• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 14th, 2024

Ban sa e-bikes, e-trikes, tricycle sa National roads sa NCR iiral na sa Abril 15

Posted on: March 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDA nang magsimula sa Abril 15 ang pagbabawal sa mga e-bikes, e-trikes, at tricycles sa mga national roads sa National Capital Region (NCR).

 

 

Mismong si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes ang nagkumpirma nito sa isang pulong balitaan .

 

 

Ayon kay Artes, “We will implement ito by April 15.But we will consider pa rin iyong ibang suggestions. Nag-aagree naman sila na kailangan i-regulate.”

 

 

Dagdag pa ni Artes, sa isinagawang pulong sa mga stakeholders ay naliwanagan naman ang mga ito na ang ipatutupad nila ay hindi total ban.

 

 

Aniya pa, hindi naman pagbabawalan ang mga naturang behikulo na lumabas ngunit hindi lamang sila maaaring dumaan sa mga national roads, kung saan hindi naman talaga sila nararapat.

 

 

Ayon sa MMDA, kabilang sa mga national roads na hindi maaaring daanan ng mga e-bikes, e-trikes, at tricycles ay ang R1: Roxas Boulevard; R2: Taft Avenue; R3: SLEX; R4: Shaw Boulevard; R5: Ortigas Avenue; Ro: Magsaysay Blvd/Aurora Blvd.; R7: Quezon Ave./ Commonwealth Ave.; R8: A. Bonifacio Avenue; R9: Rizal Avenue; R10: Del Pan/Marcos Highway/McArthur Highway; C1: Recto Ave­nue; C2: Pres. Quirino Avenue; C3: Araneta Avenue; C4: Epifanio Delos Santos Avenue; C5: Katipunan/C.P. Garcia; C6: Southeast Metro Manila Expressway; Elliptical Road; Mindanao Ave­nue; at Marcos Highway.

 

 

Una na ring sinabi ng MMDA na ang regulasyon sa mga e-vehicles ay isinulong nila para sa kaligtasan ng mga concerned drivers, passengers, at pedestrians.

 

 

Iniulat din ng MMDA na noong 2023 lamang, kabuuang apat na katao ang namatay dahil sa road crash incidents, na kinasasangkutan ng e-bikes, habang 436 naman ang nasugatan at 468 ari-arian ang napinsala.

 

 

Babala ng MMDA, ang mga lalabag sa ban ay papatawan ng multang P2,500.

 

 

Samantala, sinabi rin ng MMDA na nakatakda na ring maglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng hiwalay na issuance kaugnay naman sa pag-require sa mga driver ng e-bikes at e-trikes ng lisensiya at registration.

 

 

Ang lahat umano ng e-vehicle ng mga driver na walang lisensiya ay kanilang ii-impound. (Daris Jose)

Meralco, muling nagpaalala sa publiko hinggil sa tamang pagtitipid ng kuryente

Posted on: March 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAALALANG  muli ang pamunuan ng Manila Electric Company sa publiko hinggil sa tamang pagtitipid ng kuryente ngayong panahon ng tag-init.

 

 

Ginawa ng kumpanya ang pahayag, kasunod ng naging ulat ng state weather na nagpapatuloy ang paghina ng hanging amihan.

 

 

Sinabi ng ahensya na ito ay magdudulot ng maalinsangan at mainit na temperatura sa mga susunod na araw kayat possible aniyang tumaas ang konsumo sa kuryente.

 

 

Ayon sa power distributor, tuwing ganitong panahon ng tag-init ay kadalasang tumataas ang konsumo ng isang tahanan sa 10 hanggang hanggang 40 porsyento.

 

 

Para, maiwasan ang paglobo ng bayarin ngayong tag-init, alisin sa pagkaka saksak ang mga appliances kapag hindi ginagamit.

 

 

Makatutulong din ang maramihang pa mamalantsa ng mga damit sa halip na paisa-isa.

 

 

Payo rin ng power distributor na regular na linisin ang air conditioner filters gayundin ng elisi ng mga electric fan.

Nakitang suot na ang engagement ring: BEA, balitang nakipagbalikan na kay DOMINIC

Posted on: March 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAROON nga kaya ng balikan at muli nang isinuot ni Bea Alonzo once ang engagement ring nila ni Dominic Roque?

 

 

Iyan ang tanong ng netizens nang mapansin ang suot na singsing ni Bea sa mga larawan na naka-post sa Instagram.

 

 

Ang post ay isang video slideshow na makikita ang mga larawan ni Bea habang nag-e-endorso ng isang skincare brand.

 

 

“OMG! Sino nakapansin dito, ‘yung ring?” ayon sa isang nagkomento sa post.

 

 

“Wow suot na makakatulog na ko ng mahimbing,” sabi naman ng isa pang netizen.

 

 

Kasalukuyang ginagawa ngayon ni Bea sa GMA Network ang upcoming series na “Widow’s War,” kasama si Carla Abellana.

 

 

***

 

 

MULING pumirma ng kontrata sa Kapuso Network ng GMA si Michael V. nitong Lunes. Handa na rin kaya siyang bumalik sa pagho-host ng variety o game show?

 

 

“Parang hindi pa time. There’s a reason why I left ‘Eat Bulaga’ before. I think it’s the same reason kung bakit hindi pa siguro ako sasabak,” ayon kay Michael V na kilala rin bilang si Bitoy.

 

 

Kabilang sa mga host ng Eat Bulaga si Bitoy mula 2004 hanggang 2016.

 

 

Sa isa niyang vlog, ipinaliwanag ng multi-awarded comedian na umalis siya noon sa noontime show dahil sa dami ng proyekto na kailangan niyang asikasuhin.

 

 

Bukod sa “Eat Bulaga,” nag-host din si Bitoy ng “Hole in the Wall,” kasama si Ogie Alcasid. At ang talent show na “Bitoy’s Showwwtime” at “Lip Sync Battle Philippines.”

 

 

Sa ngayon, kabilang sa mga programang ginagawa ni Bitoy sa GMA ang “Bubble Gang,” at ang TV sitcom na “Pepito Manaloto.”

 

 

Noong 2019, sumabak si Bitoy bilang bida at direktor ng pelikulang “Family History.”

 

 

Nitong nakaraang taon, kinilala ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Kapuso comedian bilang isa sa mga comedy icons ng Pilipinas

 

 

***

 

 

AFTER 11 years, sikretong nakipag-divorce si Natalie Portman sa mister na si Benjamin Millepied.

 

 

Hindi ginawang public ng Oscar winner ang pag-file niya ng divorce noong July 2023 sa France. Na-finalized ang divorce noong February ng taong ito.

 

 

Nakilala ni Portman si Millepied sa set ng pelikula niyang Black Swan noong 2012 kunsaan choreographer ito ng mga ballet numbers sa movie. Meron silang dalawang anak: Aleph, 12, and daughter Amalia, 7.

 

 

May 2023 noong maghiwalay sila dahil nagkaroon ng affair si Benjamin. Naka-focus na sila ngayon on co-parenting their children.

(RUEL J. MENDOZA) 

Unveiling Evil’s Genesis: “The First Omen” Prequel Arrives with Haunting Trailer

Posted on: March 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PREPARE to be spellbound by the spine-chilling trailer and poster for “The First Omen,” a prequel to the iconic horror franchise.

 

Prepare to be spellbound as 20th Century Studios unveils the harrowing trailer and poster for its upcoming psychological horror masterpiece, “The First Omen.”

 

 

Experience the depths of terror as the film peels back the layers of darkness, revealing sinister secrets that will send shivers down your spine. Its release is set exclusively in cinemas nationwide on April 5, 2024.

 

 

In the heart of Rome, a young American woman embarks on a sacred journey of service to the church. However, her seemingly innocuous mission takes a sinister turn when she becomes ensnared in a web of darkness that threatens to engulf her soul. As she grapples with her faith, she uncovers a malevolent conspiracy, poised to unleash the birth of evil incarnate upon the world. “The First Omen” weaves a story of terror, faith, and the eternal battle between good and evil.

 

 

Led by a talented ensemble cast, “The First Omen” brings together a lineup of performers who are sure to leave a lasting impression. From the haunting presence of Nell Tiger Free (“Servant”), Tawfeek Barhom (“Mary Magdalene”), Sonia Braga (“Kiss of the Spider Woman”), Ralph Ineson (“The Northman”), to the commanding gravitas of Charles Dance (“Game of Thrones”), and Bill Nighy (“Living”), each actor embodies their role with chilling authenticity. Prepare to be spellbound by their performances as they navigate the treacherous waters of faith and fear.

 

Ralph Ineson as Father Brennan in 20th Century Studios’ THE FIRST OMEN. Photo courtesy of 20th Century Studios. © 2024 20th Century Studios. All Rights Reserved.(L-R): Nell Tiger Free as Margaret and Nicole Sorace as Carlita in 20th Century Studios’ THE FIRST OMEN. Photo courtesy of 20th Century Studios. © 2024 20th Century Studios. All Rights Reserved.

 

Behind the Scenes

“The First Omen” is a testament to the power of storytelling. Helmed by director Arkasha Stevenson and guided by the visionary minds of David Seltzer (“The Omen”), Ben Jacoby (“Bleed”), screenplay Tim Smith, Arkasha Stevenson and Keith Thomas (“Firestarter”), The producers are David S. Goyer (“Hellraiser”) and Keith Levine (“The Night House”) and the executive producers are Tim Smith, Whitney Brown (“Rosaline”), and Gracie Wheelan. With a screenplay that delves deep into the darkest recesses of the human psyche and a production team dedicated to bringing its vision to life, this film promises to be a tour de force of terror and suspense.

 

 

Nell Tiger Free as Margaret in 20th Century Studios’ THE FIRST OMEN. Photo courtesy of 20th Century Studios. © 2024 20th Century Studios. All Rights Reserved.
Get ready to embark on a journey into the heart of darkness with “The First Omen.” Opening exclusively in cinemas nationwide on April 5, 2024, this spine-chilling prequel is not for the faint of heart. Are you brave enough to confront the terrors that await? Prepare yourself for a cinematic experience unlike any other, and dare to face “The First Omen”.

 

(ROHN ROMULO)

Comelec, susunod sa desisyon ng Korte

Posted on: March 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TATALIMA ang Commission on Elections (Comelec)  sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong inihain ng dating service provider na Smartmatic Philippines.

 

 

 

Sinabi ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na hindi pa nila natanggap ang order mula sa Mataas na Hukuman na itigil ang anuman sa kanilang paghahanda para sa midterm polls sa susunod na taon.

 

 

 

Noong Disyembren ang nakalipas na taon, tinutulan ng Smartmatic ang legalidad ng diskwalipiaksyon nito sa proseso ng pag-bid ng poll body para sa 2025 automated election system sa Korte Suprema.

 

 

 

Gayunman,isinantabini Garcia ang posibilidad ng pagsasagawa ng manuel elections.

 

 

 

Ayon kay Garcia, hindi maaaring gamitin ang manual elections dahil maaring malabag ng Comelec ang batas.

 

 

 

Giit ni Garcia, maaari lamang gamitin ang automated elections in 2025 elections  dahil ito ang itinatadhana ng batas.

 

 

 

“You have to automate the national and local elections. So kung ano po yung magiging (whatever is the) disposition, iyan naman po ay part ng proseso (that is part of the process) pero in the meantime, the Comelec will have to proceed,” sabi ni Garcia sa  press briefing.

 

 

 

Binanggit ni Garcia na ang pakikitungo sa komisyon ay nasa maayos at pagsunod sa batas partikular sa Government Procurement Reform Act.

 

 

 

Nitong Lunes, ang Comelec kasama ang joint venture Miru Systems Co.Ltd., Integrated Computer Systems, St. Timothy Construction Corporation, at Centerpoint Solutions Technologies Inc. (MIRU-ICS-STCC-CPSTI), ay lumagda ng P17 bilyong kontrata sa Comelec para sa 2025 elections.

 

 

 

Naghain ng bid ang Miru Systems na P17.98 bilyon para sa proyekto  na kinabibilangan ng paggawa ng 110,000 automated counting machines at balota bukod sa iba pa. GENE ADSUARA

Pinas, patuloy na nakikipag-ugnayan sa foreign govts

Posted on: March 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa foreign governments para masiguro na protektado ang mga Filipino seafarer lalo na sa Red Sea.

 

 

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA Undersecretary for Migration Eduardo Jose de Vega na kinikilala nito ang naging pahayag ng United Nation Security Council na kinokondena ang ginawang pag-atake sa merchant vessels sa Gulf of Aden.

 

 

“So we have allies, we have friends with us and countries in the region are also assisting in the operations that they are conducting in response to this Houthi attacks,” ayon kay de Vega.

 

 

“We have been in touch with the United Kingdom and USA to ensure that no harm comes to seafarers,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa 17 Filipino na sakay ng vessel Galaxy Leader, biktima rin ng pag-hijack ng mga Houthi rebels sa nakalipas, sinabi ni De Vega na nagpapatuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na madaliin ang pagpapalaya sa mga ito.

 

 

“The 17 are still being held in Al Hudaydah in Yemen and the Philippines is “working with friendly governments to see if they could be released,” ayon kay De Vega.

 

 

“The Houthis are consistent in their statement that it would need an end to the war in Gaza before they will release the ship or seafarers,” aniya pa rin sabay sabing “But, at the very least, we know that the seafarers are safe. Of course, they’re not in the best of conditions, but they are safe and able to contact their families.”

 

 

Samantala, winika ni De Vega na inaasahan ng DFA na pag-uusap an sa working visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Germany and posibleng maritime cooperation para paigtingin ang proteksyon para sa seafarers sa itinuturing na ‘volatile region.’ (Daris Jose)

IPINAPAKITA ng isa sa mga tauhan ng DPWH kina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco kung paano buksan ang emergency power supply

Posted on: March 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAPAKITA ng isa sa mga tauhan ng DPWH kina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco kung paano buksan ang emergency power supply ng isa sa tatlong bagong bukas na pumping station na matatagpuan sa Judge Roldan sa Brgy. San Roque, kasunod ng blessing at inauguration nito. (Richard Mesa)

Matindi lang ang eksena ni Rio na kinunan: RURU, nilinaw na fake news ang kumalat na walang medic sa set ng ‘Black Rider’

Posted on: March 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING solid at loyal na Kapuso si Michael V. sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa GMA.

 

 

At dahil marami-rami na rin siyang nagawang proyekto para sa GMA, natanong ang comic icon kung handa na rin kaya siyang bumalik sa pagho-host ng variety o game show?

 

 

“Parang hindi pa time,” lahad ni Michael V. o Bitoy. “There’s a reason why I left Eat Bulaga before. I think it’s the same reason kung bakit hindi pa siguro ako sasabak.”

 

 

Naging Dabarkkads o host ng Eat Bulaga si Bitoy mula 2004 hanggang 2016 at inihayag niya na umalis siya noon sa EB dahil sa dami ng proyekto na kailangan niyang harapin.

 

 

Sa ngayon, kabilang sa mga programang ginagawa ni Bitoy sa GMA ang Bubble Gang at ang sitcom na Pepito Manaloto.

 

 

***

 

 

AYON kay Elle Villanueva hindi niya pinakikialaman ang telepono ng kanyang nobyong si Derrick Monasterio.

 

 

“Hindi ko rin hinihingi yung password niya,” kuwento ni Elle.

 

 

“Wala po kaming access to our private accounts so I never saw his, puwera na lang kung may ipapa-check sa akin.

 

 

“Pero hindi ko naman tsini-check masyado yung messages niya.

 

 

“Pero wala naman kasing reason para pagselosan kay Derrick. So thank God,” bulalas pa ni Elle.

 

 

Ayon pa kay Elle, kailangan ding may unawaan ang isang magkasintahan tungkol sa kanyang trabaho bilang artista.

 

 

“It should be normal for us to be working with a different partner na merong touch, may kiss. So I think that’s fine kasi we chose this e,” saad pa ni Elle.

 

 

Bida sina Elle at Derrick sa ‘Makiling’ ng GMA.

 

 

***

 

 

SINABI mismo ni Ruru Madrid na fake news ang kumalat na balitang walang medic sa set ng ‘Black Rider’.

 

 

Bunga ito ng nag-viral na video na kuha behind the scenes sa seryea kung saan makikitang humahagulgol ang aktres na si Rio Locsin habang inaalalayan siya ni Ruru.

 

 

May nagkalat agad ng isyu na walang medic na umalalay kay Rio na noon ay hindi umano makahinga.

 

 

At lahad ni Rio bilang depensa, “Wala pong kapabayaanan na nangyari sa set ng Black Rider. May medics po kami, mayroon po kaming mga ambulansiya, mayroon kaming mga security officers. Alagang alaga po ako sa set at wala pong untoward incident.

 

 

“No medical issues. Hindi po ako inatake ng hika, wala po akong hika. Hindi rin po ako nagkaroon ng anxiety attack, wala pong ganoon. Yun lang po talaga, mabigat lang po talaga yung eksena.”

 

 

Masyado lang kasing mabigat at emosyonal ang mga eksenang kinunan nila noong araw na iyon.

 

 

“Since naka pang-apat na siya, masyado nang mataas yung emosyon ko na pagdating doon sa ika-fourth scene, hindi ko na siya mapigilan kahit after the scene,” paglilinaw ni Rio.

 

 

Kaeksena ni Rio dito si Ruru na makikita sa video na niyayakap si Rio at binibigyan pa ng tubig.

 

 

Lahad naman ni Ruru, “Imposible pong walang medic sa set dahil hindi po natin alam kung ano po yung mga puwedeng mangyari sa atin during doon sa time na nagtatrabaho po tayo.

 

 

“At the same time, bukod po sa medic, mayroon tayong naka-standby na mga kapulisan po natin. May naka standby din po tayong mga firefighters.”

(ROMMEL L. GONZALES)

Mga ospital ng DOH, nakahanda sa mga banta ng El Niño

Posted on: March 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKAHANDA ang mga ospital ng Department of Health sa mga banta dulot ng El Niño phenomenon.

 

 

Kaugnay nito, tiniyak ng ahensiya na hindi maaantala ang heallth services para sa publiko.

 

 

Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa mayroong nakalatag na contingency plan ang DOH sakaling makaranas ng kakapusan ng tubig at kuryente ang mga ospital sa bansa.

 

 

Liban dito, gumagawa na rin ng mga angkop na hakbang ang Presidential Task Force on El Niño Response para matugunan ang posibleng kakapusan ng tubig at kuryente.

 

 

Nag-endorso na rin ang Health Emergency Management Bureau – Response Division ng DOH ng listahan ng health facilities na may mga isyu sa tubig at kuryente para maprayoridad sakaling magkaroon ng kakapusan.

 

 

Dagdag pa ng kalihim na kasalukuyan ng nakikipagtulungan ang DOH sa lahat ng health facilities sa buong bansa sa pag-assess ng kanilang kahandaan sa El Niño at kung paano mapapabuti pa ang kanilang estratehiya at plano kasabay ng pag-peak ng naturang weather phenomenon.

 

 

Una ng iniulat ng state weather bureau na nasa 15 probinsiya ang maaaring makaranas ng ng dry conditions habang 22 probinsiya naman ang makakaranas ng dry spell at 30 naman ang maaaring makaranas ng tagtuyot dahil sa epekto ng El Niño na inaasahang magtatagal pahanggang Mayo ng kasalukuyang taon. (Daris Jose)