• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 18th, 2024

GMA Network, muling humakot sa NYF TV & Film Awards: Docu-program ni ATOM, nakasungkit ng World Gold Medal para sa ‘Batas Bata’

Posted on: April 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TAAS-NOONG nag-uwi ang GMA Network ng pitong medalya – kabilang na ang isang World Gold medal – mula sa 2024 New York Festivals TV & Film (NYF) Awards. Ito ang unang pagkakataong nanalo ang lahat ng shortlisted entries ng GMA.

 

 

Sa ginanap na virtual Storytellers Gala nitong April 17 (Philippine time), nakakuha ng anim na medalya ang GMA Public Affairs.

 

 

Muling nasungkit ng bi-monthly public affairs program na “The Atom Araullo Specials” ang World Gold Medal para sa dokumentaryong “Batas Bata” (Child’s Game) sa Documentary: Social Justice category. Ipinakita sa episode na ito ang pagsiyasat ni Atom Araullo sa buhay ng mga menor de edad na nasasangkot sa mga krimen at kaguluhan sa Maynila.

 

 

Nanalo rin ang “Hingang Malalim” (One Deep Breath) ng “The Atom Araullo Specials” ng Silver Medal sa ilalim ng Documentary: Human Concerns category. Tampok dito ang buhay ng mga Badjao ng Mindanao na ang kabuhayan ay ang pagsisid ng mga perlas.

 

 

Nag-uwi naman ng tatlong medalya ang flagship documentary program ng GMA Public Affairs na “I-Witness.”

 

 

Nasungkit ng dokumentaryo ni Atom na “Bawat Barya” (The Price of Dreams) ang Silver Medal sa Documentary: Social Issues category. Napanood dito ang kuwento ng dalawang batang lalaki na naghahanap ng mga barya sa maduming tubig pandagdag sa kita mula sa pangangalakal.

 

 

Nakakuha naman ng Bronze Medal ang mga dokumentaryong “Boat to School” ni Howie Severino at “Sisid sa Putik” (Rise from the Mud) ni Mav Gonzales.

 

 

Ipinapakita sa “Boat to School,” na nanalo sa ilalim ng Documentary: Heroes category, ang buhay ng mga estudyante sa Liaonan, Siargao na kinakailangan pang maglakbay sa dagat para lang makapunta sa eskuwelahan.

 

 

Tampok naman sa “Sisid sa Putik,” na nanalo ng Bronze Medal sa Documentary: Community Portraits category, ang lumang tradisyon ng mga residente ng Agusan Del Norte sa pagsisid sa tubig para makakuha ng putik na gagamitin sa pagtatanim ng frog grass.

 

 

Umarangkada rin sa global stage ang action-packed series ng GMA Public Affairs na “Black Rider” na nanalo ng Bronze Medal sa Entertainment Program: Drama category. Ito ay pinagbibidahan ni Primetime Action Hero Ruru Madrid.

 

 

Nagwagi naman ang dokumentaryo ng GMA Integrated News (GMAIN) na “Sundo: A GMA Integrated News Documentary” ng Bronze Medal sa News Program: News Documentary/Special category. Ito ang kauna-unahang news documentary na handog ng GMAIN 360. Kuwento ito ng mga Pilipinong naipit sa digmaan mula sa mga mata nina veteran journalists Raffy Tima at JP Soriano, at Video Journalist Kim Sorra.

 

 

Kinikilala ng New York Festivals TV & Film Awards ang mga content mula sa mahigit 50 bansa. Ang GMA Network ang katangi-tanging local broadcasting company na mayroong shortlisted entries ngayong taon.

 

 

Para sa updates sa GMA Network, bisitahin ang www.gmanetwork.com at www.gtv.ph.

(ROHN ROMULO)

Two Young Souls Navigate the Unpredictable Twists and Turns of Fate in “When Magic Hurts”

Posted on: April 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

‘WHEN Magic Hurts’ is a romantic comedy film about a docile young guy, Ernest (played by Beaver Magtalas) and a miserable girl, Olivia (played by Mutya Orquia) stumble upon each, other in the breathtaking mountains of Atok, Benguet and find comfort mutually with the help of love and magic.

 

Synopsis: “In the stunning Atok Mountain of Benguet, fate orchestrates an encounter between a young man and a woman who each carry their own burdens. The young man is determined to prove himself to his parents, while the young woman is still reeling from the loss of both her parents.

 

“Once a believer in magic, the young woman now finds herself disillusioned and unable to trust in its power. But when their paths cross, a spark ignites between them, and they find solace in each other’s company.

 

“Will this meeting be the start of something magical, or will their pasts continue to haunt them? Can magic truly fulfill our deepest desires, or will only lead to heartbreak and despair? Get ready for a breathtaking adventure filled with hope, love, and the mysteries of the universe as these two young souls navigate the unpredictable twists and turns of fate.”

 

In the minds of young children, the word ‘magic’ brings joy and delight.

 

Imagine a word where magic is promised to be the answer to all your problems. A word where it’s believe that all your heart’s desires can be fulfilled with just a wave of a wand. But what happens when that magic becomes the source of your pain? What happens when the very thing you believed in turns against you?

 

What if you’re Olivia? A child who was promised the hope of magic, but now sees it a source of pain. How can she trust and believe that magic will fulfill the desires of her heart and mind? The very thought of it fills her with doubt and fear.

 

What if you’re Ernest? A child who promised to do everything in his power to keep his family together. How can he reconcile the desire of magic of love with the choice between his heart and his resolve? He’s torn between his family and his own dreams.

 

In a place where everything is seemingly controlled by magic of love, how can Trixie (Maxine Trinidad) fight for her feelings when she knows that doing so could end up hurting everyone involved? The stakes are high, and she must choose between her heart and the greater good.

 

The cold and beautiful Atok Mountain of Benguet will bring to life a cast of characters who we will come to know and love.

 

“When Magic Hurts” is written and directed by Gabby Ramos and co-written by Jerome Baguio. Showing in PH cinemas in May and it will have another premiere night at SM City Cabanatuan on April 19.

(ROHN ROMULO)

MMDA: Paghuli at pagtiket sa mga e-bikes, e-trikes simula na

Posted on: April 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
BABALA pa lamang ang ginawa ng mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority sa mga lumabag sa MMDA Regulation No. 24-002 o ang pagbabawal sa mga e-bikes, e-trikes, tricycles, pedicabs, pushcarts, at kuliglig  sa pagtawid sa mga national roads.
“Ang mga lumalabag sa regulasyon ay sinita pa lamang at ipinaalam sa kanila ang regulasyon. Hindi pa natin huhulihin at iisyu ang citation ticket sa kanila,” ani Artes.
Simula sa Abril 17 pa ang panghuhuli at pag-iisyu ng citation tickets, dahil ang Abril 15 at 16 ay dry run lamang na bahagi ng information drive ng regulasyon at nilalayon upang maging pamilyar sa mga gumagamit ng mga nasabing sasakyan.
“Starting Wednesday, we will apprehend violators of the prohibition. Violators will be fined P2,500; and if the driver has no license and the vehicle has no registration, it will be subject to impoundment,”saad pa nito.

“Alongside the progress of our province, we are given the opportunity to provide many opportunities for our fellow citizens, such as the gathering we are having now, which promotes the importance of sports, shaping, awareness, and good behavior of our youth” – Fernando

Posted on: April 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
CITY OF MALOLOS – “I want to praise and thank our Lord God for the fulfillment of this meaningful day. Alongside the progress of our province, we are given the opportunity to provide many opportunities for our fellow citizens, such as the gathering we are having now, which promotes the importance of sports, shaping, awareness, and good behavior of our youth. The support we receive from BUCAA warms our hearts. Now, we have a sports competition at the collegiate level to be proud of.”
This was the opening message of Governor Daniel R. Fernando as he spearheaded the opening ceremony of the first season of Bulacan University and Collegiate Athletic Association (BUCAA) alongside Vice Governor Alexis C. Castro and the Provincial Youth, Sports and Development Office that was held at the Baliwag Star Arena, City of Baliwag, Bulacan yesterday.
Grateful for the warm and enthusiastic start of BUCAA, Fernando also reminded the 32 collegiate and university participants to approach sports with passion and sincerity and to give their best effort in the upcoming games.
“Maglaro kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan niyo, ang tagumpay ay hindi lamang nakikita sa medalya, sa maiuuwing premyo o sa tropeyo na inyong nakamit. Sinasalamin din natin ang masasayang alaala at mga kaibigang mabubuo ninyo sa kumpetisyong ito. Enjoy every game, give it all—win or lose,” Fernando said.
Meanwhile, for the BUCAA opening cheerdance competition, the Polytechnic University of the Philippines – Sta. Maria Campus clinched the champion title, securing a grand prize of P200,000, a trophy, and individual medals. Other notable teams included Bulacan State University – Meneses Campus in 1st place with P150,000 and a trophy, Dalubhasang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag in 2nd place with P100,000 and a trophy, and Academia de San Lorenzo Dema-Ala, Inc. in 3rd place with P60,000 and a trophy.
Special awards were also given to Richwell Colleges who won Best Uniform for Basketball Team and Polytechnic University of the Philippines – Sta. Maria Campus who won Best Uniform for Cheerdance Team, each receiving P20,000; while Charmaine Alexis Cruz of Bulacan State University – Meneses Campus won 1st Place for Best Muse along with P20,000 cash prize, Jolina Andan of Marian College of Baliwag in 2nd place and got P10,000, and Ma. Christina Dreu of Dalubhasang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag in 3rd Place and took home P5,000.
Also present in the opening event were Baliwag City Mayor Ferdinand V. Estrella, Board Members Casey Tryone E. Howard, Romina D. Fermin, Lee Edward V. Nicolas, Romeo V. Castro, Jr., and Cezar L. Mendoza, Governor’s Office Chief of Staff, PYSDO OIC and Tournament Director Atty. Nikki Manuel Coronel, Provincial Cooperative and Enterprise Development Office Head Atty. Jayric L. Amil and Provincial Public Affairs Office Head Katrina Ann Bernardo-Balingit.

PBBM, ipinag-utos sa DOE na tugunan ang power situation

Posted on: April 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Energy (DoE) na kagyat na tugunan ang energy situation sa bansa kasunod ng red alert na deklarasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

 

 

“In light of the recent Red and Yellow Alerts in the Luzon Grid, I have instructed the Department of Energy to closely monitor and coordinate with all stakeholders to address the situation,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang post sa X (dating Twitter).

 

 

Inatasan din ng Pangulo ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na “to set the standard in conserving energy and minimizing power consumption.”

 

 

“At this time, it is crucial that we all work together to ensure a stable power supply for the next couple of days. Let’s adopt energy-efficient practices and stand together to overcome this challenge,” dagdag na wika ng Chief Executive.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ng NGCP na ang grid ay kasalukuyang nasa ilalim ng red alert matapos na puwersahang itinigil ang 20 power plants na naging dahilan ng power interruptions sa ilang lugar.

 

 

Sa kabilang dako, ipinahihiwatig ng red alert status na ang power supply ay ‘insufficient’ o kapos na matugunan ang demand ng mga konsyumer at ang regulating requirement ng transmission grid.

 

 

Samantala, inanunsyo ng Meralco na maaari silang magpatupad ng one-hour manual load dropping (MLD) o rotating power interruptions sa pagitan ng alas- 2:00 ng hapon hanggang alas-4:00 ng hapon sa franchise area nito kasunod ng naging deklarasyon ng NGCP na red alert sa Luzon grid. (Daris Jose)

Voters Registration, idinaos sa Kampo

Posted on: April 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
IDINAOS noong Lunes ng Commission on Elections (Comelec) ang kauna-unahang voter registration sa loob ng Camp Darapanan at Camp Abubakar ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) .
Pinangunahan ng mga opisyal ng Comelec sa pamumuno nina chair George Garcia at Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr.ang pagbubukas ng dalawang araw na Register Anywhere Project (RAP) kung saan pumila ang mga aplikante ng maaga bago ang alas 7.
“This is historic as, several years back, no one can enter here, whether uniformed or civilian. No registration has ever been held inside Camp Darapanan. Now, we are inside the camp. It only shows that life is normal inside Camp Darapanan and even in Camp Abubakar. These are places, where we wouldn’t even dream of holding voter registration,” sinabi ni Garcia  sa press conference.
Bukod sa pagpaparehistro, tinatanggap at pinoproseso din ng RAP ang paglilipat ng record, reactivation at correction ng mga pangalan.
Sa ilalim ng RAP, sinumang kwalipikadong aplikante na naninirahan saanman sa Pilipinas ay maaaring magparehistro sa pamamagitan ng pagsusumite ng kanilang application form at documentary requirements, at pagkuha ng kanilang biometrics onsite.
“Our instructions to the local Comelec is to return here and hold registration activities as long as there are applicants left,” sabi ni Garcia
Ang espesyal na botohan ay maaari pang isagawa sa mga kampo sa Mayo 2025 kung may sapat na mga rehistradong botante.
“We will try that on election day, if the estimated 5,000 voters here in Camp Darapanan are registered, to bring the new voting machines here and allow them to cast their votes,”dagdag pa ni Garcia .
Sinabi ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Chief Minister Ahod Ebrahim na hihikayatin nila ang mas maraming tao na magparehistro.
“We have had difficulties registering in the past. With this, we will try our best that all of Bangsamoro can register and vote. Maganda itong ginawa ng Comelec kasi nilapit nila itong registration sa mga gustong makaboto (This activity of the Comelec is good because they brought the registration activity for those who would want to sign up as voters),” sabi ni Ebrahim. GENE ADSUARA

PINURI ni Mayor John Rey Tiangco ang nasa 60 persons who used drugs

Posted on: April 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Mayor John Rey Tiangco ang nasa 60 persons who used drugs (PWUDs) na nagtapos sa Bidahan, ang community-based treatment and rehabilitation program (CBDRP) ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagpapasya na talikuran nila ang kanilang bisyo at gumawa ng bagong buhay para sa kanilang sarili at kanilang pamilya. (Richard Mesa)

60 dating drug users nagtapos sa rehab program ng Navotas

Posted on: April 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa 60 persons who used drugs (PWUDs) ang nagtapos sa Bidahan, ang community-based treatment and rehabilitation program (CBDRP) ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas.

 

 

Kasama sa Bidahan ang anim na buwan ng Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) at isa pang anim na buwang aftercare.

 

 

Kasama sa batch ng rehab completers ang 20 mula sa primary care program ng lungsod at 13 mula sa barangay CBDRP, habang 27 ang natapos na aftercare program.

 

 

Sa ilalim ng programa, ang mga kalahok ay dumaan sa isang serye ng lingguhang psychoeducation lectures, counseling sessions, group therapy sessions, relapse prevention sessions, at life skills training.

 

 

Sumasailalim din sila sa random drug testing upang matiyak ang kanilang pagsunod sa programa.

 

 

Pinuri ni Mayor John Rey Tiangco ang mga kalahok sa pagpapasya na talikuran ang kanilang bisyo at gumawa ng bagong buhay para sa kanilang sarili at kanilang pamilya.

 

 

“Admitting your addiction is the first step towards self-transformation. Your graduation today is just the beginning of your journey to complete healing and recovery,” ani Tiangco.

 

 

“Strive to improve and be a better version of yourselves every day. Your family will always be there to provide all the love and support you need,” dagdag n iya.

 

 

Bukod sa Bidahan, nagpapatupad din ang pamahalaang lungsod ng mga karagdagang programa para palakasin ang kampanya laban sa droga. Kabilang dito ang drug awareness at prevention lectures sa mga estudyanteng Navoteño; random at mandatory drug testing para sa mga empleyado ng city hall at barangay, mga benepisyaryo ng programa, at iba pa; at drug-clearing ng mga barangay.

 

 

Mula noong 2023, 13 sa 18 barangay sa Navotas ang idineklara nang drug-cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency. (Richard Mesa)