• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2024

Ads April 27, 2024

Posted on: April 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Naiyak at natakot sa ilang misyon sa ‘Running Man PH’: KOKOY, hindi inaasahan na malalasing kasama si ANGEL

Posted on: April 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LALO pang pinainit ng mga sexy hunks ng Sparkle ang summer sa pamamagitan ng kanilang short video na Boys of Summer.

 

Pinakanatuwa ay ang mga beki dahil napagsama ng Sparkle ang mga pinapantasya ngayong mga lalake on television. This time ay mga pawisan sila sa paglaro ng basketball.

 

May kanya-kanya nga raw na paraan ang Boys of Summer para mapanatili ang kanilang six-pack abs at mga firm muscled arms and legs.

 

Matatawag na Gym Rats or mga mahilig magbabad sa gym para mag-workout sina Kelvin Miranda, Jeff Moses, Vince Maristela, Yasser Marta, Royce Cabrera at Bruce Roeland.

 

Samantalang sa paglaro ng iba’t ibang sports ang hilig gawin nila Prince Carlos, Raheel Bhyria, Matthew Uy, Radson Flores, Mclaude Guadaña, at Dustin Uy.

 

Mapapanood naman sa kanya-kanyang mga teleserye ang mga boys tulad sa ‘Black Rider’, ‘Abot-Kamay Na Pangarap,’ ‘Makiling’, ‘Asawa Ng Asawa Ko’ at sa upcoming na ‘Sang’gre’.

 

 

***

 

HANDANG-HANDA na ang cast ng ‘Running Man Philippines’ season two na mapanood ng viewers ang kanilang mga nakakaaliw na misyon sa pagbabalik ng most-watched reality game show on Philippine TV noong 2022.

 

Bukod sa pagbabahagi ng kanilang experience sa ‘Running Man Philippines’ season two na kinunan sa South Korea during winter, nagkabukingan din ang runners na sina Mikael Daez, Miguel Tanfelix, Kokoy De Santos, at Angel Guardian.

 

Aminado si Kokoy na naiyak at natakot siya sa ilang misyon dahil takot siya sa heights, tubig, at horror.

 

Hindi rin niya inaasahan na malalasing siya kasama si Angel Guardian sa isang misyon.

 

Paliwanag ni Angel: “Sobrang saya no’ng misyon. Hindi po kasi namin in-expect na at one point, iinom kami sa mission tapos hindi namin natapos itong particular mission na ito. Ang ending nalasing kami.”

 

Kahit riot ang bawat misyon, maganda pa rin daw ang samahan nila, ayon kay Mikael.

 

Aniya, napamahal na siya sa kanyang kapwa runners. Gayundin si Miguel na bagong pasok sa season two.

 

 

Kwento niya, “Sabi sa ‘kin ni Ysabel (Ortega), tuwing kasama ko daw yung runners, sobrang authentic daw ako makitungo sa kanila. Sa iba, kumbaga, careful ako, conscious ako.”

 

 

***

 

FOR the first time in the pageant’s history, gaganapin ng Miss Universe Philippines national costume competition sa Mindanao.

 

Ayon sa post sa social media: “The Miss Universe Philippines organization announced that this year’s national costume competition, one of the pageant’s most popular segments, will be held at the province of Sultan Kudarat. The competition won’t be the only thing happening during the organization’s first visit to Mindanao, there will be tours, a parade, and charity events scheduled.”

 

The national costume competition ang latest challenge ng 2024 Miss Universe Philippines delegates. Nagbukas din ang organization ng online voting for the pageant’s swimsuit challenge. Ang mananalo sa online vote ay mag-advance sa semi-finals.

 

And MUP coronation night ay magaganap on May 22 at the SM Mall of Asia Arena.

 

Ang current titleholder ng Miss Universe Philippines ay si Michelle Marquez Dee na nakapasok sa Top 10 ng Miss Universe 2023 sa El Salvador.

(RUEL J. MENDOZA)

Nakatulong ang tiwala kay Ruru kahit kabado: JILLIAN, na-enjoy nang husto ang ginawang crossover sa ‘Black Rider’

Posted on: April 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BONGGA naman talaga ang crossover sa GMA, kaya napanood si Jillian Ward bilang si Dra. Analyn Santos ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ sa ‘Black Rider’ ni Ruru Madrid as Elias.

 

 

Na-excite si Jillian sa bagong experience niyang ito.

 

“Actually po, nag-action na rin ako noong bata ako sa Captain Barbell. Doon naman, sidekick ako ni kuya Richard (Gutierrez).

 

 

“Nagha-harness din ako dati and everything pero ngayon ko lang na-try na may eksena ako sa motor na may bumabaril sa amin. Intense talaga siya,” kuwento ni Jillian.

 

 

“Na-e-enjoy ko naman siya, in fairness, kasi sina direk (Rommel Penesa), they make sure kumportable ako kahit kinakabahan ako doon sa baril na pumuputok.”

 

Nakatulong rin kay Jillian na may tiwala siya kay Ruru na kasama niya sa halos lahat ng eksena niya sa naturang crossover.

 

 

Lahad ni Jillian, “Ang ating Black Rider, Mr. Ruru Madrid, talagang naging kumportable din ako. Alam kong safe ako sa kanya dahil magaling siyang mag-motor and magaling siya sa mga actions scenes.

 

 

“Na-e-enjoy ko naman siya kahit kabado ako.”

 

***

 

 

STRESS ang dahilan kung kaya natutong mag-paint ang businesswoman na si Myse Salonga.

 

 

Bukod sa katuwang si Myse ng kanyang mister na doktor sa kanilang klinika at pharmacy ay may negosyo si Myse.

 

 

“Nag-put up ako ng business ko, rentals ng property, bumibili kami ng condo, yung mga pre-selling, tapos warehouse, house and lot. Until now, iyon talaga yung negosyo ko.

 

 

“Alam mo bang nai-stress ako doon, kasi may sarili akong business, nai-stress ako! Eto na pumasok na yung painting ko.

 

 

“Parang gusto kong mag-paint. Wala akong formal education sa painting.

 

 

“Actually pinatayo namin itong bahay na ‘to thirteen years ago, ako mismo nag-design nito, ako mismo nag-interior, talagang nangialam ako sa architecture nito, sa engineering nangilam ako ako sa design nito.

 

 

“Tapos sabi ko since na-design ko naman ito try kong mag-paint. Tinry ko lang, isang canvass lang, nag-display ako, ‘Ay ang ganda pala!’

 

 

“Acrylic ang medium ko. Tapos nag-paint ako ng nag-paint.”

 

 

Kapag nai-stress si Myse, painting ang binabalingan niya.

 

 

“Doon ko nadiskbre na meron akong talent.”

 

 

Mahigit one hundred fifty paintings na ang naibenta niya.

 

 

At nitong Abril 1, 2024 sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng exhibit si Myse ng kanyang mga paintings, idinaos ito sa The Manor sa Camp John Hay sa Baguio City.

 

 

Ang opening ng kanyang exhibit ay dinaluhan mismo ng alkalde ng Baguio na si Mayor Benjamin Magalong na kaibigan ni Myse at iba pang mga kaibigang celebrity ni Myse, tulad ng actress/beauty queen na si Patricia Javier at travel show host/businesswoman Cristina Decena.

 

 

Ongoing hanggang June 1 ang exhibit ni Myse sa The Manor na ang beneficiary ay ang FAAB o Fashion of Arts Autism Benefit na nangangalaga ng mga kabataang may Autism.

 

 

Para sa mga karagdagang detalye at upang makita ang mga work of art ni Myse, maaaring bisitahin ang mga website na https://www.myseterpieceart.com/ at https://themanoratcjh.com/myse-art/ at https://www.facebook.com/share/p/RYd7fgWb4ddhFqUR/?mibextid=WC7FNe.r

(ROMMEL L. GONZALES)

Binuko ang kanta ni Liza para sa kanyang ‘ex’: ICE, nagiging emotional ‘pag kinakanta ang ‘Sana’y Wala Nang Wakas’

Posted on: April 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

EXCITING talaga ang upcoming concert ng Acoustic Icon na si Ice Seguerra ngayong May 10 and 11 sa Music Museum, ang ‘Ice Seguerra, Videoke Hits’ na sigurado kaming kakantahin niya ang mga sikat na songs sa videoke.

 

 

Nagpa-survey pa sila sa type nilang marinig na acoustic version ni Ice sa concert at ang lumabas sa Top 4 ay ‘Torete’, ‘Build Me Up, Buttercup’, ‘I Love You Goodbye’ at ‘You’re Still The One’.

 

 

May binuko naman si Ice sa kanyang wifey na si Liza Diño tungkol sa ikaapat kanta.

 

 

Say ni Ice, “Kasi kanta ni Liza ‘yun sa ex niya.”

 

 

Dagdag pa niya, “bukod dun hindi naman mawawala ang ‘Dancing Queen’, ‘I Will Surive’, ’Total Eclipse of the Heart’ at ‘Halik’. At bilang Sharonian ako, titira ako ng ‘Bituing Walang Ningning’ at ’Sana’y Wala Nang Wakas’.

 

 

“Isa sa mga favorite memories ko, birthday ko ‘yun, nagpunta kami sa resort ng barkada namin. Eh, medyo lasing na ako, hindi ko alam kung bakit napaka-emotional ko nang kinanta ko ‘yung ‘Sana’y Wala Nang Waaks’, feel na feel ko talaga.

 

 

“Umiiyak ako habang kumakanta ako, kinakantahan ko ang asawa ko. Di ba ‘yun kanta parang ang daming pinagdaraanan ng tao. Parang feel na feel ko talaga, na ang daming sacrificies for you (Liza). Ganun ako mag-videoke, fun.”

 

 

Kaya naman ipinarinig ni Ice ang acoustic version ng kanta, na tumahimik talaga ang lahat upang namnamin ang mapuso niyang pagkanta, na tiyak kaming maraming tatamaan sa manonood ng concert.

 

 

Natanong naman ni Liza kung anong kanta ni Ice na kinakikikigan niya.

 

 

“Araw Gabi talaga. Kasi si Ice, kapag kinanta niya `yon, sobrang landi. Tapos meron talaga siyang part na kapag kinanta niya, ‘yung ‘nalalasing sa tuwa’ alam mong may iniisip siya sa loob, na it’s a private thing that we have,” kuwento ni Liza at kasunod dito ay nag-sample si Ice ng naturang kanta.

 

 

Samantala, inamin ni Ice na 50 na kanta ang pinaghahandaan niya sa ‘By Request’ segment na may live poll sa magaganap sa 2-day concert, kaya malamang magkaibang top 3 songs, kaya kaabang-abang.

 

 

Wala raw special guest si Ice sa ‘Videoke Hits’.

 

 

“Si Ice may special guest? Ayaw nga niyang pakantahin ang mga guest niya. Adik, parang hindi siya naggi-gig, every week.

 

 

“Ice really loves to sing. Gustong-gusto niyang pini-please ang audience niya. Pag gustong-gusto niya ang audience niya, naa-appreciate siya, tuwang-tuwa siya, nabubuhayan siya, kaya umaabot ng tatlong oras ang mga shows niya,” sabi pa ni Liza.

 

 

Ini-reveal na rin ni Ice na makakasama niya si Moira dela Torre sa bagong album na may 12 original songs na ire-release sa Setyembre 2024 at malamang may birthday concert din siya.

 

 

Samantala, sa intimate birthday party namin last April 24, sobrang nakaka-touch na si Ice ang nagsimula ng videoke, na kung saan kinanta niya ang ‘The Way We Were’ at ‘Evergreen’ ng favorite naming si Barbra Streisand na birthday ng araw na ‘yun.

 

 

May bonus pa, dahil nag-duet pa sila ni Liza sa awiting ‘Superstar’ ng Carpenters na fave singer din namin. Kaya sobrang saya and memorable ang aming post 58th birthday celebration.

 

 

Muli, maraming-maraming salamat, Ice and Liza!

 

(ROHN ROMULO)

Ads April 26, 2024

Posted on: April 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

“GODZILLA X KONG: THE NEW EMPIRE” SMASHES ITS WAY TO THE TOP AS 2024’S BIGGEST MOVIE IN THE PH

Posted on: April 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

April 24, 2024– Titans reign as “Godzilla x Kong: The New Empire” has been the #1 movie in the Philippines since its release last March. The epic monster film is also the first and only movie of 2024 to reach past P100-M in the box office, taking the top spot for 4 consecutive weeks.

This along with the strong performance of Denis Villeneuve’s “Dune: Part Two”, marks Warner Bros. as the first studio to cross the $1 billion milestone for 2024. “Dune: Part Two” nears $700M globally, with “Godzilla x Kong: The New Empire” currently having a worldwide gross of $485M.

A team-up for the ages, “Godzilla x Kong: The New Empire” introduces a new threat to Hollow Earth: the villainous Skar King. Only the combined forces of the fearsome Godzilla and the massive Kong can hope to defeat Skar King and save mankind. Returning to helm the project from “Godzilla vs. Kong” is director Adam Wingard, and it stars Rebecca Hall, Bryan Tyree Henry, and Dan Stevens.

Catch the #1 film of the year and treat yourself to an epic meal as “Godzilla x Kong: The New Empire” partners with Burger Beast for a monstrous meal collaboration. Catch the limited time only Double Umami Burger and Double Crispy Chicken available now until April 29. Fans who have watched “Godzilla x Kong: The New Empire” can also present their movie ticket to Burger Beast branches and get P150 off their orders. Along with the discount with a minimum purchase of P500, fans who order the limited-time offer burgers can also take home special  “Godzilla x Kong: The New Empire” premium items.

“Godzilla x Kong: The New Empire,” now on its fifth week, is showing in Philippine cinemas.

(ROHN ROMULO) 

Inaabangan kung mauuwi sa kasalan ang relasyon: KC, pinatunayan sa post na ’di pa hiwalay sa Filipino-Swiss boyfriend

Posted on: April 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGING malapit kami sa ina ni Patrick at Cheska Garcia na si Mommy Bing Velasco.

 

Nung mga panahon nasa kainitan ng showbiz career ni Patrick at isa pa ang aktor sa miyembro ng Star Circle ng ABS-CBN.

 

When in fact sa ilang birthday parties namin ay laging present si Patrick kasama si Mommy Bing. Kaya kami man ay nabigla nang makarating sa amin ang balitang pumanaw na si Mommy Bing.

 

Ayon pa Kay Patrick ay heart attack raw ang ikinamatay ng ina niya na nasa 70 years old na.

 

Sey pa ni Patrick ay hindi raw niya akalain ganun karami ang nakiramay sa kanila.

 

“The family is overwhelmed by the sympathy given by our relatives and friends, thank you. Just please give us some personal time to grieve and process everything that has happened.”

 

Kuwento pa ng aktor na biglaan at hindi nila inaasahan ang pagkamatay ng ina nila.

 

Asikasong-asıkaso nina Patrick at punong-abala ang magkapatid, kasama ang kanilang mga asawa na sina Nikka Garcia at Doug Kramer sa pag-eestima ng mga nakikiramay sa pamilya sa Arlington Chapel, Araneta Avenue, Quezon City, simula Abril 23, Martes.

 

Ilang mga dating kasamahan sa showbiz ang nakiramay kina Patrick pero hindi pa namin namataan si Jennylyn Mercado at anak nila.

 

***

 

NATULOY na rin ang inaabangang pagpirma ng kontrata sa pagitan ng ALLTV at ABS-CBN.

 

Present sa contract signing sina Manny, Mark, at Camille Villar na napakara­ming tarps na paramdam ngayon sa Kamaynilaan, si­yempre magandang isipin na hindi sila makikialam sa content ng pero pag dating sa usapang pulitika pwede rin kayang hindi.

 

So, tuloy na ang pagpapalabas ng mga programang ‘TV’ Patrol at iba pang shows ng ABS-CBN sa istasyong pagpamamay-ari ng mga Villar.

 

***

 

ABSENT ang Filipino-Swiss boyfriend ni KC Concepcion na si Mike Wuethrich sa birthday salubong ng aktres pero nagpadala raw ito ng flowers at sweet messages sa card all the way from Switzerland.

 

Special mention pa nga ang kanyang boyfriend na tinawag niyang Swizzy na tila kanyang endearment doon at sinabing “Special thanks to Swizzy who is in Switzerland for sending me my first beautiful birthday blooms that lit up the mood and the whole room.”

 

So walang katotohanan ang kumakalat na isyung hiwalay na raw si KC at boyfriend nito, huh!

 

Tila ito ang sagot ni KC sa kumakalat na balitang hiwalay na sila.

 

Ilang araw lang after her birthday ay ang Swizzy naman niya ang nagselebreyt ng birthday at nag-post siya ng pagbati rito.

 

“happy birthday swizzy. thank you for being the player one to my player two. i enjoy every adventure you take me to and i’m proud to see you overcome every challenge life throws at you. i enjoy your smile when i see it so keep smiling!” bahagi ng kanyang mensahe kay Mike.

 

Wel, matutuloy na kaya sa kasalan ang relasyon nila ngayong 39 na si KC?
Let’s wait and see!

(JIMI C. ESCALA)

Nagustuhan niya ang pagiging totoo ng aktres: MARIAN, inihalintulad ni CHRISTIAN kay KIRAY

Posted on: April 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKAKAALIW ang interview ni Nelson Canlas kay Christian Antolin, ang content creator na aktor na ngayon na alaga ng kaibigan naming si Rams David ng Artist Circle Management.

 

 

Nasa cast ng ‘My Guardian Alien’ si Christian at sa ‘Updated with Nelson Canlas’ podcast ay nagkuwento si Christian, na gumaganap bilang si Sputnik sa serye, tungkol sa working relationship nila ng bida sa serye na si Marian Rivera.

 

 

Lahad ni Christian, “Fan po ako ni Ate Marian. Sobra. “Talaga nung MariMar, ginabi-gabi ko iyon.

 

 

“Kasi yung teleserye pa yun ng Mexicanovela, love na love ko yung MariMar na serye. Tapos nung naging siya sabi ko, ‘Ay ang perfect naman nitong maging MariMar.’ Simula nun, naging fan na ako.

 

 

“Hanggang sa Amaya, Darna, yun. Temptation of Wife, sobrang love ko na siya, naging fan na talaga ako niya, sobrang minahal ko na siya.

 

 

“And nung nakita ko siya personally, sabi ko ‘Hala! Para akong nananalamin,'” tsika pa ni Christian.

 

 

Ayon pa kay Christian, ang nagustuhan niya kay Marian ay ang pagiging totoo nito.

 

 

“Ang nagustuhan ko kay Ate Marian, parang Kiray, maihahalintulad sila, what you see is what you get.

 

 

“Kung ano siya sa personal, iyon yung magugustuhan mo at iyon yung dapat tanggapin mo,” sinabi pa ni Christian.

 

 

Tulad ni Christian ay co-star rin ni Marian sa ‘My Guardian Alien’ ng GMA si Kiray Celis.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Sa kanyang 40th anniversary celebration: GARY V, powerhouse ang guest stars sa ‘Pure Energy: One Last Time’

Posted on: April 26th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAGIGING bahagi ang mga fans ni Gary Valenciano (a.k.a. Gary V) ng OPM history as it unfolds ngayong weekend dahil naghahanda na ang iconic Filipino-Puerto Rican performer at inspirational icon, na kung tawagin ay Mr. Pure Energy para sa kanyang two-night musical spectacle sa SM Mall Of Asia (MOA) Arena ngayong Abril 26 at 27. Titled ‘Pure Energy: One Last Time’, ito ay once-in-a-lifetime industry event na ipapakita ang kanyang impressive 40-year career at pati na rin ang mga amazing talents ng kanyang guest performers. 

 

Bumuo si Gary V na nakipag-sanib pwersa kamakailan lang sa Star Magic ng powerhouse line-up of artists who will join him in celebrating his historic milestone.
Ang gifted singer-songwriter na si Bullet Dumas ang mag-o-open sa dalawang gabi. Nagtrabaho sina Bullet at Gary sa concert series na Gary V Presents nuong 2017 at sa Awit At Laro,” album sa awiting Jak En Poy.”

 

Featured din both nights sina Gabriel and Kiana, na may sari-sariling mga karera sa California. Proud si Gary kina  Gab at Kiana dahil nag-solo na sila sa kanilang mga karera kahit miss na miss na niya ang mga ito. Pero makaksama nila si Gary ngayon. Magsasama-sama din ang tatlong mga anak ni Gary dito dahil si Paolo Valenciano ang in charge sa creatives at stage direction.

 

Makakasama din ang mga pamangkin ni Gary na dating mga LSDC star dancers na sina Gio at Lianna Martinez. Kasama din ang fast rising P-pop group na BGYO at ang singer-songwriter na si Ebe Dancel. Ang rapper na si Gloc-9, who dropped the inspiring song Walang Pumapalakpak with Gary earlier this year under Universal Records, ang mag-peperform din both nights.

 

And speaking of dance groups, di kumpleto ang Gary V concert of this massive breadth and magnitude kung di kasama ang mga original at new generation Manoeuvres  dancers who have been with him since day one.

 

Kaya naman umuwi ang Canada-based na sina Jason Zamora at brother Joshua, at pati na rin ang founder at original choreographer ng grupo na si Uriel Policarpio, para makasama si Gary sa two-night extravaganza na ito.

 

Si Uriel, who flew in from overseas, ang choreographer ng ilan sa mga biggest hits ni Gary gaya ng Di Bale Na Lang, Hataw Na, Huwag Mo Na Sanang Isipin, Look in Her Eyes, Sa Yahweh Ang Sayaw, at Shout For Joy. The signature dance moves Uriel developed became a hallmark of Garys performances. This partnership helped propel both Gary and the Manoeuvres to greater fame. Makakasama din nina Uriel at ng Zamora brothers ang top street dance group na The A-Team.

 

Sinama din nina Gary at Paolo si MJ Arda ng A-Team to choreograph 40 dancers and an ensemble of 30 musical  theater actors and performing artists gaya nina RJ de la Fuente at Pam G.
This concert will also shine a light on one of Garys most enduring friendships: his bond with Concert King, Martin Nievera. Nung sila ay nagsimula nuong 1980s, they were often pitted against each other.

 

In a previous interview, Gary admitted that back then, they both did their very best to outdo each other, especially on the concert stage. Fans loved that rivalry but behind the scenes, Gary and Martin are actually very close. Over the years, Martin has been there for Gary, and vice versa.

 

He has seen Gary through the highest of highs Paolo’s birth as well as his wedding to Martins niece, Samantha  and the lowest of lows, including Garys health battles as well as the passing of his parents. Kaya naman tama lamang na kasama si Martin for both nights to celebrate with Gary.

 

Para naman sa April 26 show ngayong gabi, ang mga guests ni Gary ay ang chart-topping band ba Ben and Ben, former Supahdance groups lead star Rayver Cruz, the multi-talented Julie Anne San Jose, Prince of Pop Erik Santos, and Its Showtime host and singer-actress Karylle.

 

Sa April 27 naman, ang mga special guests ay ang acoustic hitmaker Ice Seguerra, dance prodigy AC Bonifacio, Total Performer Darren Espanto, and powerhouse vocalist Jona. Gary tapped them to join him because championing young talent has always been very important to him. Many of these young guns have had the opportunity to work with Gary before, and fans are eagerly anticipating what theyll bring to the stage this time.

 

Makakasama din ni Gary ang kanyang kapwa OPM icon, ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla para sa April 27 show. It should be noted that this marks the first mainstream live concert collaboration for a very long time between Gary and Zsa Zsa.

 

With musical direction by Mon Faustino, ‘Pure Energy: One Last Time’ is set to be a musical event of epic proportions. However, the title of the show initially led the public to assume the unthinkable: that he would officially retire from performing.

 

However, he has clarified that while he’s stepping back from headlining solo shows in large venues like arenas and domes, his passion for music and performing is as strong as ever and does not mind collaborating and doing back-to-back projects and solo concerts in relatively smaller but intimate venues but doing them as a series, perhaps inspired by his phenomenal sold-out ten-night series Back At The [Music] Museum last year. In some earlier interviews, he clarifies that he’s not retiring. He simply wants to spend more time giving back and doing more intimate shows.
When he first broke the news to the public, Gary wrote on Instagram, “Im celebrating 40 years of doing what Ive always loved most. And with gratitude in my heart for the One source of Pure Energy, I look forward to the new chapters, seasons, beginnings, and horizons that lie ahead. It’s time Lets Go Big ONE LAST TIME!!!”

 

Lahat ng proceeds ng Pure Energy: One Last Time ay susuporta sa Shining Light Foundation, isang NGO formed by the Valenciano couple with some friends in the late 80s, continuing Garys legacy of giving back through his music.

 

Tickets have been selling like hotcakes, with premium seats being snapped up quickly so dont miss out on what promises to be one of the most memorable musical experiences of the year! And already, an extension was announced recently for May 10 at the same venue.

 

For more information and exclusive updates, you can follow Gary on all his social media accounts: Instagram and TikTok (@garyvalenciano), X (@GaryValenciano1), Facebook (Gary Valenciano), YouTube (GaryValencianoOfficial), and Threads (@garyvalenciano).

 

(ROHN ROMULO)

‘Backpacker’, nagbayad ng P30K upang illegal na magtrabaho sa online gaming sa Thailand

Posted on: April 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NASABAT ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)  Terminal 3 ang isang 29-anyos na biktima ng trafficking ng tinangka nitong lumabas ng bansa  patungong Thailand.

 

 

Ayon sa BI’s immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) na sinabi ng biktima na mag-isa lamang ito bibiyahe bilang isang turista sa Thailand kung saan nagpakita ng round trip ticket   at identification card na nagtatrabaho sa isang manpower agency sa Pilipinas.

 

 

Subalit sa primary inspection pa lamang ay nakitaan na ng pabago-bagong  salaysay kaya ini-refer siya  ng secondary inspection pero sa isinagawang inspection  ay lumalabas na peke ang kanyang return ticket dahilan upang aminin nito na wala siyang planong bumalik  dahil magtatrabaho siya sa isang online gaming company sa Thailand.

 

 

Dagdag pa nito na ni-recruit lamang siya ng isang babae sa pamamagitan ng Telegram kung saan nagbayad siya ng halagang P30,000.

 

 

Sinabi ni I-PROBES Chief Bienvenido Castillo, III na ito ay isa nanamang kaso ng catpishing kung saan ang biktima ay pinangakuan ng trabaho sa online gaming na nauuwi sa pagiging scammers sa ibang bansa.

 

 

Paliwanag  ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang catpishing bilang isang online gaming ay isa nang malaking problema sa rehiyon sa Asya.

 

 

Ang modus operandi  nito ay nag-iimbita  sila na magtrabaho sa isang call center online gaming  pero nauwi   bilang catpishers kung saan ang target nila ay mga western men sa online dating apps at niloloko nila upang mag-invest sa isang  pekeng cryptocurrency accounts. GENE ADSUARA