• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 13th, 2023

Hiling ni PBBM sa mga Boy Scouts ng Pinas, “be positive agents of change”

Posted on: December 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R.  Marcos Jr. ang grand opening ng 18th National Scout Jamboree sa Iloilo habang umaasa na ang national scouting event  ay makapagbibigay inspirasyon sa mga kabataan ng bansa na maging aktibo at  produktibong miyembro ng lipunan.

 

 

“To all our beloved scouts: Remember that you are here also to have fun, and to have an adventure, but to learn also about positive agents of change of which you can be part of,” ayon kay Pangulong Marcos sa pagbubukas ng seremonya ng  ika-18 National Scout Jamboree sa Passi, Iloilo.

 

 

“Make your bodies strong and healthy. Keep your minds keen and ever-conscious. Stand your ground, embody the scout law, and heed the call of duty to God and Country,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

“These qualities will make you a good scout – a good scout makes a good citizen, and a good contributor to our goal of building a Bagong Pilipinas,” aniya pa rin.

 

 

Sa naturang  event, nanumpa ang Pangulo bilang Chief Scout of the Boys Scout of the Philippines.

 

 

Ang jamboree na isinagawa sa lalawigan ay itinuturing ng Pangulo na “a very important event.”

 

 

Inilarawan nito ang event bilang  “mother of all activities” sa buhay ng scout.

 

 

Ang  national scouting event, idinadaos kada apat na taon, hindi lamang bilang pagpapaalala sa bawat isa na ituloy na importansiya ng scouting, kundi pagpapanatiling matatag ng pamana ng “scouting movement” sa bansa.

 

 

“Scouting also plays a vital role in fostering the spirit of camaraderie and leadership among Filipino youth through its unique blend of education, adventure, and fun,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Sa kabilang dako, tinatayang 35,000 scouts at lider sa buong bansa ang nagpartisipa sa national scouting event may ilang espesyal na panauhin partisipasyon mula sa ibang  National Scout Organization mula sa ibang mga bansa dahilan para ito’y maging “biggest national jamboree” sa Pilipinas.

 

 

Itinatag matapos ang isang siglo, ang scouting ay naglalayong “to contribute to the empowerment of individuals and their development as active citizens in their local, national, and global communities.

 

 

Ang  18th National Scout Jamboree ay naglalayong magbigay ng “progressive, exciting, challenging, safe and enjoyable learning environment for the scouts in order to enhance their full Social, physical, intellectual, character, emotional and spiritual potentials as an active citizen making real contribution in creating a better community.

 

 

Ang  scouting ngayon ay itinuturing na “leading educational youth movement” ng bansa na may  mahigit na 57 milyong Scouts sa mahigit  200 bansa at teritoryo sa buong mundo, mayroon itong aktibidad na nakapagbibigay inspirasyon sa mga kabataang Filipino na maging aktibong mamamayan na nauugnay sa paglikha ng  “a better and more sustainable world.”

 

 

Ang National Scout Jamboree na tatakbo mula Disyembre 11 hanggang  17 ay mayroong tema na  “Youth Engagement: Sustaining Relevance and Strengthening Resilience.” (Daris Jose)

PBBM pirmado na ang P20k na incentive, ‘gratuity pay’

Posted on: December 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NILAGDAAN  na ni Pangulong “Ferdinand” Bongbong” Marcos Jr. ang ilang kautusang magbibigay ng P20,000 service recognition incentive at gratuity pay para sa mga manggagawa sa gobyerno — kabilang na ang mga kontraktwal.

 

 

Ito ang nilalaman ng limang-pahinang Administrative Order 12 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong ika-7, bagay na magbibigay ng one-time na P20,000 SRI para sa government employees sa executive branch.

 

 

“Qualified for the PhP20,000 SRI are civilian personnel in national government agencies including those in state universities and colleges (SUCs) and government-owned or controlled corporations (GOCCs), occupying regular, contractual or casual positions,” wika ng ulat ng Presidential Communications Office nitong Martes.

 

 

“The incentive will also be given to military personnel of the Armed Forces of the Philippines (AFP), uniformed personnel of the Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), and Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).”

 

 

Maliban sa nabanggit, kwalipikado rin para sa P20,000 SRI ang sumusunod na uniformed personnel:

 

Bureau of Corrections

Philippine Coast Guard

National Mapping and Resource Information Authority ng Department of Environment and Natural Resources

 

 

Dagdag pa ng section 2 ng AO, saklaw ng naturang kautusan kahit ang mga sumusunod na civilian personnel na nagtrabaho sa gobyerno hanggang ika-30 ng Nobyembre:

 

regular

contractual

casual

kawaning nagtrabaho ng hindi bababa sa apat na buwan na may “satisfactory service”

 

 

P5,000 pay sa kontraktwal

 

 

Sa kahiwalay na AO 13, inaprubahan naman ni Bongbong ang pagbibigay ng one-time gratuity pay na hindi hihigit sa P5,000 para sa mga COS at JO government employees na nagtrabaho nang hindi bababa sa apat na buwan ng satisfactory service as of December 15, pati na yaong mga epektibo pa ang kontrata sa parehong petsa.

 

 

“AO 13 stated that COS and JOs of the national government agencies, state universities and colleges and government-owned or -controlled corporations and local water districts are qualified to receive the PhP5,000 gratuity pay,” dagdag pa ng PCO.

 

 

“Both payments of PhP20,000 SRI and PhP5,000 gratuity pay to all qualified employees shall be given not earlier than December 15.”

 

 

Makikita ang kumpletong listahan ng mga kwalipikadong kawani sa Official Gazette.

Tinamaan din ang mag-inang Jennylyn at Dylan: DENNIS, idinaan sa pagkanta nang magka-COVID

Posted on: December 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA mga nagsasabing wala ng pandemic, na wala ng COVID-19 virus, mag-isip-isip kayo.

 

 

Matapos magkumpirma na tinamaan muli ng mapaminsalang virus si Pangulong Bongbong Marcos at Pasig City Mayor Vico Sotto, heto at sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado naman ang nagka-COVID.

 

 

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay ikinanta ni Dennis (literal na pag-awit, huh!) ang pagkakaroon nila ng misis niya at maging ng anak nila na si Dylan ng COVID-19.

 

 

May pamagat na “Gamutin Na Natin ‘To,” ang lyrics ng kanta na ginitara ni Dennis ay may linyahang ganito…

 

 

“Oh ito na nga, tinamaan din ako!

 

 

“Akala ko’y hindi na tatablan nito. Ba’t nag-positive ako?

 

 

“Gamutin na natin ito.”

 

 

Sa pagtatapos ng kanta, inihayag ng GMA Drama Prince at ‘Love Before Sunrise’ actor na maging si Jennylyn at si Dylan ay tinamaan din ng virus.

 

 

“May bago na ngang uso. Pati na ang misis ko. May COVID, kaming tatlo,” ayon pa sa lyrics ng awitin.

 

 

Well, siguro naman ay magaling na si Jennylyn kapag may mediacon na at ipapalabas na ang upcoming series na “Love. Die. Repeat” nila ni Xian Lim.

 

 

***

 

 

KATULAD ng milyon nilang fans and supporters (kabilang na kami!), happy si Stell dahil maayos na ang estado ng sitwasyon ng grupo nilang SB19 at ng dati nilang management team na ShowBT Entertainment!

 

 

Ibig sabihin nito, hindi na kailangang magpalit ng pangalan ang phenomenal group at patuloy na nilang maaaring gamitjn ang SB19 na walang problemang kakaharapin.

 

 

Kamakailan kasi, nitong Nobyembre to be exact, ikinagulat ng fans ng SB19 (kabilang kami!) ang mga A’TIN, ang pag-alis nila sa “SB19” sa kanilang official Instagram handles, at pinalitan ng MAHALIMA.

 

 

Nakansela rin ang ilang shows ng grupo makaraang umalis ang SB19 sa ShowBT Entertainment.

 

 

Nagtayo ang grupo ng sarili nilang kompanya na 1Z Entertainment, at tumayo bilang CEO ang lider ng grupo na si Pablo .

 

 

At sa episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” nitong Lunes, si Stell mismo ang nagbahagi na tuloy na lahat ang kanilang mga shows o concerts at lahat ng plano para sa kanilang grupo.

 

 

Lahad ni Stell, “Maayos po kaming nag-usap and right now, we can finally continue with everything that we want to do.”

 

 

Inamin rin ni Stell nadahil s anaging problema dati, ikinalungkot ng grupo nila nina Pablo, Ken, Josh at Justin ang pagkakansela ng PAGTATAG! World Tour nila sa Asia, kabilang na ang mga bansang Singapore at Thailand.

 

 

“Of course saddening siya na hindi natuloy kasi a lot of our fans are really looking forward to see us perform live,” sinabi pa ni Stell.

 

 

“But for now, all I can say is let’s just wait for the news. Kasi we’re not sure pa kung ano ang next na gagawin namin.”

 

 

Naging maayos man ang mga bagay-bagay, natural lamang na may mga bagay pa silang kailangang asikasuhin.

 

 

“Isa-isa lang. Surely but smoothly,” nakangiting wika pa ni Stell.

 

 

Isa pang ikinaliligaya ng puso ngayon ni Stell ay ang pagwawagi ng kanyang grupong Vocalmyx sa first ever ‘The Voice Generations grand finals nitong December 10, 2023 sa GMA.’

 

 

Ang Vocalmyx, na nagmula sa Cagayan De Oro, ay tumaggap ng recording at management contract mula sa Universal Music Group Philippines, trophy, at cash prize na isang milyong piso.

 

 

Pagbabahagi ni Stell sa tagumpay ng Vocalmyx, “Nung tinawag yung Vocalmyx, nag-flashback lahat ng mga pagdududa ko sa sarili ko, pagdududa ko sa buong journey ko sa “The Voice”, even yung journey ko as SB19.”

 

 

Dagdag pa ni Stell, “One thing for sure po is super happy po ng puso ko and super excited po ako and looking forward for the next projects and next season ng “The Voice”, if ever po magkakaroon.”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Target na pamamahagi ng land titles para sa taong 2023, maaaring sumobra

Posted on: December 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING sumobra sa target na pigura ng pamahalaan ang ipamamahaging land titles para sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

 

 

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ito ang “best christmas gift” ng pamahalaan sa mga ARBs.

 

 

Pinangunahan kasi ni Pangulong Marcos  ang  distribusyon ng  2,779 land titles sa 2,143  ARBs, mayroong 2,903 ektarya ng agricultural land sa  City of Passi, Iloilo.

 

 

“In the same manner, ito nga ‘yung aking sinasabi ang pag-deliver ng mga fertilizer, ng mga makinarya, mga facilities, ay makakatulong upang makamtan natin ang ating hinahanap at ang ating pinapangarap na magandang kinabukasan para sa ating mga magsasaka, para sa ating mga sinasaka at para sa susunod na henerasyon,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang naging talumpati.

 

 

“With the distribution of these titles in Western Visayas, in other areas, we are set to exceed our nationwide target for land distribution for the year 2023. So para sa akin, ito na ang pinakamagandang Christmas gift para sa ating lahat,” aniya pa rin.

 

 

Ang mga ipinamahaging land titles ay nagmula sa Support to Parcelization for Individual Titling (SPLIT) Project. Kabilang dito ang  2,687 titles  na mayroong  2,784 ektarya, inilaan para sa  2,062 ARBs, at maging ang 92 titles para sa bagong lupain na mayroong 118.7 ektarya, ipinamahagi sa  81 ARBs.

 

 

Matatandaang, nitong Hulyo,  nilagdaan ni Pangulong Marcos ang  New Agrarian Emancipation Act, na naglalayong payagan ang amortization ng “principal payments, interest at penalty” ng lupain na tinaniman ng mga magsasaka.

 

 

“The new law, or the Republic Act No. 11953, will benefit 610,054 agrarian reform beneficiaries (ARBs) as it writes off P57,557 billion of their loans,” ayon sa ulat.  (Daris Jose)

Crackdown sa ‘anti-colorum campaign’, tagumpay – DOTr

Posted on: December 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ng Department of Transportation (DOTr) na matagumpay ang isinagawa nilang crackdown laban sa mga illegal na sasakyan alinsunod sa kanilang anti-colorum campaign.

 

 

Ayon sa DOTr, sa loob lamang ng isang linggo, o mula sa Disyembre 1 hanggang Dis­yembre 9, 2023, nakaaresto ang SAICT ng tatlong kolorum na bus at 11 vans, na nagresulta sa total haul na P5.2 milyon.

 

 

Ang SAICT, katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) at pinagsanib na operatiba, ay walang pagod na labanan ang paglipana ng mga colorum vehicles sa Metro Manila.

 

 

Anang DOTr, ang mga colorum vehicles o public utility vehicles (PUVs), na ilegal na nag-o-operate, ay may hatid na banta sa public safety at sa overall efficiency ng transportation system.

 

 

“The SAICT’s efforts are in line with the Department of Transportation’s commitment to ensuring comfortable, safe, sustainable, and affordable transport network for all Filipinos,” anang DOTr.

 

 

Sa ilalim ng pamumuno ni DOTr Secretary Jaime Bautista, nagpapatupad ang SAICT ng isang kumprehensibong anti-colorum strategy na kinabibilangan ng pinaigting na operasyon, intelligence gathering, at sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang law enforcement agencies.

1,821 bagong COVID-19 cases naitala nitong nakaraang linggo — DOH

Posted on: December 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUMOBO  nang 36% ang nahawaan ng COVID-19 habang sumisipa ang influenza-like illnesses sa paglapit ng Pasko, ayon sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH).

 

 

Umabot sa 1,821 bagong kaso ng nakamamatay na virus ang naitala mula ika-5 hanggang ika-11 ng Disyembre, mas mataas kumpara sa 1,340 noong nakaraang linggo:

 

daily average cases: 260

bagong severe at critical cases: 13

kamamatay lang noong nakaraang linggo: 13

 

 

“Sa 13 namatay, tatlo ang nangyari nitong Disyembre 2023 at 10 naman nitong NObyembre 2023,” ayon sa DOH ngayong Martes sa Inggles.

 

 

“Noong ika-10 ng Disyembre 2023, mayroong 228 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19.”

 

 

Ang paglobo ng mga kaso ay nangyayari habang inaasahan ng DOH ang pagtaas ng ILIs sa mga susunod na araw at linggo.

 

 

Sinasabing 176 o 13.6% ng 1,298 na intensive case unit beds para sa mga COVID-19 patients ang okupado sa ngayon.

 

 

Nangyayari ito ngayong 78 milyong indibidwal o 100.44% na ng target population ang bakunado laban sa COVID-19 habang 23 milyon naman ang naturukan na ng booster shots.

 

 

Gayunpaman, 7.1 milyong senior citizens pa lang, o 82.16% ng target A2 population ang nabigyan ng primary series. Sila ang sinasabing pinakabulnerable sa matitinding sintomas ng sakit.

 

 

Ayon sa DOH, umabot na sa 4.12 milyong kaso ng COVID-19 ang naitatala ngayon sa bansa simula nang makapasok ang virus sa Pilipinas noong 2020.

 

 

Nanatiling 3,876 sa mga kaso ang nagpapagaling pa rin habang 66,779 ang patay na sa virus. Sa kabutihang palad, 4.05 milyon ang nag-recover na sa naturang sakit. (Daris Jose)

Ads December 13, 2023

Posted on: December 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Naloka nang mapanood na grabe ang ginawa: ZEINAB, feeling ‘Anne Curtis’ sa matinding lovescene nila ni DEREK

Posted on: December 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

“’YUNG scene po, medyo naloka ako! Kasi first time ko talagang… honest lang po, first time ko pong nakipag-kissing scene sa hindi ko po partner, first time po ‘yun,” ito ang naging pag-amin ni Zeinab Harake sa maiinit na lovescene nila ni Derek Ramsay sa horror movie na “(K)ampon”.

 

Matinding nerbiyos daw ang kanyang naramdaman habang kinukunan ang eksena sa pelikula.

 

“But nun’g naka-work ko po si Sir Derek, wala po akong masabi. Sobrang respeto po talaga niya, gina-guide niya po ako.

 

 

“Hindi lang po si Sir Derek, pati si direk King (Palisoc), nandoon po talaga sila to guide me, kung paano ko gagawin, kung paano ko kakayanin.

 

 

“Sana po, maganda po ‘yung kinalabasan. Sinasabi po nila na maganda raw ang nagawa ko sa movie. Pero hindi po ako ganun ka-kompiyansa sa sarili ko.

 

 

“But nilo-look forward ko po na maging maganda. And sobrang thankful ako na first project ko ay si Sir Derek ang naka-partner ko. Kaya sobrang happy po ako,” pagkukuwento ng social media sensation.

 

 

Kuwento pa ni Zeinab, sa mga ginawa nila ni Derek sa “(K)ampon”. “Kasi po, ‘yung karakter ni Loreta, ang layo po nu’n sa Zeinab, eh. So, kailangan pong makita ‘yung expression ni Loreta du’n habang ginagawa ‘yun.

 

 

“So, ‘yun po talaga ‘yung pinakaunang tinatak ko sa isip ko habang ginagawa ‘yung eksena na ‘yun kaya medyo naloka ‘ko.

 

 

“Tapos nu’ng nakita ko siya sa screen, nu’ng napanood ko na ng very slight, du’n ako naloka. ‘Shit, sabi ko, ‘ako to? Ako talaga ‘to?’

 

 

“Parang Anne Curtis, mga ganu’ng level ‘yung mga napapanood ko with Sir Derek Ramsay, tapos, isa ako sa mga nabigyan ng pagkakataong magawa ‘yung mga ganu’n.

 

 

“’Di ko alam kung good ba ‘yun or bad or nakakatawa. Pero nailaban naman po. Kaya po abangan n’yo. Grabe ‘yung ginawa ko dito. Kaya sana, panoorin n’yo. Nilaban ko ‘to kaya ilaban n’yo ‘to,” pahayag pa ni Zeinab.

 

 

Komento naman ni Derek, napaka-intense na love scenes nila Zeinab.

 

 

“Kasi yun scene namin, parang one night stand, lasing, kaya dapat medyo rough. Different sa love scene naman ni Beauty, na we are trying to conceive a child.

 

 

“Yung kami, lust talaga, may kagat-labi. Medyo intense talaga siya at natuwa naman si Direk King.

 

 

“Gaya ng mga other love scenes ko, sabi ko kay Zeinab na ‘let’s just to this in one take para hindi na maging awkward and nakita ko ‘yung transformation niya from Zeinab to her character, Loreta in a snap of a finger.

 

 

“So, mabilis natapos ‘yung eksena even though it was her first time to do something like that,” pahayag ng aktor.

 

 

Ang “(K)ampon” na mula sa direksyon ni King Palisoc, ang entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival 2023 na showing na sa December 25.

 

 

Introducing nga sa movie ni Zeinab, kasama rin nila ni Derek si Beauty Gonzalez, Erin Espiritu, Nico Antonio at marami pang iba.

 

 

***

 

 

MAS pinalakas pa ang primetime newscast ng TV5 na ‘Frontline Pilipinas’ dahil ang award-winning journalist at news frontliner na si Jiggy Manicad ay makakasama na bilang news anchor nito simula Enero 2024.

 

 

Mula sa dalawang dekadang niyang paglilingkod bilang broadcast journalist, mas magiging malawak pa ang ihahatid na public service at news coverage ni Jiggy sa kanyang bagong misyon sa TV5.

 

 

Nakilala dahil sa kanyang dedikasyon sa paghahanap ng katotohanan at sa kanyang natatanging storytelling, bitbit ni Jiggy ang kanyang makulay na experience bilang journalist sa kanyang pagsabak bilang ‘Frontline Pilipinas news anchor kasama sina Luchi Cruz-Valdes, Cheryl Cosim, Julius Babao, Ed Lingao, Lourd De Veyra, Kaladkaren, at Mikee Reyes.

 

 

“With the remarkable growth achieved by Frontline Pilipinas as a preferred choice of more Filipinos for accurate and timely news, bringing Jiggy onboard will not just add depth and experience to our primetime newscast, but it will more importantly bolster our capacity to provide the best kind of public service that our Kapatid viewers deserve,” pahayag ni TV5 President and CEO Guido R. Zaballero.

 

 

Mula sa pagiging field reporter hanggang sa maging anchor at correspondent, nagsilbing boses ng maraming Pilipino si Jiggy sa paghahayag nya ng istorya at balita tungkol sa mga ito.

 

 

“Jiggy is an exemplar of earnest, do-all-possible, get-to-the-bottom everyday reporting that broadcast journalists should follow. News5 can only get stronger with Jiggy in the team. He will up our game a couple of notches,” ani ng TV5 Head of News and Information na si Luchi Cruz-Valdes.

 

 

Maging updated sa latest news sa Frontline Pilipinas, Lunes hanggang Biyernes, 6:30PM sa TV5. Para sa karagdagang impormasyon at updates, i-follow ang official social media pages ng TV5 o bumisita sa www.tv5.com.ph

 

(ROHN ROMULO)

“AQUAMAN AND THE LOST KINGDOM” IS FUNNIER THAN ITS BOX-OFFICE HIT PREDECESSOR, SAY JASON MOMOA AND DIRECTOR JAMES WAN

Posted on: December 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DIRECTOR James Wan has always planned for the “Aquaman” sequel to have a bit more comedy.

 

 

 

In an interview with “Empire” magazine, Wan said, “From the start, I pitched that the first film would be a ‘Romancing the Stone’-type thing – an action-adventure romantic comedy,” he said, “while the second would be an outright buddy comedy.” Some inspirations he had were “Tango & Cash,” a 1989 buddy cop comedy starring Sylvester Stallone and Kurt Russell, and 1997’s “Men in Black,” starring Will Smith and Tommy Lee Jones.

 

 

 

In “Aquaman and the Lost Kingdom,” sequel to the box office smash “Aquaman,” DC’s highest worldwide grossing film of all time, Black Manta (Yahya Abdul-Mateen II), having failed to defeat Aquaman (Jason Momoa) the first time and still driven by the need to avenge his father’s death, will stop at nothing to take Aquaman down once and for all. This time Black Manta is more formidable than ever before, wielding the power of the mythic Black Trident, which unleashes an ancient and malevolent force. To defeat him, Aquaman will turn to his imprisoned brother Orm (Patrick Wilson), the former King of Atlantis, to forge an unlikely alliance. Together, they must set aside their differences in order to protect their kingdom and save Aquaman’s family, and the world, from irreversible destruction.

 

 

 

Fortunately for Wan, Jason Momoa, who famously turned Aquaman into one of the coolest superheroes, loved the idea of comedy in the sequel too. In a recent guest appearance on “The Tonight Show Starring Jimmy Fallon,” Momoa talked about his love for the character of Aquaman, and what makes the sequel different – including a writing credit for the actor. “When I finished the first one, I was really pumped and I came back in and I wrote a treatment and I went in and I pitched it,” an excited Momoa proudly shared. “And I just wanted to think of it, like, the idea, because now he’s a father, he’s married, he’s the king – he was a slacker in the first one – now he’s got all these, and you basically get to go on that journey with him… and it becomes this journey that they[he and his brother Orm] go on and there are differences in how they save the planet. But it’s really fun, like, I love ‘Tango & Cash’ and… it’s just a lot of comedy, which I never get to do, so it was really fun to put that in there.”

 

 

 

Also starring Amber Heard, Nicole Kidman, Dolph Lundren and Randall Park, “Aquaman and the Lost Kingdom” opens exclusively in cinemas December 20. Get your tickets now at https://www.aquaman2.com.ph/

 

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #Aquaman

 

 

 

Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”

 

(ROHN ROMULO)

Seguridad sa South Metro pinaigting, higit 2K pulis ikakalat

Posted on: December 13th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KASADO na ang planong “Ligtas Paskuhan 2023” upang maagap na bantayan ang kaligtasan at seguridad ng mga residente at mga dumarayo sa katimugang bahagi ng Metro Manila na nasa hurisdiksyon ng Southern Police District (SPD).

 

 

Sinabi ni SPD officer-in-charge P/Brig General Mark Pespes, ang deployment plan ng mga tauhan ay kinabibilangan ng 2,425 na pulis at karagdagang 925 force multipliers para matutukan ang mga okasyon at pagi­ging abala ng mga tao kaugnay sa holiday season.

 

 

Kasama sa inis­yatiba ngayong taon ang strategic deployment ng 292 personnel sa mga lugar na dinadagsa ng mga tao at 98 sa transport terminals.

 

 

Para sa pagpapalakas ng street-level vigilance, 450 beat patrollers at 83 Tactical Motorcycle Rider Units ang nakaantabay habang nakapokus naman ang 1,436 SPD personnel sa anti-criminality measures, na aalalayan pa ng Red Team na may 66 miyembro.

 

 

“Continuous operations like Oplan Galugad and proactive community engagement through barangay visitation are at the core of our strategies,” ani Pespes.

 

 

Aktibo rin aniya, ang kanilang pagpapakalat ng impormasyon at community mobilization sa pamamagitan ng kanilang social media platform upang mabigyang babala ang mga mamamayan at makipagtulungan laban sa kriminalidad.

 

 

Dagdag nito, mas paiigtingin pa ang Simultaneous Anti-Criminality at  Law Enforcement Operations (SACLEO), maglalagay ng checkpoints sa strategic locations, at mas marami ang ide-deploy sa mga lugar na mas marami ang tao kabilang na sa mga simbahan na pagdarausan ng Simbang Gabi.

 

 

“Malls and other convergence spots are on our radar as potential targets for pickpockets and criminals,” ani pa ni Pespes.

 

 

Babantayan din ang crime-prone areas at panawagan na rin sa publiko laban sa indiscriminate firing at hindi ligtas na paggamit ng pyrotechnics.