababayans, especially the marginalized and vulnerable sectors. Alam at naiintindihan po namin na malaking tulong po ang programang ito sa mga kababayan nating nangangailangan,” ayon kay Secretary Pangandaman.

 

 

Isa ang AICS sa mga mahahalagang serbisyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbibigay ng medical assistance, burial, transportation, education, food, at financial assistance para sa iba pang serbisyo at pangangailangan ng isang indibidwal o pamilya.

 

 

Ang pagpapalabas ng karagdagang pondo ay nakaangkla sa special provision ng 2023 General Appropriations Act (GAA) na nagsasaad ng paggamit Unprogrammed Appropriations (UA). Ayon sa nasabing special provision, may nakalaang pondo na maaaring gamitin para bigyang suporta ang infrastructure projects at social programs, kabilang na ang pagbibigay ng financial assistance sa mga indibidwal o pamilyang nangangailangan.

 

 

Batay sa Special Provision No. 1 ng UA, ang halaga na nakapaloob dito ay maaari lamang magamit kapag may bago o sobrang revenue collections.

 

 

Sa kasalukuyan, ang available excess revenue sa ilalim ng UA na nakalaan sa nasabing programa sa ilalim ng Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances ng DSWD ay nasa P3 bilyon. (Daris Jose)

Bukod sa repeat ng ‘Dear Heart: The Concert’ next year: SHARON at GABBY, willing nang magtambal para sa reunion movie

Posted on: November 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BALIK-DRAMA si Claudine Barretto, with “Lovers/Liars” na isang co-production venture between Regal Entertainment and GMA Network. Inspired ito ng film ni Joey Reyes na “Bayarang Puso” na tungkol sa romance between rich woman and a younger man, na dating ginampanan nina Lorna Tolentino at Aga Muhlach. 

 

 

Ang huling teleserye ni Claudine sa GM,A ay ang “Iglot” with Marvin Agustin. Kaya after twelve years nagbabalik-Kapuso si Claudine.

 

 

At sa “Lovers/Liars”  makakatambal niya si Yasser Marta as the young architect she has an affair with.

 

 

Hindi ba nanibago si Claudine makipag-interact sa mga young actors na kasama niya sa serye? “Hindi naman. Yes, noong una medyo nag-worry ako dahil most of them ngayon ko lamang makakasama sa trabaho,” sagot ni Claudine.

 

 

“But everyone in the show is very caring and very nice and very talented.  I felt at home in their company, and I can say na yung mga young co-stars ko ay malayo ang mararating nila.  And with the help of our director, Crisanto Aquino, maayos ang tapings namin.”

 

 

Bakit tinanggap ni Claudine ang project?

 

 

“Ang daming ibang scripts ang natanggap ko pero ito ang pinili ko kasi it gives me the chance to finally work with Regal.  In the early 90’s dapat gagawin noon ang “Gwapings” with them pero hindi natuloy.  Finally, natuloy na rin ngayon, nagustuhan ko ang story nang ikuwento nila sa akin at napansin kong iba siya sa nagawa na dati na about secrets and lies na sumisira sa relationships.

 

 

“I played the role of Via Laurente, an accomplished woman who’s my age now, and the treatment is very daring, matapang siya, na ngayon ko lamang gagawin.

 

 

“Tinanong nga ako ng director namin kung may limitations daw ako pero sabi ko kung ano ang ipagawa niya, I am willing to do it.”

 

 

NGAYONG gabi na ang world premiere ng “Lovers/Liars” at 9:35pm sa GMA-7, after ng “Love before Sunrise.”

 

 

***

 

TULUY-TULOY ang saya ng mga Sharon Cuneta-Gabby Concepcion followers dahil pagkatapos ng kanilang “Dear Heart: The Concert” sa Cebu last Friday, November 17, nag-announce na sila na tuloy na ang repeat concert nila.

 

 

Magaganap ito sa February 13, 2024, sa MOA Arena pa rin, sagot nila sa tindi ng request ng kanilang mga fans.

 

 

May dagdag pang balita si Sharon na pareho silang willing muling magtambal ni Gabby para sa reunion movie na request ng mga fans nila.  Kaya ang mga fans dasal na nilang sana raw ay mapanood na nila ito sa 2024.

 

 

Pahinga muna si Sharon pagkatapos ng tatlong concerts nila ni Gabby, at naghahanda naman siya sa promotion ng movie na pagsasamahan nila ni Alden Richards para sa Metro Manila Film Festival ngayong December.

 

 

At dahul tapos nang mag-taping si Gabby ng “Stolen Life,” balik-taping na siya ng drama series nila ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

 

 

***

 

MARAMING nagulat sa issue raw tungkol kina Kapuso actress Kazel Kinouchi at ni Kapamilya actor Richard Gutierrez.

 

 

Kaya umingay ang tahimik na pangalan ni Kazel, ang mataray na doctor na si Zoez Tanyag na kaaway ni Jillian Ward sa afternoon GMA prime series na “Abot-Kamay na Pangarap,” na nagpapanggap na magkapatid sila ni Jillian.

 

 

Biglang-bigla raw kasing may mga lumabas na mga photos niya na kasama si Richard at mga anak nito kay Sarah Labhati.  Sa ngayon kasi ay hindi pa malinaw ang issue kung totoo ngang nagkakalabuan ang relasyon ng mag-asawang Richard at Sarah.

 

 

Kaya ang hinarap ng mga netizens ay si Kazel na mabilis na sumagot ng “NO!” at sa mga humirit, sabi niya ay “Get a life seriously!”

 

 

Pero tahimik pa rin si Richard at naniniwala din ang mga fans nila ni Sarah na maaayos din kung anuman ang nangyayari sa kanilang relasyon ngayon.

 (NORA V. CALDERON)